Propesiya 139, “Buto ng aking mga buto, laman ng aking laman” Tula

Propesiya 139

“Buto ng aking mga buto, laman ng aking laman” Tula

Pinagkaloob sa pamamagitan ng kabanalan ng RUACH HA KODESH sa pamamagitan ni Apostol na Propeta na si Elisheva Eliyahu
Natanggap noong Oktubre 23, 1999, Sabado
Muling inilabas noong Enero 11, 2019
Genesis 2: 18,23 At sinabi ng Panginoong YAHUVEH na Diyos, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya.
23 At sinabi ni Adan, Ito nga’y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya’y tatawaging Babae, sapagka’t sa Lalake siya kinuha.

Ang tulang ito ay isang Propesiya at pangako sa aking mga kapatid na babae kay YAHUSHUA (‘HESU KRISTO’ )- Na bagama’t ibinigay na ang kanilang isip, katawan, espirito, at kaluluwa kay YAHUSHUA, ay nananatiling bihag ng kanilang mapang-abusong asawa o alaala ng kanilang mga mapang-abusong asawa na ipinagkasundo sa impyerno. Tanging si YAHUSHUA ang makakapagpalaya sa iyo mula sa kanila na nananakit o sa mga sinaktan na ang iyong isip, katawan, espirito, at kaluluwa. Ito ang pangako sa iyo at ang pangako saakin, kung saan ika’y nakaranas ng pinaka malupit na impyero, ika’y makakaranas ng pinaka mabuti.

Nagising ako sa boses ng ating PANGIINOONG YAHUVEH at kanyang sinabi saakin, “Ipinadala ko sa iyo Pastor Harry Regan, sa loob ng apat na panahon malalamang mo ito bilang kumpirmasyon. Ikaw ay kangyang inayuno para iyong marinig…”

Sinabi saakin ng PANGINOON “Bumangon ka at iyong isulat.” ibinigay saakin ni ABBA YAHUVEH ang tulang ito para isulat, Habang ang DIYOS ay kinakausap ako sa isang panaginip, ginigising ako gamit ang mga Salita ng tulang ito. Akala ko ang mga salitang ito ay Pangako para lang saakin. Ngayon alam ko na ang pangakong ito ay para sa LAHAT ng aking mga kapatid kong babae, kay ‘HESU KRISTO’ (YAHUSHUA ang ating MASHIACH), na nakapaglakad na gamit ang sapatos na aking inilakad.

Ito ay isang pangako mula sa DIYOS na ibinigay saakin, at ngayo’y aking ibinabahagi sa inyong mga nag aantay ng pinaka mabuti na asawang itinalaga ng DIYOS, kung saan kayo’y nakaranas ng pinakamalupit mula sa impyero. Basahin mo ito at angkinin ito bilang pangako sa iyo.

Dapat itong malamang ng mga kalalakihan na itinakda para sa kababaihang ito: May parating sa iyong isang babae na nabuhay mula sa maalab na pugon at lumabas na mas puro pa sa ginto. Papahalagahan ka niya sa mga paraan na hindi magagawa ng isang babaeng hindi pa nakakaranas ng kahirapan sa paraan na dapat pahalagahan ang isang makadiyos na asawa. Kung mayroon man sa inyong gustong i-share ito sa inyong mga website, maari niyo akong sulatan at paalaman. Kay YAHUVEH ang papuri, karangalan, at kaluwalhatian!

* * * * * * *

Sa ibaba nakasaad ang Propesiya ayon sa kung paano ito inilabas
– Gamit ang “Banal na mga Wika,” ni Propeta Elisheva, tulad ng pagbibigay ng PAKSA ng ESPIRITO DIYOS (Mga Gawa 2: 3-4) ng mga makalangit o makalupang wika (1 Mga Taga-Corinto 13: 1). Si Elisheva ay nagsasalita ng mga wika na nagdadala ng Propesiya (1 Mga Taga-Corinto 14: 6).

