Propesiya 88, AKO si YAHUVEH ay Pinaglalaruan ang AKING mga Kaaway!

Propesiya 88

AKO si YAHUVEH ay Pinaglalaruan ang AKING mga Kaaway!

Ibinigay kay Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Oktobre 16, 2006
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:

2 Mga Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng DIYOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANGINOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

**************

[Ang Propesiyang ito ay naitala sa isang audio na teyp at ito ay naisulat ng eksaktong pareho sa pagkakarekord. Labing limang minuto ng matinding naglalabanan na mga wika ay lumabas bago dumating ang salitang ito.

*****

At ito ay isang babala para sa kaaway! Kayo na nanloob/gumapang sa kanya (Elisheva) habang siya ay natutulog. Sa palagay ninyo hindi KO siya gigisingin. Bagaman kayo ay hindi nakikita (invisible), Kayo ay nakikita KO! Hindi siya nagsasalita ng inyong lengguwahe; oh nguni’t AKO si YAHUVEH, ay nagsasalita ng inyong lengguwahe. Inyong hinahangad na patayin siya kung saan ang mga kamay ng tao ay hindi kayo mahahawakan.

Oh nguni’t AKO si YAHUVEH ay kaya kayong hawakan. Kayo ay magbabayad ng isang halaga para dito. Kinukutya KO kayo, kayo ngayon ay AKING pinahihirapan, sapagka’t inyong maririnig ang inyong sariling tinig at ang inyong sariling wika sa mga himpapawid at inyong sasabihin, “Papaano niya nalaman ang ating lengguwahe? Paano niya nalaman na ako ito na umatake?” Hindi siya ang yaong may alam, ito ay ang tagapaglikha ng LAHAT na may alam!

Wala kayong magagawang anumang bagay, oh AKING mga kaaway, na hindi KO alam at alam niya lamang ang kung ano ang sinabi KO sa kanya, walang mashigit, walang maskaunti, tulad ng isang inosenteng sanggol lamang at AKO ang Ama na nagtuturo. Mayroon siyang isang Mesiyas, mayroon siyang isang Tagapamagitan, mayroon siyang isang Dugong pantubos/pambayad-sala (atonement), ito ay ang AKING Anak na si YAHUSHUA! Nasaan ang sa inyo?

Kayo ay tiyak na mapapahamak sa Impyerno! Kayo ay tiyak na mapapahamak sa Dagat-dagatang Apoy! Kayo ay unti-unting pumasok/gumapang ng hindi nakikita, sa espirituwal na lupain (spiritual realm), palihim na pumasok upang patayin ang isang inosente habang siya ay nakahiga. Ito ay AKO, HA HA HA, ito ay AKO na nangungutya sa inyo! Habang siya ay nakahiga roon, ito ay AKO ang nagparinig sa kanya na kayo ay pumapasok ng palihim. Ito ay AKO na nagsabi, “Elisheva, makinig,” kahit na siya ay natutulog ng mahimbing, ito ay AKO na nagsabing, “Sa oras na bubuksan mo ang iyong bibig, ikaw ay magsasalita sa isang lengguwahe na hindi mo alam, ang isang wika na hindi mo pa narinig, nguni’t AKO ito ang magsasalita ng isang paghuhukom sa hindi nakikitang kaaway na naghahangad na patayin ka.”

AKO ay nakikipaglaro lamang sa inyo (kaaway) upang ipakita sa inyo, ito ay AKO, si YAHUVEH, na may alam ng lahat ng bagay, upang bibigyan KO lamang kayo ng sapat na lubid upang ibitin ang inyong sarili. Sapagka’t kayo ay mamamatay sa bitayan ni Haman! Dinagdagan KO ang takip (covering), wala siyang pangkaraniwang [buhay]. Oh sumisigaw (cry out) sila, gusto nila maging ‘pangkaraniwan’ nguni’t walang anuman ang pangkaraniwan, sapagka’t walang anuman ang pangkaraniwan tungkol sa Ministeryong ito, walang anumang pangkaraniwan tungkol sa mga tao na AKING inilaan na magprotekta at magdepensa.

