Propesiya 27
Si YAHUSHUA ay Babalik sa isang Sabbath!
Tumindig mga Babaeng Apostol at Propeta!
Ibinigay sa pamamagitan ni Propeta Elijah (Elisheva Eliyahu)
Enero 4, 1999
Ito ay mula sa Propesiya 105, si YAHUVEH ay sinabi na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:
noon pa binalaan kita Elizabeth [Elisheva] na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INA YAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Noong Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
AKO si YAHUSHUA, AKO ay babalik sa isang Sabbath (Araw ng Pagpapahinga), hindi ninyo alam kung alin. Lumabas AKING mga Babaeng Apostol at Propeta! Tumindig NGAYON! Huwag nang hayaan ang sinumang magsabi sa inyo na hindi KO kayo tinawag na maging mga Propeta at mga Apostol, mga Guro, mga Ebanghilista, o mga Pastor! AKO ang Magpapalayok kayo ang Luwad! Bakit kayo makikinig sa tao o sa mga taong may espiritu ng mga Pariseo? Sabihin ang mensaheng ito na AKING ibinigay sa Apostol na ito na sabihin. Maki-isa sa kanyang tinig, mga babae at mga lalaki na nakakakilala sa AKING tinig na nagsasalita mula sa kung ano ang sinusulat KO sa pamamagitan niya. Hikayatin ang isa’t-isa. Pinatahimik kayo ni satanas ng napakatagal nang [panahon]. Mga Apostolikong Propetikong mga mandirigma alam/kilala ninyo kung sino kayo. Sulatan ang AKING babaeng tagapaglingkod at hikayatin ang isa’t-isa, matuto mula sa isa’t-isa. Sa maikling panahon lamang, AKO ay babalik. Maghawak kamay sa isa’t-isa. Hindi kayo nag-iisa. Di-magtatagal AKO ay babalik. Magkipaghawak kamay sa isa’t-isa. Kayo ay hindi nag-iisa. Ikinalat KO kayo sa iba’t-ibang dako ng mundo, nguni’t makikilala ninyo ang isa’t-isa sa [takdang] panahon.
Kailangan ninyo ang isa’t-isa. Kayo ay makiki-isa sa mga lalaking may parehong tawag. Gayunman, ang mga yaong tumatanggi na kilalanin kayo iwan ninyo sila sa AKIN. huwag makipagtalo sa mga taong may binging mga tainga na may mabuting intensyon, at gayunman ay nakagawa ng lubusang pinsala sa mga yaong babae na sinabihan na hindi sila maaaring magkaroon ng isang tawag ng apostol, kahit ang isang nagsusulat [na ito] ay nadismaya at sinabihan nito. Sinabi niya, “Oh buweno, Ako ay ipagpapatuloy ang kung ano ang itinawag sa akin na gagawin ko, kung anumang pangalan ang tinatawag ninyo dito”. Gayunman ang lalaking nagsasabi sa kanya nito ay nalinlang ng ibang tinig, hindi ang AKING tinig. Kailangan niyang MANGAGSISI para sa paggawa nito. Kayo ba ay magiging handa? SI YAHUSHUA AY BABALIK SA ISANG SABBATH! Sabihin sa lahat ng mga makikinig, asahan na silang lahat ay hindi maniniwala. Hindi ninyo ito problema, kundi ang kanilang problema. Ikaw ay susunod lamang.
Magkakasama, ang mga taong AKING pinagkaisa kasama ninyo ay magiging katulad ng isang palaisipan at walang ibang mga piraso ang tutugma ng perpekto/wasto. Panatilihing bukas ang inyong mga mata para sa iba. AKO ay magpapadala ng isang hukbo ng mga Propeta, mga Apostol, mga Ebanghelista, mga Guro, at mga Pastor at gayunman sila ay gagawa bilang isang pangkat. Hindi na kailanman iisipin ang kanilang mga sarili sa kung ano sila. Alam na, sa pagtayo ng nagkakaisa matutupad nilang gawin ang kung ano ang itinakda KO na magawa/gawin [nila]. Ang isang pinakamalaking pag-aani ng mga kaluluwa ay sasapit at ito ay maging isa sa pinakamalaking kaluluwa na naghahatid ng mga ministeryo na lumakad sa ibabaw ng lupang ito. Para sa Kaluwalhatian KO ang Ama na si YAHUVEH, ang AKING Anak na si YAHUSHUA at ang AKING RUACH HA KODESH! Marami sana ang hindi maliligtas kung hindi KO itinaas ang ministeryong ito.
