Propesiya 54
NGAYON NA ANG ORAS!”Manatiling Nakatuon, Sumunod sa Inyong Heneral at Sundin ang AKING mga Utos NGAYON!”
Natanggap ang Mensahe noong Abril 5, 2002
Naisulat/Isinalita sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH sa pamamagitan ni Apostol Elisheva Eliyahu
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
Ito ay isang leksiyon AKING mga anak na dapat ninyong matutunan. Ito ay isang aral na dapat ninyong matutunan ng mabuti. Kapag sinabi KO [ang isang nakatuon na bata] na gumawa ng isang bagay, ginagawa niya ito, at ginagawa niya ito kaagad (heb 12:9). Hindi siya tumitingin sa kaliwa, hindi siya tumitingin sa kanan (Dt 30:17-18; Is 30:21). Nananatili siyang nakatuon sa kasalukuyang gawain. Ito ang AKING babaeng anak [Elisheva at lahat ng AKING mga anak], ito ang kailangan ninyong matutunan. Kapag sinabi KO sa inyo na gumawa ng isang bagay, ngayon ay ang oras. Ito ay hindi nasa inyong oras, ito ay hindi nasa inyong minuto, ito ay hindi nasa inyong segundo, ito ay nasa AKING oras. Gaano katagal upang maipahayag/mailagay {sa site} ang Pasober na propesiya? Gaano katagal upang maipahayag/mailagay {sa site} ang sinalitang Salita? Ngayon, sa araw na ito AKO ay nagbigay ng isa pang mensahe at gaano katagal upang ito ay maipahayag/mailagay?
Sinasabi KO ito sa inyo, AKO ay umaasa sa inyo, AKO ay umaasa sa mga Salita na AKING sinabi sa pamamagitan ninyo upang maabot ang AKING mga Tao, upang hikayatin ang AKING mga Tao. Kaya tinanong ninyo AKO kung ano ang dapat ninyong matutunan. Kailangan ninyong matutunan na gawin ang mga bagay sa AKING oras/panahon at hindi sa inyong oras/panahon. Kailangan ninyong matutunan na huwag maguluhan/magambala. Nilagay KO ito sa loob [ninyo] (2 Cor 4:7). Sapagka’t alam niya [isang nakakatanda {mature} na lalaking anak (Rom 8:17)] ang kasalukuyang gawain at nananatili siyang nakatutok sa isa at kapag ang mga kaguluhan ng isip/pagkagambala na dumating sa kaliwa o sa kanan, alam niya na [kung paaano] pagwikaan (rebuke) ito (2 Tim 2:12-13; Heb 3:12-13). Alam niya na hindi AKO ang nagpadala nito. Kaya ito ang leksiyon, AKING mga Anak, kailangan ninyong matutunan. Magpatuloy sa pagsusumamo/mag-petisyon sa AKIN, totoo, nguni’t kailangan ninyong matutong sumunod.
At ang lalaki na AKING ipinadala sa inyo, siya ay isang Muslim na naging Krisiyano. Isa siya sa naghahanap. Itatanong KO sa inyo ang tanong na ito: Paano ninyo matutubos ang masamang punla? Paano ninyo matutubos ang isang masamang gawa? Ito ay sa pamamagitan ng paghasik nito sa mabuting lupa. Huwag palayasin ang mga taong AKING ipinadala kahit na sa palagay ninyo na sila ay isang iskam/manlilinlang. Mayroong isang leksiyon na matutunan dito. Sa susunod dalhin ito sa tatlo at hindi lang sa isa [halimbawa: kumuha ng kumpirmasyon.]