Kaya, tumakbo, tumakbo, tumakbo! Ang ilan sa inyo ay mabubuhay at ilan sa inyo ay mamatay sa gabing ito, nguni’t ang mensahe ay maibabalik, sapagka’t ang inyong sariling wika ay naririnig sa buong himpapawid. At bibigyan KO ang ibang mga propeta ng kahulugan ng wikang ito, marami sa inyong pagkatakot.

Kita ninyo, sa tuwing siya ay inyong inaatake, sa bawat oras na inyong inataake ang isa sa 5 marurunong (5 wise), na sumisimbolo/kumakatawan sa 5 marurunong na mga birhen, sa tuwing inyong inaatake/sinasalakay ang isa sa AKING Nobiya (Pahayag 14 at Pahayag 7), walang lugar para sa inyo na mapagtataguan. AKO ay pinagtatawanan kayo (Katah, katah, katah Banal na wika na narinig), bagay lamang para sa paghuhukom, bagay lamang para sa pagkapahamak. Kayo na yaong mga kaaway ng Ringmaiden na ito, ng ministry na ito, ng AKING Nobiya, ay bagay lamang para sa AKING kapahamakan/kaparusahan at ito ay magiging sa Impyerno, sa isang Dagat-dagatang Apoy kayo ay maninirahan/titira!

Katapusan ng Babala.

********

[Mga komento ni Elisheva sa teyp: “Nagkaroon ako ng isang gabi – nangailangan lang ng oras at puwang” kaya nagkaroon ng isang tahimik at mapayapang gabi. Tahimik na oras kasama si YAHUSHUA at isang [konting] oras lang upang tumawa at maglaro at isang bagay na hindi ako nagkaroon [ng oras] ng matagal na panahon na, inaasikaso ang aming sariling gawain – nakatulog na rin sa wakas pagkatapos ng matinding espirituwal na mga atake ng umagang iyon. Kaya, ako ay mahimbing na natutulog at walang anu-ano ako ay nakarinig ng may nagbubukas ng aming pintuan, ang tunog (click) ng kandadong pintuan ay binubuksan ang pintuan. Naaalala ko ang bahagya kong paggising at nagsasabing, “May taong kakapasok lang. May taong nagbukas ng pinto,’ nguni’t ako ay natutulog kahit habang sinasabi ko iyon.

Kahit na ako ay mahimbing na natutulog ako ay nagsimulang makarinig mula kay YAHUVEH. At sabi ni YAHUVEH na SIYA ay, “Magsisimulang magsalita sa wika ng kaaway na nagbukas ng pintuan”, na maghintay. At ako ay natutulog parin at sabi NIYA, “Maghintay lang, sa susunod na buksan mo ang iyong bibig ito ay magiging isang wika na hindi mo kailanman narinig kahit noon pa” at iyan ang nangyari mula noon. Iyon lang ang lahat ng alam ko at nakikita ko (sa isang pangitain) mga taong tumatakbo at nakakakita ako ng paghuhukom at apoy at sila ay natakot sapagka’t alam nila na sila ay nakita at alam nila na hindi ako dapat nagkaroon ng anumang paraan na malaman na sila ay naroroon.