Ang AKING Apostol na tinatanggihan ng mga lalaki bilang isang Apostol, ay kilala ang AKING tinig at isinusulat kung ano ang naririnig niya. Ang ibang mga babae na AKING tinawag na mga Apostol at sila ay sinabihan na hindi sila maaaring magamit sa opisinang ito, nguni’t sinasabi KO sa inyo tulad ng sinabi KO sa apostol na ito, hindi ito para sa mga lalaki upang magpasya, kung paano KO ginagamit ang AKING mga babaeng tagapaglingkod ay AKING karapatan lamang. Sila ay AKING mga luwad at AKO lamang ang humuhubog sa kanila at sinusubukan sila sa apoy ng kanilang mga pagsubok sa paraang pinili KO. Sinong lalaki para sabihin kung ano ang maaari KONG, si YAHUVEH, gawin at hindi gawin. Maraming mga lalaki ang nalinlang habang minamaliit nila ang mga Espiritu tulad ng kay David, na AKING inilagay sa AKING mga babaeng tagapaglingkod.
Habang ang mga lalaki ay lalong lumaban, laban dito, mas lalo KO lamang patitindigin ang AKING mga Espiritu ni David sa AKING mga babaeng tagapaglingkod. Ang pagmamataas lamang ang nagdudulot sa isang lalaki na magsalita ng ganitong mga bagay. MAGSISI NGAYON! AKIN siyang itinalaga upang hikayatin ang kapwa mga babaeng Propeta at mga babaeng Apostol, mga guro, ebanghelista, at pastor. Alam niya ang init ng persekusyon/pag-uusig para sa mataas na tawag na AKING inilagay sa buhay niya at sa lahat ng mga taong tinawag na maging AKING Apostolikong Propetikong mga mandirigma sa panahon ng pagtatapos na ito. Karamihan ay mga babae! Huwag hayaan na ang mga lalaki o mga Pariseo ay HADLANGAN kayo!AKO, si YAHUVEH, ito ang kung ano ang ginawa at gagawin KO. Sino ang magkakalakas ng loob na sabihin kay YAHUVEH na SIYA ay mali?
Dinala KITA at ang mga lalaki at mga babae ng sama-sama upang maging isa sa AKING RUACH HA KODESH, kayo ay kikilos bilang isa sa loob ng AKING RUACH HA KODESH at kayo ay magsasalita bilang isa sa loob ng AKING RUACH HA KODESH. Kayo ay aabutin ang mga hindi maabot at maraming mga tao na tinanggihan at itinakwil na hindi maliligtas at gayunman ipapadala KO kayo kasama ng isang pagpapahid (anointing) at mga salita at pagmamahal na hindi sa inyo upang abutin ang mga taong ito, oo, sinasabi KO upang abutin ang mga tao na inyong kakatakutan na masaktan ang damdamin nila, nguni’t sa pamamagitan ng hindi pagsasalita/pagpapahayag ay ang magiging pinakamalaking kasalanan sa lahat. Pinagkakatiwalaan KO ang AKING mga manggagawa na AKING ipinapadala, sapagka’t AKO ang Magpapalayok at kayo ang luwad/putik. Alam KO kung ano ang iang m KO aat kayo ang la sinongnilagay KO sa bawat manggagawa upang sumama sa kanya. Alam KO kung saan siya ginawa at ang kanyang kahinaan. Kung saan siya mahina, ang iba ay AKING ginawang malakas. Kung saan ang mga iba na sumali ay mahina, siya ay ginawang malakas, tulad ng isang metal na binago ng apoy ganoon rin ang ginawa KO sa lahat ng mga tao na sinama sa iyo. Hindi mo kailangang matakot kung sino ang sinasama KO sa iyo, sapagka’t sasabihin KO sa iyo hindi ito ang iyong pagpili/desisyon kundi AKIN!
