Propesiya 79, AKO, si YAHUVEH ay sinasabi na, “Mga Tao, Hindi Ninyo Nakukuha/Nauunawaan ang Punto/Itinuturo!”

Propesiya 79

AKO, si YAHUVEH ay sinasabi na, “Mga Tao, Hindi Ninyo Nakukuha/Nauunawaan ang Punto/Itinuturo!”

Nasusulat/Isinalita sa ilalim ng Pagpapahid ng BANAL na ESPIRITU (RUACH HA KODESH)

Sa pamamagitan ni Apostol at Propeta Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)

Agosto 2, 2005 sa 4:00 ng umaga

******

Komento ng Editor: Ang Propetik na Salitang ito mula kay YAHUVEH ay isinama dahil ito ay nagbigay ng isang espirituwal na pundasyon kung saan ang mga karagdagang Propetikong Salita ay isinalita. Noong sinabi/sinalita ang Salitang ito ang Naghahating Espada ni YAHUVEH ay bumaba/dumating sa pagitan ng mga yaong ginagalang/pinagdiriwang ang KANYANG Tunay na Sabbath ng paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado at sa mga taong ayaw isuko ang gawa ng tao na Sabbath ng [araw ng] Linggo – ang araw na ang sinaunang mga Romano ay ipinagdiriwang ang kanilang araw (sun) na diyos.

Noong Agosto 1, 2005 laging naririnig ni Elisheva, “AKO, si YAHUVEH, ay sinasabi sa iyo Elisheva na sabihin sa mga tao, “Mga tao, hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/itinuturo!” Noong Agosto 2, 2005 habang sinasabi ni Elisheva sa dating site manedyer, isang makapangyarihang pagpapahid ay sumapit sa kanya habang siya ay nagsimulang manalangin sa Banal na mga wika at ang Propetik na Salitang ito ay lumabas.

*********

Sa ibaba ay ang Propesiya ayon sa paglabas nito

-Kasama ng “Banal na mga wika” ni Propeta Elisheva,” tulad ng ESPIRITU ng DIYOS na nagbibigay ng pagbigkas (Mga Gawa 2:3-4) ng Langit/makalangit o makalupang mga wika (1 Corinto 13:1) Si Elisheva ay nagsasalita ng mga wika (tongues) na nagbibigay/nagdadala ng Propesiya (1 Corinto 14:6)

Ito ay naglalaman ng HEBREONG mga PANGALAN ng DIYOS:

YAH/YAHU יה ay ang BANAL NA SAGRADONG PANGALAN NG DIYOS gayan ng “Alleluia” or “Hallelu YAH” הללו–יה na kung saan literal na nangangahulugang “Purihin si YAH”/”Praise YAH”: YAHUVEH/YAHWEH י-ה-ו-ה DIYOS ANG AMA; YAHUSHUA/YAHSHUA יהושוע ANG BUGTONG NA ANAK NG DIYOS-(HA MASHIACH המשיח ay nangangahulugan na “THE MESSIAH”; ELOHIM אלוהים na ang kahulugan ay “DIYOS.”)

Ang Rebelasyon ng “SH’KHINYAH GLORY” שכניה תפארה -bilang ang PERSONAL NA PANGALAN ng RUACH HA KODESH רוח הקדש, (sa Ingles ay “The HOLY SPIRIT”) ay nasa sayt/site rin na ito. (HA SH’KHINAH שכינה {SHEKINAH} ay Hebreo para sa PANANAHAN NG DIYOS, BANAL NA PRESENSIYA.)

Bukod Diyan, ang ABBA YAH אבא יה ay nangangahulugang “AMA YAH” at IMMA YAH אמא יה ay nangangahulugang “INA YAH.”

Ang mga sipi ng Banal na Kasulatan ay [mula sa] KJV or NKJV maliban na lamang kung ito ay ipinakita/ipinahiwatig. Pindutin sa Kanang footnote na mga numero upang buksan ang pangalawang tab (tandaan: ito lamang ay inilagay ng nagsasalin ayon sa nasusulat).

*********

Ang mga Salita ni YAHUVEH kay Elisheva upang idagdag bago ang mga Propesiya:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva],

na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae

kahit bago pa nagkaroon na ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu

dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay,

walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig.

Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan,

ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan.

At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sanang nabigo.

Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang BANAL NA HANGIN NG MULING PAGKABUHAY (Revival),

ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito.

“AKO ang PANGINOON na si YAHUVEH: iyan ang AKING PANGALAN: at ang AKING KALUWALHATIAN ay hindi KO ibinibigay sa iba, kahit na ang AKING KAPURIHAN sa mga inukit na istatwa (graven images)”. (Isaias 42:8).

