Propesiya 55
Bigyan ng babala ang Mga Tao! Ang Ganap na Pagkasira ay Paparating!!!
Naisulat/Isinalita sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH sa pamamagitan ni Apostol Elisheva Elisheva Eliyahu
[Itong pinakabagong propesiya mula kay YAHUSHUA ay may kasamang mga leksiyon sa masigasig na paghahangad sa Panginoon, isang panaginip na KANIYANG tinatawag ang KANYANG mga Apostol at mga Propeta upang basahin at magbigay kahulugan, na hindi pinapayagan ang isang pagpapawi ng pagpapahid, at isang mabagsik na babala sa mga taong KANYANG tinatawag upang suportahan ang ministeryong ito na hindi pumapansin sa KANYANG Tinig.]Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
AKING minamahal na mga [anak], lagi ninyong pinapaalala sa AKIN na AKO ay nagpaparusa at nagwiwika/nagsasaway (rebuke) sa mga taong mahal KO. Nguni’t AKING minamahal, hindi ba ninyo nababatid na ginagantimpalaan KO rin ang masigasig na mga taong naghahanap sa AKIN. Kayo ay masigasig, 24 mga oras sa isang araw, kahit sa inyong pagtulog, kayo ay masigasig na naghahangad mula sa AKIN. Gaano KO pa kaya gagantimpalaan ang AKING mga Anak na masigasig na naghahanap/naghahangad sa AKING bawat salita?
Ang ganap na pagkasira ay paparating. Maghanda. Ang ganap na pagkasira ay paparating. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi KO sa AKING Babaeng Anak ngayon; sabihin ito sa isang binigkas na mga salita. Ito ay hindi lamang sa kapangyarihan ng nakasulat na salita. Ilan taon na ang nakalipas, AKING ipinag-utos na ang mga salitang ito ay sabihin, at gayunman alam KO na ang [dating] tagapamahal ng site ay hindi susunod. Pero ngayon na ang oras. Ang mga propetik na salitang ito ay lumabas/sabihin. Bawat araw isang bagong [mensahe] ang maidadagdag. Ang lahat ng mga ito naroroon kung saan sila narinig, hindi lamang nabasa.
Ang ganap na pagkasira ay paparating. Hanapin ang yaong panaginip, ang huling ibinigay KO sa AKING Babaeng Anak. Ang ganap na pagkasira ay paparating. Tatakan/markahan ito nito. Bigyan ng babala ang mga tao. Sabihin sa kanila na AKING ipinadala ang AKING mga Apostol at mga Propeta upang bigyang babala ang mga tao bago dumating ang ganap na pagkasira. Ang ganap na pagkasira ay paparating nguni’t hindi para sa AKING mga Sanggol, hindi para sa AKING Nobiya, hindi sa AKING mga Pinili at hindi sa AKING Hinirang, AKING poprotektahan sila tulad ng kasiguraduhan ni Noah at ang kanyang pamilya ay prinotektahan sa arko (ark), kung maniniwala [lamang] sila. Sabihin sa kanila, AKING poprotektahan sila mula sa baha ng kasamaan (ungodliness). AKING poprotektahan sila mula sa baha ng mga panganib na naghihintay.
Sabihin sa kanila, “Pumasok sa Kaban (Ark).” Alamin kung saan sila naroroon. Sabihin sa kanila na hanapin ang AKING mukha. Kung hindi nila alam kung saan sila pupunta, mag-ayuno at manalangin at managhoy at tumangis nguni’t alamin kung saan ang kanilang kaban (ark). Hangga’t alam nila kung saan sila dapat naroroon, Hangga’t sila ay nasa ilalim ng payong ng AKING kaligtasan, kung ganoon, sila ay nasa kanilang kaban, saan man sila sa mundo. Nguni’t sasabihin KO sa inyo muli, AKING mga Anak, tawagin ang mga Apostol at mga Propeta upang mabigyang kahulugan ang panaginip na AKING ibinigay kay Elisheva. ANG GANAP NA PAGKASIRA AY PAPARATING!
Kailangan mong ipaskil ang panaginip at bibigyan ko kayo ng isang interpretasyon ng panaginip. Nguni’t tawagin ang mga Apostol, at tawagin ang mga Propeta, sapagka’t ang bawat isa ay magkakaroon ng isang parte kung sila ay susunod lamang at kanilang sasabihin sa inyo ang buong rebelasyon ng yaong panaginip. Sapagka’t AKING mga Anak ang pagano ay nagdadala ng ganap na pagkasira at pinayagan KO ito. Nguni’t ang mga taong dumadaing sa AKIN, sa Pangalan ng AKING Anak na si YAHUSHUA, sila ay nasa loob ng kaban (ark) ng AKING kaligtasan, AKING poprotektahan sila mula sa ganap na pagkasira at sakit. Sa malalaking mga titik, ilagay ang petsang ito at oras kasama ng panaginip at sabihin sa kanila, kagaya ng mga araw ni Noah, kagaya ng mga araw ni Lot.
