Propesiya 28
Isa Ka Ba sa AKING mga Nakatago?
Ibinigay kay Apostol Elisheva Elisheva Eliyahu
Enero 25, 1999
Ito ay mula sa Propesiya 105, si YAHUVEH ay sinabi na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:
noon pa binalaan kita Elizabeth [Elisheva] na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INA YAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Noong Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
Ang mga sandata ng inyong pakikidigma ay hindi pangkatawan nguni’t makapangyarihan sa paghila ng mga kuta ni satanas pababa. Ang isang laptop na kompyuter ay magiging isa sa mga yaong mga sandata na ginagamit upang ibunyag ang kaaway, na ginagamit upang bigyang babala ang kaaway, na ginagamit upang pigilan ang kaaway mula sa pagwasak sa AKING mga Tao para sa kakulangan ng kaalaman. Sabihin sa AKING mga tao na Mamuhunan sa gamit/kasangkapan na ito ngayon sapagka’t kapag tatakas sila hindi sila makakapaglakbay na kasama ng mga malalaking mga kompyuter. AKING nilikha ang kompyuter para sa panahon na ito at layuning ito. Ito ang kaalaman na lalago na tatakbo paparoo’t parito. Ito ay kung paano ninyo magagawang maging, sa isang lugar at gayon pa man ay nasa ibang lugar na nagsasalita sa AKING mga Tao sa buong mundo. Huwag isipin ng isang sandali na ang sandatang ito ay hindi makapangyarihan. Hinahangad ni satanas na kontrolin ang internet, upang patahimikin ang AKING mga Tao. Nguni’t hindi niya magagawa ang anumang bagay na hindi KO pinapayagan.
Ang inyong oras/panahon ay maikli nguni’t AKING iuugnay kayo kasama ng mga taong may kaalaman sa kompyuter. Ang isang network ng AKING mga Tao ay magiging isang malakas na tinig sa oras ng pagtatapos na ito. Ang AKING mga henyo sa kompyuter ay nakatago para sa ganitong oras tulad nito. Ang mga taong may karunungan ni YAHUVEH at YAHUSHUA ay labis na naitago para sa ganitong oras tulad nito. Nagtatrabaho sila sa mundo upang matutunan ang mga paraan ng pagano, upang maaring magamit laban sa pagano at ang kanilang mga paraan sa wastong panahon. AKO ay mayroon na AKING mga tao sa lahat ng mga lugar maging saan man kayo natatakot, mula sa pulisya, sa militar, sa IRS, sa gobyerno, sa mga tindero, sa nagbibigay ng internet (internet providers), hanapin ang AKING mga Tao. Matatagpuan ninyo sila. Ngayon na ang oras na sila ay babangon/titindig at kikinang. Kagaya ng araw sila ay magbibigay-liwanag/sisikat.
Ang kaalaman na natutunan sa mga kolehiyo na ipinagkaloob ng kaaway ay gagamitin laban sa kaaway upang protektahan ang mga taong tinatawag KO na AKIN. Malalaman nila ang pasikut-sikot na paraan sa mga batas na sa palagay ninyo ay imposible. Mayroon AKONG mga abogado, mga doktor; mayroong AKONG mga guro sa lahat ng mga lugar. Huwag isipin na ang pagano ay mayroong mas maraming karunungan. Ang AKING mga henyo ay labis ng pinanag ang pagano ay mayroong masag mgaayaawaytiling nakatago hanggang sa isang nakatakdang oras. Ang AKING mga henyo ay may karunungan KO, si YAHUVEH at YAHUSHUA at maaring matuto ng anumang bagay ng mabilis, kahit na hindi nila kailanman inisip na mapag-aaralan ito noon. Ang komunikasyon ay magiging isang mahalagang gamit sa mga oras ng pagtatapos na ito.