At iyan ang lahat ng aking natatandaan maliban sa may alam ako na isang bagay na napakaimportante tungkol sa salitang ‘katah’ at sinabi NIYA sa akin na may isang tao ang mababatid sa mga wikang ito o may isang tao ang magbibigay ng regalo ng interpretasyon sapagka’t may mashigit pa dito kaysa sa anong aming nalalaman at iyan ang kung ano ang gusto kong sabihin. Ang gusto ko pang idagdag ay, bago ako makapagsalita ng malakas sa aking bibig, ng mga salitang iyon, ito noon ay napaka-kakaibang bagay. Pinapasigaw ako ni YAHUVEH sa mga kaaway sa Espiritu ng mga salitang iyon. Narinig ko ang mga wika sa espirituwal na lupain/kaharian sinisigawan ang kaaway bago ko pisikal na mapakawalan ang mga ito sa pamamagitan ng aking bibig, ng pisikal. SIYA (si YAHUVEH) ay lubhang nagagalit at sa isang punto, kinuha NIYA ang aking kamay at natatandaan ko ito sapagka’t nagawa ko na ito sa Espiritu noon bago ko ito nagawa sa pisikal, at kinuha ko ang aking kamay tulad ng isang ipo-ipo at hinalo/pinalakas ko, ng “masmabilis, ng masmabilis, ng masmabilis, ng masmabilis, ng masmabilis.” At sinabi NIYA. “Iyon ang kung ano ang magiging katulad para sa mga kaaway na umaatake sa ministry na ito.” Inatake nila ang aming mga pinansyal at gayunman, sinasabi ni YAHUVEH, (si Elisheva ay nagsimulang nanalangin sa mga wika muli at ang salitang ito ay lumabas.)]

****************

Pagpapatuloy ng Propesiya

Pupunta ba kayo sa ekstra [pang] milya?

Mga pagpapala, mga pagpapala, mga pagpapala sa bawat isa na labis na naging isang panalanging pangtakip (prayer covering) para sa ministry na ito. Kayo ay nagtaka kung ano ang naging mali. Sapagka’t ang tinig ni Elisheva ay labis na naging tahimik mula sa huling propesiya. Iilan lang ang nagsulat sapagka’t sila ay nasa gayong takot. Ang ibang mga sulat ay ninakaw, para ang panghihikayat ay hindi niya maririnig. Ilan sa inyo ang nakarinig sa AKING tinig at sumubok na magbigay ng ikapu [donate] sa ministry na ito? Gayunman ang inyong mga credit card ay nahadlangan nguni’t bakit walang sinuman sa inyo ang nagtanong, [kung] bakit?

Hindi ninyo lubusang nagawang suportahan ang ministry na ito tulad ng ginawa ninyo noong unang panahon/sa nakalipas na panahon. Bakit hindi kayo lalo pang nagsikap/gumawa ng paraan (go the Extra mile)? Bakit hindi ninyo sinasabi na, “Dapat may iba pang paraan?” Hindi ba ninyo alam na ang mga kapangyarihan na nasa mundong ito ay hinahangad na pigilan/saktan siya? Sapagka’t siya ay hindi tinanggap na kunin ang eksemsiyon sa buwis na katayuan (tax exempt status), siya ay tumangging mabusalan bilang isang propeta.

Inyong sinasabi na ang ministeryong ito ay napakamahalaga sa inyo. Kayo ay humahapo/sabik para sa susunod na salita at gayunman bakit walang sinuman sa inyo, maliban na lamang sa [mga] kakaunting pili, na gumawa ng higit pang paraan (go extra mile) upang sabihin na, “Mayroon bang ibang paraan upang makapagbigay ng pananalapi sa inyo?”

Ngayon AKO ay nagsasalita sa mga tao na AKING sinabihan na magbigay at ang inyong mga pananalapi ay bumalik sa inyo. Ngayon Mangagbigay kayo, takal na mabuti, pikpik, liglig, at umaapaw, ay ibibigay nila sa inyong kandungan. Sapagka’t ito ay AKO, si YAHUVEH, na nagbigay ng isang utos na [dapat] kayo ay maging isang katulong (helper) at kapag isang pintuan ay sinirado, laging maghanap ng makita kung saan may isa pa, sapagka’t alam ninyo ang mga salita na lumabas ay [galing sa] AKIN.

Alam ninyo na ang ministri na ito ay para sa, ‘Huling Pagkakataong Kapalaran.’ Habang kayo ay isang biyaya sa ministry na ito, ganoon rin AKO ay magiging isang biyaya sa inyo. Sa mga yaong isang sumpa sa ministri na ito, na nakinig at walang ginawa upang tumulong, na kumain nito, lumago/naging malusog sa espirituwal at gayunman ay walang ginawang tulong. AKO ay nagsasalita ngayon mula sa mensaheng ito, kayo ay mananagot.

