59 HINDI AKO DARATING PARA SA ISANG MASUWAYIN NA NOBIYA/IKAKASAL

Propesiya 59

HINDI AKO DARATING PARA SA ISANG MASUWAYIN NA NOBIYA/IKAKASAL

Agusto 18, 2002 sa ganap na 2:37 ng umaga
Ibinigay kay Apostol Elisheva Eliyahu sa panahon ng pribadong panalangin.

Makinig sa mensaheng ito sa Real Audio
Habang isinalita sa pamamagitan ni Apostol Elisheva Eliyahu

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).

Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:

2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

 

 


Paliwanag:

Una/Dati kaming nakinig sa isang audios ng isa pang propeta sa The Prophesy Club na nagsasabi na ang Amerika ay magkakaroon ng isang bakuran ng proteksyon sa paligid nito. Noong narinig ko siyang nagsabi nito, nakakita ako ng isang kakaibang pangitain, hindi isang beses kundi dalawa at sinabi sa iba kung anong nakita ko. Alam ko na tanging sa pamamagitan lamang ng dasal/panalangin, pag-aayuno at pagsisisi, sa Pangalan ni YAHUSHUA ay maaari nating maantala ito mula sa pagganap/pangyayari o matigil ito.

Gusto kong maniwala na si YAHUVEH ay magkakaroon ng awa, sapagka’t kami rin ay naninirahan sa Amerika. Heto/Naririto ang pangitain, manalangin na ito ay hindi mangyari. Nakita ko ang bandila ng Amerika at ito ay nasusunog mula sa ibabang-kanang sulok patungo sa itaas ng kaliwang sulok. Kung anong sinisimbolo nito, hindi ko alam. Pakiusap huwag batuhin ang mensaherong ito, alam ko na ang The Prophecy Club ay nagbabala rin sa kapootan/galit na darating… at ang iba ay gusto lamang sabihin kung ano ang nakakapasaya sa iba. Ako ay may pananagutan sa kung anong aking sasabihin at sa hindi ko sasabihin sa Pangalan ni YAHUSHUA.

Ang simula ng teyp ay ako at ang site manedyer na sinusubukang magkakuha ng higit pang organisasyon/samahan sa mga pahina ng Site. Aming nabatid na ito ay mahirap na maglayag. Kamakailan lamang kami ay naglagay ng isang ‘Ipagtanggol Ang Pangako ng Katapatan’ na petisyon nagsusumamo/humihiling na kayo ay pumirma, nguni’t ilagay ito sa ibabaw ng imahe ng nakatayong bantay ni YAHUSHUA sa kabayo upang protektahan ang ministry na ito. Ito ang tinutukoy ni YAHUVEH habang pinapakinggan ninyo ang mensahe.


HINDI AKO DARATING PARA SA ISANG MASUWAYIN/MATIGAS NA ULO NA NOBIYA (BRIDE)!

(si YAHUVEH ay nagbibigay sa amin ng mga direksyon para sa ministry ma santuwaryo/banal na lugar na site) AKING minamahal na mga Anak, huwag ikabahala ang inyong mga sarili sa oras na ito na ang bandila ay nasa ibabaw ng pahina. Sapagka’t nakikita ninyo AKING mga Anak, ito ay naaayos/natutupad para sa AKING kaluwalhatian tulad ng ipinakita KO kay Elisheva. Sapagka’t doon AKING sinabi, kung saan ang Amerika ay tinuruang mangako ng katapatan sa isang bandila, sa yaong parehong pahina/panig AKING sinalita ang AKING kapangyarihan, ang AKING pagpapahid, ang AKING mga kasagutan. Ginamit KO ito bilang isang plano upang hikayatin ang iba at basahin kung ano ang naroroon. Huwag magdalamhati sa panahong ito, ito ay nasa itaas ng imahe sapagka’t hindi AKO ang yaong imahe, ang yaong imahe ay isang simbolo; ito ay mga salita sa itaas kung sino AKO. AKO ang Alpha at Omega (Una at Huli). Ito ay AKING RUACH HA KODESH na nagpapahid sa ministeryong ito. Ito ay ang AKING Ministeryo, AKING binabantay at AKING pinoprotektahan.