ANG GANAP NA PAGSIRA AY PAPARATING!!!
Hindi ninyo alam kung anong oras. Hindi ninyo alam kung anong araw. Nguni’t sa araw ng Sabbath. [Naririnig ang telepono na tumutunog sa paligid.] Kayo ay mas mainam na nasa panalangin! Mensahe ng Ganap na Pagkasira –Pagkaantala ay Pinapawi ang Pagpapahid – Babala si [Elisheva] ay nababagabag sa pagtunog ng telepono, patuloy siyang nanalangin sa mga wika (in tongues).] At kung saan ang inyong pananampalataya ay, doon ang inyong kaligtasan. Ang inyong kaligtasan ay hindi… [ang mensahe ay naririnig habang iniiwan sa makinang panagot (answering machine).] Kaparusahan Para sa Pagpapahintulot na Mapawi ang Pagpapahid, Sa susunod, AKING mga Anak, Matuto sa isang leksyon. Idiskonekta ang telepono na iyon. Huwag kailanman muling kumuha ng pagkakataon na ang pagpapahid ay maaaring mapawi. [si Elisheva ay nagpatuloy na nananalangin sa loob ng mga wika, nakikipaglaban upang maibalik ang kanyang atensyon sa kung ano ang sinasabi ni YAHUSHUA sa kanya.]
Ito ay nagpapagalit sa AKIN. Sa susunod kunin mo ang pag-iingat. Si Brother***** ay hindi alam. Hindi niya naintindihan na naglaro siya sa mga kamay ni satanas. Pinapatawad ko kayo, nguni’t ito ay isa pang leksyon kung gaano kadali ang pagpapahid ay maaaring mapawi sa pamamagitan lamang ng isang paggambala. Iyan ang dahilan kung bakit inutusan ko kayo na maging nasa tahimik, si Elisheva, na may kaunting pagkagambala hangga’t maaari/posible. Sapagka’t ikaw ay nananatiling labis na pinahiran at kahit anong paggambala ay maaring makapawi nito. Pinayagan KO itong mangyari habang nagsasalita ang AKING babaeng anak ng mga salita mula sa AKIN upang ipakita sa inyo kung gaano kadali [sa kanya] na maaaring magambala at hindi na makarinig pa mula sa AKIN. ANG GANAP NA PAGKASIRA AY PAPARATING!!!
Bigyang babala lamang ang mga tao na ang Ganap na Pagkasira ay paparating.
Istriktong Babala mula kay YAHUSHUA: “Kayo ba ay nakakarinig mula sa AKIN upang tulungan ang Ministeryong ito at binabalewala ba ninyo kung anong sinasabi KO sa inyo na gawin?” Anuman ang gagawin nila para sa AKIN, anuman ang ipinangako nilang gawin para sa AKIN, AKIN ba itong inilagay sa kanilang puso upang tulungan ang ministeryong ito? Kanila bang ipinagpaliban ito at sinabi, “O bukas o marahil sa isa pang araw. Kukunin/pupuntahan ko na lang at babasahin ko lang, kahit kontakin sila ay hindi ko gagawin.” Mayroon silang mga regalo at gayunman pinipili nilang hindi ibahagi ito sapagka’t sinasabi nila, “Oh sa ibang araw.” Nguni’t sinasabi KO ito sa inyo, at sinasalita KO ito.
ANG GANAP NA PAGKASIRA AY PAPARATING!!!
At anumang ginawa nila para sa AKIN, anumang ginawa nila sa Pangalan ng AKING Anak; gayunpaman nakatulong sila na ipangaral ang Mabuting Balita, ito ang mga taong AKING maririnig ang kanilang mga iyak/daing. Anumang sakripisyo ang kanilang nagawa, AKING bibigyang- pansin ang yaong araw. AKING makikita ang mga taong nagtakip ng kanilang mga tainga. AKING makikita ang mga taong nagtakip sa kanilang mga mata. AKING bibigyang-pansin kapag kanilang nakita kang nangangailangan, at kahit na inilagay KO sa kanilang puso, na magkapit kamay at maging tapat sa mga tao na nagpapalaganap sa AKING mabuting punla/binhi sa larangan ng pag-aani, at kanilang iniling ang kanilang ulo at itinanggi at sinabi, “Ay hindi, hindi SIYA nagkikipag-usap sa akin.” Binibigyan KO sila ng babala ngayon, AKO ay magmamasid. Sapagka’t siya ay AKING ipinadala bilang isang Elias ng unang panahon (Sa Hebreo, Eliyahu). Ipinadala KO siya sa mga biyuda ni Zarephath, bagaman hindi nila alam ito. AKO ay magbibigay-pansin sa araw na darating ang ganap na pagkasira.