Mayroong mashigit pang paraan upang magpadala ng pinansiyal sa kanya. Nakikita ninyo sila sa isang banyagang bansa. Nakikita ninyo silang gumawa kung ano ang dapat na inyong ginawa. Nguni’t hindi ninyo isusuko ang ginhawa ng inyong mga tahanan, ng yaong inyong pamilya, kaya AKO ay nagpaunlad/nagpabangon ng iba pa. Hindi ninyo alam at kahit na maunawaan ang halaga na kanilang pinagbabayaran ay hindi niyo kaya para sa pagpapahid na inyong narinig sa araw na ito.

Ang tanging dahilan kung bakit hindi KO pa ipinadala ang AKING Anak na si YAHUSHUA upang tipunin ang KANYANG Nobiya (Bride), ay mayroon pang mga bagay na kailangang mangyari. Mayroon pang gawaing kailangang matapos. Iyan ang dahilan na ang mga kapangyarihan na, ang Amerikanong gobyerno, ay hinahangad na kunin ang ministry na ito mula sa internet, upang sakalin/sakmalin ang mga pananalapi. Nguni’t kung saan ang isang pinto ay isinara, AKO lamang ay nagbubukas ng isa pa. Ilan sa inyo ang makakarinig at Ilan sa inyo ang makikinig? Ilan sa inyo ang makikipag-ugnayan (contact) sa kanya at hindi lamang tumigil sa isang koreo/sulat kundi paulanan ang langit hanggang sa maabot mo siya at sabihing, “Kailangan kitang tulungan, mayroon akong isang antas na tulungan ka.

[Maraming mga email na ipinadala sa amin na ninakaw. Magpatuloy sa pag-email sa amin hanggang sa makarinig kayo mula sa amin.]

Kita ninyo, ang ministri na ito ay para sa banal. Hindi ito nagdadala ng pangalan ng lalaki, ng babae. Ang mga salitang ito ay hindi [galing] sa kanya. Ang pagpapahid na ito ay hindi katulad ng iba. Kung nais ninyong makibahagi sa pagpapahid na ito, kung gusto ninyo makibahagi sa mga biyaya, kung nais ninyo na malaman na protektado kayo tulad ng AKING pinoprotektahan siya at sa iba pa na Nobiya, huwag nang tumayo ng walang imik. Sapagka’t ang mga simbahan ng Babilon ay mga puta [whores]; kinukuha/tinatanggap nila ang mga walang buwis na katayuan. Hinayaan nila ang kanilang mga sarili na mabusalan. Sila ay tumatangging magsalita laban sa pagpapalaglag, homoseksuwalidad, sila ay tumatanggi na magsalita laban sa kung ano ang ginagawa ng kanilang gobyerno, nguni’t hindi ang ministri na ito. Walang presyo/halaga (price tag) dito, sapagka’t ito ay pag-aari ng Langit at sinumang maglalakas-loob ng busalan “AKO”, na si YAHUVEH? Sinumang maglalakas-loob na busalan ang AKING Anak na si YAHUSHUA? Sinumang maglalakas-loob na busalan ang RUACH HA KODESH? Kayo ay siguradong magbabayad.

Hindi ba sabi ng AKING Salita, “Kung ikaw ay lubusang magbibigay ng isang tubig na inumin sa isang propeta ikaw ay makakatanggap ng isang gantimpala ng isang propeta?” AKO ay nasa kanya na ibinubuhos ang Nabubuhay na Tubig. Ilan sa inyo ang ibinabalik ito para sa kanya. Binayaran nila ito mula sa mga pananalapi (gastos ng ministri), ang [mga] presyo ay patuloy na tumataas. Ilan sa inyo ang may pakialam man lang? Kaya AKO ay nagsasalita mula sa kanya.