Naglalaman ito ng EBREONG PANGALAN ng DIYOS:

Tulad ng sa Alleluia (Hallelu YAH) na nangangahulugang “Purihin si YAH,” YAH ay ang BANAL AT SAKRADONG PANGALAN NG DIYOS: YAHUVEH o YAHWEH, ANG AMANG DIYOS; Si YAHUSHUA, ANG TANGING ANAK NG DIYOS— (Ang HA MASHIACH ay nangangahulugang Ang MESIAS; ang ELOHIM ay nangangahulugang DIYOS.) Ang Pahayag ng SH’KHINYAH GLORY — bilang PERSONAL NA PANGALAN NG RUACH HA KODESH (sa Tagalog ay “ANG BANAL NA ESPIRITO”) – ay nasa site ding ito . (Si HA SH’KHINAH {SHEKINAH} ay Ebero para sa NANANATILI AT BANAL NA PRESENSYA NG DIYOS.)

Bilang karagdagan, ang ABBA YAH ay nangangahulugang “AMANG YAH” at IMMA YAH, “INANG YAH.” Sa Ebreo, ang ESPIRITO NG DIYOS AY ay pambabae, at ipinakita sa ganitong paraan sa Propesiya at mga Quote sa Banal na kasulatan sa ibaba. Lahat ay direktang sanggunian sa diyos ay nakasulat gamit sa pamamagitan ng malalaking titik.

Ang mga Quote sa banal na kasulatan ay mula sa KJV / NKJV o CJB maliban kung ipinahiwatig.

* * * * * * *

Ito ang Babala ni YAHUVEH bago ang mga Propesiya:
Binalaan ko kayo noong matagal na ang nakalipas Elisabeth [Elisheva], na huwag pangalanan ang Ministeryo na ito ayon sa isang lalaki o isang babae. Bago pa man nagkaroon ng isang Ministeryo, inilagay ko ito sa iyong espiritu. pagkat wala sa mga ito ay nagawa ng iyong mga kamay. Wala sa mga ito ay lumabas mula sa iyong bibig.

Ito ay mula sa Bibig ni YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan. Ito ay mula sa Bibig ni YAHUSHUA, ang iyong MASHIACH, na ito ay nabigyan ng kapanganakan. Ito ay mula sa Bibig ng RUACH HA KODESH, ang iyong IMMAYAH, na ito ay nabigyan ng kapanganakan.

Kung ito ay nagmula lamang sa iyong mga kamay, ito ay matagal nang nabigo.

Ito ay sa pamamagitan ng HANGIN ni SHKHINYAH GLORY’S na humihip sa buong mundong ito, ang BANAL na HANGIN NG MULING PAGKABUHAY. Hindi ito sa pamamagitan ng iyong hininga, kundi ito ay nabigo. “AKO ang PANGINOON YAHUVEH: iyon ang AKING PANGALAN: At ANG AKING KALUWALHATIAN ay hindi ko ibibigay sa iba, Ni ANG AKING MGA PAPURI sa mga larawang inukit” (Isaias 42: 8).
(Propesiya 105)

Noong Hulyo 2010, sinabi ng DIYOS NA SI YAHUVEH na idagdag ito upang bigyan babalaan ang mga nanunuya:
Ngunit nilibak nila ang mga Sugo ng DIYOS, hinamak ang KANYANG mga Salita,
at kinutya ang KANYANG mga Propeta, hanggang sa ang Galit ni YAHUVEH
bumangon laban sa KANYANG mga tao, hangga’t sa nawalan na ng lunas. – 2 Cronica 36:16

Pagkatapos, noong Hulyo 2016:
Sa aba ng sinumang maglakas-loob na subukang saktan – itong dalawang pinahiran. Pagsisisihan mo ang araw na ipinanganak ka. Huwag niyong hawakan ang AKING pinahiran at huwang niyo rin gawan ng kunganumang ng pinsala ang dalawang Propeta na ito (tingnan ang Aw 105: 15; 1 Ch 16:22). Mas makabubuti pa sa inyo kung ako, si ABBA YAHUVEH, ay punutin ang inyong mga dila! (Propesiya 128)

