62 Darating na ang Hari!

Magsisi! Magsisi! Magsisi!

Propesiya 62

Darating na ang Hari!

Isinalita sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH sa pamamagitan ni Apostol Elisheva Eliyahu sa Yom Kippur, Setyembre 16, 2002

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).

Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:

2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

 

 


Elisheva:

Kaya Ama namin sa Langit na YAHUVEH, sa Pangalan ng IYONG Anak na si YAHUSHUA sa Yom Kippur na ito, akin pong itinatanong anong salita ang mayroon KA? Kami ay lumalapit sa IYO na naghahanggad na marinig ang iyong tinig, kung nais MO na kami ay parangalan mangyaring sa isang salita. Kami ay parang isang usa na humahangos para sa tubig, Ama; kami ay nauuhaw na makarinig mula sa IYO ng higit pa. Gusto KA lamang namin na pasalamatan, Ama. Kami ay pinagwiwikaan (rebuke) at kami ay ginagapos ka satanas palayo mula rito sa pangalan ni YAHUSHUA HA MASHIACH, wala kang parte rito ng kahit ano pa man, sapagka’t kami ay pag-aari ni YAHUVEH, YAHUSHUA, at ng RUACH HA KODESH. Walang kang pag-angkin/karapatan sa amin ng kahit ano pa man. Aming sinasailalim ang aming sarili sa Panginoong Diyos na Makapangyarihan na si YAHUVEH, YAHUSHUA at RUACH HA KODESH at nilalabanan ka namin satanas at ikaw ay kailangang lumayo/umalis.

[Nagsasalita sa mga Wika (tongues)] Lukas 10:19, satanas, “Masdan, binigyan KO kayo ng kapangyarihan upang tapakan ang mga serpiyente at mga alakdan at sa lahat ng kapangyarihan ng kaaway at wala sa anumang pamamaraan ang makakapinsala sa inyo.” Kaya, satanas, kami ay tumatayo sa Salitang iyon, Lumayas ka satanas, wala kang pag-aangkin/karapatan sa amin. Ang mga salita lamang na lalabas, ito ay magmumula kay YAHUVEH, YAHUSHUA, at ng RUACH HA KODESH. Walang huwad na/kasinungalingang salita ang maaaring lilitaw mula sa aking laman, walang huwad na salita ang maaaring lilitaw mula sa isang demonyo na lumilitaw sa pamamagitan ng aking laman, walang huwad na salita ang lalabas, sapagka’t sa pangalan ni YAHUSHUA, sinasalita ko lamang ang mga salita ng aking Amang (Daddy) Diyos na si YAHUVEH, na lumikha sa akin, na magpapasalita sa akin, na luluwalhatiin, na dadakilain ang pangalan ni YAHUVEH, YAHUSHUA at ng RUACH HA KODESH.

Makipag-usap sa IYONG mga anak, O Ama (Daddy), makipag-usap KA sa IYONG mga anak kung mayroon KANG [sasabihing] isang salita.

Pagsisimula ng Prophesiya

Sabihin sa mga tao, isigaw ito mula sa isang dulo ng mundo patungo sa isa pa, ANG AKING ANAK AY DARATING NA, ang Hari ng mga Hari at Panginoon ng mga Panginoon. Sabihin sa kanila, AKING mga Anak, mangagsisi, ang Kaharian ay malapit na, yumuko/lumuhod sa araw ng Yum Kippur na ito. Yumuko/lumuhod sa Espirituwal na lupain; tingnan ang inyong mga sarili na nakadapa sa inyong mga mukha, sapagka’t ang Hari ay darating na!