Ang sinumang Hudas na naghahangad na sumali sa ministeryong ito ay magkakaroon ng parehong kapalaran ni Hudas! Hindi KO hahayaan ang sinuman na wasakin kung ano ang AKING mismong binuo at ipagpatuloy pa na buuin. Ang ministeryong ito ay yayakap sa mundo. Huwag hamakin ang maliliit na mga simula sapagka’t AKO ay nagsimula bilang isang sanggol sa isang sabsaban, hindi ba? Sa mundo, sa simula, ito ang lahat ng maaaring makita ng mundo. At gayunman sa tatlong mga taon, tingnan kung gaano karami ang AKING nahimok/nahipo, at nailigtas. Ang lahat ng mga libro sa mundo ay hindi mahahawakan kung ano ang nagawa KO sa yaong maikling panahon. Huwag maliitin ang kapangyarihan ng AKING Pagpapahid! Pinahiran KO kayong lahat at patuloy na ibubuhos ang AKING Pagpapahid (anointing) sa isang masmalaking paraan. Malalaman ninyo sa inyong sarili na hindi ninyo magagawa ang anumang bagay nguni’t dahil kay YAHUVEH ang lahat ng mga bagay ay posible kung paniniwalaan lamang ninyo.
Ngayon kayo ay hiwa-hiwalay sa iba’t ibang mga estado/bayan, nguni’t ito ay pansamantala lamang, sapagka’t sa taon na ito kayo ay magsasama-sama, ng malapitan upang mahawakan. Kayo ay maglalakbay at magmiministro na magkakasama. Huwag subukan at gawin ito na mangyari, panoorin AKONG magpatupad nito. Huwak subukan at sabihin aling oras at panahon, alamin lamang na ito ay mangyayari sa AKING tiyempo/oras at panahon. Manalangin at takpan ang isa’t-isa. Magtrabaho ng magkakasama: ibahagi kung ano ang natutunan ninyo ng magkasama. Kapag pinili KO ang mga kasamahan upang makiisa sa AKING babaeng anak, AKO ay pumipili ng napakaingat/napakabuti at AKING sinusuri/sinusubok ng puspusan. Mahal na mahal KO kayo. Pinagkakatiwalaan KO kayo ng lubusan. Alam KO na hindi ninyo sasaktan ang AKING lingkod (servant) nguni’t sa halip ay poprotektahan siya at hindi niya kayo sasaktan subali’t poprotektahan kayo. Ang lahat ng mga taong sumali ay napaka espesyal bilang isang kuwintas na gawa ng matibay na ginto. Hindi AKO naglalagay ng anumang metal tulad ng lata, o pilak, o tingga kasama ng AKING gintong kuwintas nguni’t ang pinakamagandang metal lamang na maaari KONG mahanap na binago/nalinang sa nagniningas na pugon at lumabas nang tulad ng dalisay na ginto na pitong beses na pinino!
Pagbabagong idinagdag noong 1/22/2016. Ang mga Banal na Kasulatan na ito na nasa ibaba ay nagpapakita na pinagkakatiwalaan ni YAHUVEH ang KANYANG mga tagapaglingkod. Ang KANYANG mga propeta ng unang panahon. Kagaya na lamang ni Jeremiah ay nakilala kahit bago pa siya binuo sa sinapupunan ng kanyang ina.
Jeremiah 1
4 Ang salita nga ng PANGINOON ay dumating sa akin, na nagsasabi, 5 Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa. 6 Nang magkagayo’y sinabi ko, Ah, Panginoong DIOS! narito, hindi ako marunong magsalita: sapagka’t ako’y bata. 7 Nguni’t sinabi sa akin ng PANGINOON, Huwag mong sabihin, Ako’y bata: sapagka’t saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anumang iutos KO sa iyo ay sasabihin mo. 8 Huwag kang matakot sa kanilang mga mukha; sapagka’t AKO’y sumasaiyo upang iligtas kita, Ganito ang sabi ng PANGINOON.