(Propesiya 105)

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH ang Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] bilang isang babala sa mga taong manghahamak/mangungutya:

Nguni’t kanilang kinutya ang mga Mensahero/Sugo ng Diyos, kinamuhian ang KANIYANG mga Salita, at hinamak/dinusta ang KANIYANG mga Propeta, hanggang ang Galit ni YAHUVEH ay bumugso laban sa KANIYANG tao/bayan, hanggang sa wala ng kalunasan/kagamutan.
-2 Cronica 36:16

Pagkatapos, noong Hulyo 2016

Kapighatian sa sinuman na magkalakas loob na magtangkang saktan- ang dalawang pinahiran na ito. Pagsisisihan ninyo ang araw na kayo ay ipinanganak. Huwag hawakan/kantiin ang AKING pinahiran (anointed) o gawan ang dalawang mga Propetang ito ng anumang kapinsalaan/kapahamakan (Tingnan ang Awit 105:15; Ch [mga Cronica] 16:22). Mas mabuting para sa inyo, na AKO, si AMA YAHUVEH, ay punitin ang inyong dila!

(Propesiya 128)

At mula kay Propeta Ezra:

Ako ay binabalaan kayong lahat-ang mga yaong dumarating laban sa Ministri na ito AT SA MGA PROPESIYANG ITO at kay Elisheva at sa akin, ang lahat ng mga ministro ng AmightyWind Ministry-Binabalaan ko kayo ngayon, ‘Huwag hipuin ang mga Pinahiran ni YAH at huwag gumawa ng ikakapinsala sa KANIYANG mga Propeta’ (Mga awit 105:15; mga Cronica 16:22) baka ang poot ng tungkod/pamalo (rod) ni YAH ay dumating sa inyo. Nguni’t para sa mga yaong pinagpala at mga biyaya sa Ministri. At mga tapat at sa mga tumatanggap ng mga Propesiya, labis/higit ang pagpapala ang darating sa inyo-

Ang lahat upang protektahan kung ano ang pag-aari/kabilang kay YAH sa PANGALAN NI YAHUSHUA.

********************

Ang Simula ng Propesiya 79:

Agosto 2, 2005

Kung hindi ninyo AKO sinusunod ngayon at kung kayo ay nakokompromiso ngayon sa Araw na AKING inilaan bilang AKING Banal na Araw – ng Sabbath-at kung hindi ninyo iniisip na ito ay importante na sundin ang bawat isa sa AKING mga Kautusan (10 Commandments) – ano ang nagpapaisip sa inyo na kayo ay susunod sa panahon ng darating na Malaking Kapighatian?

Bakit kaya ito ay mas napakakomportable na makinig sa mga gawa ng tao na mga doktrina, sa tuwing binabaluktot/iniiba nila ang AKING mga Salita upang tumalima/umayon sa makasalanang imahe ng tao? Bagaman ang AKING ANAK na si YAHUSHUA ay ang inyong PAHINGAHAN (REST), SIYA ay hindi ang inyong Araw ng Pagpapahinga. Ang AKING ANAK na si YAHUSHUA ay HINDI isang araw (a day) at ang AKING pang-apat na kautusan ay malinaw na sinasaad na panatilihing Banal, ang AKING Sabbath na Araw ng Pagpapahinga.

Anong parte nito ang hindi ninyo naiintindihan? Oo, magpahinga kay/kasama si YAHUSHUA. Sapagka’t ang KANYANG pamatok (yoke) ay madali/magaan at ang KANYANG pasan/dinadalang bigat ay magaan/kaliwanagan (Mt 11:30), nguni’t wala itong kinalaman sa Sabbath na Araw. Hindi ba pinanatili/ipinagdiwang ni YAHUSHUA ang Sabbath?

Hindi KO ba ipinadala ang AKING ANAK na si YAHUSHUA bilang isang halimbawa sa inyo? Alam ba ninyo kung bakit KO ibinukod ang isang Araw ng Kapahingahan (Gn 2:1-3)? Hindi ba ninyo alam na ang Araw ng Sabbath ay magiging isang pagpapala sa inyo at hindi isang sumpa?

Malinaw na isinasaad ng AKING Pang-apat na Kautusan na panatilihing Banal ang AKING Araw ng Sabbath ng Pagpapahinga. Hindi ba ang Batas na AKING isinulat sa pamamagitan ng AKING Sariling Umaapoy na Daliri sa isang tableta ng bato (Ex 31: 18; Dt 9:10) at ibinigay kay Moses sa Bundok ng Sinai, “Ikarangal/Igalang ang AKING Araw ng Sabbath at panatilihin itong Banal” (Ex 20)?

Muli KONG tatanungin sa inyo, kailan, na ang AKING ANAK, na si YAHUSHUA, ay [naging] araw (day)? Tanungin ang inyong sarili, bakit babaguhin ni satanas ang araw ng Sabbath ng Linggo kung hindi ito gagamitin para sa kanyang layunin sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation)? Kung gayon, Huwag makinig sa mga tao na nangangaral [nito]. Dito matatagpuan ang tagumpay.

Ito ay nasusulat sa AKING Banal na Salita na AKO, si YAHUVEH ay hindi makapagsisinungaling.