Hayaan ang mundo na mangutya. Hayaan ang Pariseo na mangutya. Hindi ito titigil sapagka’t ang HARI AY DARATING NA!. Hindi SIYA darating para sa mga tao na nag-iisip na hindi sila mga makasalanan, na nag-iisip na sila ay napakamatuwid, na hindi nila kailangan mangagsisi. SIYA ay darating para sa KANYANG mga Anak, para sa Nobiya (Bride) na naghahangad na sumunod. SIYA ay darating para sa mga mandirigma na nakikipagdigmaan sa KANYANG Banal na Pangalan. SIYA ay darating para sa mga tao na mapagpakumbabang umaamin na lahat ay hindi umaabot/may kakulangan sa AKING kaluwalhatian.

Maging handa lamang, AKING mga Anak. Hindi mahalaga kung alam ninyo ang araw o oras. Anong Nobiya (Bride) na hindi nalalaman kung kailan lalapit/darating ang kanyang Nobiyo (Bridegroom)? Anong Nobiya ang hindi naghahanda sa kanyang sarili ng mas maaga? Naririnig ng AKING tunay na Nobiya ang AKING tinig. Sila ay naghahanda sa kanilang mga sarili. Sila ay nagnanais at naghahanap sa Kabanalan. Kanilang kinasusuklaman ang lebadura (yeast) ng mga Pariseo.

Itago ang inyong sarili AKING mga Anak sa para sa isang konting sandali lamang. Sapagka’t ang buong Langit ay nag-aalab, at ang laban kay satanas at sa kanyang mga demoniyo ang digmaan ay nangangalit. Ito ay pakikipagdigma, sapagka’t ang HARI ay darating! Ang Lupa ay lumilindol at nanginginig sa takot sa maraming parte ng mundo. Inyong nakikita ang mga baha, ito ay AKING mga luha. Tandaan, noong dumating ang mga baha sa panahon ni Noah. Tandaan, kung paano siya kinutya at sila ay nangutya hanggang dumating ang oras ng pag-ulan. Nguni’t sinasabi KO sa AKING mga Anak sila Noah at ang kanyang pamilya na pumasok sa kaban (ark) at ikandado ang pintuan, at noong dumating ang baha, ang hindi banal/di-makadiyos ay pumupukpok/bumabayo sa yaong pintuan. Pagkatapos gusto nilang pumasok, pagkatapos naniwala sila kung sino AKO, nguni’t ito ay huli na para sa kanila at ang mga baha ay nilamon ang mga ito.

Gayon ito ay magaganap muli. Ang mga taong tumatayo/naninindigan sa pagkamakatarungan/katuwiran ng AKING Anak, ang mga taong nagpapahid [ng langis] sa kanilang mga tahanan, ang mga yaong nagtatago sa AKING Salita, ang mga taong nagsisikap na sumunod, ang mga yaong nagmamahal at naglilingkod at inilagay AKO una, ang mga taong nakakaalam na ang mga kayamanan ng mundong ito ay hindi ang magiging kung ano ang kanilang maaaring makuha [patungo] sa kanilang tahanan sa Langit. Sa mundong ito, kanilang mababatid na ang magnanakaw ay makakapasok/makakapinsala. Ang tanga at kalawang ay nagpapahamak sa kung ano ang sa tingin ninyo ay isang kayamanan sa lupa na hindi ninyo maaring dalhin kapag iiwanan ninyo ang mundong ito.

Sa halip ang AKING tunay na mga Anak, sa halip ang AKING tunay na Nobiya ay binubuo ang kanilang kayamanan sa Langit kung saan hindi ang tanga at kalawang at mga magnanakaw ay hindi maaaring makapahamak/makasira. Ang mga magnanakaw ay hindi maaaring manakaw/maagaw ang inyong kayamanan sa Langit. Napakarami ang may kakulangan, nguni’t ginagawa nila ito para sa AKING kapakanan, tinatalikuran ang mga karangyaan upang ang kaluluwa ay maaaring mailigtas. Ang mga ito ay ang AKING minamahal; ang mga ito ay ang AKING totoong mga kayamanan sa lupa. Ang mga taong umiiyak sa Pangalan ng AKING Anak, sa Pangalan ni YAHUSHUA at nananalangin ng napakaraming beses sa isang araw na hindi nila masimulang mabilang, ang mga ito ay ang AKING mga Anak, ang Hari ay darating para sa mga taong ito.