At mula kay Propeta Ezra:
Binabalaan ko kayong lahat — yaong mga darating laban sa Ministeryo na ito AT ANG MGA PROPESIYA na ito, at kami ni Elisheva, lahat ng mga Ministro ng AmightyWind Ministry — binabalaan ko kayo ngayon, ‘Huwag niyong hawakan ang Pinahiran ni YAH at huwag niyong masaktan ang KANYANG mga Propeta’ (Aw 105: 15; 1 Ch 16:22) kundi dumating sa inyo ang Galit ng tungkod ni YAH. Ngunit para sa mga pinagpala at isang pagpapala para sa Ministeryo na ito, at tapat, at tumatanggap ng Mga Propesiya, maraming pagpapala ang darating sa iyo – lahat upang protektahan ang kung ano man ay pagmamay-ari ni YAH sa PANGALAN NI YAHUSHUA

* * * * * * *

Simula ng Propesiya 139

LAHAT malalaman na ito ay “AKO” –
na kayo ay ipinagsama at WALANG sinuman lalake,
o babae — o demonyo mula sa impiyerno,
ang makakapigil sa itinalaga ng DIYOS.
Kahit na sa mga oras na pareho kayong naguguluhan at nagagalit,
dapat niyo lamang malaman na “AKO” ay binalak ang eksaktong oras, at lugar,
at kung paano kayo unang nagkakilala.

Dinadalhan kita ng isang lalaking alam lamang ay ang AKING Kapayapaan
upang maging kaisa ng isang babae
na hindi pa alam ang Kapayapaang ito ….
At gayon pa man, ang lalaking ito ay puno ng AKING Paghabag at AKING Pagmamahal,
ng AKING Pagpasensya, AKING Pagpapahid,
upang ipakita at turuan siya na mag-abot para sa pinakamabuti ng Langit,
nagdarasal ng higit pa para sa kanya, at para sa kanya, at hindi para sa mas kaunti.

Dinadalhan kita ng isang lalake na alam lamang ay ang AKING Ligaya at ang AKING Tawa
upang maging kaisa ng isang babae, kailangan niyang magturo at magbahagi
ng AKING Ligaya at kung paano tumawa kasama siya.

Dinadalhan kita ng isang lalaking walang kinatatakutan,
upang maging kaisa ng isang babae na, para sa hangin, ay ang hinihinga lamang ay
takot para sa lahat ng kanyang mga taon.
Dinadalhan kita ng isang babae na ang alam lamang ay
ang bawat uri ng takot, paggamit at pang-aabuso,
upang maging kaisa ng isang lalaki na mayroon ng AKING Pagpapahid upang
pangtanggol at punasan ang sakit at luha sa kanyang mga mata
mula sa mga nag-aakusa at lahat ng mga umaabuso,
paglalantad ng katotohanan at pagtanggi sa mga kasinungalingan ng mga kaaway!
Dinadalalhan kita ng isang babaena nakakaalam lamang ng kawalang-seguridad,
upang maging kaisa ng isang lalaking nakakaalam lamang ng AKING Seguridad.
Dinadalhan kita ng isang babaeng hindi nakakaalam ng ginhawa sa lupa,
upang maging kaisa ng isang lalaking alam
ang AKING Makalupa at Espiritwal na Aliw.

Dinadalhan kita ng isang babaeng hindi pa nakakakaranas ng pagmamahal,
upang maging kaisa ng isang lalaki na mayroon ng AKING pagmamahal kasa ng
kanyang pagmamahal at ituturo sa kanya at sa iba ang kahulugan ng Tunay na Pag-ibig.
Dinadalhan kita ng isang babaeng walang pagnanasang mabuhay,
upang maging kaisa ng isang lalaking nabubuhay sa bawat araw nang buong buo
at humihingi ng maraming taon para sa AKIN na ibigay nila.

Dinadalhan kita ng isang babaeng iniisip ang kanyang sarili na walang kagandahan,
upang maging kaisa ng isang lalaki na pahahalagahan
hindi lamang ang kanyang kagandahang pisikal
ngunit ang kanyang panloob na kagandahang espiritwal.
Ipapakita niya sa kanya ang hindi pinayagan ng kaaway na makita niya
at lalo lamang nitong ilalapit siya sa kanya at sa AKIN!

Dinadalhan ko ang lalaking ito ng isang babae
na nakakaalam lamang ng pusong lumuluha,
sa buong buhay niya,
upang maging kaisa ng isang lalaking mayroong PAGPAPAHID NG AKING BANAL NA
ESPIRITO
upang burahin silang lahat, kasama ang lahat ng kanyang kinakatakutan
at alaala ng pagkakasala, kahihiyan
at pagiisa, sakit at pagsisisi.