Tinulungan ba nilang pakainin ang AKING mga Propeta? Nag-alok ba sila ng tubig? Nagbigay ba sila ng nakapang-hihikayat na salita? Nagbigay ba sila ng masisilungan? AKING tinanung ang mga propeta noong unang panahon ng paulit-ulit sa Salitang hinula/naipropesiya at lagi KO silang ipinapadala kasama ang AKING mensahe at ito ang palagi nilang pagpili kung ang mga tao ay makikinig o kung sila ay tutugon sa maka-diyos na takot o kanila bang papalayasin ang mga propeta? Walang anuman ang nagbago sa mismong araw na ito.
Kaya sabihin mo sa kanila, AKING Anak na babae, sabihin mo sa kanila para sa AKIN upang hindi nila masasabi na hindi sila nabigyan ng babala.
ANG GANAP NA PAGKASIRA AY PAPARATING!!!
Handa ba sila? Tanungin mo sila kung anong nagawa nila para sa AKIN?
Katapusan ng Propesiya
Propesiya 55 –Panaginip
YAHUSHUA! Kami ang IYONG Nobiya! Kami ay naghihintay sa IYO!
Kailanganng maipaabot kaagad, kamakailan lang na panaginip, ang mga panalangin lamang ang makakahadlang nito mula sa pagganap, ang mga interpretasyon sa ibaba ng pahina. Pakiusap tulungan ako na patunugin ang shofar na tambuli ng babala. Kung ang inyong mga pastor ay ayaw makinig, kung ganoon, kayo ay may pananagutan na magsalita pa rin. Mayroon akong ganitong pangangailangan ng mahalagang pagkilos sa espiritu ko. Nagkaroon ako ng isang malinaw na panaginip noong Dec. 19, 2001. Ang dahilan lamang na aking ibinabahagi ito sa inyo ay hindi para magdulot ng takot, kundi humingi ng inyong mga panalangin na ang panaginip na ito ay hindi mangyari. Nagsasalita si YAHUVEH sa atin sa mga pangitain, mga panaginip, at mga rebelasyon pati na rin propetik na paraan. Tanging ang taimtim na mga panalangin ng matuwid ang magpapahinto sa panaginip na ito na maging isang bangungot. Pakiusap ibahagi [ito] sa iba, at hilingin sa inyong simbahan na yumuko/lumuhod at mangagsisi at humingi ng muli ng awa [para sa] Amerika. Kung tumanggi ang mga simbahan o ang mga pastor, kung ganoon magsimula kayo ng grupo ng panalangin at mamagitan.
Ito ay Kinakailangan. Naninirahan ako sa Amerika. Paano ako hindi mag-alala? Ito ba ang Amerika na nakikita ko? Ang bansa na matatamaan ng dalawang beses sa oras ng hindi inaasahan. Mayroon tayong makapangyarihang militar na proteksyon nguni’t si YAHUVEH lamang ang makakapigil o makakahadlang kung anong gustong gawin ng diyablo at ang taimtim na mga panalangin lamang ng mga matuwid ang makakahadlang o makapipigil nito! Kailangan nating mag-alala. Gaano karaming hindi pa naligtas (unsaved) ang kilala ninyo?
Panaginip kasama ng Nagugutom na Sanggol
Ako ay nakatayo sa labas, tumitingin sa isang magandang asul na kalangitan, ang lahat ay mapayapa. Habang tumitingin ako sa itaas, nakakita ako ng 4 na bilog sa kalangitan na iginuhit na tila ang Daliri ng DIYOS na si YAHUVEH ang gumuguhit sa kanila ng napakabagal. Nang naiguhit na ang ika-4 na bilog, nakarinig ako ng isang napakalakas na ungol na ingay. Pumunta ako sa loob ng bahay, isang HIGANTENG hangin ang dumating na nagwawasak at pumapatay na parang Ito ay isang nuklear na pagsabog mula sa mga epekto ng isang nuklear na bomba! Napanood ko sa sindak ang kamatayan at pagkawasak. Sa loob ng aking bahay nakita ako ng isang babae na may isang maliit na sanggol sa kanyang mga bisig. Tinignan ko ito at ang sanggol ay nagmukhang patay at kulang sa nutrisyon. At sinabi ko, “Bakit hindi mo pinapakain ang sanggol?” at tinignan niya ako ng malamig na tingin at sinabi, “Dahil nag-aayuno ang sanggol.”