Ang mga paraan sa kung ano ang nais ng mundo na gawin upang patahimikin ang AKING mga Tao, ay naroroon. Hindi KO ngayon ilalantad ang mga paraan, nguni’t makikilala mo sila kapag narinig mo ang mga ito. Sasabihin KO ito sa inyo, maaari nilang itayo ang kanilang mga tore ng Babel; AKO ay magbibigay ng isang daan/paraan para sa AKING mga anak upang palaging manatiling nakikipag-ugnayan. Magtiwala sa AKIN at alamin ang AKING mga paraan/gawa, maging ma-ingat (beware), ang AKING mga Tao ay nakatago, mayroong tinatagong mga regalo ng RUACH HA KODESH, lumakad ng mag-isa nang walang payo sa isa’t isa, upang maturuan, at gayunman ay labis ng tinuruan ng AKING RUACH HA KODESH.
Magiging mas mahirap ang paglalakbay upang makarating mula sa isang bansa patungo sa iba na walang pahintulot mula sa bansang iyon. Nguni’t sinasabi KO sa inyo mayroon AKONG mga Tao na nagtatrabaho na sa mga larangan na ito at ang AKING mga Tao ay makakatakas kapag ang oras ay dumating upang tumakas. Mayroon AKONG mga eroplano, mga piloto, at mga istuwardes. Ang AKING Plano ay nasa puwersa. AKO ay isang Diyos na hindi maaaring masorpresa kahit anumang iniisip ng kaaway. Mayroon AKONG isang plano at ang plano KO para sa inyo ay para sa kabutihan hindi para sa kasamaan. Ang AKING plano para sa AKING minamahal na mga Sanggol, Nobiya, mga Hinirang at Pinili ay para sa mga biyaya, napakaraming mga biyaya na hindi ninyo kayang pangalanan silang lahat.
Ang AKING mga plano para sa AKING mga kaaway ay para sa mga sumpa, napakarami na hindi nila ito kayang pangalanan silang lahat! Maghanda mga kaaway, ang mga sumpa ay paparating sa inyo! Natural na sakuna ang kanilang itatawag sa mga ito, nguni’t walang natural sa mga sakuna na nagmumula sa kamay ng NAGAGALIT NA si YAHUVEH! Nagyayabang kayo sa inyong mga sobra/labis (surplus) nguni’t walang magiging sobra dahil sa AKING galit na mahuhulog ng wagas, nguni’t hindi makakapinsala sa AKING mga Tao! AKING poprotektahan ang AKING mga Tao tulad ng ginawa KO sa panahon ni Noah, tulad sa panahon ni Lot, tulad ng panahon ni Moses.
Ang kaaway ay mangangalit ang kanilang mga ngipin sa galit at poot sapagka’t makikita nila na walang anuman ang maaaring makakapigil o makakahadlang sa mga taong sumusunod at nagtitiwala kay YAHUSHUA bilang kanilang Mabuting Pastol. Walang mga lobo ang makakagulat sa AKING mga tupa. AKO ay pumupunta sa harapan ng mga lobo at nagsasabi ng mga salita sa AKING mga Propeta at mga apostol nagbibigay ng babala ng mas maaga kung saan at kailan aatake ang mga lobo. Kita ninyo ang mga lobong (wolves) ito ay hindi lamang mga lobo na may matalim na mga pangil, sila ay mabangis at kapag kumagat sila ng isang beses, ang kanilang kagat ay nakamamatay. Kaya ito ay hindi lamang kagat nguni’t ang mismong kaluluwa at buhay ninyo ay nakataya.
Ang mga ahas na ipinadala upang paligiran kayo, hindi lamang isa, kundi marami, ang mga ahas ay susubok at papaligiran kayo at ang kanilang kagat ay hindi lamang isang kagat ng ahas nguni’t mayroong mga ulupong na magtuturok ng kamandag sa inyong Espiritu sinasabi sa inyo na si YAHUVEH at YAHUSHUA ay hindi kayang alagaan ang kanilang mga tupa, ito ay walang pag-asa, kayo ay tuturukan nila ng isang kamandag na kasinungalingan na nagsasabing, “Magtiwala sa gobyerno, hindi sa inyong Dios!” Pagkatapos sila ay gagamit ng mga ahas na sawang nanlilingkis upang subukan at pigain kayo sa bawat paraan na maaari nilang gawin. Pananalapi, espirituwal, pisikal, sa pag-iisip, pipigain kayo ng gobyerno katulad ng isang sawang nanlilingkis nang sabay-sabay, gamit ang ulupong upang iturok ang nakakalason na kamandag ng mga kasinungalingan upang magdulot kahit na sa pinakamalakas sa pananampalataya na manginig sa takot.