Si YAHUSHUA ay nasa daan na, ang HARI AY DARATING NA! SIYA ang inyong pagbabayad-sala (atonement) para sa kasalanan. SIYA ang perpektong Tupa na sinakripisyo. Walang dungis, walang batik, walang kasalanan ang natagpuan sa KANYA. Nagbayad SIYA para sa mundong ito, SIYA ay pantubos/manunubos para sa mundong ito para sa lahat ng mga tao na maaaring maniwala at tanggapin ang Dugo na ibinuhos sa Kalbaryo. Binayaran NIYA ang pagbabayad-sala para sa inyong kasalanan. SIYA ang inyong Dakilang Pari. Para sa mga Hudyo na tinatanggi SIYA, para sa mga Muslim na tinatanggi SIYA. Kanilang kinikilala sila Abraham, Isaak, at Jakob, nguni’t hindi nila tatanggapin SIYA bilang MESIYAS, kapag tungkol ito sa Pangalan na YAHUSHUA.

Pagkatapos sila ay hahatulan ng mga batas ni Moses at mas mahusay na [kung] hindi nila nasira ang isang kautusan (sa 10 utos). Ilan ang nahihirapan na sumunod sa sampo? Subukan ang 613 (orihinal na bilang ng kautusan). Bakit sa palagay ninyo ay ibinigay KO sa inyo ang isang Mataas/Dakilang Pari (High Priest) na makakapukaw/makakaantig ng inyong mga karupukan at mga kahinaan? Sapagka’t ang AKING hangarin ay walang sinuman ang masasawi. Nguni’t sa mga tao na magpumilit na mahatulan ni Moses, kung ganoon hahatulan sila ni Moses at kapighatian sa mga taong mahahatulan ni Moses sapagka’t walang awa ang nasa kanya.

Kaya sa sampung araw ng pagsisisi (Yom Kippur), magalak para sa mga taong kilala si YAHUSHUA bilang Panginoon, magalak na SIYA ang inyong MESIYAS, ang inyong Tagapagligtas, ang inyong Tagapagpagaling, ang ISA na pinagpapala KO sa inyo kapag tumatawag kayo sa AKIN sa KANYANG Pangalan. Sapagka’t AKO, si YAHUVEH, ay niluwalhati sa pamamagitan ng AKING Anak na si YAHUSHUA at si YAHUSHUA ay niluwalhati sa pamamagitan ng KANYANG Ama na si YAHUVEH. At AKO ay natutuwa ng labis sa pagpoprotekta sa AKING mga Anak at nagpapalito sa kaaway sa maraming iba’t-ibang mga paraan.

Sinabi KO sa babaeng lingkod na ito ngayon na bigyan kayo ng babala sa darating na kuwarentenas (quarantine) sapagka’t ang tao ay gumagawa ng mga sakit na hindi KO nilikha. Pagkatapos ang mga tao ay lumikha na tinatawag nilang isang bakuna. Nguni’t mag-ingat AKING mga Anak, mayroong kamatayan na kanilang ituturok sa inyo. Huwag magtiwala sa pagbabakuna ng tao. Magtiwala sa Awit 91. Maniwala sa Pangalan ng AKING Anak, at tumawag sa AKIN at sa Await 91 ay manindigan/tumindig, na AKING ilalayo ang mga salot sa inyong mga tirahan. At sapagka’t pinaparangalan ninyo AKO sa tunay na araw ng Sabbath, habang sinusubukan ninyo ang inyong makakaya upang sumunod, sapagka’t inyong inilalagay AKO una sa inyong Pagmamahal at sa inyong buhay, at tulad ng isang asawang lalaki ay kinukuha ang tamang lugar higit sa asawang babae (maging pinuno at hindi maging buntot), mayroong magiging isang proteksyon na darating sa inyong mga tahanan, sapagka’t ito ang dumadaloy na Dugo ng AKING Anak para sa inyo sa Kalbaryo na magbabalot/tatakip at magpoprotekta sa inyo at ang mga yaong tinawag sa pamamagitan ng AKING Pangalan, ang mga taong may kabanalan sa loob.