Kailangan ninyong ilabas kaagad ang mga mensaheng ito. Huwag masyadong mabahala sa kaayusan/kautusan ngayon. Sa halip ay mabahala sa pangangailangan ng madaliang pagkilos. Sapagka’t tunay KONG ibinigay kay Elisheva ang yaong pangitain na kapag ang isa ay nagsalita para sa iba ng may nangangating mga tainga at gumagawa ng mga pangako na hindi KO sinabi. Ipinakita KO sa kanya ang yaong pangitain ng bandila ng Amerika, at habang ang AKING Pangalan ay binubura at habang ang AKING pangalan ay wala sa pera, kahit na ito ay karaniwan, sapagka’t kahit AKO ay Dios, alam ninyo ang AKING Pangalan at habang ito ay binubura sa pera, gayon rin ang proteksyon ng Amerika. At tulad ng ipinakita KO sa kanya ang bandila, ito ay masusunog mula sa kanang ibabang sulok , patungo sa tuktok/taas ng kaliwang sulok. Hanggang ang bandilang ito ay matupok sa AKING galit at AKING poot.

Gaano mangahas ang New York, pagkatapos KONG ibuhos ang AKING awa at AKING pagmamahal. AKING tinira/iniligtas ang mga di-mabilang na di-sinasabing kaluluwa mula Setiyembre 11, 2001 mula sa maraming mga araw na sumusunod. Habang hindi na nila ililibing/hinuhukay nila ang mga taong akala nila ay patay. Habang AKO ay mayroong mga anghel na pinapalayas/tinataboy sila palabas bago bumagsak ang mga gusali at ngayon sila’y maglakas-loob na suwayin/sumalungat sa kung ano ang banal, sila’y maglakas-loob na lapastanganin ang pangalang ‘pag-aasawa’ (marriage), na AKING ibinigay bilang isang simbolo para sa Nobiya (Bride) at Nobiyo (Bridegroom). Ito ay hindi lalaki sa lalaki. Ito ay hindi [para kaina] Adam at Steve, ito ay [para kina] Adam at Eba {Eve}. Ang AKING galit ay AKING poot ay susunog sa New York kung magpapatuloy ang mga ito. AKO ay nagbabala sa kanila at binigyan KO sila ng babala na sa Sept. 11 ay isang halimbawa lamang. Gaano mangahas ang mga ito at ang bawat estado kabilang ang Canada at ang mga probinsya/probidensya (please review this sis, I am not sure about the word province as it is different meaning) na sumusunod na maglakas-loob upang gawin ang katulad. Pinapaalala KO sa inyo kung anong nangyari sa Sodoma at Gamora. Ang kanilang kapalaran ay magkapareho.

Huwag maglakas-loob na sabihin na ang bakuran ng proteksyon ay nasa palagid ng Amerika sapagka’t ito ay isang kasinungalingan deretso mula sa mga bibig ng propeta ni satanas. Ang bakuran ng proteksyon ay nasa paligid ng AKING mga Tao, ang mga taong tumatawag sa AKING Pangalan. Ang mga taong sumasamba kay YAHUSHUA at sa mga taong gumagalang/nagpaparangal sa AKING tunay na mga Sabbath, ang mga taong nagsisisi at nagpapakumbaba sa kanilang mga sarili, ang mga taong tumitingin sa itaas at nalalaman na ang pagtubos ay malapit na. Ang AKING mga Sanggol, Nobiya, mga Pinili at Hinirang, ito ang mga taong pinapaligiran ng bakuran ng proteksyon. AKING binaklas ang bakuran ng proteksyon sa paligid ng Amerika at makikita ninyong masusunog ang yaong bandila. Huwag magalit sa AKING mga apostol at mga propeta na AKING ipinadala upang magbabala na ang sentensya/wakas ay darating. Sa halip ay pasalamatan AKO na AKO ay lubhang nagmamalasakit upang magbabala.

AKING binigyan ng babala ang babaeng lingkod na ito ng paulit-ulit, binigyan KO siya ng isang salita, isang naririnig (audible) na salita sinabi KO sa kanya na sabihin sa mga tao,

“Gagawin KO ang lahat ng ipinangako KONG gawin.”

Na hindi lamang ang nangangahulugang ang galit na darating ay nangangahulugan na pagprotekta sa inyo. Binigyan KO siya ng babala noong 1999, napansin ng mga tao ang petsa, kung hindi dahil sa panalangin ng namamagitan na mga mandirigma na tumindig at nag-ayuno (fasted) noong Setiyembre 11, 1999. Ito sana ay naging parehong kapalaran tulad noong 2001, Setiyembre 11. Sapagkat pinigil KO ang AKING galit, dahil sa mga panalangin ng mga matuwid na makakatulong/mapapakinabangan ng marami Pagkatapos ang mga apostol at mga propeta ay tinatawag na huwad.

