PROPESIYA 61
NASAAN ANG LAHAT NG AKING BANAL NA MGA LALAKI NA ITINATAAS ANG KANILANG MGA BANAL NA KAMAY SA AKIN, KAY YAHUVEH?
Setyembre 11, 2002, 1145 a.m.
Ibinigay kay Apostol Elisheva Eliyahu
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
Gising ako, nagising ako sa ika-11 ng Setyembre. Si AMA ay labis ang pakikipag-usap sa akin habang ako ay natutulog. Ginising NIYA ako ng mga salitang ito, at ngayon, ngayon mismo, kahit na sa kalagitnaan habang nakapikit parin ang aking mga mata, mamamagitan ako ngayon para sa bansang ito sa ikaw-11 ng Setyembre. Sasabihin ko ang mga salita na gusto NIYANG sabihin ko. [Nagsisimulang magsalita habang kasama ng interpretasyon sa mga wika.]
Elisheva, ibinibigay KO sa iyo ang responsibilidad na ito upang sabihin ang mga salitang ito ngayon. Na ang ministeryong ito ay magsasalita sa babalang ito ngayon. Kahit habang natulog si Elisheva, nagsalita AKO sa kanya upang sabihin sa kanya kung anong sasabihin, kahit na ang kanyang laman ngayon ay naghahangad parin na matulog. Kahit na ang kanyang mga mata ay nakapikit parin, AKING sasabihin ang mga salitang ito. Ito ay ika-11 ng Setyembre, 2002. At habang tinitingnan KO ang sangkatauhan upang tingnan kung ano ang ginawa nila sa kanilang nakalaang oras, ang ekstrang oras na AKING ibinigay sa mundo, ano ito na AKING nakikita? Ano ang nakita ng AKING mga mata? Sapagka’t sinasagot KO ang mga panalangin ng mga makatarungan/matuwid na tumatawag sa AKING Pangalan, sa Pangalan ni YAHUSHUA HA MASHIACH, ang AKING Anak. Tumatawag sila sa AKIN at nagsasabi, “Bigyan MO kami ng masmarami pang oras upang maabot ang nawawalang kaluluwa” at kaya ginawa KO ito.
Ito ang kung ano ang nakikita ng AKING mga mata. Lalaki na sumisiping sa [kapwa] lalaki. Babae na sumisiping sa [kapwa] babae, mga sanggol na pinapatay sa mga sinapupunan, ang taong nakabaluktot na maging masmasama sa bawat araw. Ito ay walang pagkaka-iba sa panahon ni Noah noong winasak KO ang mundo. Nguni’t iniligtas KO ang mga makatarungan/matutuwid, ang mga masunurin, si Noah at ang kanyang pamilya. Kaya muli AKO ay nagsasabi at AKO ay nagbibigay ng babala. Tanging ililigtas KO lamang ang mga makatarungan/matuwid. Ang Setyembre 11, 2001, ay pinag-usapan sa buong mundong ito, nguni’t tanging [ang tungkol] sa trahedya lamang, tanging ang pagkawasak lamang. Gaano kakaunti ang nagbigay sa AKIN ng Kaluwalhatian, sapagka’t nagligtas AKO ng mga buhay na kahit na hindi naman karapat-dapat na maligtas. Nguni’t sa halip na isaalaala ang araw na ito upang bigyan AKO ng Kaluwalhatian para sa mga milagro na AKING nagawa, sa halip ay naririnig KO ang AKING Pangalan na siniraan ng puri, “Paano ito nagawa ng Diyos?”
Kahit na ang AKING sariling mga tagapangaral na nangangaral sa AKING Salita ay nagsasalita na parang wala AKONG karapatan na magdala ng paghuhukom sa mundong ito. AKO ang Tagapaglikha. Nakalimutan ninyo na kayo ang mga nilalang, at kaya sa araw na ito AKO ay nagdadalamhati habang naririnig KO ito ng paulit-ulit. Nakakalimutan na ba ninyo kung sino ang hukom ng lahat ng nilalang? Kailan pa, na ang mga nilalang ay humatol sa Lumikha? Tinitingnan KO ang salitang ‘kasal’. Nakikita KO kung ano ang kinakatawan nito para sa inyo. Nilikha KO si Adan at si Eba. Kung ganoon, bakit ang parehong kasarian ay nagpapakasal? Ang lahat ng bagay na AKING sinabi ay isang kasuklam-suklam, bakit ang mundong ito ngayon ay itinataas? Tulad ng sa pagmamataas kinuha nila ang mga kasalanan ng mundong ito at hinahagis ito sa AKING mukha at ngayon ay naglakas-loob na sabihin, “Kami ang mga tagapaglikha, lilikha kami ng bagong lahi ng tao.”
