Propesiya 52
AKO, si AMA YAHUVEH, ay Papalayain Kayong Muli!
Ibinigay kay Rev. Elisheva Elisheva Eliyahu
Nobyembre 2, 2001
MALAKAS/MALINAW NA PANAWAGAN PARA SA MGA NAKAKUBLI/NAKATAGO
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
Pinakamamahal na mga Sintang Anak KO, Ilan sa inyo ang tumatawag sa AKIN ng may panaghoy at mga luha at sinusubukang itago ang inyong mga takot mula sa mundo at sa inyong mga kaibigan, gayunman ay nagtitiwala/nagsasabi sa inyong Ama YAHUVEH at MESIYAS na si YAHUSHUA. Lumalapit kayo sa AMIN ng may mga mukhang madungis na luha sa Pangalan ng AKING Anak na si YAHUSHUA na nagsasabing, “Ano na ang gagawin namin ngayon? Saan kami pupunta?” Mga AKING minamahal, oh hindi AKO galit sa inyo sa oras na ito, ito ay ang mga masasamang tao na AKO ay namumula sa galit. Nakikita KO ang mga balak at pamamaraan ng mga masasama, at ito ay katulad mismo noong unang panahon na may serpyente/ahas sa Hardin ng Eden, naghahangad na dayain/linlangin kayo, at pinapa-isip kayo na hindi kayo maaaring manalo kung walang makamundong kaalaman. Ang inyong Ama, AKO si YAHUVEH ay ang lahat ng kaalaman at kapag hinahanap ninyo AKO, si YAHUVEH at si YAHUSHUA at ang RUACH HA KODESH kayo ay hinahanap ang katotohanan at kaalaman.
Makatitiyak [kayo], hangga’t kayo ay naghahanap, inyong makikita ang mga sagot kapag ang oras ay dumating. Kung hindi ninyo alam kung ano ang gagawin, kung ganon maging mapanatag, ito ay hindi pa oras para malaman ninyo kung saan pupunta o kung ano ang gagawin. AKO si YAHUVEH ay hindi ibibigay ang tiket sa inyo upang sumakay hanggang ito ang oras ng pag-alis. AKO si YAHUVEH ay hindi kailan masyadong maaga o masyadong huli, nguni’t AKO ay laging naroroon sa tamang oras. Hindi isang Segundo na magbibigay paminsan-minsan. Nguni’t AKO si YAHUVEH ay hindi kayo iiwan, ni pababayaan kayo. AKO si YAHUVEH ang Tagapaglikha ng buong sangkatauhan. Hindi ninyo kailangang matakot kung ano ang gagawin ng mga masasama, sapagka’t Ako, si YAHUVEH ay gumagamit ng mga simpleng bagay, katulad ng inyong mga panalangin, upang lipulin/wasakin ang tinatawag na, marurunong/matatalino sa mundong ito.
AKO si YAHUVEH ay kayang baguhin ang inyong DNA. Alam ba ninyo iyon? Oo, kung pipiliin KO. AKO si YAHUVEH ay kayang baguhin ang kulay ng inyong balat at ang inyong mga mata. Huwag mamangha. AKO si YAHUVEH ang Tagapaglikha natandaan ba [ninyo]? AKO si YAHUVEH ay kayang gawin na kayo ay di-nakikita (invisible) kung AKO si YAHUVEH, ay pipiliin [ito]. Wala kayong ideya kung anong pamantayan ang AKING ibabangon laban sa mga masasamang tao, Ang mga pagkaalipin, mga sakit, at mga salot na ang masasamang tao, na tinatawag na mga anak ni satanas, ay naghahangad na pakawalan sa pamamagitan ninyo, ay wawasak sa kanila. Karamihan ng AKING mga Anak ay hindi mapipinsala. Sa halip, ang mga sariling pamilya ng mga masasamang tao ay papabagsakin, na may mga sakit at mga salot, at wala silang kasagutan kung ano ang dahilan kung bakit. Ang lahat ng kailangan nilang aminin ay yaong AKO si YAHUVEH, ang gumawa nito.