Pagkatapos bago ko makuha ang sanggol mula sa kanya, binuksan niya ang bintana at hinagis ito sa labas ng ika-2 palapag na bintana. Tumakbo ako sa labas sa radyasyon (radiation) at sa nakakawasak na hangin at sinalo ang sanggol sa aking mga bisig, at ang sanggol ay nagsimulang huminga muli! Habang nakatayo ako doon, isang lalaki ang lumapit sa akin, ang kanyang mukha ay lubhang nasunog mula sa radyasyon (radiation), at ito ay pula na may ika-3 digri na pagkasunog, hindi siya nagsabi ng isang salita, napadaan lang siya sa akin. Bumalik ako sa loob ng bahay ko, lubos na [ako ay] protektado mula sa radyasyon, at alam ko na walang anuman ang makakapinsala sa akin kasama rin ang sanggol at pinakain ko ito ng gatas mula sa isang bote.
Pagkaraan ng ilang sandali huminto ang mapangwasak na mga hangin. Ang lahat ay lumabas na payapa. Pagkatapos ay tumingin ako ulit sa kalangitan, at nakita ko ang unang bilog na nagsisimula, nagsimula akong sumigaw, “MANGAGSISI at ibaling ang inyong mga puso kay YAHUSHUA! Sapagka’t muli ang paghatol ay dumarating na!” Napaka-kakaunti ang nakinig! Nakita ko ang iba pang 3 mga bilog ang lahat ay nasa isang linya/hilera, 4 ang lahat (kabuuan), at pagkatapos ang isang tunog ng isang dumadagundong na hindi ko mailarawan. At pagkatapos bumalik muli ang mapangwasak na hangin, na tila naganap ang isa pang nuklear. Nabatid ko na ang babae ay relihiyon, at ang sanggol ay ang kongregasyon, ang organisadong relihiyon ay ginugutom ang mga tao pinipilit na sila ay mag-ayuno para sa masmarami pang espirituwal na kaalaman at mga propetik na mga katotohanan at mga rebelasyon. Ako ay ginagamit upang pakainin ang mga tao na nagugutom sa kanilang sariling mga simbahan, ang mga pastor ay sinasakripisyo ang mga tao para sa kapakanan ng pagpakain sa kanilang mga sarili sa kayamanan, pagkontrol, iniiisip na kanilang pag-aari ang mga tupa, nakakalimutan na mayroon lamang isang Mabuting Pastol.
Pakiusap bigyang babala ang lahat ng tao. Nagsalita si YAHUVEH sa akin sa panaginip at nagbigay babala sa akin kung bakit NIYA muling iaangat/itataas ang KANYANG bakuran ng proteksyon, kahit na ang pagano ay sumasamba sa isang paganong diyos, at sino ba ang sinasamba ng Amerika?
Noong Nobyembre nagkaroon ako ng magkaparehong panaginip.
Naglalakad ako pababa ng isang kalye at isang baka na puno ng gatas ay sumunod sa akin saanman ako pumunta. Ito ay hindi ko baka. Ang magbubukid ay inakusahan ako ng pagnakaw ng kanyang baka! Sinabi ko hindi ko mapigilan ang baka sa pagsunod sa akin, ito ang kagustuhan ng baka! Nakakita ako ng 3 kuwadrado sa isang hilera na ginuhit ng Daliri ni YAHUVEH sa kalangitan. Nakarinig ako ng isang tunog katulad ng isang dumadagundong na ingay. Hindi ko ito maipaliwanag. Pagkatapos, nakita ko na ako ay nasa mga bundok at malalaking mga bato ay lumalapit sa aking direksyon. Tumakbo ako sa karagatan kung saan ang bahay ko sa panaginip. Nakapasok ako sa bahay. Pagkatapos ay nakita ko muli ang 3 kuwadrado na ginuguhit sa kalangitan. Nanood ako sa sindak, at sinubukan kong mag-isip, kung alin ang pinaka hindi masyadong masakit na paraan upang mamatay. Sapagka’t akala ko na matatabunan ng karagatan ang bahay at ang lahat ay malulunod kung mananatili ako, kaya nagpasiya ako na pumunta sa mga bundok ulit. Narinig ko ang dumadagundong na ingay at pagkatapos na pagkatapos na naguhit ang pangatlong parisukat, nakita ko bago ako nakagalaw mga paputok (fireworks) sa kalangitan, una ay ang mapupusyaw na kulay na nakakainip na uri, pagkatapos ay matingkad na kulay na mga paputok. Ito ay magandang mga paputok. Hindi ako tumakbo, pinapanood ko lang ang mga paputok.
