66 Hipan ang Trumpeta at Magbigay ng Babala, si YAHUSHUA ay hindi Babalik para sa Simbahan kundi para sa KANYANG Nobiya!

Propesiya 66

Hipan ang Trumpeta at Magbigay ng Babala, si YAHUSHUA ay hindi Babalik para sa Simbahan kundi para sa KANYANG Nobiya!

Naisulat/ Sinalita sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH sa pamamagitan ni Propeta Elisheva Eliyahu
Disyembre 8, 2002 Sa isang Panaginip at isang Kalakip na Propesiya

6 = numero ng tao
2 6’s, 2= pagkikipaglaban, dibisyon/paghahati, saksi
12(6+6) = pamamahala

Pamamahala ng Paghuhukom sa tao habang nagkikipaglaban siya laban kay YAHUVEH, ang dibisyon sa pagitan ng tao at ng kanyang Tagapaglikha, si Elisheva ay ang saksi nito sa pamamagitan ng panaginip/ propesiya na ibinigay ni YAHUVEH sa kanya upang gawing publiko.

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).

Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:

2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Dios, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

 

****************

PALIWANAG:

Noong Disyembre 8, 2002 ako (Elisheva) ay nanaginip, ako ay nakakita ng sumasabog na mga bituin at mga misayl (kagamitang pandigma) na sumasapit sa Amerika! Manalangin kay YAHUVEH na ito ay hindi gumana kung saan kayo naninirahan bago ito ay maging huli na.

Natanggap ko rin ang Propesiyang 66 ng ganap na hindi inaasahan habang tinatayp ko ito.

Timingin sa itaas mga Amerikano; magpakumbaba, magsisi; manalangin na maantala ang paghuhukom ni YAHUVEH. Ang mga misayl ay sandaling darating at tanging panalangin at pag-aayuno ay makakamintis at makaantala sa mga ito. Mangyaring seryosohin ang propetik na panaginip na ito bago ito ay maging huli na. Si YAHUVEH ay nagsasalita sa mga panaginip at mga pangitain pati narin sa mga Propesiya.

Apostol Elisheva Eliyahu

*******************

Pakiusap, kopyahin at ipasa ito sa iba pati na rin sa mga site. Sa ministeryo. Walang sinuman ang makakapagsabi na hindi sila binigyan ng babala. Manalangin para sa Karunungan ni YAHUVEH para kay Pangulong Bush at ang dalawang-bituwing mga heneral (two-star generals) at ang lahat ng mga tao sa gobyerno kabilang na si Collin Powell. Ngayon ay hindi ang oras upang maglaro ng politika. Manalangin habang mayroon pa tayong kalayaan upang manalangin. Nagkaroon ako ng isang panaginip ng may interpretasyon/kahulugan at nakakita ako ng sumasabog na mga bituin at mga misayl na sumasapit sa Amerika. Manalangin na si YAHUVEH ay gagawin ang mga ito na magmintis/hindi gumana kung saan kayo naninirahan pati narin sa buong Amerika.

Ito ang aking propetik na panaginip na babala. Gusto ko na inyong maintindihan ang mga pangyayari sa oras ng nakatulog ako upang malaman ninyo na hindi ako masyadong nanood ng CNN bago matulog. Hindi ako nag-iisip ng anumang atake ng terorista bago ang aking pagtulog.

Sa pagsabi nito, isasalaysay ko ang panaginip.

Panaginip

Nasa labas ako tumitingin sa mga bituin nakaharap sa silangan. Humanga ako sa kung gaano kaganda ang mga bituin sa gabing iyon. Ang himpapawid ay nagmukhang tila isang itim na pelus na kambas (black velvet canvass) at ang mga bituin ay napakaliwanag, malaki at maganda. Sabi ko, “tumingin, sa mga bituin, hindi ko sila kailanman nakita na napakaliwanag at maganda.” Lumuhod ako at nagsimulang manalangin at pinupuri si YAHUVEH at YAHUSHUA para sa paglikha ng ganitong kagandahan – nagpapasalamat sa Diyos na si YAHUVEH para sa mga biyaya at proteksyon na kilala sa Amerika. (tandaan: Wala akong sinuot na kapa at hindi ito nagniniyebe at kung saan ako naninirahan ngayon nagkaroon lamang ako ng nyebe ng isang beses at natunaw na ang nyebe at ang klima ay hindi masyadong malamig.)