Kung susundin ninyo AKO, mayroong mga Pagpapala at Tagumpay tulad ng nakasaad sa Deuteronomy 28. Mayroong mga sumpa sa mga tao na susuway/hindi susunod. Basahin at pag-aralan kung ano ang nakasulat sa Exodus 31: 12-17. Ang tunay na Sabbath (Araw ng Pagpapahinga) ay magiging isang palatandaan sa pagitan KO na si YAHUVEH at ang AKING mga tao, at ito ay gagamitin upang kilalanin kung sino talaga ang sumasamba at kung sino ang maglilingkod sa AKIN sa Malaking Kapighatian.

Sasambahin ba ninyo AKO si YAHUVEH at YAHUSHUA sa Tunay na Sabbath – ang paglubog ng araw sa Biyernes hanggang sa paglubog ng araw sa Sabado? O sa panahon ng Malaking Kapighatian kayo ay paglilingkuran at sasamba sa anak ni satanas sa Araw ng Linggo?

Kung hindi ninyo pinagdiriwang/pananatilihin ang AKING Banal na Araw ng Sabbath ngayon, ano sa palagay/ano ang nakakapagpaisip sa inyo na inyong gagawin ito sa oras na iyon, sa panahon ng Malaking Kapighatian kung saan ay isang hininga lamang ang layo?

Ito ang dahilan kung bakit AKO ngayon ay nagsasalita mula sa AKING Ringmaiden na ito –upang ang babalang ito ay tutunog sa buong mundong ito. Hindi ba ninyo alam, na ang mga tao na nagtuturo, na ito ay imposible na maging masunurin at maging Banal sa AKIN, ay gumagawa ng mga dahilan para sa kanilang sariling mga kasalanan?

AKO, si YAHUVEH, ay sinasabing, “[Kayong] Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/itinuturo!”

Ito ay hindi bukas para sa isang pagtatalo. [Ito] ay kung gagawin ninyo kung ano ang sinasabi KO, na si YAHUVEH o sa Malaking Kapighatian sa pamamagitan ng inyong mga kaluluwa kayo ay magbabayad. Ang mga tao na ibinangon/umunlad at sinabi, “Ako ang magiging hukom ni Elisabeth [Elisheva], Ako ang maging hurado ni Elisabeth [Elisheva],” mangagsisi ngayon o AKO ay inyong haharapin. At sasabihin KO, “Lumayo mula sa AKIN kayong manggagagawa ng kabuktutan/kasalanan” (Mt 7:23; Lk 13:27), sapagka’t AKO si YAHUVEH at hindi AKO nakikibahagi sa anumang pagtatalo. AKO LAMANG ANG HUKOM, AKO LAMANG ANG HURADO, AKO LAMANG ANG TAGAHATOL.

Ang mga ito ay HINDI mga salita ni Elisabeth [Elisheva].

Kayong mga mangangaral at mga huwad na mga propeta ng katampalasan ay inaaatake siya. Inyo siyang sinisiraan ng puri para sa Torah na AKING isinulat sa pamamagitan ng AKING Sariling daliri. Tinuturuan ninyo ang AKING mga tupa at AKING mga batang tupa na AKO ay nagbubulag-bulagan sa kasalanan. Mangagsisi ngayon! Sapagka’t AKO ay hindi isang DIYOS na si YAHUVEH na nagbago sa anumang paraan. Kayo na humahatol sa kanya, alisin ang puwing/dungis mula sa inyong sariling mata –bago ninyo subukang kunin ang puwing/dungis mula sa mata ng iba. Kayo ay marumi sa kasalanan. Kayo ay marumi sa rebelyon/paghihimagsik. Kayo ay marumi sa pagsuway. At kayo ay marumi sa pagmamataas.

[lumuhod] yumuko sa harapan KO, sapagka’t AKO si YAHUVEH ang inyong TAGAPAGLIKHA, ang MAGPAKAILANMAN/WALANG-HANGGAN (ETERNAL ONE). Naglakas-loob kayong sisihin ang AKING ANAK na si YAHUSHUA, bilang inyong dahilan upang magkasala! Naglakas-loob kayong tapakan/yurakan ang KANYANG DUGO sa ilalim ng inyong mga paa, gumagawa ng mga dahilan para sa inyong kasalanan! Yumuko sa harapan KO bago ito humantong sa malayo/lumala at wala nang daan pabalik sa AKIN (Heb 6:4- 6)! HUWAG ninyong Palungkutin/pahirapan (grieve) ang AKING RUACH HA KODESH [BANAL NA ESPIRITU]!

ANG AKING ANAK NA SI YAHUSHUA ay hindi dumating upang kanselahin ang AKING mga Batas.

ANG AKING ANAK NA SI YAHUSHUA ay dumating upang tuparin ang AKING mga Batas (Mate 5:17)

Magpasalamat kayo na hindi KO na kayo pinapanagot (wala ng pananagutan) para sa 613 na mga batas. AKO ay pananagutin kayo para sa Sampung mga Batas (10 commandments) at inyong tinataas ang inyong mga kamay/sumusuko at sinasabi na, “iyan ay labis para sa akin.”

