Propesiya 53
“IBINIGAY KO SA INYO ANG TAGUMPAY!”
NASUSULAT/SINALITA SA ILALIM NG PAGPAPAHID NG RUACH HA KODESH SA PAMAMAGITAN NI APOSTOL ELISABETH ELIJAH (ELISHEVA ELIYAHU)
PINAKABAGONG PASOBER NA PROPESIYA
MARSO 28, 2002
(Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
Tunay nga AKING mga Anak na inyong hinaharap ang Pulang Dagat. Tunay nga AKING mga Anak na ang masamang Paro (Pharaoh) at mga hukbo ay nasa likuran ninyo, nguni’t AKING mga Anak tulad ng AKO ay nagbigay ng isang daan ng pagtakas para kay Moses at sa mga anak ng Israel, gayon rin ay AKING gagawin muli. AKING mga Anak, sa mga darating na mga araw makikita ninyo ang mga bagay na sasapit sa mundong ito na magpapa-iling ng inyong ulo at magtataka kayo at sasabihin ninyo, “Nasaan ang ating YAHUVEH at YAHUSHUA ngayon?”
Nguni’t panatilihin ang inyong pananampalataya at panatilihin ang inyong mga mata sa AKIN at makikita ninyo na ang Pulang Dagat (Red Sea) muling mahahati at kayo ay tatawid sa kaligtasan at ang mga kaaway ay mawawasak. Ang lahat ng mga yaong tumutugis sa inyo, ang lahat ng mga yaong humahabol sa inyo, sila ay mawawasak. Sapagka’t AKO ay si YAHUVEH at hindi AKO nagbabago. AKO ay si YAHUVEH at AKO ay pareho kahapon, ngayon, at magpakailanman. At sa pamamagitan ng Dugo ng AKING Anak na si YAHUSHUA, lumapit kayo nang may katapangan sa harap ng Trono at sinasabi ninyo sa AKIN nang may katapangan kung ano ang pangangailangan ninyo.
Sinasabi KO sa inyo sa araw na ito, ibinigay KO ang tagumpay. Sinasabi KO sa inyo sa araw na ito, bagaman si Elisheva ay nilayon na mamatay/patayin, sinasabi KO sa inyo sa araw na ito, na walang anumang layunin ang mga kaaway na gawin ang AKING papayagan na magawa. Sinasabi KO sa inyo, ibinigay KO sa inyo ang tagumpay, bagaman [nakikipaglaban] sa ilang oras ng may espada ng AKING Espiritu na nasa kamay, ang yaong pinto ay muling binuksan.
Muli, AKING mga Anak, nakita ninyo ang tagumpay. Ito ay hindi naging isang madaling tagumpay. Hindi KO kailanman ipinangako sa inyo na ito ay magiging isang madaling tagumpay. Kapag sinabi KO sa inyo na ito ay magiging isang tagumpay, tandaan lamang na walang sinuman ang nagsabi sa inyo na ito ay magiging madali. Ito ay totoo na ang AKING pamatok (yoke) ay kaginhawahan at ang AKING pasanin/paghihirap ay magaan, nguni’t AKING mga Anak mayroong isang presyo/halaga na babayaran para sa pagpapahid na AKING inilagay sa lahat ng inyong mga buhay.
Kaya kayo ay kumain sa kapistahan ng pasober na ito, huwag kayong magbulung-bulungan o magreklamo dahil sa halip gawin ninyo ito na may mapagpasalamat na puso at tandaan kung ano ang nangyari sa mga anak ng Israel. Tandaan ang mga anak ni Israel na naglalakbay ng 40 na mga taon. Hindi sana ito nangyari kung hindi sila nagbulung-bulungan , nagreklamo at nagmaktol. Nguni’t pinapalakad KO sila ng paikot-ikot, tulad ng sinasabi ng ilan, nagpagala-gala. Pinalakad KO sila ng paikot-ikot at sinubukan sila ng paulit-ulit.
Sinasabi KO sa inyo AKING mga Anak, sinasabi KO sa inyo ang katotohanan na ito, huwag magbulung-bulungan, huwag magreklamo, huwag magmaktol, anuman ang papayagan KONG mangyari sa inyo. Sa halip itaas ninyo ang inyong mga mata sa AKIN. Sa halip bigyan si YAHUVEH at YAHUSHUA ng kaluwalhatian. At mabatid na AKO lamang ang inyong tagapagligtas. At mabatid na tanging sa pamamagitan lamang ng dumaloy na Dugo ng AKING Anak na si YAHUSHUA, na mayroon kayong tagumpay. Sa pamamagitan ng sagradong Pangalan ni YAHUSHUA, kayo lamang ay may tagumpay. AKING ipinangako ito sa inyo kung susunod lamang kayo. Kung inyong ihihilig (incline) ang inyong tainga sa lahat ng sasabihin KO, sasabihin KO ito sa inyo AKING mga anak, mapapasainyo ang tagumpay. Tandaan, may malaking kapalit ang tagumpay. Tandaan, walang sundalo na pumunta sa isang labanan na hindi nakaramdam ng pagkapagod. Walang sundalo na sa isang pagkakataon ay hindi nais na tumakbo.