Ano ang sasabihin ninyo kung hindi KO ito pinigilan? Kung ganoon, paniniwalaan ninyo ang AKING mga Apostol at mga Propeta? Ito ba ang gusto talaga ninyo? Pinigilan KO ito para sa kapakanan ng mga taong nanginginig sa takot at mga luha. AKING maliliit, ang AKING mga Sanggol na AKING dinuduyan sa AKING mga bisig. Pinipigilan KO ito sa ngayon, hindi para sa kapakanan ng isang niluluwalhating Amerika na ginawa ang kanilang mga sarili na isang dios sa kanilang sariling mga mata. Nguni’t pinigilan KO ang AKING poot, para sa AKING maliliit na gaya ng isang maliliit na bata, tumitingin na may tiwala at pagmamahal sa kanilang Ama ng kanilang mga mata. Nguni’t Amerika, kayo ay masusunog. Alam KO ang propetang ito na nagsasalita, ang kanyang tinig ay hindi magugustuhang pakinggan. Ito ay lumalabag sa mga mensahe ng The Prophecy Club, ang mga yaong nagsasabi ng kasaganaan at kaunlaran, at ang mga yaong nagsasabi ng proteksyon, bagaman ito’y hindi karapat-dapat.

Mayroong palaging mga propeta na magsasalita lamang ng mga salita na gusto marinig ng iba. Nguni’t ginagamit KO ang Apotol na babaeng lingkod na ito upang sabihin ang katotohanan upang ang mga tao ay mangagsisi at lumuhod/yumuko at magpakumbaba sa kanilang mga sarili sa harap KO. Tumalikod mula sa kanilang masasamang gawain at hindi mahuling nagtataka. Ang AKING Anak ay darating tulad ng isang magnanakaw sa gabi, nguni’t alam na ng AKING Nobiya na simulan ang paghahanda sa kanyang sarili. Anong Nobiya ang hindi naghahanda sa kanyang sarili kapag ang Nobiyo ay darating upang ibaba siya sa pasilyo na iyon? Sinisigurado niya na ang kanyang damit ay walang dungis o kulubot; tinitiyak niya na siya ay pinabanguhan ng AKING pagpapahid. Sinisigurado niya na ang kanyang liwanag ay kumikinang ng maningining sa kanyang mga mata upang makita ng lahat ang AKING kaluwalhatian.

Hindi ba sinabi KO sa inyo AKING mga Anak na hindi kayo makakahingi ng tawad para sa Amerika? Sa halip hindi KO ba kayo binigyan ng babala AKING mga Anak, muli sa pamamagitan ng babaeng lingkod na ito sinasabi KO, “Mangagsisi para sa inyong sariling mga kasalanan.” Mangagsisi para sa inyong sariling mga bahay, pahiran (anoint) ang inyong mga bahay. Huwag ninyo itong gawin ng basta-basta. Kahit na ang lalaki ito ay dapat magsisi sapagka’t hindi niya ito ginawa. Kapag sinabi KO na pahiran ang inyong mga bahay, huwag ninyong sabihin, “Nguni’t, Panginoon, poprotektahan naman ninyo AKO.” Pahiran (anoint) ang inyong mga bahay, wala akong pakialam kung inyong narinig ang mensaheng ito sa gabi, kung gusto ninyo na ang Angel ng Kamatayan ay lagpasan/laktawan kayo, kung gusto ninyo ang bakuran ng proteksyon sa paligid ng inyong mga bahay, ang inyong mga itinayo/itinatag, ang inyong mga negosyo kung ganoon, gawin ninyo kung anong sinabi KO. Sapagka’t si YAHUSHUA ay hindi darating para sa isang masuwayin na Nobiya.