Mas gusto ninyo makinig sa lalaki na nagbabago sa AKING mga Batas. Sinasabi nila sa inyo na ang pagpatay ng inosenteng mga sanggol sa sinapupunan ay hindi isang kasalanan. Ginagawa nilang legal ang pagpapalaglag.

Ang mga mangangaral ay nagtuturo sa inyong mga simbahan, “Huwag magsalita laban sa batas na ito.” Ang mga organisadong mga simbahan na nagpupulong sa araw ng Linggo ay tinanggap ang suhol ng mga gobyerno ng mundong ito. Tinanggap nila ang espiritu ng takot at isinusuot ito bilang mga kasuotan.

Nasaan ang AKING Banal na mga Ministro na hindi nagkipagkompromiso/nakipagkasundo at nagsasalita/nangangaral pa rin laban sa kasalanan? Ang inyong mga batas na gawa ng tao ay ginagawang legal ang kung ano ang sinabi KO na isang kasuklam-suklam – tinatawag nila itong “parehong kasariang kasal (same sex marriage).” Kahit na sa panahon ng Sodom at Gomora ay hindi nagkaroon ng katulad ng “parehong kasariang kasalan.” Kahit na sa panahon ng Sodoma at Gomora ay hindi nagkaroon ng katulad ng ganoong mga kasalanan bagaman ang mga kasuklam-suklam ng homoseksuwalidad ay laganap. Nguni’t, hindi sila naglakas loob na tawagin itong isang na kasal/pag-aasawa!

Huwag paniwalaan ang mga kasinungalingan na nagtuturo ng “minsang naligtas, ay laging ligtas” (Ezk 33:12). HUWAG paniwalaan iyon, sapagka’t si YAHUSHUA ay nagbayad ng [malaking] halaga sa Kalbaryo – ngayon wala na itong halaga –na maaari na kayong magkasala, na maaari kayong sumandal ng malapit sa gilid ng impyerno hanggang sa gusto ninyo sapagka’t kayo ay nagsalita/nagsabi ng isang kaligtasan na panalangin [salvation prayer] (Mt 7:21-23).

Sa palagay ninyo na hindi ninyo kailangang maglagay ng anumang gawa sa likod nito at kayo pa rin ay garantisado na pumasok sa pintuan ng Langit. Lumayo mula sa AKIN kayong manggagawa ng katampalasan/kasamaan! Ayaw KO ng makarinig ng anumang dahilan ninyo. Kayo man ay maging Banal (Either you will be Holy) o sasabihin KO sa inyo, ‘Manggagawa ng kabuktutan/Kasamaan, hindi KO kayo kailanman kilala.’

AKO si YAHUVEH ay sinasabi na, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/Itinuturo!”

Nakikinig kayo sa mga taong ito ngayon at umuupo kayo sa inyong mga simbahan pinaniniwalaan ang mga kasinungalingan na ang araw ng Linggo ay ang Sabbath o ito ay walang pagkakaiba kung aling araw ang Sabbath. Inyong pinaniniwalaan ang mga kasinungalingan ng kapwa mga mangangaral at ng ilang mga rabbi (guro) na itinuturo na walang masmalaking Pagpapahid na Kapangyarihan sa Hebreong SAGRADONG mga PANGALAN ni[la] YAHUVEH at YAHUSHUA at ang RUACH HA KODESH, na anumang pangalan ay maaari/ayos lang.

Sinasabi sa inyo ng mga mangangaral na ito ay hindi importante na matutunan ang Pagkahudyo ng MESIYAS. Sinasabi nila kung hindi kayo isang Hudyo ito ay hindi angkop/tumutukoy [para sa inyo]. Itong mga tampalasang/masasamang mga mangangaral ay itinuturo sa inyo na kayo ay isang hentil (gentile) at hindi ninyo kailangan sundin ang mga batas na ibinigay sa mga anak ng Israel. Nakalimutan na ba ninyo na noong tinanggap ninyo ang AKING ANAK na si YAHUSHUA, bilang MESIYAS kayo ay naging isa sa KANYA (Ro 11: 16-21)?

Kayo ay nagtataka [kung], “Nasaan ang Pagpapahid na Kapangyarihan ng Unang Simbahan ng may mga palatandaan, mga kamangha-mangha at mga milagro?” Kayo ay simisigaw/umiiyak, “Nasaan ang pagpapakita ng mga milagro tulad ng unang panahon?”

Bumalik at gawin ang kung ano ang ginawa ng Unang Simbahan at inyong makikita ang mga milagrong ito muli. Para sa mga tao na hindi alam ang mas mabuti/hindi pa ito alam, sasabihin KO na kayo ay mananagot lamang sa kung ano ang nalalaman ninyo. Ngayon kayo ay may pananagutan [na], gayundin na turuan ang iba sa mga Katotohanang ito. Nguni’t sa mga tao na may alam ng tama at gumagawa ng mali, kayo ay magbabayad sa pamamagitan ng inyong kaluluwa.

AKO si YAHUVEH ay nagsasabi, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/Itinuturo!”