Ang susunod na bagay na nakita ko sa aking pananaginip ay mahirap ipaliwanag. Nang tumingin ako sa itaas na nananalangin, nakita ko ang hitsura ng “Sumasabog na Bituin.” Unang sumabog ang isang bituin ng may mga ilaw sa lahat ng paligid nito ng iba’t-ibang kulay. Nagpatuloy akong manalangin sapagka’t hindi ko alam kung ano ito –nananalangin at nagpupuri kay YAHUVEH para sa KANYANG propteksyon at mga biyaya at ang kagandahang nilikha ng Diyos na si YAHUVEH. Tumingin ako sa itaas, hindi na [ako] nag-iisa sapagka’t ang mga tao ay nagsimulang panoorin ako ng nananalangin at nagpupuri kay YAHUVEH at kay YAHUSHUA. Napakaraming tao ang nagsimulang manood sa mga kalangitan kasama ko. Ang limang babae ay lumuhod sa tabi at sumali –nananalangin at nagpupuri kay YAHUVEH at YAHUSHUA para sa proteksyon. Ito ang aming unang mga kaibigan (ang grupo ng ministeryo) na sumali sa panaginip na naghawak kamay, marami pang iba ang tumayo sa likuran at pinanood kami, ilan ay nangutya sa amin. Pinanood ko ang kalangitan at akala ko ang sumasabog na bituin ay hindi mangyayari ulit. Lubos sa aking pagkahanga ay mayroong isa pang sumasabog na bituin, pagkatapos ay isa pa. Nagpatuloy kaming manalangin at masmarami pang tao ang sumali na nakaluhod kasama namin at nanalangin.

Mayroong kahit papaanong 4 na sumasabog na mga bituin, ang ilan ay masmalaki kaysa sa iba. Pagkatapos ay aking nabatid na ang mga taong sumali sa amin ay para sa amin at ang mga taong tumangging manalangin kasama namin at tumulong na manalangin para sa Amerika ay laban sa amin. Napaisip ako kung anong ibig sabihin ng sumasabog na mga bituin. Sabi ko, “Kataka-taka sapagka’t hindi ito mga paputok, sapagka’t ito ay hindi ika-4 ng Hulyo.” Pagkatapos nakita ko ang hitsura ng tila isang makulay na guhit sa himpapawid mabilis na lumilikha ng napakahabang daan (trail) sa kalangitan.

Nakarinig ako ng isang malakas na tunog, tulad ng isang bagay na humahampas sa lupa. Nang tumakbo kami upang tingnan kung anong humampas sa lupa, mayroong mga tao sa buong paligid na isang malaking kulay-abo na misayl na nakalagay nang bahagya sa lupa na may mapulang mga palikpik sa bawat panig lumuluwa sa lupa. Natakot ang mga tao nguni’t habang nilalapitan namin ito, nananalangin, nakakita kami ng isang milagro ito ay isang misayl na hindi sumabog.

Purihin si YAHUVEH at YAHUSHUA. Ang misayl sa lupa ay nagmintis. Oh nabatid namin noon na ito ang aming mga panalangin na nagligtas sa amin. Si YAHUVEH at si YAHUSHUA lamang ang makakapigil kung ano ang sasabog upang maging isang misayl na nagmintis (hindi gumana). Ang mga tao noon ay nagsimulang sumunod sa amin at nais na sumama sa kung saan man kami magpunta sapagka’t alam nila na sila ay ligtas, kung sila ay sasali sa amin sa panalangin, kami ay kumakatawan sa bawat isang panalangin. Alam ko na aming iiwanan ang lugar na kinaroroonan namin at naniniwala sa pananampalataya para sa aming kaligtasan sapagka’t tiyak na mapanganib na ito, dahil ang mga bituin ay sumasabog parin sa kalangitan kapag tiningnan namin ito.