Kasabay nito, AKO ay nagbibigay ng babala sa mga kaaway. AKO rin ay nagpapahayag ng isang biyaya sa lahat ng mga yaong isang biyaya sa ministri na ito at sa lahat ng mga tao na nananalangin (cover) sa kanya at sa lahat ng mga tao na nananalangin (prayer covering) sa ministri na ito at sa [mga] gumagawa/kumikilos ng extrang milya (go the extra mile). Ang mensahe sa Banal, ang mensahe sa AKING Nobiya sapagka’t ang Nobiya ni YAHUSHUA ay ang Nobiya [rin] ni YAHUVEH, magsaya/magdiwang! Kayo ay palapit ng palapit sa KANYANG pagdating. Kayo ay isang araw ang lapit sa pagdating ni YAHUSHUA! Kayo ay palapit ng palapit sa Langit, ang inyong tahanan at malaki, malaki, malaki ang magiging gantimpala ninyo para sa lahat na inyong sinakripisyo.

AKING ipinapahayag ang AKING mga biyaya sa [mga] matatapat (faithful), sa mga tao na tumatangging makipagkomprimiso. Walang isa na inyong pinagdaanan/ginawa ay masasayang, na magiging walang kabuluhan. Tandaan [ninyo] ito, Nobiya kailangan ninyo ang isa’t-isa, kaya huwag na ninyo iiling ang inyong mga ulo at sabihin, “Oh buweno, hindi ako makahanap ng isang lugar upang magbigay (donate).” Maghanap ng paraan (go the extra mile). Dumaan sa pamamagitan ng bukas na pintuan. Makipag-ugnayan sa kanya (contact her). Kumatok ng mas malakas sa pintuan ng langit sapagka’t mga libro ay inilalathala na. Ang ilan ay ngayon pa lamang ipinoproseso sa pagsulat at ang mga librong ito ay ibibigay (ng iba) sa panahon ng Malaking Kapighatian. Magtanong kung papaano kayo makakatulong sapagka’t ang paglathalang gastos ay malaki.

Ilan sa inyo ang kahit na magkaroon man lamang ng pakialam kung ano ang gastos sa pamumuhay na kinakailangan upang pumunta sa kung saan KO sasabihin at gawin kung ano ang sinabi KO na gawin? Maaari KO namang ibuhos ito mula sa Langit, ang pananalapi, nguni’t papaano iyon magiging isang biyaya sa inyo? Ang pag-aani ay lubos na malaki at ang mga trabahador/manggagawa ay lubos na kakaunti. Ang mga yaong may espirituwal na mga tainga upang makinig mabatid na AKO ay nagsasalita sa inyo. Ang lahat ng iba –kayo ay AKING mga kaaway, manatiling bingi. Walang anuman sa mensaheng ito maliban na ang yaon ukol sa paghuhukom, ay nakatakda para sa inyo.

[Sa teyp si Elisabeth [Elisheva] ay sinabi na, “ang aking mga kamay ay namamanhid.” (dahil sa pagpapahid [anointing]).]

*************

[Ang sumusunod na salita na ito ay ibinigay sa kasunod na gabi noong Oktobre 17, 2006 pagkatapos na ang aming sistema ng paghudyat ng babala (alarm system) ay hindi gumana at ang mga babae ay nananalangin/nagdarasal. Si Esnart ay ang vudu (voodoo) na katulong (maid) na pumupunta sa bahay ng dalawang beses sa isang linggo upang maglabada sa garahe.]

*************

AKO ay binigyan ka ng isang mandirigmang wika ng hindi katulad ng iba. Kapag iyong sinabi ang AKING Salita sa AKING lengguwahe, hindi mo lamang ito sinasalita sa isang lengguwahe, ikaw ay nagsasalita sa maraming mga lengguwahe. Alam KO kung saan ang mga kaaway. Alam KO kung anong bansa sila nagmula at ang wikang ito ay pumuputol sa kanila ng may katumpakan at ng may katiyakan.