Sinisikap ng mga masasamang tao na protektahan ang kanilang mga sarili, at iniisip nila na ang kanilang mga sarili ay matalino, na bakunahan ang kanilang sariling mga pamilya, at mga minamahal, at mga kaibigan, at gayunman AKO si YAHUVEH ay magpapawalang-bisa sa yaong proteksyon. Sa antas na ang mga masasamang tao, ang mga nagpapanggap, nagnanais na saktan ang AKING mga Anak, iyan ang antas na ang pinsala ay babalik sa kanilang mga sarili. Magsimulang magdasal para dito ngayon. Mayroong malakas na kapangyarihan sa mga panalangin na sinasabi sa AKIN, kay YAHUVEH, sa Pangalan ng inyong MESIYAS, ang AKING kaisa-isang bugtong na anak na si YAHUSHUA. Magdasal na AKO, si YAHUVEH, ay magbibigay sa inyo ng maskahanga-hangang espirituwal na mga sandata upang gamitin laban sa mga makalupang [mga nilalang] na tumitindig laban sa AKING mga minamahal, na naghahanap ng AKING mukha at kagustuhan/kalooban araw-araw.
Magdasal na kagaya ng nakita ni Elisha ang kapa na nahulog mula kay Elias ng unang panahon, kaya makikita ninyo ulit ito, at kayo ay mabibigyan ng higit pa sa kapangyarihan ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH. Kapag nangyari ito, hindi ninyo kailangang mag-alala kung paano pumunta sa isang bansa. Kapag AKO, si YAHUVEH ay ipapadala kayo, kayo lamang ay lilitaw. Sa palagay ba ninyo ito ay kakaiba? Basahin ang inyong mga Banal na Kasulatan at tingnan kung gaano karami ang may kapangyarihan ng pagsasalin (translating) at malaman na ang mga masasama ay ginagamit na ang ganitong mga kapangyarihan para sa mga masasamang layunin.
Ang mga masasama ay nagtatago ng madilim na mga sekreto, at gayunman AKO si YAHUVEH ay sasabihin ang AKING mga sekreto sa mga taong sumusunod sa gabay na ilaw, na si YAHUSHUA. Ako si YAHUVEH ay poprotektahan ang AKING mga Sanggol, Nobiya, mga Pinili at mga Hinirang! Si YAHUSHUA ay tulad ng isang ilawan sa inyong mga paa. Kapag ang mga masasama ay kinuha ang inyong ilaw palayo, tumingin sa AKIN, si YAHUVEH, at AKING ipadadala ang AKING mga anghel upang ilawan ang inyong daan. Hinahangad ng masasamang tao na kunin ang inyong kompiyansa/katatagan, pananampalataya, tiwala, katotohanan, pagkabribado, mga kalayaan, kaligayahan, kagalakan na hindi masabi at puno ng kaluwalhatian, at ang inyong mga pananalapi, palayo sa inyo. Ito ay madali para sa kanila na gawin kung makikinig kayo sa espiritu ng takot, at sa lahat ng mga masasamang ulat mula sa mga balita. Sa halip na kayo ay makinig; basahin ang mga mabubuting balita, lahat ay nakasulat sa Banal na mga Kasulatan. Kahit papaano AKING mga Anak maging balanse. Paano kayo aasa na talunin ang takot kung ang lahat ng ginagawa ninyo ay pagpapakain ng matinding pagkabalisa sa takot.