Kinakailangan namin ng mga panustos para sa paglalakbay. Pumunta kami sa isang masikip (crowded) na tindahan kasama ang mga tao sa mahabang mga linya. Sumusunod ang mga tao sa amin, nag-uusisa sa kung ano ang susunod naming gagawin sapagka’t alam nila na ang mga misayl ay magiging mintis (hindi gagana) kung saan man kami magpunta. Ito ay ang aming pangako mula kay YAHUVEH at YAHUSHUA at kami ay mapoprotektahan at paglalaanan. Ako ay nagkomento, “Alam ko na ang lahat ng mga taong sumusunod sa amin (ang grupo ng Ministeryo) sa tindahan ay mapoprotektahan at paglalaanan/mabibigyan. “Humakbang kami at ang mga tao ay sumunod, humahakbang sa mismong likuran namin. Ang mga tao na nasa tindahan na ay sakim at nag-iisip lamang para sa kanilang mga sarili, nagtutulakan at nagsisiksikan sa isa’t isa. Lahat kami, na lumakad sa tindahan ng magkakasama, ay nagmamalasakit sa pangangailangan ng bawat isa.

Ang mga tao na nasa tindahan na ay nakilala ako bilang ang tao na nagturo sa sumasabog na mga bituin at nanalangin at nagbigay ng babala. Ang ilan ay nagustuhan ako sa tindahan at ang iba ay hindi at ang ibang mga tao ay hindi nagbigay pansin sa akin o naging bastos at napopoot/nagagalit. Habang ako ay nakatayo sa linya, ako ay pinasingit ng mga tao sa harap nila upang makabili ako ng mga baon/pagkain ng masmabilis. Pumulot ako ng ilang mga bagay at hinawakan ang mga ito, ang lahat ay mga pagkain at ang isa ay malaking supot ng mga potato chips. Nang makarating ako sa harap ng linya at ang klerk ay inasikaso ang kabuuan [ng babayaran ko] na kung saan isang maliit na halaga, kumuha ako sa aking bulsa at napansin na wala akong perang papael (cash) na hawak, tanging isang $700.00 na naatasang pera (money order) at “Bayarang Iupa kay” (pay to the Order of) ay blanko. (Paunawa: kung mayroong may alam kung bakit ganito ang halaga at kung bakit blangko ito, wala pa sa akin ang pag-aaninaw/kaunawaan sa ngayon, pakiemail sa akin kung natanggap ninyo ang rebelasyon mula sa RUACH HA KODESH, na tinatawag din na BANAL NA ESPIRITU.)

Paunawa: Ang site manedyer, sa pagbabasa nito ay nakatanggap ng pag-aninaw/pang-unawa: ang $ 700.00 na naatasang pera, 7= Ang numero/bilang ng pagiging perpekto/dalisay ng Ama, isang tseke mula kay Ama na kung saan ay ganap na matutugunan ang inyong pangangailangan. Idinagdag: Ang anyo ng tseke ay puno ng pitong daang dolyar, ngunit para kanino ito ginawa, ay blanko. Kaya bibigyan tayo ni Ama ng karagdagang salapi pagkatapos nating bumuli ng ating mga baon/panustos, gayundin na SIYA lamang ang may alam kung kanino ipapangalan ang mga tseke.

Nananalangin ako na ang klerk ay magkaroon ng sapat na pera sa drawer ng pera upang [palitan] ito ng salaping papel. Sinabi ko sa kanya, “Ito ang lahat ng mayroon ako. Mayroon ka bang sapat na salapi sa lalagyan/kahon ng pera?” Ito noon ay kalagitnaan ng hapon at nanalangin ako na mayroon siya, nakikita ang bilang ng mga namimili, na nagkaroon siya ng araw na iyon. Tumingin siya at mayroon nga siyang sapat. Siya ay humingi ng ID ko at napansin ko na nasa kaibigan ko ang pitaka ko at nasa likuran ng tindahan na naghihintay sa pila, sapagka’t ang mga tao ay hindi nagbigay sa kahit sinuman ng [daan] na makasingit sa linya, maliban sa akin, at sinabi ko, “Mangyaring pakihintay po ako, kailangan kong kunin ang aking lisensiya (drivers license) mula sa kaibigan ko.” Ang mga taong hindi ako gusto ay nagalit na pinatagal ko ang linya, ang iba ay naunawaan [ako]. Pumunta ako sa likod ng tindahan at kinuha ang ID mula sa kaibigan ko at bumalik sa klerk at tiningnan niya ang ID ko at sinabi niya na hindi niya karaniwang ginagawa ito nguni’t nakilala niya kung sino ako at dinayal/pinatunog (rang up) niya ang maliit na kabuuan at isinukli nya sa akin ang perang papel (cash) para sa naatasang pera (money order). Sinabi ko sa kanya na ako ay lubos na nagpapasalamat. Umalis kami sa tindahan kasama ang mga tao na sumusunod sa amin kung saan man kami magpunta; alam nila na sila ay matutugunan at ligtas.