Katherine, AKO ay iyong ikinararangal/ginalang, ikaw ay kumukuha ng oras upang gawin ang kung ano ang iyong ginawa (nagsusulat/nagsasalin sa Banal na Wika). Upang maaari KONG ipakita sa inyo kung gaano katotoo ito at ang yaong hindi maaaring interpretahin/mabigyan ng kahulugan sapagka’t ito ay isang wika ng mga anghel. Ito ay isa lamang sa karagdagang proteksyon. Kung maaari lamang ninyong makita ang mga kaaway na pumapaligid sa mundong ito, kayo ay magugulat/mamamangha. O’ nguni’t AKO ay tumatayo sa harapan ng mga kaaway. AKO ay tumatayo sa harapan ng mga kaaway ng AKING Nobiya. Kailangan nilang dumaan sa AKIN upang makapunta sa inyo, at sinong makakadaan sa AKIN?

[Elisabeth (Elisheva) Nananalangin: Banal, Banal, Banal, Banal, Banal, Banal, Banal.] [Sa audio na teyp nagtanong si Katherine kung makikita namin ang kamatayan ni Esnart. Nagtanong si Elisabeth (Elisheva), siya ang responsible nito (lakas ng seguridad [security power] ay hindi gumana/namatay) hindi ba sya, ABBA YAHUVEH? Pinutol niya ang aming alarm.]

Sa gabing ito hindi AKO magbibigay [ang buong pamamahay/pamilya mo] ng kapayapaan upang matulog, at AKO ay nagbigay ng babala sa iyo, Elisabeth [Elisheva], sa iyong panaginip. Katherine [Kathrynyah], nagkaroon ka ng isa na kumakatawan sa kapayapaan, seguridad at pagmamahal ay pumasok sa iyong silid upang ipakita sa iyo na ang lahat ay magiging mabuti. Sa palagay ba ninyo na ito nagkataon [lamang] na ikaw ay nagtatrabaho sa makapangyarihang digmaan ng wikang ito, sa parehong gabi na ang lahat ng ito ay nangyari? Walang nagkataon [lamang] (Coincidence).

Elisabeth [Elisheva], ito ay totoo na binago KO ang iyong wika sa yaong isa pang mas malakas na mandirigma. Sa bawat oras na ito ay ipinagdarasal mo, kapag sinusubukan ng kasamaan na pumasok sa iyong tahanan, kahit na ang digmaang mga panalangin ay pinipigilan ito, sapagka’t ito ay nasa ilalim ng AKING pagpapahid.

Katherine, iyong sinabi ang mga salitang ito ng paulit-ulit, nakinig ka sa kanila ng paulit-ulit, pumasok sila sa iyong espiritu. Ito ay wari’y parang isang kuta ay itinayo/inilagay, na ang kasamaan ay hindi makakapasok. Tinaranta KO ang kaaway sa gabing ito. AKO ay kawastuhan, AKO ay katiyakan, AKO ay kasakdalan (perfection). Kapighatian sa sinuman na nagtatangkang hawakan ang AKING pinahiran. Kapighatian sa sinumang tao na sumubok na gumawa ng pinsala sa AKING mga Propeta. Maari nilang subukan ng isang beses nguni’t hindi sila mabubuhay upang subukan muli.

Wala kayong isang bakas (clue) kung ilan ang AKING pinatay para sa inyo. Sa isang lugar sa gitna ng pagtawag kay satanas para sa iyong pagkawasak, Elisabeth [Elisheva], hinawakan nila ang kanilang mga puso at namatay sila sa yaong panalangin. Sa isang lugar sa hindi nakikita na lupain (invisible realm), habang dumating sila upang umatake, ang huling bagay na kanilang narinig ay ang wika na ito, habang ang kanilang mga kaluluwa ay dinala sa impiyerno, nguni’t ang kanilang katawan ay nakahilata sa sahig sa ibang lugar sa ibang bansa. Ang ilan ay naglaho na lamang at hindi kailanman matatagpuan.

Ang AKING paraan ay lubos na mas mataas kaysa iyong paraan. Kahit na inyong simulan na intindihin ay hindi ninyo mauunawaan kung ano ang AKING sinasabi. Ang inyong mga isipan ay hindi kaya itong unawain/isipin. Kahit na ngayon, kayo ay nahihirapan at nais ninyong malaman ang higit pa. Ito ay hindi para sa inyo na malaman. Ito ay hindi para sa inyo na maintindihan. Alamin lamang na AKO si YAHUVEH at ito ay magiging eksakto, tumpak tulad ng AKING pinlano.