AKO ay magsasalita ng masmarami pa tungkol dito sa ibang oras, sapagka’t ngayon ay hindi panahon. Binabalaan KO kayo ngayon, AKING mga Anak. Manalangin na kayo ay hindi mapapabilang sa numero ng kuwarnetenas (quarantine). Sapagka’t napakaraming mga tao ang magsama-sama gaya ng mga baka sa kahit na istadyum at mga bulwagan. At sasabihin ng mga masasama, dahil tinatanggihan ninyo ang proteksyon ng tao, kung ganoon kayo ay nahawahan, kayo ay isang panganib. At gaya ng mga baka na pinagsama-sama [ito] ay magiging masikip sa napakaraming tao, magkakaroon ng halos walang silid upang tumayo.

Mag-ingat AKING mga Anak sa lason na tinuturok sa inyong mga ugat. Mag-ingat AKING mga Anak sa mismong hangin na inyong nilalanghap. Mag-ingat AKING mga Anak sa mismong tubig na inyong iniinom. Tunay kung hindi ito dahil sa AKING Awa, ang buhay ay mabubura mula sa ibabaw ng Lupa. Mag-ingat AKING mga Anak sa kung ano ang inyong itinuturok sa inyo. Tandaan kung saan ang inyong pananampalataya at inyong tiwala. Manindigan para sa kung ano ang tama. Manindigan para sa inyong kalayaan ngayon. Mga mangangaral, itigil ang pagtanggap ng mga suhol, sapagka’t kayo ay pinatahimik ng napaka tagal. Kayo ay pananagutin KO sa hindi pagbibigay babala sa AKING mga Tupa! At kung hindi kayo magsasalita tulad ng ginagawa ng babaeng tagapaglingkod na ito ngayon, ito ay magiging katulad ng Tupa na hahantong sa isang pagpatay.

Una ang pinakabata at pagkatapos ang matatanda at pagkatapos ang nasa kalagitnaan ang edad, ay babagsak. Nguni’t wala sa sinuman sa AKING mga Anak na sa Pangalan ni YAHUSHUA ay tumatawag kung sila ay makikinig lamang sa AKING Tinig at sumunod, at maniwala na poprotektahan KO sila at mamuhay ng Banal para sa AKIN tulad ng AKO ay Banal at tumakas kahit sa mismong anyo ng kasalanan. Poprotektahan KO sila. Bibigyan KO sila ng karunungan. Itatago KO sila. Ang AKING mga anghel ay kakampo sa paligid nila at makikipagdigma para sa kanila.

Sapagka’t kayo ay tinubos, ang isang pagbabayad-sala para sa inyong mga kasalanan ay nagawa. Ito ang kung ano ang inyong ipagdiriwang sa Yom Kippur at YAHUSHUA ang KANYANG Pangalan. At kaya hindi na ikahiya na sabihin na ang Hari ay darating! Nguni’t muli kailangan KONG ulitin, SIYA ay hindi darating para sa isang masuwaying Nobiya, SIYA ay hindi darating para sa masuwaying/matigas na ulo na mga bata.

Kaya mangagsisi ngayon AKING mga Anak bago ito ay maging huli. Sapagka’t isang malaking kasamaan ay darating. Ito’y sa isang napakalaking daluyong, ang isang daluyong ng walang kabanalan. Nguni’t tumingin sa itaas, AKING mga Anak, sapagka’t AKO ay magbabangon ng isang pamantayan (standard) laban dito kung maniniwala lamang kayo at kung ang pagmamahal, kapatawaran at awa at Katotohanan ng AKING Anak ay inyong tatanggapin. Magsisi, ito ang dapat na sigaw/iyak ninyo sa lahat ng iba’t-ibang dako sapagka’t ang Haring YAHUSHUA ay darating na!