Pakiusap ipadala sa akin ang inyong pagkaunawa sa mga panaginip. Ang alam ko na ang baka ay ang mga tao na puno ng gatas mula sa pangangaral ng ibang mga pastor, nguni’t gusto nila ng mashigit pa. Tanging taimtim na mga panalangin ng matuwid lamang ang may kabuluhan/pakinabang, kung ang AKING mga tao yuyuko at magpakumbaba sa kanilang mga sarili, AKING pakikinggan ang kanilang mga panalangin at pagagalingin ang kanilang lupain! Pakiusap seryosohin ang panaginip na ito. Si YAHUVEH ay narinig kong nagsalita sa akin tatlong taon na ang nakakaraan at ang 2003 ay ang pang-apat na taon. Sabi NIYA, “Sa apat na mga kapanahunan iyong malalaman.” Kung mauunawaan natin ng tama, ang 4 na mga kapanahunan ay mga taon. Mayroon ba talaga tayo ng ganoong katagal o ang katapusan ay darating ng mas maaga? Sapagka’t napakarami ang mayroong paghahangad na wasakin ang Amerika at mayroon kapangyarihan at si YAHUVEH at YAHUSHUA lamang ang makakapigil nito. Gagamitin NIYA ang ating mga panalangin. Sino ang tutulong sa atin na mamagitan? Kailangan nating magkaroon ng masmarami pang oras upang abutin ang mundong ito para sa kaharian ng Langit.
Ang isang mabuting bagay ay ako ay protektado. Gayon rin kayo kung kayo ay nasa ilalim ng mga pakpak ni YAHUVEH ayon sa nakasaad sa Awit 91 (Psalm 91), ang sekretong lugar ng Pinakamataas na Diyos. Mayroong bang anumang bagay na napakahirap sa DIYOS? Ang 3 Hebreong mga anak ay itinapon sa loob ng isang umaapoy na pugon na pinainit ng pitong ulit na mas mainit at walang anuman ang nasunog maliban sa mga lubid na ginamit upang itali ang kanilang mga kamay at paa. Ang Diyos na si YAHUVEH ay maaari tayong itago/ingatan mula sa kapahamakan sa mga panahong ito din.
Pakiusap sabihin sa iba tungkol sa biyayang kaligtasan ni YAHUSHUA upang sila ay maliligtas. Huwag matakot sa tao na makakapagpapahamak lamang sa laman, nguni’t sa halip isakatuparan ninyo ang inyong sariling kaligtasan ng may takot at panginginig kay YAHUVEH na maaaring patayin ang inyong laman at itapon ang inyong espiritu sa Dagat-dagatang Apoy. Sapagka’t mahal KO kayo, binabalaan ko kayo. Ezek 3:17-21 ang dugo ay wala sa aking mga kamay. Pakiusap tandaan ang tunay na araw ng sabbath at panatilihin itong Banal. Ang pagpapanatili ng Sabbath ay hindi nangangahulugan ng [pagiging/maging] legalismo, mag-ingat sa legalismo at pagkaalipin, ito ay isang biyaya at isang pagpapahinga sa mga anak ni YAHUVEH. Tulad ng mga panahon ni Moses magkakaroon ng mga biyaya ng proteksyon para sa mga tao na nagpapanatili sa Tunay na Sabbath dahil sa pagmamahal kay YAHUVEH at YAHUSHUA. Ang mga aral/tagubilin na ito ay ibinigay sa atin sa pamamagitan nina Adan at Eba at ang Bibliya ay sinasabi na ang sabbath ay panghabang-buhay at hindi kailanman magbabago. Ang Katolisismo ay binago ang totoong Sabbath; ang lahat ng mga araw ay pagsamba nguni’t mas lalong lumapit sa tunay na Sabbath. Dumating si YAHUSHUA upang tuparin ang Batas ni Moses, hindi para kanselahin ito. Ang bahay na aking pinapatakbo/pinamamahalaan ay ang aking KABAN (Ark) ng proteksyon. Siguraduhin na kayo ay nasa Kaban, kapag nangyari ito sa ilalim ng silungan ng Awit 91 (Psalm 91). Tandaan, tumawag sa pangalan ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Mayroong kapangyarihan sa Sagradong mga Pangalan.