Kahit na ang mga kaaway ay lumalakad sa AKING bitag. Sapagka’t sabi KO, “Naririto sila, halika at salakayin sila.” Hindi ba ninyo alam na alam KO na agad na ang yaong alarm ay mamamatay/hindi gagana? Hindi KO ba kayang alagaan ang mga yaong pag-aari KO? Oo, ito ay mabuti na kayo ay gising, ito ay mabuti na kayo ay hindi kumilos na hangal, sapagka’t ang mga kaaway ay tumitingin/nanonood mula sa malayo. Alam nila na hindi sila maaaring makalapit at ang AKING banal na mga anghel ay tumatayong bantay. Pagmasdan si Esnart, huwag mo siyang baliwalain, sapagka’t ang kasamaan ay gumagapang ng hindi inaasahan. Kayo ay lubusang naging magalang, kapag siya ay lumalapit upang hawakan kayo at kaagad ninyong inilalagay ang pagpapahid na langis sa inyo. Nguni’t simula ngayon, ipagbigay-alam sa kanya ng may katiyakan/napakaliwanag, na inyo siyang pinayagan na gawin ito sa ngayon sapagka’t hindi ninyo nais na maging bastos nguni’t walang sinuman ang maaaring hawakan kayo ng wala ang inyong pahintulot. AKING ibinibigay ang antas/utos na ito upang gawin ito sapagka’t kayo ay AKING tinatakpan/pinoprotektahan sa bawat oras.

Ngayon kayo ay magsasalita at magpapaliwanag. Makukuha niya ang mensahe at ayaw ng gawin ito sa pangalawang beses. Mayroong mga paraan upang sabihin ito at malalaman ninyo ang tinig kung alin ang dapat sabihin, sapagka’t siya ay isang naglalakad na kamatayan at kamatayan ay lumalapit upang subukan na hawakan ka sa bawat oras, ang [mga] sakit at karamdaman at pagkawasak nguni’t huwag matakot AKING mga sinta/minamahal, AKO ay pinoprotektahan kayo. Nguni’t kayo ay ipapaalam sa kanya, walang sinuman ang hahawak sa inyo na walang pahintulot ninyo. Ito ay para sa inyong lahat. Kailangan ninyong malaman ang espiritu ng inyong hinahawakan. Hindi ba sabi ng AKING Salita, “Huwag mong ipatong ng madalian ang iyong mga kamay sa kaninuman?” Lalo na dito sa Afrika, seryosohin ito ng lubusan.

Katapusan ng salitang ibinigay noong Oktobre 17, 2006.

**********

Ito ay isang salita ng babala sa mga kaaway ni YAHUVEH. Ang kaaway ay nag astral projected sa aming kuwarto upang patayin si Elisabeth (Elisheva), nguni’t namagitan si YAHUVEH at pinalayas NIYA ang kaaway. PURIHIN si YAHUVEH at YAHUSHUA! Ang mga bagay na ito ay totoo, mga tao, pakiusap seryosohin ito!

Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay magsisimula na ngayong makita ang pagbagsak ng kaaway at maaaring hindi ninyo makita ang kaaway na bumagsak sa pamamagitan ng inyong mga mata, nguni’t magkaroon ng pananampalataya habang naghihiganti si YAHUVEH at YAHUSHUA para sa atin.

Kahulugan sa Wikipedia.

Astral projection (or astral travel) is a term used in esotericism to describe an intentional out-of-body experience that assumes the existence of a soul or consciousness called an “astral body” that is separate from the physical body and capable of travelling outside it throughout the universe

Ang astral projection (o paglalakbay sa astral) ay isang terminong ginamit sa esotericism upang ilarawan ang isang sinasadya na karanasan sa labas ng katawan na ipinapalagay ang pagkakaroon ng isang kaluluwa o kamalayan na tinatawag na “astral body” na hiwalay mula sa pisikal na katawan at may kakayahang maglakbay sa labas nito sa buong uniberso.