Elisheva[Elisheva]:
Kaya ito ay isinalita, kaya ito ay naisulat noong ika-16 Setyembre, 2002 sa [panahon ng] Yom Kippur. Nagsimula sa ika 5:18 ng umaga hanggang 5:46 ng umaga sa panahon ng pribadong oras ng panalangin habang itinataas namin ang panalangin na pangangailangan ng mga kasama (partners). Ako ay humihingi ng paumahin para sa pag-ubo na narinig ninyo. Ang makademoniyong labanan ay totoo. Ayaw mailabas ng diyablo ang mensahe na yon, ito ay katulad ng mga kamay na sinasakal ang aking lalamunan habang nagsimula akong sabihin, “Ang Hari ay Darating!” Tayo ay hindi nakikipagbuno laban sa laman at dugo, nguni’t mayroong mga pinuno sa mga madilim na mga lugar at ayaw ni satanas at ng kanyang mga demoniyo na magsalita ang propeta.

Nguni’t gayun pa man, ako ay nagpapakumbabang sinusuko ang salitang ito sa inyo sa [panahon ng] Yom Kippur. Inaasahan ko na makita kayo sa Langit.

Sa pagmamahal ni YAHUSHUA, inyong babaeng kapatid, Apostol Elisheva Eliyahu

Kagaya ng hinula (foretold) ni YAHUSHUA sa huling mga araw, “Ang mga puso ng tao ay bibiguin sila dahil sa takot.” Lukas 21:26

Kayo ba’y espirituwal na handa na? ang inyong pamilya ba? Ito ang dahilan para sa ministeryong ito, upang magbigay ng babala sa pamamagitan ng propetik na mga mensahe pati na rin manghikayat at pamunuan ang naliligaw na mga kaluluwa pantungo kay YAHUSHUA, ang kaisa-isang MESIYAS. Kung inyo nang tinanggap si YAHUSHUA bilang inyong personal na Tagapagligtas, ngunit labis na naging napakamaligamgam (lukewarm) sa inyong pagmamahal, pagsunod at paglakad sa espirutuwal sa KANIYA, kailangan ninyo agad humingi sa KANYA ng kapatawaran at para sa isang pagpupuno muli ng RUACH HA KODESH (Banal na Espirtu). Hindi lamang ninyo kailangan mangagsisi kundi tumalikod mula sa inyong mga kasalanan at upang hilingin kay YAHUSHUA na hugasan ang inyong mga kasalanan sa KANYANG dumaloy na Dugo sa Kalbaryo. Kaagad NIYA kayong papatawarin at punuin ang inyong puso ng kagalakan ng RUACH HA KODESH.

Kung hindi kailanman ninyo tinanggap si YAHUSHUA bilang Tagapaglikha, nguni’t sa pamamagitan ng Banal na Bibliya at ng propetik na mga mensaheng ito ay nabatid na ang KANYANG realidad/katotohanan at ang KANYANG malapit na panahon ng pagdating, at gusto ninyong tanggapin ang KANYANG libreng regalo ng buhay na walang hanggan sa Langit, sabihin ang panalangin sa Kaligtasan na ito sa ibaba at sabihin ito ng tunay ng buong puso ninyo… at si YAHUSHUA ay matapat na magpapatawad sa inyo habang inyong inaamin, pinagsisisihan at tumatalikod mula sa inyong mga kasalanan, sa Pangalan ni YAHUSHUA. At sabihin/hilingin sa KANYA na pumasok sa inyong puso at buhayin ang KANYANG (si YAHUSHUA) buhay sa inyo, gamitin kayo para sa Kaluwalhatian ni YAHUVEH at YAHUSHUA.