Ang AKING mga nakatagong tao ay may kaalaman, at [may] isang paraan sa paligid ng bawat armas ng kaaway na naghahangad na pagkawasak ng AKING mga anak, at ang pagkawasak ng mundong ito. Huwag manalig sa inyong sariling kaunawaan, nguni’t sa lahat ng inyong mga gawa kilalanin AKO, si YAHUVEH at AKO, si YAHUVEH ay magtuturo sa inyong mga landas. Ang inyong sariling pang-unawa ay magdudulot sa inyo na matakot sa hindi [ninyo] alam/kilala. AKO si YAHUVEH ay hindi natutulog. AKO si YAHUVEH ay hindi umiidlip. Ang AKING mga mata ay nasa mga bansa kung saan ang AKING mga anak ay dumadaing/umiiyak sa AKIN sa panalangin upang iligtas sila. Huwag makinig sa kapalaran/kabiguan at kadiliman na mga manghuhula. Sila ay nagsalita at nagsulat na AKO si YAHUVEH ay hindi magbibigay ng isang lugar ng pagtakas para sa AKING mga minamahal na sumusunod kay YAHUSHUA HA MASHIACH at ginagawa ang kanilang makakaya upang sundin ang AKING mga batas. Bakit hinahangad ng AKING mga anak na sundin AKO, si YAHUVEH? Dahil mahal nila ang kanilang Ama sa Langit.
Ang mga manghuhula ay lumipat sa mga hanay ng mga limang-kawan na tanggapan ng mga simbahan, at ng mga politiko, at mga tagabalita. Sila ay nagsasalita ng mga nakakatakot na mga bagay sa AKING mga Anak. Nagsasalita sila ng pagkatalo at hindi tagumpay. Nagtatanim sila ng pag-aalinlangan sa inyong mga isipan kung AKO, si YAHUVEH ay ililigtas ang AKING mga Anak. Sila ay nagbibigay ng babala na ang lahat ay kailangang maging handa na maatake, ang lahat ay mamamatay o magdurusa ng mabigat na mga kapinsalaan/kasawian, kung wala AKO si YAHUVEH at YAHUSHUA sa inyong panig, ito ay totoo. Kung Ano ang mga nakalimutan ng mga tagapagbalita at maraming mga politiko, at mga maghuhula ay yaong AKO, si YAHUVEH, ay hindi pinabayaan ang AKING mga Anak. Paano iyon magbibigay sa AKIN ng Kaluwalhatian? Oo, ang AKING mga Anak ay balang araw ay sasamahan AKO sa Langit, ito ay totoo, nguni’t kung hindi KO nais na magbigay ng isang daan/paraan ng pagtakas, bakit KO sasabihin sa AKING mga Banal na Kasulatan? Ang AKING mga Salita ay hindi babalik sa AKIN ng walang-bisa, ito ay magagawa kung saan AKING inilayon/hinangad. AKO si YAHUVEH at hindi AKO nagbago.
Kung ano ang ginawa KO, si YAHUVEH, para sa Israel sa panahon ni Moses; AKING gagawin ito muli. Kung ano ang ginawa KO para kay Lot; AKO si YAHUVEH ay gagawin ito muli. Kung ano ang ginawa KO para kay Joseph at Mary; AKO si YAHUVEH ay gagawin ito muli. Kung ano ang ginawa KO para kay Noah; AKO si YAHUVEH ay gagawin ito muli. Kung ano ang ginawa KO para sa tatlong Hebreong mga bata; AKO si YAHUVEH ay gagawin ito muli. Kung ano ang ginawa KO para kay Elias ng unang panahon; AKO si YAHUVEH ay gagawin ito muli, kung ano ang ginawa KO para kay Enoch; AKO si YAHUVEH ay gagawin ito muli. Kung ano ang ginawa KO para kay Elisha; AKO si YAHUVEH ay gagawin ito muli. Ang mga bitayan (gallows) na itinayo ni Haman; AKO si YAHUVEH ay ibibitin sila dito. Mayroon AKONG isang Esther at tulad ng mga unang panahon, AKO si YAHUVEH, ay ililigtas ang AKING mga Tao muli. Mayroon AKONG isang Haring David at gagamitin ang musika at mga papuri upang talunin ang mga kaaway habang ang mga Awit ay muling itinataas sa AKIN sa pananampalataya na AKO, si YAHUVEH, ay magpapalaya/magliligtas muli.