Dinadalhan kita ng isang babaeng hindi nagtitiwala sa lahat ng mga lalaki.
—Natutunan niyang makipagdigma sa kanila
natutunan niya sa kanyang laman na ipagtanggol—
upang maging kaisa ng isang lalaki upang mapatunayan na siya ay karapat-dapat
tawaging AKIN.
Binibigyan ko siya ng nakakaaliw na palatandaang na ito:
Sa kapangyarihan ng AKING pagpapahid ang lalaking ito ay ipagtatanggol siya oras-
oras
kung kailangan man, handang isakripisyo ang kanyang buhay
para sa isa na naitalaga kong asawa niya.

Dinadalhan kita ng isang babae
na hindi pa nagkaroon ng ginhawa ng mapagmahal na mga bisig,
upang maging kaisa ng isang lalaki
na sumusuporta, hinihimok at ipinagtatanggol siya mula sa lahat ng pinsala,
upang maging kaisa ng isang lalaking mayroong bisig ng AKING Pagpapahid
upang hawakan, protektahan at ipagtatanggol siya tulad ng isang balahibo.
Pagkatapos, malalaman na niya sa wakas kung ano ang nais ng kanyang DIYOS na kanyang
malaman
ano ang pakiramdam kapag ang dalawa ay iisa
sa isip, katawan, espiritu, at kaluluwa.

Sa perpektong pagkakatugma,
magkasama, sila ay dadaloy sa AKIN.

Dinadalhan kita ng isang babae, na kahit na hinalikan,
hindi niiya alam ang hilig ng pagmamahal na hindi niya natatanggap,
upang maging kaisa ng isang lalaki mayroon pa ng pagmahahal ng AKING Pagpapahid
sa mga haplos at halik niya.

Dinadalhan kita ng isang babaeng alam lang ang kapangitan,
karumihan, pang-aabuso sa sex,
upang maging kaisa ng isang pinahirang asawa na kilala
ang ganda ng pinahiran ng pahid
kung saan ang dalawang isip, katawan, espiritu, kaluluwa
ay naitalaga ng DIYOS
at kung wala ang isa’t isa ay hindi magiging tulad ng dati.

Makikita ng lalake at babaeng ito
habang nagsasama sila sa isang pagsasama kasama AKO,
Ang AKING Pagmamahal at Biniyayaang Mapayampang Tiwala at Pagkakasundo.
Ang mag-asawang ito ay tunay na magiging isa sa AKIN—
Tinatanggal niya ang sakit at dumi mula sa naabuso niyang alaala.

Dinadalhan kita ng isang babaeng tumatangging turuan ng isang lalaki,
ngunit kahit noon pa man ito ang kanyang hinahangad,
upang maging kaisa ng isang lalakeng pinahiran ko siya sa kaniya upang turuan,
para sa kapunuan ng isang bagong pinahirang pag-ibig na hindi pa niya naabot.

Dinadalhan kita ng isang babaeng maselan,
sensitibo, marupok, at emosyonal tulad ng isang paruparo
na may sira at punit punit na mga pakpak,
upang maging kaisa ng isang lalaking mayroon ng pagpapahiran ng AKING ESPIRITU
SANTO upang magsabi ng Pagpapagaling, Pag-ibig, Pakikiramay, at Kapayapaan
at sa AKING Pagpapahid, pagagaling ang kanyang punit na pakpak
—para siya ay makaplipad ng pagkataas-taas sa alapaap—

Dinadalhan kita ng isang babaeng nagbibilang ng mga minuto at oras
na parang mga taon,
laging tumatanggi na bilangin ang edad ng kanyang mga taon
Pagkat sa pakiramdam niya ay hindi pa siya nabubuhay.
Nagbibigay ako ngayon, upang maging kaisa ng isang lalaking hindi alam
ang konsepto ng edad o oras
at alam lamang ang bawat edad ng kanyang mga taon,
ay naging AKIN.