Panalangin para sa Kaligtasan (SALVATION PRAYER)

Mahal Kong YAHUSHUA Tinatanggap kitang Panginoon at Tagapagligtas ko. Ikaw lang ang minamahal kong Diyos. Naniniwala akong binayaran mo ang aking mga kasalanan sa Kalbaryo Namatay at nabuhay kang mag-uli sa ikatlong araw. Ako ay humihiling sa IYO na pumasok KA sa aking puso, patawarin mo ako sa aking mga kasalanan, hugasan at linisin mo ang lahat ng aking mga pagkakamali. Patawad pagka’t ako’y nagkasala, at akin nang tatalikuran ang mga kasalanang iyon. Salamat sa pagpuno mo sa akin ng Banal mong Espiritu (RUACH ha KODESH) at ang pagbibigay mo ng pagnanais na pagsilbihan ka sa tanang buhay ko, at maghari/mamuhay KA sa buhay ko, YAHUSHUA para ikaw ang luwalhatiin. Salamat sa pagbibigay mo sa akin ng pagnanais na basahin ang IYONG Bibliya at bigyan ako ng karunungang maintindihan ito. Salamat sa pagmamahal at pagliligtas MO sa aking kaluluwa para sa ikalalago ng aking pananampalataya, upang balang araw ako ay makakasama KA sa Langit. Punuan MO ako ng iyong Banal na Espiritu ngayon. At ilayo MO ako sa masasama sa IYONG pangalan YAHUSHUA ito ang samo’t dalangin ko. Tulungan MO ako YAHUSHUA na maalala ang lahat ng aking mga nagawang kasalanan at pagkakamali/pagkukulang sa Kaluwalhatian ni YAHUVEH. At dumating kang iligtas kaming makasalanan, kaya tinawag ka naming aming Tagapagligtas. Amen.

Basahin ang dasal na ito at pagkatapos ay basahin ulit, sa oras na ito hindi lamang sa kaalaman ng isip kundi ng buong puso, maniwala ng may pananalig. At alalahanin mong si YAHUSHUA ay hindi lamang Diyos, kundi isa siyang matalik mong kaibigan. Inaalala ka NIYANG lagi, mahal na mahal ka NIYA, kahit na sino ka pa. Galit siya sa kasalanan, nguni’t mahal ka NIYA, ikaw na makasalanan.

Si YAHUSHUA ay binayaran na NIYA ang lahat ng iyong kasalanan. Ngayon ay hindi mo na kailangang maramdamang may sala at mahatulan pa! Sabihin/Aminin mo ng iyong kasalanan kay YAHUSHUA, pangalanan mo ang lahat ng ito. At sabihin mong humihingi ka ng tawad! Hilingin mong ika’y patawarin NIYA, lahat ng iyong nakaraan at ang hinaharap mong nagawang kasalanan. Ang kasalanan ay ang mga nagawa mong pagkakamali o mga pagsuway na hindi nakakalugod sa kabanalan ni YAHUVEH! Walang sinuman ang perpekto, alalahanin mo yan!

Basahin ang Bagong Tipan at alamin kung sino si YAHUSHUA. Basahin ang Juan 3:16. Ang sabi ng Bibliya kailangan mong ikumpisal SIYA bilang Panginoon at Tagapagligtas upang ikumpisal ka din NIYA sa harap ng Ama. Huwag mong ikahiya si YAHUSHUA hindi ka NIYA ikinakahiya. Sabihan sa iba na tinanggap mo na si YAHUSHUA ng kalbaryo at Nazareth, ngayon. Ang lahat ng mga Anghel sa langit ay nagdiriwang. Magdiwang tayo kasama ka.Kung kailangan mo ng isang Pastor, mayroon kaming higit hindi lang iisa. Maligayang Pagdating sa Pamilya ni YAHUSHUA inaasahan naming makatagpo ka sa Langit kung hindi man dito sa Lupa.