Kayo ay sinusunod itong mga masasamang espirituwal na pinuno ngayon, na gumagawa ng mga dahilan para sa kasalanan. Ano sa palagay ninyo ang naisip [ninyo] na sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation) ay hindi ninyo ito muling gagawin – sa anak ni satanas?

Sinabi KO sa inyo sa pamamagitan ng mga Propesiya na AKING pinakawalan/ibinigay sa pamamagitan ni Elisabeth [Elisheva] na ang AKING ANAK na si YAHUSHUA ay babalik para sa KANYANG Nobiya sa isang Rosh HaShanah at ito ay sa isang Shabbath [Sabbath]. Kung hindi sa inyo itinuturo/kung hindi kayo tinuturuan kung papaano obserbahan/igalang ang AKING Sabbath at ang AKING mga Banal na mga Araw, at upang matutunan ang AMING SAGRADONG mga PANGALAN at AKING TORAH upang sundin, papaano ninyo malalaman kung papaano ikarangal/igalang AKO at ang AKING ANAK na si YAHUSHUA, gaya ng AKING iniutos/ipinasya? Papaano ninyo malalaman kung aling araw (day) – ng walang pag-aaral at pagsisikap na humarap ng subok (showing yourself approved) –na AKO, si YAHUVEH, na itinalaga upang maging AKING Sabbath? Papaano kayo magiging handa kapag si YAHUSHUA ay dumating muli?

AKO si YAHUVEH ay sinasabing, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/Itinuturo!” (People you are missing the point!)

Kung hindi ninyo ikakarangal/igagalang at obserbahan ang AKING Banal na mga Kapistahan, papaano ninyo malalaman kung ano ang Rosh HaShanah at kung kailan ito? Pagkatapos, kung kayo ay naiwan/maiiwan kayo ay magtatanong, “Bakit?” Kaya AKO ay nagsasalita mula sa AKING Ringmaiden at sinasabi sa inyo ng mas maaga na AKO, si YAHUVEH, ay nagpopropesiya sa pamamagitan ng Ringmaiden na ito na kung saan bahagi/parte ng Nobiya ng AKING Anak na si YAHUSHUA.

Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay hindi lamang magbabagong anyo sa kanilang niluwalhating mga katawan – at mapuno/mapuspos ng ganoong PAGPAPAHID NA GAYA NANG SI YAHUSHUA MISMO ANG LUMALAKAD SA PAMAMAGITAN NILA AT KASAMA NILA –KANYANG puspusin sila ng ganoong PAGPAPAHID na WALANG ANUMAN ang magiging imposible sa kanila!

At sa loob ng 40 na mga araw ang Nobiya ng AKING ANAK na si YAHUSHUA ay magbibigay ng babala, “Huwag [ninyong] tanggapin ang marka ng halimaw.” Pupunta sila sa mga tao na AKING tinatawag na mga Panauhin (Guests) at sa mga tao na ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng mga TUPA (LAMB’s Book of Life) at sasabihin nila sa kanila, “Huwag maging masuwayin. Huwag magkipagkompromiso/makipagkasundo, Bagaman/kahit na ang ibig sabihin nito ay ang inyong makamundong buhay.

Nakikita ninyo, ginagamit KO ang Ringmaiden na ito ngayon, kahit na wala ang kanyang niluwalhating katawan (glorified body), bilang isang tinig na sumisigaw ng babala ng mas maaga (ahead of time). Sapagka’t tinawag KO siyang isang Propeta sa [lahat]. Huwag [ninyong] tanggapin ang marka ng halimaw! Ang pagsamba ng araw ng Linggo at ang marka ng halimaw ay magkakonektado/magka-ugnay.

Mag-ingat mawawala sa inyo ang inyong kaluluwa kung inyong oobserbahan/ipagdiriwang ang Pagsamba sa Araw ng Linggo na Batas (Sunday Worship Law) sa panahon ng Malaking Kapighatian. Kailangan KONG humingi ng paumanhin sa Sodom at Gomora, na AKING winasak sa pamamagitan ng apoy at asupre, kung AKO ay papahintulutan ang makamundong mga Kasuklam-suklam na ito na magpatuloy ng mas mahaba/matagal pa sa kung paano/paraan nito ngayon. Hindi AKO hihingi ng paumanhin sa Sodom at Gomora! AKING lilipulin at tatapusin ang lahat na AKO, si YAHUVEH, ay kinamumuhian.

Ang mga huwad na mga mangangaral na ito ay gumagawa ng mga dahilan upang magkasala at kayo ay nakikinig sa kanila. Lumapit/Pumunta kayo sa Ministeryong ito para sa inyong Espirituwal na Pagkain: upang tikman ang Pagpapahid, upang inumin ang Espirituwal na Gatas at upang kainin ang Espirituwal na Karne. [at] Pagkatapos ilan sa inyo ang nakompromiso/nakipagkasundo at pumunta/dumalo sa mga simbahan sa Araw ng Linggo? Lumuluhod/yumuyuko kayo sa mga paa ng inyong pastor sa katapatan. At naroroon kayo na ibinibigay ang inyong mga ikapu at mga pag-aalay/handog. Hindi kayo maaaring magkaroon ng parehong paraan.