Nguni’t tandaan AKING mga Anak, tandaan ito na AKING ipinangako sa inyo ang tagumpay kung susunod lamang kayo, kung inyo lamang isasandal ang inyong tainga sa bawat salita na sasabihin KO, kung mananatili lamang kayo sa loob ng kabanalaan at mamuhay bilang isang halimbawa para makita ng lahat. Sasabihin KO ito sa inyo, AKING mga Anak, kayo at ang ministeryong ito ay makikita ang lubos na tagumpay. Makikita ninyo ang inyong mga kaaway na mamamatay sa AKING kamay lamang. Makikita ninyo ang inyong mga kaaway na tumatakbo sa AKING kamay lamang. Makikita ninyo ang mga kaaway na yuyuko at luluhod at tatanggapin/kikilalanin si YAHUSHUA bilang Panginoon at Tagapagligtas. At ito lamang ay magiging tulad ng AKING itinakda na ang tagumpay ay sa Pangalan ng AKING Anak na si YAHUSHUA. At malalaman ninyo anumang halaga ang inyong babayaran ay magiging karapat-dapat, sapagka’t binigyan KO kayo ng pribilehiyo/tanging karapatan na dalhin sa AKIN ang Kaluwalhatian sa pamamagitan ng inyong mga pagdurusa. Tulad ng mga propeta ng unang panahon, kapag kayo ay makikita ng mga tao na tumatayo, malalaman nila na ito ay sa pamamagitan lamang ng AKING Kamay na nagpoprotekta sa inyo at pinapatnubayan kayo sa lahat ng mga dako/paraan.
AKING mga Anak, Magsaya sa kapistahan ng Pasober na ito na ipinagkaloob KO sa inyo sa araw na ito. Salamat sa pagsunod sa AKIN, salamat sa pakikinig. Sapagka’t ang biyaya ng propesiyang Pasober na ito ay nilayon para sa iba at hindi lamang para sa inyo. Sabihin sa kanila kung nakaligtaan nila ang paggawa ng Pasober Seder, kahit sa isang mapagpakumbabang paraan, hangga’t kinikilala nila AKO, na AKO ang parehong YAHUVEH na nagpalaya/nagligtas sa mga anak ng Israel mula sa mga Taga-Ehipto at mula sa mga sumpa at mga salot na dumating. Sabihin sa kanila kung gagawin lamang ito ng AKING mga Anak sa isang mapagpakumbabang paraan at kilalanin AKO, anuman ang araw ng Kalendaryo, kung saan ang kanilang Pasober, ay kung saan [rin] ang kanilang pananampalataya at kung saan ang kanilang pananampalataya, ay kanilang magiging Pasober [rin].
Wikipedia:
The Passover Seder
/ˈseɪdər/ (Hebrew: סֵדֶר [ˈsedeʁ] ‘order, arrangement’; Yiddish: סדר seyder) is a Jewish ritual feast that marks the beginning of the Jewish holiday of Passover. It is conducted throughout the world on the evening of the 15th day of Nisan in the Hebrew calendar (with a calendar day reckoned to start at sunset). The day falls in late March or in April of the Gregorian calendar and the Passover lasts for 7 days in Israel and 8 days outside Israel. Jews generally observe one or two seders: in Israel, one seder is observed on the first night of Passover; many Diaspora communities hold a seder also on the second night. The Seder is a ritual performed by a community or by multiple generations of a family, involving a retelling of the story of the liberation of the Israelites from slavery in ancient Egypt. This story is in the Book of Exodus (Shemot) in The Hebrew Bible. The Seder itself is based on the Biblical verse commanding Jews to retell the story of the Exodus from Egypt: “You shall tell your child on that day, saying, ‘It is because of what the LORD did for me when I came out of Egypt.'” (Exodus 13:8) Traditionally, families and friends gather in the evening to read the text of the Haggadah, an ancient work derived from the Mishnah (Pesahim 10).[1][2] The Haggadah contains the narrative of the Israelite exodus from Egypt, special blessings and rituals, commentaries from the Talmud, and special Passover songs.
Ang Passover Seder
/ seɪdər / (Hebreo: סֵדֶר [sedeʁ] ‘order, arrangement’; Yiddish: סדר seyder) ay isang Jewish ritwal na kapistahan na nagmamarka sa simula ng Jewish holiday ng Passover. Ito ay isinasagawa sa buong mundo sa gabi ng ika-15 araw ng Nisan sa kalendaryong Hebreo (na may isang araw ng kalendaryo na itinuturing na magsisimula sa paglubog ng araw). Ang araw ay bumabagsak sa huli ng Marso o sa Abril ng Gregorian calendar at ang Passover ay tumatagal ng 7 araw sa Israel at 8 araw sa labas ng Israel. Ang mga Hudyo sa pangkalahatan ay namamasdan ang isa o dalawang seders: sa Israel, ang isang seder ay naobserbahan sa unang gabi ng Pasober; maraming mga komunidad ng Diaspora ang mayroong isang seder din sa pangalawang gabi. Ang Seder ay isang ritwal na isinagawa ng isang komunidad o ng maraming henerasyon ng isang pamilya, na kinasasangkutan ng isang pag-uulat ng kuwento ng pagpapalaya ng mga Israelita mula sa pagkaalipin sa sinaunang Ehipto. Ang kuwentong ito ay nasa Aklat ng Exodo (Shemot) sa The Hebrew Bible. Ang Seder mismo ay batay sa taludtod sa Biblia na namumuno sa mga Judio upang isulat ang kuwento ng Exodo mula sa Ehipto: “Sasabihin mo sa iyong anak sa araw na iyon, na sinasabi, ‘Dahil sa ginawa ng PANGINOON para sa akin noong lumabas ako sa Ehipto . “(Exodo 13: 8) Ayon sa kaugalian, ang mga pamilya at mga kaibigan ay nagtitipon sa gabi upang basahin ang teksto ng Haggadah, isang sinaunang gawain na nagmula sa Mishnah (Pesahim 10). [1] [2] Ang Haggadah ay naglalaman ng salaysay ng paglabas/pagpapalaya ng Israel mula sa Ehipto, mga espesyal na pagpapala at ritwal, mga komentaryo mula sa Talmud, at mga espesyal na awit ng Pasober.