Pagmamahal at mga Biyaya sa kahanga-hangang mga Pangalan ni YAHUVEH at ni YAHUSHUA. Apostol Elijah (Elisheva Elyahu)
Unang Interpretasyon
Minamahal kong (Elisheva ),
Aking ipinagdasal ang panaginip. Naniniwala ako na ito ay malinaw na ang Panginoon ay ipinapakita sa iyo ang patutot (harlot) at siya ay hindi nais na pakainin ang kanyang anak ng karne ng Panginoon. Samakatuwid, ang Panginoon ay nagpasya ng isang paghahatol sa kanya. Tatlong beses ang Panginoon ay nakipag-usap sa kanya. Ang paghuhukom ay nagsisimula ng dumating at ito ay nagsimula sa Patutot (harlot). Siya ang dakilang patutot (babaeng puta) na nakasulat tungkol sa sino ang nakasakay sa halimaw. Ang Diyos ay nagkipag-usap sa kanya ng napakaraming beses at oras na para lumabas mula sa kanya AKING mga tao at para sa inyo na hindi makisalo/makibahagi sa kanyang mga kasalanan. Bakit kayo nagpapatuloy na pumunta sa bahay ng mga patutot at maging bata (be weaned) sa espirituwal na gatas kung saan kayo ay hindi lalago/sisibol sa pagiging may-gulang/kahustuhan?
At ngayon ang Panginoon ay nagpadala ng masasandalan sa inyong kaluluwa at kayo ay nananatiling bigo pa rin na lumabas sa kanya AKING mga tao. At bakit? Upang kayo ay magkaroon ng mabuting mga kaibigan at magandang mga bahay at magarang mga kotse/sasakyan at magandang mga lugar ng pagsasambahan? Bakit dapat mayroon kayo lahat ng mga bagay na ito at gayunman nakalimutan ninyo ako sa mga araw na walang katapusan. Ang Panginoon na nagmamahal sa inyo at nagligtas sa inyo at nagpapakain sa inyo at sinusundan ninyo ang kalapating mababa ang lipad at patutot (babaeng puta)? At paano niya kayo papakainin oh kayo na hangal na nakakalimot sa AKIN ng mga araw na walang bilang? Bakit ninyo hinahanap ang Patutot at ang kanyang pugad ng gayak/mabahong pugad sa halip na ang Panginoon?
Samakatuwid, dahil inyong hinanap/hinangad ang Patutot (babaeng puta) at hindi AKO hinanap/hinangad at hindi ninyo sinunod ang AKING tinig na lumabas sa kanya, hindi AKO makikinig kapag ipinadala KO ang AKING mga hatol laban sa kanya. Ang bagay na ito ay hindi dapat kayo nakikibahagi. Nguni’t sinabi ninyo sa inyong sarili, “Mayroon bang ibang daan? Ang daan ba ng Patutot ay hindi ang daan lamang na pwede kong puntahan? Wala bang mga gusali sa bawat sulok at hindi ako makakakuha ng karne (salita ng Diyos) doon?” Nguni’t sinabi ninyo sa inyong sarili, “E ano ngayon? Kahit papaano mayroon akong isang lugar upang tirhan sa gilid ng daan kung saan maaari nila ako pakainin at alagaan ako at maaari akong magkaroon ng yaman at kasaganahan rin!”
At ang Patutot ay nanghihikayat at pinipigilan [kayo] at hinihila kayo papasok at inyong kinain ang tinapay sa mga delikadong mga lugar at natagpuan ang isang kaunting kapayapaan at aliw. Nguni’t sinabi KO “Ang mga taong ito ay hindi makikinig sa AKIN, kailangan KONG magpadala ng masmalakas na tawag baka masyado siyang masiyahan sa Patutot at uguyin niya ang AKING mga tao upang matulog”. Nguni’t kapag dumating ang destruksyon/pagkasira sinabi KO, “Pagmasdan ngayon at tingnan, magsisisi ba siya, makikita ba ng mga tao ang kanilang pangangailangan sa AKIN? Mangagsisi ba sila sa pamumuhay para sa kanilang mga sarili at ang mga bahay na ito na naitayo sa AKING Pangalan? Oh makikinig na ba sila ngayon na kanilang makikita na ang kanilang mga bahay na itinayo sa AKING Pangalan ay hindi sila maliligtas, hindi sila maaaring protektahan? Ang isang bahay ba ng argamasa (mortar) at laryo (brick) ay mapoprotektahan kayo AKING minamahal? Ang mga tao, ang mga pari na nagbibenta ng AKING Pangalan sa inyo at ang AKING hukbo, tutulungan ba nila kayo kapag AKO’y mag-utos ng paghuhukom sa kanya? Darating ba siya sa inyong libing/burol? Ihahanda ba niya ang inyong banig ng katamayan para sa inyo? Kakanta ba siya sa inyong libing? Sasabihin KO na hindi!”