Nasaan ang lahat ng AKING mga Banal na lalaki na itinataas ang kanilang mga banal na kamay sa AKIN? Bakit hindi sila ang espirituwal na lider ng mga pamilya/tahanan? Bakit ang mga asawang babae ang namumuno sa mga pag-aasawa? Bakit ang mga lalaki ay yumuyukyok sa takot sa mga sulok? Muli KONG ibabangon ang mga Deborah sa piligid ng mundo ito upang gawin ang mga trabaho na ang lalaki ang dapat na gumagawa. Ito ay ang mga kababaihan na nakakaalam sa AKING Salita, hindi lahat, nguni’t sa napakaraming kaso ito ay ang babae na nagsasabi, “Ito ang totoong araw ng Shabbat, atin itong igagalang.” Ito ay ang mga babae na nag-aalaga/nagdadala sa kanilang mga anak at nagpapalaki sa kanila sa espritiuwal [na mga bagay] at pagkatapos ay nagtataka kayo kung bakit ang isang tahanan na bumagsak ng hiwa-hiwalay. Nagtataka kayo kung bakit tumataas ang mga lumalaking kabataan sa pagkakasala, nagtataka kayo kung bakit ang inyong mga eskwelahan ay isang lugar na kahit na ang pinaka-matigas na kriminal ay natatakot. Nagtataka kayo kung bakit ang mga bata ang namumuno sa kanilang mga magulang. Ito ay dahil ang AKING mga tinig ay hindi ninyo pinapakinggan. Ang AKING tinig ay hindi ninyo dinidinig/marinig.
Ang AKING Mabuting Aklat ay tinutukoy lamang bilang isa pang libro. Ang mga batas ay tinutukoy bilang hindi na napapanahon. AKING napagmasdan sa araw na ito, ano ang gagawin ng AKING mga Anak sa bagong kaalaman na wala sa kanila noon. Sapagka’t kayo ay may pananagutan sa kung ano ang nalalaman ninyo. Kung hindi ninyo alam na ang mga Banal na Kapistahan ay mga Banal na Araw sa AKIN, kung ganoon, hindi kayo mananagot. Nguni’t pinapakita KO na ngayon sa inyo ang mga dakilang Banal na Araw, kung papaano ang mga Banal na Kapistahan na Araw ay sapat na mabuti para sa AKING Anak na si YAHUSHUA upang gunitain. Gaano pa kaya na dapat ninyong gugunitain [rin] ang mga ito.
Ang AKING Anak na si YAHUSHUA ay ang Panginoon ng Sabbath, ang Panginoon ng Sabbath, kahit na kapag alam ninyo ang tamang araw, ilan sa inyo ang nananatiling punuin ang mga simbahan sa [araw] ng Linggo? Kayong mga mangangaral ay mananagot, muli at muli sinabi KO, “Pinararangalan ninyo ang Sabbath ng tao at tinutulak sa tabi ang AKING tunay na Sabbath.” Ito ay sapat na mabuti para sa Tagapaglikha, nguni’t sa tingin ng mga nilikha ay mas may mahusay silang paraan.