Nguni’t AKO ay nagsasalita mula sa babaeng tagapaglingkod na ito ngayon upang sabihin sa inyo AKING minamahal na hindi ninyo kailangan katakutan ang mga lobo at mga ahas! Sinabi KO na sa inyo na palagi AKONG may mga tao na sumasamba, naglilingkod, at sumusunod sa Dakilang Dios na si “AKO” (I’AM) at hanggang magpakailanman! AKO si YAHUVEH at ang AKING Anak na si YAHUSHUA ay tahimik na magmamasid at magsisiyasat kung ano ang ginagawa ng kaaway at AMING inuulat ito sa pamamagitan ng AMING mga propeta at sila naman ay hindi lamang nagbibigay ng babala sa inyo nguni’t nagpapalakas ng loob sa inyo tulad ngayon, upang ipaalam sa inyo sa AKING tyempo/oras sasabihin KO sa inyo kung kailan aalis, kung ano ang gagawin, kung paano iiwasan ang mga sawang nanlilingkis, at ang nakamamatay na mga ulupong!
Maghintay lamang sa AKIN, sapagka’t AKO ang Panginoon na inyong Diyos ay hindi kailanman napaka aga o nahuhuli. AKING sasagipin ang AKING mga Tao sa gayong paraan na inyong makahimalang makikita. Oo, mayroong mga tao na maglalaan at magiging martir nguni’t ang kanilang mga dugo ay bumagsak sa lupa at lalo lamang ibinabangon ang iba upang magsalita at gumawa ng mas kahanga-hangang mga gawain sa Pangalan ng AKING Anak na si YAHUSHUA. Huwag magdalamhati para sa mga taong AKING pinahintulutang mapatay alang-alang sa AKIN. Nguni’t sa halip ay magdalamhati para sa mga taong gumawa ng pagpatay at pagpapahirap. Sila ay magkakaroon ng walang hanggan upang magdusa para sa kanilang ginawa, para sa ginawa nila sa AKING mga Anak na ibinigay/inialay ang kanilang mga buhay para sa AKIN. Sila ay papahirapan sa parehong paraan sa impiyerno ng walang hanggan. Ang mga yaong namartir na nagdusa sa buhay nguni’t sa walang hanggan ay hindi kailanman magdurusa muli. Ang kanilang mga gantimpala ay kahanga-hanga sa Langit.
AKO ay darating para sa AKING Nobiya na walang dungis o kulubot. Pag-aralan ngayon kung papaano AKO pasayahin (please). Pag-aralan ngayon na sundin AKO. Matutunan ngayon na ilagay ang lahat sa AKING altar ng sakripisyo. Kung ano ang ibabalik KO sa inyo ay para sa isang pagpapala, kung ano ang AKING aalisin ay hindi para sa iyo, sapagka’t ito ay makakasira lamang sa inyo. AKO ay isang mabuting Diyos. AKO ang inyong Ama sa Langit at AKO ay nagmamasid ng mabuti sa mga taong dumadaing/umiiyak sa AKIN upang magkipag-usap sa kanila, ipinapakita sa kanila kung ano ang gagawin, kailan ito gagawin, saan pupunta. Huwag mag-isip ng isang sandali na ang inyong mga panalangin ay hindi nadinig. Ito ay hindi pa lamang oras, upang sabihin ang mga sagot.