Sinasabi KO ito sa inyo, kailangan ninyo bigyan ang iba ng pagkakataon na pagpalain kayo. Gaano karami ang may alam na kayo ay nangangailangan? Gaanong hindi ninyo alam na hindi KO sila ibabangon? Mayroong mga tao na AKING ginamit sa nakaraan. Paano malalaman ng biyuda ni Zarephath na si Elias ng unang panahon [sa Hebreo Eliyahu] ay nagugutom kung hindi KO siya ipinadala sa kanya upang sabihin sa kanya. At ang biyuda ng Zarephath ay hindi sana pinagpala. Ang biyuda ni Zarephath at ang kanyang anak na lalaki ay hindi sana nabuhay. Kung hindi KO ipinadala ang AKING propeta ng may isang pangangailangan upang maaari siyang magkaroon ng pagkakataon matustusan ito, upang maaari AKONG magkaroon ng pagkakataon na patunayan na AKO si YAHUVEH, ang parehong Diyos, kahapon, ngayon at magpakailanman. Ito ay hindi yaong kayo ay pumunta sa kanila at manlimos/humingi. Ito ay isang biyaya sa kanila upang maaaring makatanggap ng mga gantimpala na dumating sa mga tao na tumutulong sa ministeryong ito. Ito ay isang sumpa sa kanilang mga ulo kapag kayo ay AKING ipinadala sa kanila kasama ng mga petisyon ninyo at mga pangangailangan at sila ay naging isang binging tainga. Ito ay sila na isang araw ay matatakot habang nakikita nila na walang sinuman ang naroroon sa oras ng kanilang pangangailangan. Inilagay KO ito sa puso ng AKING Babaeng Anak at sa araw na ito kayo ay tumangging makinig. Nguni’t sa araw na ito ngayon AKING sinasabi ito. Yung mga tao na AKING sinabi sa inyo na sabihin [ito]. Kahit na ang iyong kapatid na si Olga ay tutulong. Walang sinuman sa kanila ang papayag na kayo ay mawalan ng bahay. Itatanong KO ito sa inyo, AKING mga Anak, noong pinakain ni YAHUSHUA ang 5,000, hindi ba sinabi NIYA, “Ano ang mayroon?” At naroon ang yaong mangingisdang batang lalaki. Hindi ba kinailangan ng mga disipulo na pumunta at tanungin ang batang lalaki na ibahagi ang kanyang tanghalian? At hindi ba NIYA ginamit ito upang paramihin, upang pakainin ang 5,000 kahit na higit pa? Kaya gaano karaming tira ang natira?
Huwag masyadong maging mapagmataas na sabihin ang inyong pangangailangan. Hindi ba sinasabi ng AKING Salita, “Magbigay at ibibigay ito sa inyo, pinikpik (pressed down) at liglig, kung saan nag-ipon/nagparami ang mga tao ng kayamanan sa inyong dibdib?” Nguni’t paano nila ito magagawa, AKING mga Anak, kung hindi ninyo sasabihin sa kanila ang inyong pangangailangan? Malalaman ninyo kung sino ang dapat pagkatiwalaan. At kung hindi sila sasagot, hindi ito ang inyong responsibilidad. Nag-imbak lamang sila ng isang sumpa sa kanilang mga ulo. Hindi ba sinabi KO sa inyo, AKING mga Anak, na ang ministeryong ito ay natatangi? Ang paraan ng kanilang pagtrato ay ang paraan ng pagtrato nila sa AKIN. Hindi ang mga tao ang nagbibigay ng inyong mga pangangailangan. Nguni’t ito ay AKO na nagsasalita sa pamamagitan ng mga tao. AKO ay nagsasalita sa mga tao at si satanas ay nagsasalita sa mga tao.
Ito ay isang pagsubok. Ano ang gagawin nila kapag ipinadala KO kayo? Hindi ba sinasabi ng AKING Salita, “Kung kayo ay ganito tulad na pagbibigay ng isang inumin na tubig sa isang propeta, kung ganoon mayroong isang biyaya.” Kaya ipinadala KO kayo kasama ng mga pangangailangan ng ministri. Ipinadala KO kayo upang subukan sila. Pakikinggan ba nila ang AKING tinig? Kung hindi, sa panahon ng pangangailangan, gagawin KONG bingi ang AKING mga tainga sa kanilang tinig. Ipinadala KO kayo sa mga byuda ni Zarephath kahit na alam nila na hindi sila isang byuda. Ipinadala KO kayo sa mga tao na nagugutom, kahit na alam nila na hindi sila nagugutom. Ipinadadala KO kayo sa mga tao na nauuhaw, kahit na alam nila na sila ay hindi nauuhaw. Kung hindi sila nababahala na kayo ay nagugutom, kung ganoon hindi AKO mag-aalala kapag sila ay nagugutom. Kung sila ay walang paki-alam na ikaw ay walang tahanan, kung ganoon hindi AKO mababahala kapag sila ay walang tahanan.