Mga Numero 12
6 At sinabi ni YAH, Dinggin ninyo ngayon ang AKING mga salita: kung mayroon isang propeta na kasama ninyo, ako ang Panginoon ay ipakikilala ang sarili sa kaniya sa isang pangitain, nagsasalita AKO sa kaniya sa isang panaginip. 7 Hindi gayon sa AKING lingkod na si Moises; siya ay tapat sa lahat ng AKING bahay:
Huwag mag-isip sa inyong mga sarili ng higit pa kung sino kayo. Kayo ay isang minamahal na sisidlan ng putik, AKING ibinuhos ang AKING grasya at awa at mga gantimpala ng RUACH ha KODESH. Kayo ay isang handang sisidlan na hindi lumalaban laban sa mga Kamay ng magpapalayok. Kayo ay pinayagan AKO at ipagpapatuloy pa na pahintulutan AKO upang hubugin kayo sa paraang nais KO para sa inyo at hindi ang paraang inyong pinili na maging. Ang lahat ng mayroon kayo ay kinakailangan ninyong ilagay sa altar at pahintulutan AKO na tanggalin kung ano ang hindi KO nais na magkaroon kayo, at ibigay kung ano ang nais KONG magkaroon kayo. Ilagay ninyo ang lahat ng nais ninyong ibigay at pagkatiwalaan AKO, Ibibigay KO ito muli at hindi lamang kung ano ang inyong sinakripisyo nguni’t ibibigay pa ang higit sa kung ano ang AKING inihandog. Subukan AKO at tingnan kung hindi KO gagawin kung ano ang AKING sinabi.
AKING mga Apostol, ilagay ang lahat ng mayroon kayo sa altar na ito kabilang ang Ministri na ito, pagmasdan kung ano ang AKING gagawin. Maging handa para sa AKIN na tanggalin ang lahat ng bagay o sinuman sa inyong buhay na hindi nakakatulong sa inyo, ngunit sa halip ay hinahadlangan kayo mula sa pagiging at paggawa ng lahat ng AKING inutos na mangyari sa AKING Pangalan. Gawin ito sa lahat ng bagay, kahit na ang inyong mga anak. Tulad ng kay Abraham, kinakailangan ninyong maniwala na AKO ay isang mabuting Diyos at AKING ibabalik ang lahat ng nilalayon para sa iyo na maging isang pagpapala at kunin ang lahat ng bagay na si satanas ay inilagay sa inyong harapan para maging isang sagabal/hadlang! Maglalakas-loob ka bang gawin ito, AKING Anak?
Ang mga Pinansiyal ay kabilang. Ibigay ninyo ang lahat sapagkat ito ay AKIN pa rin. “Kung ano ang sa iyo ay AKIN, kung ano ang sa AKIN ay sa iyo!” Ibigay ito sa AKIN upang maaari KO itong ibigay babalik sa mas malaking paraan. Sabihin sa AKING mga Tao. Isulat ito, hindi lamang sa inyong mga kasama na samahan/sumali sa iyo nguni’t gayundin sa AKING mga Tao sapagkat ang kaparehong Utos (commandments) ay isinasagawa/lumabas sa oras ng pagtatapos na ito. Sabihin sa kanila, “MAGLAKAS-LOOB NA PAGKATIWALAAN ANG INYONG AMA na si YAHUVEH, si YAHUSHUA at ang RUACH ha KODESH!” Maglakas-loob na maging handa para sa AKIN na putulin kung ano ang hindi dapat sa inyong mga buhay! Maglakas-loob na magtiwala na AKING pagyayamanin/pararamihin ang mga pagpapalang AKING ibinalik. Gawin na ito ngayon, bago KO pa kunin ang mga ito ng wala ang inyong pahintulot! Gawin ito, maging ito ay inyong lalaking asawa, babaeng asawa, mga anak, mga pananalapi, bahay, sasakyan, mga ministri at marami pang iba. Gawin ito sa anumang bagay na pinahahalagahan ninyo, ang negosyo, pakikipagsosyo (partnership), mga simbahan. Malalaman ninyo kung ano ito.