Sapagka’t siya ay AKING hahatulan sabi ng Panginoon at kapag ang paghuhukom ay dumating ang lahat ng nagdamdam/nagalit ay masusunog sa apoy. Bawat huling himnaryo/salmo kung saan kayo ay nagtiwala. Sa bawat huling tore at kampana at instrumento ng musika sila ay mawawasak. At bakit ninyo sinasabi na? Hindi ba ito sapat na sumamba ng Linggo at magkita/magpulong ng Miyerkules at bayaran ang ikapu at ang pag-aalay at magbigay sa lokal na simbahan? Hindi ko ba binayaran ang AKING mga karapatan sa Panginoon kapag ako ay nanalangin? Nguni’t hindi ninyo AKO kilala. Hindi ninyo nais na makilala AKO. Hindi ninyo gugugulin ang oras upang kilalanin ang isa na nagliligtas sa inyo. Inuubos/sinasayang ninyo ang inyong mga araw na namumuhay sa walang kabuluhan at ang kapalaluan/kahambugan ng inyong pag-iisip at inyong nakalimutan ang isa na nagmamahal sa inyo at namatay para sa inyo.
At ngayon hindi KO na kayo mapagtiisan. Ang mga araw ay nandito na para malaman ninyo ang isa na namatay para sa inyo ay tunay. Kung magsisisi kayo at tumalikod mula sa inyong mga kasalanan at lumuhod sa AKIN at sumunod sa AKIN kayo ay maliligtas. Nguni’t AKING hahatulan ang dakilang Patutot ng AKO mismo at isusumpa ang mga tao na matatagpuan sa kanya sa yaong araw. (Elisheva ), hindi ito itinago sa akin kung ano ang gagawin ng Panginoon. Ako ay matagal ng lumabas sa Patutot ng marami ng taon.
(Elisheva ), ito ay hindi itinago sa akin kung ano ang gagawin ng Panginoon. Ako ay matagal ng nakalabas sa Patutot ng marami ng taon. (Elisheva ), ang dakilang Patutot ay ang huwad na Sistema ng relihiyon na ipinagbili si Hesus sa mga sulok ng kalye at sa pinakamalaking mga gusaling na naitayo sa mundo. Kanilang ipinagbili sa Hesus kapalit ng mga dolyar at pinakain ang mga bata ng tinapay, kapag maaari pa nilang pakainin ang mga ito ng labis. Nguni’t gusto nila ang yaman ng mga dolyar mula sa mga tao kaya pinapakain nila ang mga bata ng gatas at ang gatas ay naging masmahina habang ang kasakiman ay tumataas. Kahit na ang mga pastor, marami sa kanila ang may karne (salita ng Diyos) o ang mas mabibigat na usapin ng salita sa kanila at sa kanilang mga puso ay hindi nila ito ibinabahagi para sa kadahilanang ito. Sila ay natatakot na masaktan ang kalooban (offend) ng mga tao at mawala/alisin ang mga sumusunod/tagasubaybay at mawala ang pera upang suportahan ang mga gusali at mga programa at tulad nito.
Buweno (well), iyon ay isang malaking kasalanan at isang matinding amoy na mabaho sa mga butas ng ilong ng DIYOS. Paanong, ito dapat ang maging eksepsyon na ang totoong mga Apostol at mga Propeta ay nagtatrabaho upang suportahan ang kanilang mga sarili ng may mga maliit na mga tagasubaybay habang ang huwad na mga upahan ng Apostatang simbahan ay nagkalinya/nakalagay ang kanilang mga bulsa sa kayamanan ng mga bata. At hindi ba ganoon rin sa panahon ng unang pagpapakita ni Hesus? Sila ay bumibili at nagbebenta ng mga kalapati sa templo. Ngayon ay nagbebenta sila ng mga teyp (tape), at mga libro, at mga rebulto/estatwa, at mga alahas/palamuti, at kape, at pagkain, at lahat ng uri ng mga bagay at iyon ay pagkatapos nilang kunin ang ikapu at pag-aalay. Hindi ba hahatulan ng DIYOS ang isang simbahan na tulad nito? Pahihintulutan ba ng DIYOS na magpatuloy ang kasamaang ito? Hindi at isang libong beses na hindi!!! Ngayon ang poot ng Panginoon ay nagningas/nag-alab laban sa huwad at KANIYANG isusuka siya mula sa KANYANG bibig.