Kailangan ninyong matukoy kung alin ang araw na AKING itinakda bilang Shabbat. Sapagka’t tulad ng AKING itinakda kung aling araw ang Shabbat, kung saan ay ang Araw na kayo ay dapat na igalang AKO at magpahinga at mas lumapit pa sa AKIN –

AKO, si YAHUVEH, sinasabi na, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiitindihan ang punto/Itinuturo!”

– at gayun rin ang anak ni satanas ay inuutusan ang mga tao na nakipagkompromiso/nakipagkasundo na sambahin siya sa araw ng kanyang itinalaga.

AKO si YAHUVEH at sinasabi na, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/itinuturo!”

Tulad ng AKING ANAK na si YAHUSHUA, ay sinabi at sinabi NIYA na ‘makibahagi sa alak (wine) na ito at sa tinapay na ito, gawin ito sa pagpapaalala sa AKIN’ (1 Cor 11:23-26) – sa sandaling darating na Malaking Kapighatian (Great Tribulation), hindi ba ninyo alam na sasabihin ng anak ni satanas sa lahat ng mga tao na tumanggap sa kanyang marka, ‘Gawin ito sa pagpapaalala sa akin’? Iinumin nila ang dugo ng mga martir mula sa mga kopa (goblets). Ito ay mapupuno ng dugo at tulad ng mga bampira, dapat silang uminom ng dugo na iyon.

At kung papaanong tiyak na ang isang Komunyon na plato ay naipasa – tiyak lamang – na kanilang ipapasa ang plato at ang anak ni satanas ay sasabihin na, “Gawin ito sa pagpapaalala sa akin.” Inihaw na laman ng mga martir ay kanilang kakainin. Kanilang kukutyain ang AKING Komunyon at ang Nobiya ni YAHUSHUA. Kanila talagang kakamuhian ang Nobiya ni YAHUSHUA sapagka’t alam nila ang mga panalangin ng matuwid ay pumipigil sa anak ni satanas hanggang ito na ang oras na upang tawagin/ilabas ang Nobiya ni YAHUSHUA. Malaki ang nagagawa ng mga panalangin ng matuwid (James 5:16).

AKO, si YAHUVEH, ay binibigyan kayo ng babala. Ito ay nagsimula na.

Magkakaroon ng mga seksuwal na pagpapakasasa (sexual orgies) sa Liggong mga Simbahan (Sunday churches) sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation). Sa ganitong paraan kukutyain ng anak ni satanas ang [mga] Nobiya ni YAHUSHUA. Sapagka’t si YAHUSHUA at ang KANYANG Nobiya ay iisa, at ang LAHAT na mga tao na sumasamba kay YAHUSHUA, na sumusunod sa AKING ANAK ay iisa –sapagka’t ito ay isang Espirituwal na koneksyon [sa] katawan, isipan, espiritu, at kaluluwa –ang anak ni satanas ay manghahamak/mangungutya sa panahon ng Malaking Kapighatian: siya ay magdadaos ng seksuwal na pagpapakasasa sa mga sa Linggong Simbahan (Sunday churches).

Ang simula ng malaking panlilinlang ay ang Simbahan ng mga homoseksuwal. Muli sinasabi KO, ang kasalanan ay nagsimula na.

AKO si YAHUVEH ay sinasabi na, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/itinuturo!”

Ito ang paraan na AKING ginagamit ang Ministeryong ito, hinihiwalay ang tupa mula sa mga kambing, hinihiwalay ang trigo mula sa mga mapanirang/masamang damo. Ang mga tao na ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Tupa bago [pa man] ang Pundasyon ng Daigdig na ito, ito ang mga tao na ang mga pangalan ay mananatili sa Aklat ng Buhay ng Tupa. Hindi nila sasambahin ang anak ni satanas at kanilang tatanggihan ang marka ng halimaw, kahit na kung inyong naririnig o binabasa ito ngayon at nagpapatuloy kayong makipagkompromiso ngayon, sa panahon ng Malaking Kapighatian inyong oobserbahan at igagalang/ikakarangal ang tunay na Sabbath na kung saan ay ang paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado kahit na kung ang ibig sabihin nito ay ang inyong buhay at kayo ay mamamatay (you will be martyred).

Ang lahat ng inyong mga pangalan ay nakasulat na sapagka’t alam KO na, bago pa kayo isinilang sa daigdig na ito kung ano ang gagawin ninyo. Kung hindi kayo makikinig ngayon, kayo ay makikinig [pa rin] sa oras na iyon.

Ang mga tao na nagbabasa at nakikinig sa Mensaheng ito at nangangalit sa inyong mga ngipin sa galit sa AKING Ringmaiden, gayon rin, kayo ay mangangalit sa inyong mga ngipin sa galit at aalugin ang inyong kamao sa AKIN, na si YAHUVEH ang inyong TAGAPAGLIKHA sa panahon ng Malaking Kapighatian (Great Tribulation) habang ang mga sumpa at mga salot ay sumasapit sa inyo ng isa-isa at gayunman hindi kayo magsisisi sa inyong mga kasalanan. Sapagka’t sa yaong araw, kung ang inyong pangalan ay nasa Aklat ng Buhay ng TUPA, buburahin/tatanggalin KO ang inyong pangalan (Ph 3:5).