Anumang alam ninyo na hindi KO sinasang-ayunan, ang inyong mga sigarilyo o iba pang bisyo na ginagamit ninyo upang magdala sa inyo ng kapayapaan, kapag sa halip, ito ay isang huwad/peke lamang, sapagka’t AKO ang Prinsepe ng Kapayapaan! Wala na kayong kailangan pang iba. Ibigay ito sa AKIN, ialay/isakripisyo ito sa AKIN at kung ito ay nilalayong pagpalain kayo, ibabalik KO ito. Kung ito ay hindi nilalayon na pagpalain kayo, AKO ay TATANGGALIN ITO! Sapagka’t kayo, na tinatawag ang inyong mga sarili na [para] sa AKIN, AKO ay mayroong karapatan upang ilayo/tanggalin kung ano ang AKING ibinigay sa inyo,gayundin ang kung ano ang ibinigay sa inyo ni satanas o ng inyong mga sarili. Anumang bagay na nakakahadlang sa inyo upang lumakad kasama KO. Nais ba ninyo na iligtas kO kayo sa mga darating na mga araw? Kung ganoon, SUNDIN ninyo AKO at gawin ito. Manalangin kung hindi ninyo alam ang kahulugan nito. Kahit ang inyong mga pag-aasawa/kasal ay ialay sa Altar ng Sakripisyong ito. Ang MakaDiyos ay titindig. Sa katunayan, AKO ay pagpapalain kayo sa paraang hindi kayo makapaniwala.
Kayo AKING mga anak ay nagsasabi na nais ninyo ang AKING sakdal na kalooban (perfect will)? Nais ba talaga ninyo? Talaga bang bibigyan ninyo AKO ng isang araw sa isang linggo? Ang Sabbath, Sa paglubog ng araw ng Biyernes at hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado kayo ay magpapahinga sa AKIN, magalak sa AKIN, Matuto kayo sa AKIN. Ipagpaliban ang inyong trabaho at sa halip ay gawin lamang ang AKING gawa (work), kung mayroong trabaho ang dapat na gawin. Manalangin at ipapakita KO sa inyo kung ano ang gagawin at kung ano ang hindi dapat gawin. AKO ay Diyos ng wastong pagkapantay-pantay (perfect balance)! Ito ay isang araw ng kagalakan sa AKIN, hindi isang sumpa; ito ay isang araw upang maging isang pagpapala sa inyo na hindi dapat katakutan ngunit upang panabikan/[araw] na pinakahihintay. Ang Sabbath (araw ng pagpapahinga) ay hindi isang araw ng pagkaalipin nguni’t isang araw ng kalayaan sa AKIN, na si YAHUSHUA! Ang AKING mga disipulo at AKO ay isang halimbawa kung ano ang dapat gawin sa araw ng Sabbath. Pag-aralan/matutunan ito hindi mula sa mga Pariseo na nagsasabing ito ay isang araw na sa pagkaalipin. Na nagsasabing ito ay isang araw upang maghirap/magtiis. Oo, Sinasabi KO malaki ang magiging biyaya sa pagsunod sa AKING araw ng Sabbath at pagpapanatili nitong Banal.
ITO ANG ARAW NA DARATING AKO MULI! Oo, Sinasabi KO panatilihin ang Sabbath mula sa araw na ito pasulong sa mga yaong nagsasabi na sila ay sa AKING mga Nobiya (Bride)! Maghanda sapagka’t ang inyong Kasintahang lalaki (Bridegroom) ay sasapit at darating sa isang araw ng Sabbath. Hindi ninyo alam kung alin. Nguni’t ang mga yaong hindi naghihintay sa AKIN sa araw ng SABBATH ay HINDI AKO MATATAGPUAN/MANGUNGULILA sa AKIN. Oo, Sinasabi KO muli, habang ang AKING pagdating sa lupa ay nalalapit, sa araw na ito payagan ninyo AKONG nasa inyong kaisipan, mga salita, at mga gawa. Magalak/ibigin ang araw na ito kasama AKO. Hindi ba ninyo maaaring talikuran ang inyong mga kasiyahan (pleasure) sa mundo para sa AKIN isang araw sa isang Linggo? Sanayin na ito ngayon. Ang Oras ay darating kapag ang mga masasama ay magtatala (take note) kung sino talaga ang [para] sa AKIN at kung sino ang hindi [para] sa AKIN. Malalaman nila sa pamamagitan ng MARKA kung sinusunod ninyo at pinapanatili ang AKING mga batas. Sila ay pagbabawalan kayo na magtipon sa araw ng Sabbath o kilalanin ang araw na ito ay ang araw ng Sabbath. Tandaan, ang paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado. Ito ay ang Araw ng SABBATH. Panatilihin itong BANAL at ang araw para sa inyo at sa AKIN upang yakapin at para mas makilala ang isa’t-isa. Kayo ay ang AKING mga minamahal. Ang mga taong gumagawa nito ay mababatid ang pagpapala kaysa sa anumang nabatid/nalaman na ninyo noon.