Dinadalhan kita ng isang babae na, kung minsan, ay walang pananampalataya,
upang maging kaisa ng isang lalaking nakakaalam lamang ng AKING Pananampalataya.
Dinadalhan kita ng isang lalaking naglalakad
sa kaganapan ng Pagpapahid
upang maging kaisa ng isang babaeng tinuturuan
ng kaganapan ng AKING Pinahiran.

Dinadalhan kita ng isang babae na natutunan sa kanyang bibig kung paano makipag-giyera,
upang maging kaisa ng isang lalaki na gumagamit ng kanyang mga panalangin sa
giyera, upang masira ang mga pintuan ng mga kaaway.

Dinadalhan kita ng isang babaeng hindi nakakaalam ng kayabangan,
upang maging kaisa ng isang lalaking kayang gumamit
ang pagpapakumbaba para tumayo sa tabi niya.
Dinadalhan kita ng isang lalaking henyo sa paningin ng tao,
upang maging kaisa ng isang babae na nakakagulo kahit ang mga iyon
na sa tingin ng kanilang mga sarili matalino!

Dinadalhan kita ng isang babaeng lalo kang pananatiliin
sa AKING mga Talampakan,
habang nagpupumilit kang maunawaan siya nang higit pa sa bawat araw,
habang nakakakuha lamang ang mga sagot sa ilalim ng AKING Anointing noong AKING
anak
sa AKIN ay sumasamba, umaawit ng mga papuri at nagdarasal!

Dinadalhan kita ng isang babaeng alam lamang ang pagkatalo,
habang paulit-ulit na siyang kinakatok ng mga kaaway
sa kanyang mga paa,
upang maging kaisa ng isang lalaking nakakaalam lamang ng Tagumpay
sa PANGALAN ni YAHUSHUA.
Ang ipinagsama ko ay hind nai magiging tulad ng dati!

Dinadalhan kita ng isang babaeng na buong buhay ay mayroong,
bukas na sugat at galos,
upang maging kaisa ng Pagpapahid ng AKING pang Siruhanong kamay
Inilalagay ko sa lalaking ito.

Dinadalhan kita ng isang babaeng hindi pa naging malaya,
nakakulong sa likod ng mga hindi nakikitang rehas — mabibigat—
na pasanin at pagkaalipin ang kanyang nakita,
upang maging kaisa ng isang lalaking magtuturo sa kanya
kung ano ang pakiramdam na maging malaya sa AKIN!

Dinadalhan kita ng isang babae na may isang pambihirang uri ng pagpapahid ng ESPIRITU
SANTO
upang maging kaisa ng isang lalaki upang turuan siya kung paano ito gamitin
para sa AKING Papuri, Karangalan at Kaluwalhatian!
Dinadalhan kita ng isang babaeng hindi alam ang kahulugan ng pahinga,
upang maging kaisa ng isang lalaking mananatili lamang sa Presensya ng AKING
PAGPAPAHID
kung saan may totoong pahinga!
Tuturuan niya siya kung paano manatili sa kapayapaan at manatiling mapalad!

Dinadalhan kita ng isang babaeng hindi alam ang magandang kalusugan,
upang maging kaisa ng isang lalaking naglalakad lamang sa AKING Perpektong
Kalusugan;

Alam niya na ito ay totoong kayamanan!

Tutulungan Niya na bantayan, protektahan ang iyong isip, espiritu, kaluluwa at katawan,
nagdarasal sa PANGALAN ni YAHUSHUA
at sa paglalakad sa AKING Espirituwal na Awtoridad, malinaw ito…

Isang regalong ibinibigay ko sa inyo, ang palayain kayo
mula sa lahat ng uri ng mga kahinaan, karamdaman
at kahirapan at sakit!

Dinadalhan kita ng isang babaeng ipinagkatiwala ko SA AKING Pamalo
upang maging kaisa ng isang lalaking ipinagkatiwalaan ko ng AKING Tungkod.
Dinadalhan kita ng isang babae na may maikling pisi
upang maging kaisa ng isang lalaking may hawak ng posporo.
Dinadalhan kita ng isang babaeng hahawakan ang mundong ito para sa AKIN
upang maging kaisa ng isang lalaki na ang pagpapahid ay ang kalahati
at inyong makakakita ng tagumpay at hindi pagkatalo!