Kaya sa araw na ito ng Setyembre 11, tumingin AKO sa mundo at kung hindi para sa mga panalangin ng mga makatarungan/matuwid na may pakinabang/magagamit ng marami, ang pagkawasak ay dapat na dumating sa mundong ito sa araw na ito. Ngunit’ sa halip, binibigyan KO kayo ng mas maraming pang oras na inilaan, bagama’t naririnig KO ang AKING mga tunay na anak na sinasabi, “Oh halina YAHUSHUA, dumating kaagad sa araw na ito.” Ang mundong ito ay impyernong baluktot, kahit na ang mundo ay lumilindol at nanginginig sa takot, sapagka’t alam ng lupa na ang hukom ng lahat ng nilalang ay hahatulan ang mundong ito at mabilis na magpapakita. Ang inyong mga tubig ay marumi dahil sa ginawa ng tao na kasalanan, binubura/pinuputol ninyo ang mga uri ng hayop dahil lamang gusto ninyong pumatay o gusto ninyong burahin ang kanilang tahanan para sa inyong sariling hangal na mga layunin. Nguni’t napanatili KO ang bawat uri ng hayop sa Langit, ang mga uri ng hayop na hindi na makikita ng mundong ito at ang AKING mga Anak na ang kanilang tahanan ay maging nasa Langit, maging panatag, ang mga uri ng hayop na ito ay iniligtas/inilaan para sa inyo.
Mahal KO kayo AKING minamahal na mga anak, ang mga taong hindi natatakot na gawin ang bawat bagay na sinasabi KO, mga taong iginagalang ang mga Banal na Araw, mga taong sumisigaw/umiiyak at nananabik na dumating si YAHUSHUA. Sila ay umiiyak tulad ng limang (5) matatalinong birhen. Mayroong silang langis sa kanilang mga ilawan habang naghihintay sila at mayroon silang langis sa tabi/nakabukod sapagka’t hindi nila alam kung anong oras o anong araw. Alam nila na SIYA si [YAHUSHUA] ay babalik sa Sabbath, nguni’t anong Sabbath? Sinabi KO sa babaeng tagapaglingkod na ito, ito ay magiging sa isang Rosh Hashanah at isang (1) paparating ang magaganap, nguni’t anong Rosh Hashanah?
Sabi ng AKING Salita na SIYA ay darating sa oras ng hatinggabi nguni’t anong oras ng hatinggabi? Kaya habang sinusubukan ng AKING minamahal na kalkulahin kung anong oras darating ang AKING Anak, AKING mga mahal, ito ay kahangalan. Sa halip, magtrabaho lamang para sa AKIN at humawak, panatilihing nakailaw ang inyong mga ilawan, magtrabaho upang dalhin ang kaisa-isang kayamanan na makakaya ninyo sa oras ng iwanan ninyo ang mundo. Sapagka’t walang sinuman ang makakaalam, gaya ng magnanakaw na lumitaw sa gabi, gayon rin ang pag-ibig ng inyong buhay. Nguni’t makikita ba kayo NIYA na walang dungis o kulubot?
Para sa mga asawang babae, kayo ay simbolo ng Nobiya, asawang lalaki kayo ang simbolo ng Nobiyo. Ito ang [paraan] kung papaano ninyo malalaman kung kayo ay nakakalugod sa AKIN. Ang mga babaeng asawa na may makadiyos na mga asawang lalaki, na umiiyak sa Pangalan ni YAHUSHUA na ginagawa ang lahat ng makakaya nila upang sundin AKO at ang AKING mga Salita. Itatanong ko sa inyo ito, “Ginagawa ba ninyo ang lahat na makakaya ninyo upang sundin ang yaong makadiyos na lalaki?” itinatanong KO ito sa mga asawang lalaki na sumisimbolo sa Nobiyo, “Ginagawa ba ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang mahalin at protektahan siya, upang maging ulo/pinuno at hindi ang [maging] buntot? Karapat-dapat ba kayo sa kanilang respeto, na gusto niyang sundin kayo, ang paraan na ang Nobiya ni YAHUSHUA ay dapat na sumusunod sa KANYA? Nananalangin ba kayo kasama ng inyong pamilya? Kayo ba ay nasa tuhod/lumuluhod kasama ng inyong babaeng asawa? Hinahawakan ba ninyo ang kamay nila kapag kayo ay nagdarasal? Binibiyayaan/pinagpapala ba ninyo ang inyong mga anak? Ginugunita/ipinagdiriwang ba ninyo ang mga Banal na Araw? Pinaparangalan ba ninyo AKO sa tunay na Sabbath, o ginagawa lamang ninyo ang inyong mga kasiyahan at inyong kagustuhan/paraan? Kayo ba ay isang halimbawa ng kabanalan?”