Tinatawag pa rin NIYA ang totoong nobiya (Bride) na lumabas sa huwad na patutot na simbahan. Ang ibig sabihin nito, kung kayo ay nasa sekta/denominasyon, lumabas kayo. Mga Lutheran, lumabas kayo. Mga Metodista lumabas kayo. Mga Prebiteryano, lumabas kayo. Lumabas sa lahat ng bagay na nagtataas sa kanilang sarili sa ibabaw ng Panginoon at ng totoong simbahan. Sapagka’t ang kanyang mga kasalanan ay umabot na kasing taas ng langit at ang Panginoon ay naaalala ang kanyang mga kasalanan. At lubos na hahatulan ng Panginoon ang ‘Kalapating mababa ang Lipad’ na ito na umuupo bilang isang reyna at nag-iisip na hindi niya kailanman makikita ang kalungkutan. Gaanong naglakas siya ng loob na purihin ang kanyang sarili ng lubusan ng ganoon. Sino ba siya sa palagay niya sa kanyang sarili at bumuga at dumura at ipahayag ang kanyang sarili na reyna at hindi magiging isang byuda! Lumabas mula sa kanya AKING mga tao. Kayo ba ay katoliko! Labas [kayo]! Labas [kayo]! Labas [kayo]! Oo ang trumpeta ay tumutunog naririnig ba ninyo? Ang mga araw ay mahusay na ginugol. Hindi ninyo mababago ang Patutot (babaeng puta). Ang Patutot ang magpapabago sa inyo!
Walang sinuman ang makakapagpabago sa Patutot. Kung iyon ay posible ang Panginoon ay binago na siya. Nguni’t ngayon siya ay inilinya niya ang kanyang sarili sa kayamanan ng AKING kulang sa nutrisyon na mga anak at hindi niya ipapakain sa kaniya ang kayamanan at rebelasyon ng AKING Salita nguni’t ginawa ang mga kasalanan ni Hudas na nagbenta sa AKIN para sa tatlumpung pilak na mga barya. Hayaan siya, kung sino ang may tainga pakinggan kung ano ang sinasabi ng espiritu sa mga simbahan. Ngayon ang araw upang makinig. Huwag patigasin ang inyong puso tulad ng araw na nakakapukaw na galit, nang ang mga anak ni Israel ay humantong sa kagubatan sapagka’t sila ay hindi nasiyahan sa totoong tinapay mula sa langit. Lumabas kayo. Lumabas kayo. Lumabas kayo!!! Ganito ang sabi ng Panginoon.
Karagdagang Interpretasyon:
Ang aking interpretasyon ng mga panaginip ay malamang na maging simple. Umaasa ako na ang iba ay maunawaan ng mas malalim na kahulugan kung mayroong isa. Ang Ganap na Pagkasira ay darating ng mabilis, ng hindi inaasahan, kukunin ang bawat isa (maliban sa mga nagtakda/gumawa nito) ng lubos sa pamamagitan ng sorpresa. Ang 4 na mga bilog ay tumutukoy sa mga sumusunod, na nakapaskil/nakalagay sa site na ito: si Elisheva Eliyahu ay nagising na nagsasalita si Ama YAHUVEH noong Oktubre 16, 1999 halos mga 7:00 ng umaga gitnang oras… “Sa apat na mga panahon ay malalaman mo, ang regalo ng nakakapagpapagaling na tunog ng trumpeta!” Ang 4 na mga bilog ay tumutukoy sa apat na panahong ito [tag-init, tagsibol, taglamig, tag-lagas?]. Unang ipinakita kay Elisheva ang pagkumpleto o pagtatapos ng ika-4 na panahon at kung ano ang mangyayai sa panahong iyon. Ang makita muli ito sa ikalawang pagkakataon ay nagpapatunay na ito ay isang tiyak na propesiya mula kay YAHUVEH na matutupad, na magkakaroon din ng dalawang alon ng destruksyon/pagkawasak. Ang tunog ng trumpeta (shofar) ay tatawag sa Nobiya ni YAHUSHUA pauwi sa kaligtasan bago dumating ang destruksyon sa Kasalang Hapunan ng Kordero.
Kahit na ang bagyong ito ay nakikipagkarera sa ibayo ng ating bansa, ang sinumpang mga simbahan ay magpapatuloy na lokohin/nakawan ang kanilang mga kongregasyon habang ginugutom sila sa espirituwal. Ang babae ay ang yaong simbahan, hinahagis/tinatapon ang kanyang ginutom na kongregasyon mula sa pangalawang palapag na bintana. Si Elisheva, na kumakatawan sa mga tao na nagtuturo ng katotohanan at nangangalaga sa mga yaong bumabaling sa kanila para sa tulong/pangangailangan, nagpapakain sa nagugutom na sanggol. Siya at ang sanggol ay ganap na protektado mula sa radyasyon (radiation) sa loob ng kanyang bahay dahil sa kanyang katapatan at pagkamasunurin sa tawag ni YAHUSHUA.