Kung wala ang isa’t isa hindi ka magtatagumpay
sa kung ano ang inatasan kong gawin mo para sa AKING Kaluwalhatian
—nagdadala ng Sariwang Mana mula sa Langit!
Ipinadala kita upang pakainin ang AKING mga Tupa at AKING Mga Kordero,
para painumin at pakainin sila sa ilalim ng AKING Pagpapahid.
Gatas, Bagong Alak at Karne
sila’y magpipyestahan at kakain.

Papayuhan ko kayong dalawa ngayon. Huwag makinig sa iba.
Pagkat sa kabila ng mabuting kahulugan, hindi nila naiintindihan.
Nang nilikha ko ang inyong mga kaluluwa, nilikha ko sila para sa isa’t isa.
Walang ibang mga piraso ng puzzle na magkasya,
bagama’t kayo’y nagkakagulo, nag-aaway at nagtatampo.
Pagka’t hindi niyo pa nanaising baguhin ang mga bagay-bagay,
ngunit aking mga mahal, ang petsa ay naitakda na.
Ito ay para sa AKING Banal na Layunin. Hindi ka mabibigo.

Pinagsasama ko kayong dalawa.
Ang PAGPAPAHID ay ididikit ka kasama ng AKING PAG-IBIG
at ang PANDIKIT NG PAGPAPAHID NG BANAL NA ESPIRITU!
Upang mapatunayan lamang na “AKO” ay isang DIYOS
na patuloy na nakalilito sa matatalino.
Tandaan niyo, sa DIYOS lahat ng bagay ay posible.
Hindi mo ito kailanman, itatanggi.

Araw-araw tuwing hahawakan niyo ang isa’t isa
makakaranas kayo ng isang bagong sukat ng pag-ibig para sa AKIN.
Magkasama niyong makikita.

Naitala ko na kung kailan magtatagpo ang iyong mga mata.
Malalaman niyo at masdan niyo,
ang pangako na sinabi ko.
Naitala ko na kung kailan magkikita ang inyong mga puso at mga kamay.
Pagkat yoon ang oras kung kailan ang dalawang Pagpapahid ay mag sasama bilang isa
at magsisimulang walang hanggang hakbang upang dumaloy.

Pangako ko sayo to

Kailangan kong magbigay ng isang bagong kahulugan ng salitang “mabilis”
—pagkat kahit pareho kayong nagtatawanan ngayon—
kayo ay magiging isang tugma sa pag-iilaw ng pisi ng parol ng langis.

Pinagsasama ko kayo upang maabot ang mundong ito
alang-alang sa mga nawala at nasasaktan na kaluluwa
– balang araw ay mauunawaan niyo,
oagkay ang mga bagay na ito ay hindi pa sa inyo nasasabi.
Walang imposible kung magkasama kayo sa paninindigan;
kapag mahina ang isa dapat maging malakas ang isa,
maging ang babae o ang lalaki!
Bigyan ang bawat isa ng puwang ayon sa ipinasiya ko
at hinding-hindi papayag na ang pagmamahalan ng bawat isa ay mapalitan ang
pagmamahal sa AKIN.

Pinagsasama ko kayo at pinapayuhan ngayon.
Bantayan niyo ang init ng inyong mga ulo!
Hindi sila ginawa para ipaglaban sa isa’t isa!
Ang iyong espiritu, kaluluwa, pagpapahid, panalangin—
puso, mata, kamay, tainga, at katawan
ay nilikha para sa bawat isa.
Ngunit hindi ang inyong mga init ng ulo, hindi ang inyong mga pagtatalo!
Ang mga ito ay mula sa impiyerno.

Ang inyong mga pinahirang espiritu ng mandirigma na itinanim ko sa inyong dalawa.
Ang mga mandirigmang espiritu na ito ay hindi dapat gamitin laban sa isa’t isa,
ngunit ilaan para kay satanas, ang inyong kaaway!
KAILANMAN HINDI ko papayagang ang inyong mga dila ay sirain ang isa’t isa.
Ang lahat ng hindi pagkakasundo ay dapat gawin sa pinahirang panalangin
habang nakaluhod para SAAKIN

Sama-sama ang mga isyung kinukuha niyo!
KAILANMAN HINDI nagsasalita ng mga salita ng poot!
Pagkat “AKO” LAMANG REFEREE.
At ang AKING Hatol ay panghuli at Ako’y nagpasiya na.
WALANG magtatalo, para ating LAHAT!