Ito ang mga tanong na AKING tinatanong sa inyo sa araw na ito. Tumatayo/naninindigan ba kayo sa kabanalan at pagkamakatarungan o kayo ba ay naghahanap ng malalaswang bagay/larawan sa internet? Sa palagay ba ninyo na ang inyong mga kasalanan ay sekretong nakatago kahit ang mga tao na tumatayo sa likuran ng pulpito? Kayo ba ay karapat-dapat sa respeto ng salitang ‘lalaking asawa’, sapagka’t kayo ay naglalarawan para sa Nobiyo na darating. Ang AKING Anak ay namumuno ng may pagmamahal at pagkahabag/awa. Sa palagay ba ninyo, kayo ay pamumunuan ang inyong pamamahay ng walang anuman kundi malupit na dahas? Mangagsisi ngayon, mga taong tumatawag sa kanilang mga sarili na mga lalaking asawa (husband), sapagka’t napakarami sa inyo ay hindi karapat-dapat sa respeto ng inyong mga asawang babae. Nguni’t sa mga yaong lalaking asawa na naglalarawan sa nakalaang darating na Nobiyo, kayo ay karapat-dapat ng yaong respeto at kailangan ninyong hingin/iutos na ang inyong pamilya ay igagalang ang lahat ng inyong pinaninindigan/pinaniniwalaan. At sila ay magmamahal at ikakarangal nila kayo at gugustuhin nilang sumunod, [tulad ng] kung papaanong naisin ng Nobiya ni YAHUSHUA na sumunod.
Kaya sa halip, sa ika-11 ng Setyembre na ito, na pag-akusa sa inyong Tagapaglikha o nakikinig sa mga tao na nag-aakusa sa inyong Tagapaglikha, ibitin ninyo ang inyong mga ulo sa kahihiyan, sapagka’t para sa nilikha na AKING binuo mula sa alikabok, ay isa lamang tumpok ng dumi sa isang kamay, at hiningahan KO ito at nilikha ang tao, ay walang karapatan o lugar para husgahan ang Makapangyarihang Diyos na si YAHUVEH, ang Tagapaglikha. Ang Paghuhukom ay uulan muli. Ang paghuhukom ay nagsimula na. Una ito ay nagsimula sa Bahay ng Panginoon, ang mga taong tinawag sa Pangalan ni YAHUSHUA, at kung hindi KO ililigtas/kaawaan ang AKING sariling bahay, gaano pa kaya higit na AKING hahatulan ang pagano para sa masamang amoy ng kanilang mga kasalanan.
Kaya AKO ay nagsalita sa araw na ito sa babaeng tagapaglingkod na ito, ay sinunod niya AKO at ngayon ay ibinibigay sa inyo ang mga salitang ito sa ika-11 ng Setyembre 2002, kaya ito ay sinalita, kaya ito ay isunulat. Ilan sa inyo ang pahihintulutan AKO na kunin ang inyong damit na magpawalang dungis at paputiin bago KO ipadala ang AKING Anak. Anong Nobiya ang makakatayo sa kanyang damit na pangkasal na sakop/balot ng mantsa at mga dungis? Tanungin ninyo ang inyong sarili ng mga tanong na ito kapag kayo ay nagsusumamo na ang AKING Anak na dumating. Kayo ba ay matatagpuan na nakahanda? Ang inyong pangkasal na toga/damit ba ay dalisay at malinis? Mayroon bang sapat na langis sa inyong ilawan upang magpatuloy na maghintay sa KANYA kay [YAHUSHUA]? O kayo ba ay magiging katulad sa (5) umiiyak at tumataghoy na hangal na mga birhen na naubusan ng langis sa kanilang mga ilawan, na napagod sa paghihintay? Maghanda na ngayon AKING mga Anak, para sa oras ng hatinggabi ay huli na.
Kaya ito ay isinalita, kaya ito ay naisulat sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH, noong Setyembre 11, 2002, nagsimula sa ika- 11:45 ng umaga at nagtapos sa ika-12:13 ng hapon
AKING hinahatid ito dahil ito ay ibinigay sa akin at ako ay nagpapakumbaba na ibigay ito sa inyo, at nanalangin lamang ako na ang mga taong may may tainga ay makikinig.
Apostol Elisheva Eliyahu