Ang Banal ay lumagong naging masBanal. Ang Masama ay lumagong naging masmasama. Ang malamig ay nauwing masmalamig. At AKING galit ay tumaas sa napakataas na antas na kung hindi dahil sa AKING mga sanggol, Nobiya, mga pinili at hinirang, lahat sana’y natapos na. Bakit ang mga simbahan ay hindi umiiyak at nagdadalamhati sa mga bagay na nangyayari? Bakit hindi sila nagpoprotesta sa mga bagay na nagagawa? Bakit sila tahimik? Sasabihin KO sa inyo kung bakit, sapagka’t kanilang tinanggap ang suhol ng kayamanan [pera] upang takpan ang kanilang mga mata at kanilang bibig at hayaan na ang mga tao na isipin na ang lahat ay mabuti. Bakit hindi sila nagdadalamhati? Bakit ang mga panalangin sa bawat araw ay hindi napupunta para sa mga pagpapalaglag at sa mga patayan, para sa mga batas na pinapasa na nilalapastangan ang AKING Pangalan?

Sasabihin KO ito sa inyo ngayon, para sa bawat ministro na tumatayo sa likod ng isang pulpito, para sa bawat espirituwal na mga lider na hindi nagturo sa AKING mga Tao na parangalan ang Tunay na araw ng Shabbat at panatilihin itong banal, kahit na kung ang inyong pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Tupa, kayo ay magiging pinakamaliit/pinakahuli sa Kaharian ng Langit. Ang inyong gantimpala ay hindi ninyo malalaman. Sinasabi KO s ainyo ito, kayong mga espirituwal na mga pinuno, sapagkat hindi ninyo pinamunuan ang inyong mga tao upang mag-ayuno at manalangin sa mga di-makadiyos na batas na naipasa at ang iba pa na nasa pagkilos/pamamaraan. Kung ang inyong pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Tupa ng Buhay, kayo ay magiging huli/maliit sa Kaharian ng Langit. Ang inyong gawa ay magiging tulad ng pinaggapasan at dayami kung hindi ninyo ilalagay ang lahat sa altar ng sakripisyo.

Gusto ninyo malaman ang mga yaong AKING mas pinararangalan, tulad ng babaeng lingkod na ito at ng kanyang sambahayan. Wala silang tinataglay na mga bagay sa mundo; hindi nila alam kung saan nagmumula ang kanilang susunod na pagkain. Kanilang inilagay ang lahat sa altar ng sakripisyo. Lumayo sila mula sa kanilang mga makamundong ari-arihan. Kahit na ang kanilang pamilya at ang kanilang mga kaibigan ay nag-iisip na sila ay galit, baliw, sapagka’t sumusunod sila sa AKIN, sumusunod sila sa AKING Salita, sumusunod sila sa AKING mga yapak. Hindi nila itinatayo ang kanilang makamundong mga kayamanan sa mundong ito. Sa halip ay kanilang iniimbak ang kanilang kayamanan sa langit sapagka’t hindi sila sa mundong ito, kahit na ngayon sila ay nasa mundong ito. Ito ang mga taong AKING pinaparangalan. Ito ang mga taong mag-aani ng kanilang mga gantimpala. Ito ang mga pinakamayaman sa mayaman. Sapagka’t hindi ninyo makikita ang kanilang mga makalangit na mga kayamanan, hindi ninyo makikita ang kanilang mga gantimpala sapagka’t sila ay nasa AKING kabang-yaman sa Langit, kung saan sila nakaimbak. Hindi ninyo makita ang kanilang mga mansyon. Hindi ninyo makita ang kanilang mga magagandang mga damit. Sapagka’t tinitingnan ninyo sila sa pamamagitan ng mga mata ng mundong ito, nguni’t tinitingnan KO sila sa pamamagitan ng mga mata ng Kaharian ng Langit.

Ginawa KONG nasa kakulangan ang AKING tunay na mga apostol at mga propeta upang subukan ang mga tao. Sapagka’t hindi ba sabi ng AKING Salita, “Kapag ikaw ay sobra na tulad ng nagbibigay ng isang baso ng tubig, sa Pangalan ni YAHUSHUA, gayon iyong ginawa [rin] ito sa AKIN”. Hindi KO ba kayo inutusan na pakainin at damitan ang mahihirap? Hindi KO ba sinabi, “Kapag inyo itong ginawa para sa AKING mga Anak, sa AKING Pangalan.” Hindi KO sinasabi sa inyo na gawin ito para sa mga pagano, sinasabi KO sa inyo na gawin ito para sa AKING mga Anak, ang inyong mga babaeng kapatid at mga lalaking kapatid. Paano ninyo masasabi na mahal ninyo AKO at hayaan silang magutom? Paano ninyo masasabi na mahal ninyo AKO at hayaan silang mauhaw? Paano ninyo masasabi na mahal ninyo AKO at hayaan silang magsuot ng basahan? Paano ninyong masasabi na mahal ninyo AKO at haayan sila na walang tahanan? Paano ninyo masasabi na mahal ninyo AKO at hayaan silang nasa pangangailangan? Kayo ay sasagot sa araw ng Paghuhukom.