AKO ay naghihintay, habang kayo ay naghihintay, matiyaga AKONG naghihintay habang sa bawat araw mas maraming mga kaluluwa ay babaling kay YAHUSHUA bilang kanilang taga-pagpalaya at manunubos. Hindi na AKO maaaring makapaghintay ng mas matagal pa sapagka’t ang kaaway ay nagpaplanong maglunsad ng isang atake sa buong mundo ng magkakasabay. Hindi KO hahayaan ang AKING mga Anak na nakikinig sa AKING tinig na malinlang. Makinig ng mabuti sa tinig ng mga kaaway at makikita ninyo kapag narinig ninyo ito sa lahat ng mga himpapawid, hindi ito ang tinig ng inyong Tagapaglikha at Tagapagligtas! Makinig ng mabuti at tingnan ang mga mata habang nagsasalita sila, huwag makinig sa pamamagitan ng inyong pisikal na mga tainga lamang, nguni’t gamitin ninyo ang inyong mga espirituwal na mga tainga, at huwag tumingin sa pamamagitan ng inyong pisikal na mga mata, nguni’t tanungin ang RUACH HA KODESH na ipakita sa inyo sa pamamagitan ng inyong mga espirituwal na mga mata.
Sa mundong ito lahat ay hindi tila kung ano ang ina-anyo nito. Sa mundong ito ang diyos ng kasinungalingan at pagkapahamak ay pinamamahalaan ang napakaraming mga bansa. Nguni’t ang Diyos ng Katotohanan ay si YAHUVEH at si YAHUSHUA at AKING inilagay sa lahat ng sumasamba, naglilingkod at sumusunod sa AKIN ang RUACH HA KODESH at ang RUACH HA KODESH ang maghihiwalay ng katotohanan mula sa mga kasinungalingan. Ang RUACH HA KODESH ay kakanlungin (shelter) kayo mula sa darating na pagkapahamak at pagkawasak. Huwag ninyong hayaan ang inyong mga mata na magpokus lamang sa kadiliman, sa mga negatibo ng mundong ito, nguni’t sa halip ay isipin ang mabubuting mga kaisipan, ang proteksyon, ang mga milagro na AKING gagawin upang iligtas ang AKING mga Anak. Tulad ng panahon ni Moses, gayon ay AKING gagawin muli ito. Sa isang bagong paraan, ng may [mga] bagong modernong mga gamit, nguni’t gayun pa man AKING poprotektahan ang AKING mga Sanggol, Nobiya, mga Hinirang at mga Pinili. Hindi lamang AKO magpoprotekta nguni’t AKING pagpapalain ang AKING minamahal na Nobiya sa mga paraan na kanilang hindi kailanman pinangarap. MAGTIWALA lamang SA AKIN!
Hindi lahat ng tumatawag sa kanilang mga sarili na AKING Nobiya at naghihintay sa AKIN ay AKING iuuwi sa araw na iyon. Ang AKING Anak na si YAHUSHUA ay tatanggap lamang ng isang Nobiya na walang dungis o kulubot. kayo ba ay namumuhay sa pagwawalang-bahala/hindi kanais-nais, sa kasalanan gayunman ay tinatakpan ito sa dumaloy na Dugo ni YAHUSHUA? Iniisip ba ninyo na hindi ninyo kailangan sundin ang AKING mga Kautusan (10 commandments) at mangailangan/humingi ng kabanalan sapagka’t ito ay inalis/pinawi na sa krus ni YAHUSHUA? Kung ginagawa ninyo ito, kung ganon, hindi kayo ang AKING Nobiya. Sapagka’t alam ng AKING Nobiya na ang mahalin AKO ay ang pagsunod sa AKIN. Hindi AKO sinusubukan ng AKING Nobiya upang makita kung gaano kalayo sa impyerno ang maaari niyang sandalan at pupunta parin sa Langit. Hindi hinihintay ng AKING Nobiya upang makita kung AKO’y magpaparusa upang ipaalam sa kanila na sila ay nagkasala. Sila ay nahahatulan ng AKING RUACH HA KODESH at nagsisisi bago KO sila kailangang parusahan.