Katapusan ng panaginip.

********************

Interpretasyon/Kahulugan ng Panaginip:

Noong nagising ako ng 10:30 ng umaga, Umaga ng Linggo, nanalangin ako, ang unang dapat ipanalangin ay ang tungkol sa sumasabog na mga bituin. Una kong nakita ang sumasabog na mga bituin sa panaginip at tinuro ang mga ito at nagdasal sa panaginip at ngayong gising na. Sabi ko, “Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng sumasabog na mga bituin.” Sinabi ni YAHUVEH sa akin kaagad sa sandaling sinabi ko ang mga salitang ito. “Ano ang nasa inyong bandila?” Sabi ko, “Mga Bituin.” Sabi ni YAHUVEH, “Ano ang kinakatawan ng mga bituin?” Sabi ko “mga Bayan/Estado.” Sinabi ni YAHUVEH “Manalangin na ang mga misayl na tatama sa mga estado, na kung saan ang bilang ng mga sumasabog na mga bituin na nakita mo sa panaginip, ay maging mga mintis/hindi gumana.” Sinabi rin ni YAHUVEH,

“HIPAN ANG TRUMPETA AT MAGBIGAY NG BABALA, SI YAHUSHUA AY HINDI DARATING PARA SA SIMBAHAN KUNDI PARA SA KANYANG NOBIYA!”

(Tandaan: ang propesiyang ito ay nagsisimula sa isang utos na sabihin sa ministeryo ni Jim Bramlett ng Limang Kalapating (Five Doves Ministry). Ang lahat ng mga taong nagbabasa nito, pakiusap ibigay ang panaginip na ito at propesiya kay Jim, sapagka’t hindi ko alam kung matatanggap niya ang email na pinadala ko sa kanya. Pakiusap tulungan ninyo ako na sumunod, hindi ako kailanman binigyan ng isang kautusan noon upang sabihin sa isang patikular na tao ang isang propesiya at hingin ang kanilang tulong sa pagpapahayag ng mensahe! Ako ay sumusunod na ngayon. Maging si Jim man ay susunod at tanggapin ang propetikong babala na ito tanging ang oras/panahon lamang ang makakapagsabi. Pagpapalain ka ni YAHUVEH kahit man lamang sa pagpapadala nito sa kanya at sa iba. Pakidalhan ako ng email at ipaalam sa akin na inyo akong biniyayaan sa paraang ito. Salamat).

**********************

Propesiya 66

“Hipan ang Trumpeta at Magbigay ng Babala, si YAHUSHUA ay hindi Babalik para sa Simbahan kundi para sa KANYANG Nobiya!”

Ibinigay kay Apostol Elisheva Eliyahu

Disyembre 8, 2002

Sabihin kay Jim Bramlett ng Limang Kalapati Ministri (Five Doves Ministry), ilagay/ipaskil ang panaginip at propesiyang ito at bigyan ng babala ang lahat na makikinig. Sapagka’t ang paghuhukom ay darating sa Amerika. Ang mga taong sumali sa iyo at manalangin na maliligtas at ang mga misayl ay magiging mga mintis lamang na hindi sila mapipinsala ng mga ito. Ang mga taong isang biyaya sa inyo ay pagpapalain ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Ang mga taong susumpain at kukutyain ang mga mensahe na AKING ibinigay sa iyo upang magbigay ng babala bago ito ay maging huli na. AKO, si YAHUVEH at YAHUSHUA ay makikita/ipapakita na ang mga ito ay mawawalan ng pagkain o tutuluyan/sisilungan at ang mga misayl ay darating sa kung saan sila naninirahan at ang mga misayl ay hindi maging mga mintis.

Ipinadala KITA sa loob ng napakaraming mga taon na ngayon at ipinadala ka bilang AKING Elias ng makabagong panahon [Sa Hebreo, Eliyahu] sa mga byuda ni Zarephath sa Amerika at sa buong mundo at hindi nila alam na sila ay kapos/hikahos sapagka’t ang oras ay hindi pa dumarating nguni’t ngayon ito ay sasapit sa kanila sa lalong madaling panahon. Ang mga taong nasa tindahan na hindi ka gusto at hindi nanalangin kasama mo, ni tumulong sa iyo, sa halip ay kinutya ang mga mensahe na AKING ibinigay sa iyo, ay ang mga taong magdurusa kapag ang kasamaan ay nangyari sa daigdig na ito sa paraang hindi pa naipakita noon.