Sapagka’t sa bawat oras inilalagay KO sa inyong puso na maging isang sagot sa panalangin. Hindi ba sinasabi ng AKING Salita, “Mga taong nangangaral ng AKING ebanghelyo, ay dapat mabuhay mula sa ebanghelyo na iyon.”Nguni’t paano ninyo masasabi na mahal ninyo AKO kapag kayo ay makasarili at kayo ay sakim at ang lahat ng iniisip ninyo ay ang inyong sariling pangangailangan. Ang babaeng lingkod (handmaiden) na ito ay nagbabayad ng isang presyo/halaga, ang lahat ng AKING mga Anak na pinahiran, ang mas mataas ang pagpapahid, ay mas malaki ang pagdurusa sa mundong ito. Ang mas matinding mga atake ng kaaway at kung wala kayo doon upang protektahan sila, upang mamagitan at mag-ayuno para sa kanila, gugustuhin KONG malaman kung bakit at tatanungin KO kayo ngayon, “ Paano ninyo masasabi na mahal ninyo AKO?”

Hindi AKO darating para sa isang masuwayin na Nobiya. Kayo ay magiging katulad ng limang iyon, ang mga mangmang na dalaga na mayroong lamang sapat na langis sa kanilang mga ilawan para sa isang maikling sandali. Hindi kayo nag-aaral, hindi kayo namamagitan, hindi pa kayo nakikipagsamahan (fellowship), o magkaroon ng isang relasyon sa AKIN. Hindi ninyo hinahanap ang masmataas na mga pagpapahid, inyong tinatanggi ang AKING mga regalo at inyong malalaman balang araw kapag sasabihin KO, “Lumayo mula sa AKIN, sapagka’t hindi KO kayo kailanman nakilala.”

Kaya ito ang AKING mensahe sa araw na ito, habang nakikita ninyong binubura ang pangalan na ‘DIOS’ sa Pangako ng Katapatan. Habang nakikita ninyong binubura ang salitang ‘DIOS’ sa inyong pera. Ang pangitain na AKING ibinigay sa AKING Babaeng Anak sa araw na ito, makikita ninyong masusunog ang bandila ng Amerika at ang mga mangangalakal ay tatangis mula sa malayo at ang mundo ay iiyak at mananaghoy nguni’t matututo ba sila ng isang leksyon mula sa kanya? Oh gaano kakaunti ang nakinig. Ang kanilang mga tainga ay puno ng pagkit (wax). Ang kanilang mga mata ay bulag, gusto lamang nila makakita mula sa kanilang sariling mga mata at ayaw nilang makakita sa pamamagitan KO.

Amerika, inyong aanihin kung anong inyong hinasik. Muli AKING uulitin, ang bakuran ng proteksyon ay hindi nakapaligid sa Amerika. Ang bakuran ng proteksyon ay nakapaligid sa AKING Minamahal, ang AKING mga Sanggol, Nobiya, mga Pinili at Hinirang. Tumingin sa itaas AKING mga Anak, huwag tanggihan ang inyong pananampalataya, huwag tanggihan ang Pangalan na YAHUSHUA HA MASHIACH. Huwag tanggihan ang Pangalan na YAHUVEH. Huwag tanggihan ang pagpapahid ng AKING RUACH ha KODESH. Huwag tanggihan ang AKING mga kautusan (10 utos) at ang AKING mga batas at AKING mga kautusan, at ang Salita na naging laman. Tumingin sa itaas AKING mga Anak, sapagka’t tunay na ang inyong pagtubos ay nalalapit.


Kaya ito ay sinalita, kaya ito ay nasusulat sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH para sa Kapurihan, Karangalan at Kaluwalhatian ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Aking sinulat ang mga salita habang naririnig ko silang binigyang-kahulugan, habang nagsasalita sa wikang langit (heavenly language) na iyon.

Apostol Elisheva Eliyahu, 8/18/02

www.amightywind.com
www.almightywind.com