Gayon rin, kayong lahat na nagtataka kung bakit ito dadalhin ni Elisabeth [Elisheva] sa kanyang sarili, ito ay dahil sa ginagamit KO ang Ministeryong ito upang ihiwalay ang trigo mula sa mga tara/damo – habang inyong naririnig ito, malalaman ninyo kung kayo ay [isang] trigo o isang tara/damo. Kayo ba’y isang damo para lamang lamunin ng AKING GALIT, ANG AKING NAG-AALAB/TUMUTUPOK na APOY? – bagama’t [ginagamit] KO rin siya ngayon upang manawagan/sumigaw (crying out) para sa [mga] Nobiya, tulad ng isang tinig na sumisigaw/tumatangis sa Limang Matatalinong mga Birhen (Five wise virgin): “Huwag magkipagkompromiso. Maging handa. Sapagka’t ang inyong NOBIYO (BRIDEGROOM) ay paparating para sa KANYANG Nobiya sa isang Rosh HaShanah at isang Shabbat.”

[Mga] Nobiya ni YAHUSHUA, lumuhod sa harapan KO. Manatiling Banal at manatiling mapagpakumbaba. Manalangin na kayo’y mananatiling karapat-dapat na maging Nobiya ng AKING ANAK na si YAHUSHUA kung saan ay sumasagisag/sumisimbolo bilang ang Limang Matatalinong mga Birhen, kung saan ay ang unang pagdakip, karaniwang tinatawag na Kagalakang Lubos (Rapture).

Mga Panauhin, manalangin na kayo’y maging bahagi ng Ika-dalawang pagdakip upang kayo ay maging mga Panauhin sa Kasalang Hapunan ng TUPA. Ang mga Panauhin ay sumisimbolo bilang ang Limang Hangal na mga Birhen na pinagsabihan na ang Nobiyo ay darating muli pagkatapos tangayin ang Nobiya ni YAHUSHUA.

Kaya manatiling alerto sapagka’t hindi ninyo alam ang araw ni ang oras (Mt 25:1-13). Sa oras na dumating ang AKING ANAK na si YAHUSHUA upang tangayin/kunin ang Limang Hangal na mga Birhen – sila ay magiging matalino.

AKO si YAHUVEH ay nagsasabi, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/Itinuturo!”

Gusto ba ninyong malaman kung ano ang dahilan kung bakit/kaya iba kayo mula sa pagiging Nobiya o isang Panauhin ni YAHUSHUA? Sasabihin KO sa inyo ngayon. Ito ay kung gaano ninyo ginugusto/ninanais ito, gaano ninyo pinapatunayan ito sa pamamagitan ng Kabanalan, pagmamahal at pagsunod. Kung gaano kayo pumapayag na magsakripisyo upang maging Nobiya ni YAHUSHUA, ginagawa ang mga bagay ayon sa kagustuhan NIYA at hindi ang sa inyo, niluluwalhati SIYA sa lahat ng inyong ginagawa?

Alam ng Nobiya na kailangan niyang panatilihin/ipagdiwang ang AKING mga Banal na Araw. Alam ng Nobiya na hindi siya maaaring makipagkompromiso kung anong alam niya na totoo. Siya ay matapang na sabihin ang Katotohanan. Iyon ang dahilan [kung bakit] siya naiiba/nailaan.

Ang Komunyon ay isa ring pagpapaalala ng Kasalang Kasunduan kay YAHUSHUA. Ginagamit ng Nobiya ni YAHUSHUA ang AMING BANAL na SAGRADONG mga PANGALAN na YAHUVEH at YAHUSHUA. Hindi importante ang pagbaybay (spelling) sapagka’t alam KO ang inyong mga puso at sila ay hindi nahihiya.

Gaano ba ninyo nais na maging Nobiya ni YAHUSHUA? Gaano kalaki ang pag-ibig na mayroon kayo para kay YAHUSHUA? Papaano ninyo pinapatunayan na AKO si YAHUVEH at si YAHUSHUA ay una sa inyong pagmamahal at sa inyong buhay at sa lahat ng inyong ginagawa? Iyan ang [dahilan kung bakit] kayo naiiba/inilaan bilang Nobiya ni YAHUSHUA, sapagka’t sinasabi KO sa inyo ang Sekretong ito: ang pag-ibig at lalim ng inyong pagmamahal para kay YAHUSHUA ay katibayan/ebidensiya para makita ng lahat. Ito ang marka ng Nobiya ni YAHUSHUA. Pakiramdam nila ay hindi nila/sila magagawa ang sapat para sa AKIN.