AKO ay magtataguyod ng isang daan, nguni’t sinasabi KO ito sa inyo, AKING mga Anak, kailangan ninyong magpakumbaba sa inyong mga sarili at gawin ito ayon sa kagustuhan/paraan KO at hindi sa kagustuhan/paraan ninyo. Kapag sinabi KO sa inyo na gumawa ng isang gawain, dapat ninyo itong gawin kaagad. Hindi dapat kayo maghintay at sabihin sa aking minuto, sa aking segundo, sa aking panahon. Hindi na ninyo dapat pinahihintulutan ang anumang mga pagkalito/distruksiyon. Nguni’t nakikita ninyo, sinusubukan KO kayo upang makita kung gaano kayo nakatutok. [Sapagka’t ang isang lider] ay nananatili sa kasalukuyang gawain – hindi pinapayagan ang kanyang isipan na malihis ng pabalik-balik. Muli, sinasabi KO sa inyo, matuto. Sapagka’t ito ay hindi anumang bagay na kahit na kanyang pinagyayabang [halimbawa: ito ay hindi isang bagay na ipinagyayabang ng isang lider (1 Cor 1:31)] – ito ay isang regalo na AKING ibinigay. Nguni’t ito ay nasa inyo kung gusto ninyong sumunod- at sa araw na ito – [kapag nararamdaman ninyo] ang pagdadalamhati ng AKING puso, iyon ay hindi mababang sigla/moral, iyon ay ang pagdadalamhati ng AKING Espiritu (Heb 3:12-15).
Sumunod at makinig ngayon. Sinabi KO sa inyo noon; ang kapangyarihan ay nasa binigkas na salita, hindi lamang sa nakasulat na salita. Ilang beses KO kailangang sabihin ang parehong bagay? Nagagalit AKO kapag kailangan KONG ulitin. Pinapatawad KO kayo, AKING mga Anak, kapag nagkamali kayo. Nguni’t mangagsisi lamang at gawin ito ayon sa kagustuhan/paraan KO at hindi sa inyong kagustuhan/paraan. Tandaan, walang sinuman ang dumarating sa ministeryong ito maliban kung sila ay pinadala KO. Ang lalaki na AKING pinadala – mayroong isang leksiyon na kailangang matutunan at kayo ay natuto sa araw na ito. Ngayon magdasal na tutubusin KO ito at pagkatapos, gawin ito ayon sa kagustuhan/paraan KO.
[Ang isa ngayong pinahiran upang magtanggol] ay alam kapag si Elisheva ay nasa panganib bago pa mangyari. Minsan siya ay maligalig at nangangamba. Siya ay natututong mabatid/mapagtanto na maaari niyang pagkatiwalaan ang tao na AKING ipinadala – hanggang ang masamang Paraoh ay nalunod at narinig ninyo ang yaong balita, kailangan niyang (pinahiran upang magtanggol) panatilihin na maprotektahan siya (si Elisheva) mula sa mga pag-atake na muling dumating. Sila ay lubhang nagagalit, sapagka’t ang lahat ng kanilang ginawa ay nabibigo at hindi ninyo dapat maramdaman ang kahinaan. Sapagka’t ang inyong kapangyarihan ay hindi makapagliligtas, nguni’t ang kamay ni YAHUVEH at YAHUSHUA ay nagpapalaya/nagliligtas.Pansamantala mga anak, pagkatapos ninyong sumunod, ilagay ang mga petisyon na ito sa mismong araw na ito. Sapagka’t walang mabuting bagay ang AKING ipagkakait mula sa inyo. Sa palagay ba ninyo na hindi KO alam ang inyong pangagailangan? At gayunman kailangan ninyo maging katulad na yaong babae na dumating sa harap ng hukom, at paminsan-minsan ay magpetisyon sa AKIN ng higit pa sa isang beses. Ipagpatuloy ninyo ang pagkatok hanggang sa sumagot AKO. Ipagpatuloy ninyo ang paghahanap hanggang mahanap ninyo. Ang dahilan kung bakit? Wala AKONG utang na ipaliwanag [ito] sa inyo.