Ang mga tao lamang na may espirituwal na mga mata at mga tainga ang makakarinig sa iyo na magbigay ng babala sa mga hukbo sa mga pader na sinabi KO sa iyo na tipunin. Huwag mabahala sa iyong sarili sa mga taong nagrebelde laban sa mga katotohanan na sinabi ko sa iyo. Huwag mabahala kung gaano karaming mga tao ang hihinto sa pagsuporta sa iyo sa pananalapi/pinansyal sapagka’t AKING pagpapalain ang mga taong nagbigay biyaya sa iyo at isusumpa ang mga taong sumusumpa sa iyo at magbabangon ng iba upang makatulong sa iyo at hindi isang hadlang. Ang ministeryong ito ay hindi pinangalanan ng isang lalaki at babae kundi sa halip ay nagbibigay kay YAHUVEH ng Kaluwalhatian kahit na sa pangalan.

Ang ministeryo na ito ay hindi nagsalita ng mga salita para sa mga nangangating mga tainga kundi sa halip ay para sa mga Banal na mga tainga na nais maging kalugud-lugod at masunurin kay YAHUVEH tulad ng paglakad nila Enoch at Elias noong unang panahon, kaya gayun rin ang mga taong nakikinig at sumusunod at ang mga taong nakalulugod kay YAHUVEH [ay] tatawaging Nobiya ni YAHUSHUA. AKO, si YAHUVEH, ay hindi KO ipapadala ang AKING Anak upang kunin ang mga simbahan/tao kundi ang Nobiya ni YAHUSHUA na unang mga bunga. Mayroong mga pangangailangan upang maging Nobiya ni YAHUSHUA. AKO, si YAHUVEH, ay binigkas sa iyo na [iyong] narinig (audibly), “Si YAHUSHUA ay hindi darating para sa isang masuwayin na Nobiya.” Naalaala ang limang matatalinong mga birhen na may langis sa kanilang mga ilawan? Natatandaan ang 5 mga hangal na sumuway. Pareho silang binigyan ng babala na ang Nobiyo ay dumarating. Pareho silang naghintay. Tatanggapin ng mga Nobiya ang kanilang niluwalhating Katawan (Glorified Bodies) at halos hindi mapapansin ng mundo habang iaangat/tinatangay siya at handa ng may mga tagubilin kung paano tutulungan ang mga panauhin (guest) at protektahan ang mga panauhin na hindi angkop na tawaging Nobiya, sapagka’t ang mga bisita ay hindi gumawa ng higit pa na kinakailangan sa pagkamasunurin at Kabanalan, na talikuran ang mga bagay sa mundong ito para sa kapakanan ng Kaharian ni YAHUVEH.

Ang mga panauhin (guest) ay mahal ang Nobiyo (Bridegroom) nguni’t hindi sapat upang talikuran ang mga paganong gawain at pistang kapanahunan (holiday seasons), kabilang ang mga simbahan ng Babilonia at mga gawa ng tao na mga espirituwal na mga batas. Kilala ng mga panauhin kung sino si Hesus nguni’t tinanggihan na matuto ng higit pa tungkol sa kung sino si YAHUSHUA ang Hari ng mga Hudyo, ang inyong Hudyong Punong Pari na sumunod at pinananatili ang Mataas na Banal na mga Araw at Pista ng mga Hudyo. Ang mga panauhin ay nagpupumilit na mamalagi sa kapanatagan/kaaliwan sa isang karaniwang pakikibahagi sa pagsama-sama (fellowship) na nagpapakain sa kanila ng lumang kakarampot na tinapay sa halip na sariwang tinapay (manna) mula sa Langit. Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay higit pang nababahala hindi lamang sa kanilang sarili nguni’t nagsisikap/gumagawa upang dalhin ang iba sa mga katotohanan ng Kaharian ng Langit. Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay ihahanda ang mga panauhin para sa piging ng kasalan (wedding banquet) tulad ng ginagawa nila ngayon sa loob ng kanilang mortal na mga katawan at magpapatuloy na tumulong na ihanda ang mga panauhin pagkatapos na ang [mga] Nobiya ay nagbabago sa kanilang niluwalhating Katawan (Glorified Bodies) at magbibigay ng babala sa mga panauhin na huwag kunin ang Marka ng Halimaw (Mark of the Beast) at upang tulungan na protektahan sila kapwa sa pisikal na lupain at espirituwal na lupain.