Ngayon na AKING sinabi ang mga bagay na ito sa AKING tagapaglingkod at AKING ipinadala ang mensaheng ito sa inyo sa mga tao sa gitna ng isang personal na propesiya na ibinigay sa mga yaong nasa minitri na ito. Gayunpaman, AKO ay iiwanan kayo ng mga salitang ito sa mga taong nagsasabi/naniniwalang sila ay AKIN, at sa mga tao na nag-aakay ng mga kaluluwa sa AKIN, turuan [ninyo] ang AKING mga Sanggol/bata, Nobiya, Mga Pinili at Hinirang na maging tagapagpanatili ng araw ng Sabbath hindi mga tagapagwasak ng araw ng Sabbath. Sa pamamagitan nito, tiyak na ang lahat ng mga lalaki/tao ay makikilala kayo! sa pamamagitan nito kayo ay magiging handa para sa AKING pagdating. Ang mga taong may mga taingang nakakarinig ay makaririnig, ang lahat ng iba ay mananatiling bingi. Pabayaan silang [maging] bingi, sapagka’t ito ay isang espiritu ng rebelyon na pumapasok sa kanilang mga puso ang mga kaluluwa. Pabayaan sila! Muli sinasabi KO na huwag subukang baguhin ang kanilang mga isipan. Ang AKING Banal na Kasulatan ay sinasabi ang katotohanan, ito ay hindi nagbabago.
AKO, si YAHUSHUA, ay dumating upang tuparin ang kautusan/batas, hindi upang kansenlahin and mga Kautusan ni YAHUVEH! Sabihin sa kanila at kung sila ay tatanggi na makinig, huwag sayangin ang inyong hininga sa kanila. Tandaan tulad ng mga panahon ng nakalipas marami ang namatay sa hindi pagsunod sa AKING Sabbath. Ang oras ay sasapit kapag makikita ninyo ang malaking mga trahedya at mangyayari ito sa araw ng Sabbath. Ang mga tao ay mapapailing ang kanilang mga ulo at magtataka kung bakit? Malalaman ninyo kung ano ang dahilan. Kasasabi KO lamang ngayon sa inyo. Nguni’t papaano malalaman ng iba na sinasaktan nila AKO kung hindi ninyo sasabihin sa kanila? Ang lahat ng nagbabasa nito, at nakikilala ang AKING tinig, kayo ay may pananagutan para sabihin sa [mga] iba na hindi nakaka-alam nito. Sa palagay nila sa pamamagitan ng paglilingkod/pagdalo sa simbahan ng araw ng Linggo ay kanilang ginagalang/pinararangalan ang AKING Sabbath. Nguni’t ang AKING tunay na araw ng Sabbath ay nababalewala/hindi napapansin ng mga ito. Hindi AKO nag-aalala na kayo ay nagtitipon ng sama-sama araw-araw at sinasamba AKO. Nguni’t [ito pa rin ay] sa araw ng Sabbath, ito ay ang AKING araw at ang inyong araw na itinakda NAMIN upang maging espesyal na walang [kaparis ng] iba. Kapag kumakain kayo tandaan na mayroon kayong hindi nakikitang panauhin/bisita. Tandaan anuman ang inyong ginagawa sa araw na iyon, ginagawa KO ito sa inyo.