HINDI ko papayagan ang BANAL NA ESPIRITU para pagluksaan niyo!
Para sa Kasalan at Ministeryo na ito ay magiging ayon sa aking hinirang,
At HINDI nagawa sa paraang iniisip o nais niyo man!
Kapag ang isa ay galit,
WALANG araw ang dapat matapos
Hangga’t sa AKING pagmamahal at Kapayapaan
sama kayong naghalikan at nagkita.

Dinadalhan kita ng isang babaeng totoong pinahiran.
Dinadalhan kita ng isang lalaking lumalakad sa AKING Pagpapahid.
HINDI kailanman mangahas na hawakan, gawan ang PAGPAPAHID ng anumang pinsala!
Pagkat ito ay aalarmahin ang ESPIRITU SANTO!
Kung hindi niyo nais na paluin KO kayo sa ganoong paraan,
mas mabuti kang magsisi at humingi ng kapatawaran sa isa’t isa sa mismong araw na iyon!

Wag kang mag antala!

Ang “AKO” lamang ang nag-iisa
NA SIYANG tumutukoy kung sino ang mali o tama!
Ang “AKO” lamang ang nag-iisa
NA SIYANG parehong may harap at likuran ng likod!
Alam ko ang simula mula sa wakas at
“AKO” na nag-uutos sa inyong dalawa.
Sa Kalooban ni “AKO” —
bagaman pareho kayong matigas ang ulo,
susundin niyo AKO at sa AKING Kalooban,
pareho kayong yumuko!
NI ISA sa inyo ang dapat mag isip na sila’y mas mataas
o mas mababang antas ng espirituwal!
Para sa “AKO” na nagpapahid sa inyo at
“AKO” na papatok agad agad sa inyo
mula mapagmagaling,
mayabang, at aroganteng pedestal!

Ibinigay ko sa dalagang ito ang tulang ito para parehas ninyong mapag-aralan
at basahin, pagkat noon pa ay ibinigay niyo ang inyong mga buhay sa AKIN,
noong tinanggap niyo ang AKING Regalo sa Kalbaryo.
Nais kong basahin niyo ito araw-araw at manalangin,
na ikaw ay magiging LAHAT na inatasan ko kayong maging,
nagtatrabaho sa araw na ito nang walang pagkaantala.

Sa Lupa, kayo’y magiging
pinakamatalik na magkaibigan at magasawa.
Tandaan niyo na hindi ito ang inyong plano
kaya huwag niyo na ring subukang unawain.
Para sa inyo na “AKO” ang nakalaan sa iyong kapalaran.
Magkasama niyong pagpalain AKO at makikita ng mundong ito!
Ang “AKO” ay hindi nagkakamali!

WALANG sikreto ang itatago sa bawa’t isa.
Kayo ay magiging totoo at tapat,
kung paano kayo SAAKIN, o ang “AKO” ay magsasalita
at sa kabila ibubunyag
kung ano ang sinusubukan niyong itago at selyuhan
NGAYON, tumakbo para sa premyo ng pinaka mataas na karera!
Sa ilalim ng PAGPAPAHID NG AKING BANAL NA ESPIRITU, dali, binilsan niyo!

WALA nang pagtatanggi ng kung ano ang alam mong totoo
pagkat sa paulit-ulit, sinabi ko sa iyo:

Dinadalhan kita ng isang babae na sa kalalakihan
ay alam lamang ang pinakamasama tulad ng isang sumpa.
Dinadalhan ko siya ng isang lalaki na kinikilala ng “AKO” na pinakamabuti para sa kanya
at siya ay pinili para sa kaniya mula sa lahat ng iba pa.
Dinadalhan kita ng isang babae na pinagpasya na ng “AKO”
—Ang pagmamahal mo ay para sa kanya
at ang pagmamahal niya ay para sa iyo—
HINDI lamang ngayon, ngunit para sa LAHAT ng kawalang-hanggan!