Ilan sa inyo ang nagbabasa o nakikinig nito ay alam na AKO, si YAHUVEH at ang AKING Anak na si YAHUSHUA ay nagsalita sa katotohanan sa naririnig na mga salita (audible words), mga propesiya, mga panaginip, mga pangitain, at pinahirang mga aral mula sa AKING Hudyong Apostol na si Elisheva Eliyahu [Elisheva Eliyahu] at kayo ay kusang loob na sinirado ang inyong mga tainga at tumigil sa pagsuporta sa ministeryong ito upang hindi kayo masaktan (offended) at kailangang aminin na kayo ay nagkasala? Ilan sa inyo ang nanatili sa mga Simbahan ng Babylon para sa kapakanan ng kaalwanan/kaginhawaan (convenience sake)? Ilan sa inyo ang naghalo ng lumang alak at ng bagong alak at nagtaka kung bakit ito pumutok? Bakit ang mga Pastor ng ibang mga simbahan ay ayaw tanggapin ang mga katotohanang ito kapag inyo silang hinarap? Kung hindi kayo magsisisi kayo ay ang mga panauhin o masmalala ang maligamgam na simbahan na AKING isusuka mula sa AKING bibig.

AKO, si YAHUVEH, ay ginamit ang ministri na ito upang subukan ang mga tao gaya ng [nasusulat] sa Jeremiah 6:27-30, iilan lamang ang nakinig, hanggang ang mga misayl ay tumama, ang mga tao ay mangungutya nguni’t pagkatapos, sila ay mananalangin para sa awa, sa proteksyon, at panustos at lalapit sa ministry na ito para sa mga kasagutan. Sa ilan ako ay magkakaroon ng awa at sa iba ay hindi. Ang byuda ni Zarephath ay namatay [sana] kung hindi niya sinunod ang Elias ng unang panahon. Ipinadadala KO ang AKING mga Apostol at mga Propeta upang magbigay ng babala at gayunman iilan lamang ang makikinig o sumali/sumama sa kanila sa pagsunod, pagsisisi, panalangin at magpuri na AKO, si YAHUVEH ay ililigtas ang lahat ng nagpapakumbaba sa kanilang mga sarili at hinihiling na ang paghuhukom ay maantala para sa kapakanan ng pag-abot ng maraming [pang] naliligaw na mga kaluluwa. Ang mga oras ng panahong ito ay tungkol lahat sa kasakiman at pagiging makasarili at ipinakita KO sa inyo ang kasakiman at pagkamakasarili kahit sa yaong panaginip na AKING ibinigay sa AKING babaeng tagapaglingkod na si Elisheva at ang magiging katapusang resulta nito. Sinabi KO sa kaniya na hipan ang Trumpeta at tipunin ang mga hukbo sa kuta/pader. Ilan sa inyo ang bingi sa trumpetang iyon? Ilan ang magbabasa nito at gampanan ang inyong mga posisyon sa kuta/pader?

AKO si YAHUVEH ay ipinapangako sa inyo AKING minamahal na Babaeng Anak at ang lahat ng iba na sumali/sumama sa iyo sa mga katotohanan na tinuro KO sa iyo na nakahanay/nakasaad sa AKING Banal na mga Kasulatan. Saan ka man naninirahan AKING Babaeng Anak, saan man ang matapat na mga anak KO na seryosong tinanggap ang babalang ito at ang iba pang mga babala na AKING sinabi mula sa iyo at manalangin at mamagitan (intercede) para sa America, at sumusunod sa AKIN sa kabanalan at sinusundan ang mga yapak ni YAHUVEH, ng paisa-isang hakbang, AKO, si YAHUVEH ay pagpapalain sila at poprotektahan sila. Sinuman ang sumali sa iyo sa yaong panaginip at nabatid na tinawag kita bilang isang bantay sa pader at pinahiran ka upang tipunin ang AKING mga hukbo, tulungang ihanda ang Nobiya para sa pagdating ng AKING Anak na si YAHUSHUA, at pinagpala ka at hindi ka sinumpa, upang gawin kung ano ang karaniwang hindi nila ginagawa, iyan ay upang maging isang biyaya para sa ministri na ito. AKING pagpapalain at poprotektahan at itaguyod/tutustusan ang mga ito, habang sama-sama kayong nagkakapit-kamay at manalangin para maantala ang Paghuhukom sa Amerika gaya ng hindi ito maaaring tumigil, kung hindi, AKO, si YAHUVEH ay kailangang humingi ng paumanhin sa Sodoma at Gamora kabilang ng iba na AKING winasak para sa pagkamakasalanan at idolatriya/pag-iidolo.