Kung kayo ay nagkakasala AKO ay espesyal na magbibigay-pansin sa araw na ito. Kayo ay nabigyan na ng babala muli upang ang AKING mga Tao ay hindi maaaring makapagsabi na hindi nila natanggap ang babala bago KO ipadala ang paghuhukom sa mga tao na sinasadyang hindi sumunod. AKO ay isang Diyos ng pag-ibig at Galit sa AKING mga kaaway. Kayo ay AKING mga kaaway lamang kung inyong pipiliin/gugustuhin. AKO ay namatay para sa lahat, Ang AKING Dugo ay ibinuhos para sa lahat; AKO ay hindi nagtatangi ng mga tao {walang kinikilingang tao}, gayunpaman alam KO kung sino ang tunay na sa AKIN at kung sino ang mga nasa simbahan ng mga nagpapanggap. MAG-INGAT sa pagsusubok upang AKO ay hamakin/kutyain sa pamamagitan ng mga salita ng gusto ng iba na sabihin mo, at gayunpaman hindi naririnig ang AKING tinig. Mag-ingat sa pagsasalita at hindi [naman] ginagawa. AKO ay nagsalita mula sa babaeng tagapaglingkod na ito, ng hindi niya inaasahan na AKO ay magbibigay ng propesiya sa mga tao muli. Kaya hindi ninyo maaaring sabihin, ang mga yaong kinukutya AKO mula sa huling mga salita ng pagbibigay babala na AKING ibinigay na, PAKINGGAN ninyo AKO! KATAKUTAN ninyo AKO! PANIWALAAN ninyo AKO!, Na hindi AKO ang Panginoon ang inyong Diyos na si YAHUVEH at YAHUSHUA na nagsalita ng mga ito sa pamamagitan niya? Mag-ingat na gawin siyang inyong kaaway sapagkat siya ay hindi mananagot sa mga salitang AKING sinabi. Siya lamang ay may pananagutan kung siya ay matatakot na magsalita ng mga ito ng may katapangan. Siya ay sumunod sa AKIN hanggang ngayon.
Kayo ba ay magiging isang tagapag-wasak ng Sabbath o [magiging] tagapagpanatili ng [araw] ng Sabbath? Huwag asahan na maging bahagi ng AKING Nobiya (Bride) kung kayo ay hindi handa sa araw na ito para sa AKIN. Maghanda [na] ngayon AKING Nobiya sapagka’y AKO ay DARATING NG MABILIS! Malalaking mga trahedya ay tiyak na mangyayari sa [araw] ng AKING Sabbath bilang isang signales/palatandaan na ito ay isang batas/kautusan na hindi [kailanman] nagbago. Malalaman ninyo ito kapag ang mga ito ay narinig ninyo. AKO ay hindi nagbabago para sa sinumang lalaki o babae, oras o panahon, AKO ay ang kaparehong Diyos ng kahapon, ngayon at magpakailanman. Ang AKING Kautusan (10 utos ng Diyos) ay nakasulat sa bato sa pamamagitan ng daliri KO ang Dakilang Diyos na “AKO” at AKO ay hindi humihingi ng tawad sa sinuman.
Madali AKONG magpatawad sa lahat ng mga taong walang higit na nalalaman. Ang babaeng tagapaglingkod na ito na AKING sinasabihan ay ngayon lamang natututunan ang kahulugan ng AKING tunay na Sabbath. Ito ay para [sa tamang] oras at panahon. Hindi siya mas mabuti o Malala (worse) kaysa sa lahat ng iba na ngayon ay tinuturuan KO. Tandaan ngayon, na kayo ay may pananagutan sa kung ano ang nalalaman ninyo. Ano ang gagawin ninyo sa kaalamang ito, AKO ay alam na ito. Tanungin ninyo AKO ngayong araw na ito kung ano ang nakakasakit ng damdamin KO at kung ano ang hindi. Magdasal sa araw na ito at ialay ang lahat sa AKIN bilang isang sakripisyo, Pagpapalain KO at pararamihin kung ano ang biyaya [para] sa iyo at sa AKIN. Sumpain na kung saan ay isang sumpa [para] sa iyo at sa AKIN. Ilan ang magbabasa nito ang maglakas-loob na magtiwala sa inyong Diyos? Alam KO na ang pagpiling ginagawa ninyo.
Kaya ito ay naisalita, Kaya ito ay naisulat, sa ilalim ng AKING pagpapahid (anointing) sa pamamagitan ng AKING Apostol Elijah (Elisheva Eliyahu), Enero 4, 1999, sa ika- 9:49 ng hapon.