Para sa lahat ng tumatawag sa kanilang mga sarili sa Pangalan ng AKING Anak na si YAHUSHUA at nagsasabi na sila ay ligtas at gayunman ay namumuhay sa kasalanan. Hindi ninyo niloloko ang kahit sinuman kundi ang sarili ninyo. MAGSISI NGAYON! AKING Nobiya, AKING ilalaan/irereserba ang pagkatakot (horror) na darating pa, nguni’t hindi para sa inyo/kayo na naglalaro sa dumaloy ng Dugo ni YAHUSHUA HA MASHIACH ng Kalbaryo. Sa palagay ninyo tinatakpan nito ang inyong mga kasalanan kapag kayo ay nagbubulay-bulay (pre-meditate) sa inyong mga kasalanan? Sa palagay ninyo ang pagpunta ng simbahan ay pagpupunas/nagpapawala ng yaong kasalanan dahil kayo ay humarap na banal sa iba, hindi ibig sabihin nito na kayo ay banal [para] sa AKIN. MANGAGSISI! Ang kasindak-sindak na mga araw na darating ay magpapatunay sa kung sino talaga ang naghahanap sa AKIN at sino ang nagtatago mula sa AKIN. Huwag kalimutan na alam KO ang inyong mga puso, alam KO ang inyong mga isipan; alam KO ang inyong mga motibo ng hindi kayo nagsasabi ng isang salita. AKO si YAHUVEH na lumikha sa inyo, ay kilala kayo sa lahat ng mga paraan. Walang anuman ang mananatiling lihim mula sa AKIN. Natatandaan ninyo si Ananias at Sapphira, iniisip nila na maaari silang magsinungaling sa RUACH HA KODESH. Tulad ng mga araw ni Ananias at Sapphira gayun rin ang magiging muli. Ang mga taong naglakas-loob na kutyain AKO ay makukutya! (Mga Gawa 5:1-11)
Ang Dugo ni YAHUSHUA HA MASHIACH sa Kalbaryo ay makakapagligtas o sa pamamagitan ng pagkaila at pagtanggi ng regalo sa Kalbayo ay isusumpa/parurusahan. Ang isa o ang iba, para sa ilan ang regalong ibinigay sa Kalbaryo ay isang biyaya at malalaman nila ang walang hanggan sa Langit. Para sa iba, ang AKING regalo na AKING ibinigay sa Kalbaryo ay magiging isang sumpa sapagka’t kanilang tinanggihan ang kaisa-isang daan patungo sa Langit, ang kaisa-isang daan patungo sa kapatawaran. Sa pamamagitan ng pagawa nito kanilang tinanggap si satanas at impyerno at ang lahat ng hinahandog/inaalok nito. Kapighatian sa oras ng pagtatapos na ito sa mga taong tinanggap ang mga paraan ni satanas at namumuhay sa kawalang kabanalan, sapagka’t ang inyong buhay ay magiging walang bunga at bawat biyaya na mayroon kayo ay puputulin. Nguni’t sa mga taong nagsisikap at iniingatan ang AKING mga Kautusan (10 utos ng Diyos), na walang ibang Diyos maliban kay YAHUVEH at YAHUSHUA at nakikinig lamang sa tinig ng RUACH HA KODESH at hindi sumusunod sa mga nakaka-akit na mga espiritu. Ang inyong buhay ay magiging puno ng mga biyaya sa mundo at sa Langit. Hindi KO kayo kailanman iiwanan ni pababayaan. Maniwala lamang. Huwag itapon ang inyong pananampalataya habang nakikita ninyo ang paparating na araw ng Paghuhukom.
Kaya ito ay naisulat, kaya ito ay sinalita sa Enero 25, 1999 na ito, ika-12:00 ng hapon. Naisulat, sinalita sa pamamagitan ng Babaeng Tagapaglingkod na ito, Anak, Mandirigma, Nobiya ni YAHUSHUA na Mesiyas
Apostol Elisheva Elisheva Eliyahu