Ipakita ninyo sa AKIN sa inyong Banal mga Kasulatan kung saan hindi KO pinalaya/iniligtas ang AKING mga Tao na sumunod sa AKING mga utos at pagmamahal at inilagay AKO, si YAHUVEH, una sa kanilang mga buhay? AKO si YAHUVEH, ay ililigtas ang AKING mga Anak mula sa bitag ng paninilo/kalaban. Ang kailangan lang ninyong gawin ay manalangin at magkaroon ng pananampalataya at maniwala na AKO ay mas malaki kaysa sa lahat ng mga nakakatakot na bagay na nagtatangkang sumapit sa AKING mga Anak! AKO si YAHUVEH ay sasagot sa inyong mga panalangin kapag tumawag kayo sa AKIN sa sagradong Pangalan ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Lumapit ng buong tapang sa AKING trono, at ibigay sa AKIN ang inyong mga petisyon. AKO, si YAHUVEH ay hindi galit sa AKING minamahal na mga anak. kung minsan ay naliligaw kayo, sumusuway at ang lobo ay handa nang lamunin kayo, lahat dahil hindi kayo sumunod. Kaya tulad ng mga tupa, AKO ay napipilitang baliin ang inyong binti, nguni’t pagkatapos ay buong pagmamahal KO kayong dadlhin/bubuhatin sa AKING mga bisig hanggang sa kayo ay gumaling at makalakad muli. Saan/Kailan ba ang isang Mabuting Pastol ay sinaktan/ginulpi ang mga Tupa at mga batang Tupa? Hindi kailanman! Nguni’t ipinapangako KO na gagawin KO ang mga nagnanais na lamunin kayo na pagsisihan ang araw na sila ay isinilang.
AKO ba, si YAHUVEH, ay hindi nagbabala kay Lot at hinarangan siya sa pamamagitan ng AKING mga anghel upang siya ay hindi makapasok muli sa bayan ng kasalanan? Prinotektahan KO siya, at ang kaniyang pamilya, maliban sa kanyang asawa, na piniling suwayin AKO, mula sa apoy at asupre, na isang anyo ng tribulasyon/kapighatian para kay Lot at sa kanyang pamilya rin. AKO ba, si YAHUVEH, ay hindi binalaan si Joseph at Mary na tumakas kasama si YAHUSHUA bilang isang sanggol? Sa mga unang panahon, iyon noon ay isang anyo ng isang malaking tribulasyon/kapighatian para sa mga ina na may mga sanggol, sapagka’t ang lahat ng mga sanggol ay papatayin, sapagka’t ang mga masasama ay naghahangad na hanapin ang totoong Mesiyas upang patayin SIYA! AKO si YAHUVEH, ay nagpadala ng isang anghel upang bigyang babala si Joseph sa isang panaginip, at sabihin sa kaniya kung saan tatakas at sabihin sa kaniya kung kailan babalik. Sa palagay ba ninyo AKO, si YAHUVEH ay hindi gagawa ng ganitong bagay para sa inyo?
Hindi ba AKO, si YAHUVEH, ay hindi naglaan ng isang arko para kay Noah at sa kanyang pamilya bago ang yaong dakilang kapighatian (great tribulation) ng tubig ay punuin ang mundo? Ano naman ang tungkol kay Esther? Sa palagay ba ninyo hindi iyon isang anyo ng tribulasyon/kapighatian upang makinita na ang mga Hudyong Tao ay pinatay sa paligid niya at gayon pa man, hindi ba AKO, si YAHUVEH ay hindi nagbigay ng isang daan ng pagtakas para sa mga Hudyong mga tao, o wala na sanang Hudyo ngayon? Hindi ba AKO, si YAHUVEH ay hindi ginamit ang mismong sandata na sana ay papatay kay Mordecai at Esther, ang mga bitayan na itinayo ni Haman, na iniisip na kanyang nabitag si Mordecai at Esther, at ang lahat na mga Hudyong tao ay mamamatay at gayunman AKO, si YAHUVEH ay binitin si Haman sa mismong mga bitayan.