Ngayon alam na ninyo ang mga Sekreto. Kita ninyo AKING mga minamahal. Ito ay hindi ninyo maaaring itago. Sapagka’t alam KO kung sino talaga, na talagang nagnanais na magbayad ng halaga upang maging Nobiya ni YAHUSHUA. Sapagka’t AKO ay walang sinumang tatawaging Nobiya ni YAHUSHUA kung wala silang hangarin/pagnanais na ito/ganito. Sa Bawat araw ang Nobiya ni YAHUSHUA ay nanalangin, “Gawin MO akong masbanal [para] sa IYO.” Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay mapagpakumbaba at Banal sa harap KO.

AKO si YAHUVEH ay nagsasabi, “Mga tao hindi ninyo nakukuha/naiintindihan ang punto/itinuturo!”

Manatiling matapat sa AKIN ngayon. Huwag lamang maging mga tagapakinig ng AKING SALITA nguni’t maging mga taong gumagawa ng BANAL NA SALITA (James 1:22). Maging Banal tulad na AKO ay Banal sapagka’t kahit na kayo ay nasa mundong ito, hindi kayo dapat kumilos ng katulad ng mundong ito. Huwag hayaan ang mga mangangaral ng katampalasan/masasama ay pamunuan ang AKING [mga] tupa at mga batang tupa na maligaw, sapagka’t lahat ay kailangang “lubusin ang gawain ng kanilang sariling kaligtasan na may takot at panginginig” (Phil 2:12). Sapagka’t “[ang] pananampalataya ng walang mga gawa ay patay” (Jms 2:20).

Ginawa ng AKING ANAK na si YAHUSHUA ang KANYANG parte/bahagi sa Kalbaryo. Ngayon AKO, si YAHUVEH, ay nagsasabi sa inyo, “Gawin ninyo ang inyong parte/bahagi”. Magsikap na sumunod. Huwag sadyain (premeditate) na magkasala. Huwag gumawa ng mga dahilan para sa kasalanan. Huwag tanggapin ang mga salita ng mga mangangaral na nangangaral ng katampalasan/kasamaan.

Sapagka’t AKO si YAHUVEH ay sinasabi sa inyo: Bakit ninyo tinatawag ang AKING ANAK na si YAHUSHUA, na PANGINOON at hindi [naman ninyo] SIYA sinusunod? (Lk 6:46).

AKO, si YAHUVEH ay nagsasabi, kung hindi kayo mangagsisi para sa mga gawa na inyong sinuway “Lumayo sa AKIN kayo na manggagawa ng kabuktutan/kasamaan,” (Mt 7:23; Lk 13:27) [maririning ninyo] sa Araw ng Paghuhukom sapagka’t hindi AKO tatayo/mananatili para sa inyong pangungutya/panghahamak sa BANAL na DUGO ni YAHUSHUA. Kayo na tinatawag ang inyong mga sarili na mga “mangangaral”, na gumagawa ng mga dahilan para sa AKING mga tao ng magkasala, MANGAGSISI ngayon para sa pamumuno ng AKING mga tupa at AKING mga batang tupa o ang APOY NG AKING TUMUTUPOK NA HININGA tulad ng ipa/dayami sa isang MALAKAS NA HANGIN (MIGHTY WIND) ay hihipan kayo palayo.

AKO, si YAHUVEH, ay sinasabi na kung hindi ninyo gusto ang mga Salitang ito na isinalita sa pamamagitan ng AKING Ringmaiden na si Elisabeth [Elisheva], kung gayon inyong aanihin ang mga kahihinatnan. Sapagka’t ayaw KONG makipagtalo.

Mayroong ISANG HUKOM lamang. Mayroong ISANG HURADO lamang.

AT AKO – SI YAHUVEH – AY ang KAISA-ISANG TAGAHATOL/TAGAPAMAGITAN (REFEREE).

Kung hindi ninyo gusto ang Propetik na Mensaheng ito, huwag itong dalhin/ibaling kay Elisabeth [Elisheva], kundi dalhin/ibaling ito sa AKIN, na si YAHUVEH. Siya ay AKING Pinahirang Mensahero lamang.

Katapusan ng Propesiya

Kaya ito ay isinalita, kaya ito ay nasusulat noong Agosto 2, 2005

4:00 ng umaga sa pamamagitan Ringmaiden na ito

ni YAHUVEH at YAHUSHUA para sa KANILANG Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian.

Ako’y nanatiling isang mapagpakumbabang babaeng lingkod (handmaiden),

Apostol Elisabeth Elijah
(Elisheva Eliyahu)

1
Daniel 7:25 At siya [ang anti-kristo] ay magbabadya/magsasalita ng mga salita laban sa KATAASTAASAN, at lilipulin niya ang mga banal ng KATAASTAASAN; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila ay ibibigay sa kaniyang kamay hanggang [sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon].
2
Mateo 7: 22-23; 25:41; Lc 13:25, 27; sa maikukumpara rin sa Ps 6: 8; Aw 119: 115
3
Pahayag 19: 9 Nang magkagayo’y sinabi sa akin ng anghel, Isulat mo: Mapalad ang mga inanyayahan sa hapunan ng kasalan ng Kordero. At kaniyang idinagdag, Ito ang mga tunay na salita ng Diyos.