Tandaan kung sino ang DIYOS. AKO ang Manggagawa ng palayok, kayo ang luwad. Hinuhulma KO kayo, binabali KO kayo, pinanunumbalik KO kayo, Hinuhulma KO kayo ayon sa AKING kagustuhan. Alam KO kung gaano kainit ang temperatura na kinakailangan. Hindi KO pinapainit ang maapoy na pugon ng sobrang init, gayun man alam KO ang temperatura na nararapat upang kayo ay maaaring magkaroon ng pananampalataya upang pagkatiwalaan AKO. Kung anong naranasan ninyo ngayon ay may kinalaman sa mga araw na darating. Kung hindi ninyo AKO kayang pagkatiwalaan ngayon, paano ninyo AKO mapagkakatiwalaan sa panahon na iyon? Papaano ninyo tuturuan ang iba na pagkatiwalaan AKO? May dahilan para sa mga bagay na nangyari.
Kumapit ng mahigpit sa inyong pananampalataya AKING mga Anak at kahit anumang mangyari, huwag bumitaw sapagka’t hindi KO kayo kailanman iiwan at hindi KO kayo kailanman pababayaan. Tumayo sa AKING Salita, hindi kayo bibiguin nito. Ilagay ang inyong alaala sa AKING Salita, hindi kayo bibiguin nito. Itago ang AKING Salita, hindi kayo bibiguin nito. Mahalin ang AKING Salita, hindi kayo bibiguin nito. Maniwala sa AKING Salita, hindi kayo bibiguin nito. Magsalita sa mga bundok ng utang (mountain of debts) at sabihin, “Maaalis ka sa Pangalan ng AKING ANAK na si YAHUSHUA HA MASHIACH. Maniwala at huwag magduda. Pag-aralan ang leksiyon ng mabuti.
Kaya hindi KO kailangang ulitin ito, sapagka’t kayo ay sinusubok din, AKING mga Anak. Hindi KO tinawag ang karapat-dapat, ginagawa KONG karapat-dapat ang tinawag at kayo ay tinawag. Dalhin ang inyong pangangailangan sa [inyong mga lalaking kapatid]. Dalhin ang inyong pangangailangan sa [inyong mga babaeng kapatid]. Dalhin ang inyong pangangailangan kay Olga. Bigyan ninyo sila ng pagkakataon na maging isang biyaya. Sasabihin KO sa inyo ang iba. Hindi ibig sabihin nito na gawin ito ayon sa inyong tiyempo/oras, ang yaong ibig sabihin ay gawin ito sa AKING tiyempo/oras.
Mula ngayon kailangan ninyong marinig ang mga salitang ito, ngayon na ang Oras. Kapag nagbigay AKO ng kautusan, ito ay tulad ng isang heneral na nagbibigay ng isang kautusan sa isang sundalo. Kapag ang sundalo ay sinabi, “Gagawin KO ito ayon sa aking tiyempo/oras, sa aking kagustuhan,” masmahusay na hindi ninyo ito gawin. Kaya gaano pa higit na mabuting magsisi kayo para magkalakas-loob kayo na sabihin sa DIYOS ng daigdig/sansinukob na, “Sandali, Panginoon, hanggang magkaroon ako ng oras.” Muli, sasabihin KO, tumatanggap ang mga sundalo ng mga kautusan; ang mga sundalo ay hindi nagbibigay ng mga kautusan. Kayo ang AKING mga Anak, nguni’t kayo ang AKING mga sundalo. Kayo ang AKING mga sisidlan na AKING ginagamit upang maabot ang iba. Ngayon na ang Oras! Ngayon na ang Oras! Manatiling nakatutok sa kasalukuyang gawain, sa paisa-isang hakbang (one step at a time). Ngayon ang Oras! Hindi isang segundo mula ngayon! Ngayon na ang Oras!
Katapusan ng Salita
Apostol Elisheva Eliyahu
Paumanhin namin, lalo na mula sa [ngayon, dating (ex)] site tagapamahala ng site, para sa mga bahagi ng mensaheng ito na dati nang nawala/tinanggal na ngayon ay naibalik sa mensaheng ito. Ang [dating (ex) tagapamahala ng site] ay kinastigo/pinarusahan ni YAHUSHUA para sa paggawa nito.