Paano ang mga mismong nagsasabi, na naririnig nila ang mga propesiya, tinanggihan na AKO, si YAHUVEH, ay palaging may isang paraan upang protektahan ang AKING mga Tao. Mag-ingat sa mga taong nagpropesiya ng mga bagay na ito na nag-iiwan sa inyo na walang pag-asa. Kahit anuman ang tribulasyon/kapighatian, AKO si YAHUVEH ay maglalaan ng isang daan ng pagtakas para sa mga taong nagtitiwala at nananalig sa AKIN sa lahat ng kanilang mga paraan. Magtiwala ng higit kay YAHUVEH at sa inyong YAHUSHUA kaysa sa inyong babaeng asawa, lalaking asawa, mga kaibigan, limang-kawan na mga tanggapan o pamahalaan.
AKO si YAHUVEH, ay hindi nangangako sa inyo na ito ay magiging isang madaling daan para sa lahat. Hindi KO ipinapangako sa inyo na walang mga martir na magbibigay ng kanilang mga buhay para kay YAHUVEH at YAHUSHUA. Ipinapangako KO sa inyo na ang mga martir na ito ay nasa Langit kasama KO ngayon at hindi na kailanman muling magdurusa. Hindi KO ipinapangako sa inyo na ang lahat ng AKING mga Anak ay mananatiling ligtas, nguni’t, AKO si YAHUVEH ay magpoprotekta sa kanila kagaya ng ginawa KO sa mga anak ni Israel noong sinaunang panahon, nang ang mga salot, at kadiliman at ang kamatayan ay dumating sa kanila. AKING iniligtas ang mga tao na may dugo ng AKING kasunduan/tipan noong unang panahon, gaano ka higit pa ang AKING gagawin ngayon ng may Dugo ng bagong tipan ni YAHUSHUA HA MASHIACH.
Maging babala [ito sa inyo] mga lobo (wolves), kayo ay mailalantad. Ang AKING mga tupa ay malalaman ang inyong mga pangalan at inyong mga plano. AKO, si YAHUVEH ay nakikita at kilala ang bawat tao na may puso ng isang gutom na lobo (wolves). AKO, si YAHUVEH, at si YAHUSHUA lamang ay ang Mabuting Pastol. AKO si YAHUVEH, ang tanging wawasak/magpapataranta sa inyo mga lobo (wolves) sa pamamagitan ng inyong sariling mga likha at mga sandata ng digmaan. AKO si YAHUVEH at YAHUSHUA ay ang Pamalo ng Galit, na hahampas sa inyo palayo sa AKING mga Tupa at mga batang Tupa. Huwag magpalinlang, AKING papatayin ang mga lobo sa AKING tiyempo/panahon at ihagis sila hindi lamang patungo impyerno, nguni’t patungo sa Dagat-dagatang Apoy! Sa lahat ng mga taong naghahangad sa pagkawasak ng Amerika, Israel at ng lahat ng mga Kristiyano at mga Hudyo, ano ang presyo/halaga ng inyong kaluluwa? Kung patuloy ninyong gagawin ito, kung ganoon, ang inyong kaluluwa ay magiging sumpa magpakailanman! Kung tatalikod kayo mula dito, bumaling kay YAHUSHUA HA MASHIACH kung ganoon, kayo ay maliligtas sa walang hanggan. Nasa inyo kung ano ang inyong pipiliin (it is your choice).
Nakapananakit ng damdamin ng ilan, nagbibigay liwanag sa iba para sa pagmamahal, pagsunod/pagtalima at kaluwalhatian ni YAHUVEH at YAHUSHUA.
Ang Propetik na Babaeng Lingkod ni YAHUVEH at YAHUSHUA, Apostol Elisheva Elisheva Eliyahu. Biyernes 11/02/01, sa ganap na 1:50 ng umaga.
Magdasal na inyong malaman kung saan sa mundong ito ang inyong arko at kung kailan kayo papasok upang takasan ang kasamaan na darating. Magdasal sa Sagradong Pangalan ni YAHUSHUA. Hindi binigyan ni Miryam (Mary) ang kanyang Hebreong sanggol ng isang Griyegong pangalan na ‘Hesus’. Mayroong pagpapahid na kapangyarihan sa Pangalan na nangangahulugan na ‘si YAHUVEH ay nagliligtas’.