AKO, si YAHUVEH, ay nagbibigay babala sa lahat ng mga lalaki na hahamak at mangungutya sa babalang ito dahil ito ay nagmula sa bibig ng isang babae; kailangan KO bang ipaalala sa inyo kung paano KO ginamit si Deborah ng unang panahon? Ang mga hukbo sa pader ay mga makapangyarihang mga kababaihan ni YAHUVEH at kanilang nadaig ang bilang ng [mga] lalaki. Ginagamit KO ang mga babae upang hiyain ang mga lalaki tulad ng ginawa KO kay Barak. Tanging AKO, si YAHUVEH ang may alam kung ano ang dapat gawin upang ang mga lalaki ay maging Espirituwal na mga Lider KO at hindi mga tagasunod. Ang AKING makapangyarihang mga Babaeng Mandirigma na mayroong mga asawa sa mga mata ng mundong ito, na nagpupumilit sa pagiging mga tagasunod ng mga simbahan ng Babilonia na nagtuturo ng mga kasinungalingan, at sumusunod ayon sa laman, hindi sa RUACH HA KODESH, hindi sa mga lider/pinuno ng katotohanan at kabanalan, ay madadala sa kahihiyan.

Hindi KO sinasabi sa mga babae/kababaihan na pinahiran KO tulad ng sa aklat ng Joel 2:25-28 upang suwayin ang AKING mga kautusan kahit na kung ito ang asawa ng babae na nagsasabi na magpasakop sa lalaking asawa. Ang tagubilin sa babaeng asawa na nagsasabi, “Mga babaeng asawa magpasakop (submit yourself) sa iyong lalaking asawa sa lahat ng bagay” [ito] ay hindi para sa mga taong hindi pantay ang pagkakatali/pagtuwang (unequally yoked) sa hindi mga mananampalataya. Ang AKING Salita ay [labis] na binaluktot upang pilitin/puwersahin ang isang babae na tumalima sa imahe ng isang pagano kapag ito ay ginagamit ng isang paganong asawa. Ginagamit KO ang AKING Babaeng Anak ngayon upang sabihin ang katotohanang ito upang ito ay magpapalaya sa inyo. Maraming mga kababaihan ang naghihirap/nakikipaglaban sa mga ito ngunit ang katotohanan ay, inyong pinili ang yaong asawa sa pamamagitan ng inyong laman at mga lalaking asawa na may mga kapares/asawa na tumatanggi sa Kabanalan at ang kaligtasan ni YAHUSHUA, inyong pinili ang yaong babaeng asawa, sapagka’t hindi KO sila pinili at hindi ipagkakatuwang/pagsasamahin ang isang mananampalataya at hindi mananampalataya kay YAHUSHUA na magkasama, ngunit AKO ay pahihintulutan kayo at pinayagan kayo upang gawin ang pagpapasya. Inilagay KO kayo sa pag-alaala nina Nehemiah at Ezra. (Ezra 9:1-4) (Nehemiah 13: 23-31) Ang mga Hudyo ay hindi pinahihintulutang kumuha ng mga pagano para [maging] isang babaeng asawa. Ang AKING mga Anak ay hinugpong (grafted) sa sangay ni YAHUSHUA bagaman hindi kayo maaaring maging hudyo sa biyolohiko (Jewish biologically) sa espirituwal kayo ay tulad ng isang hudyo. Ang mga Hebreong mga batas na ito ay tumutukoy rin para sa inyo.

Kung ang isang lalaking asawa ay hindi sumusunod kay YAHUVEH at YAHUSHUA sa Kabanalan, at katotohanan at igigiit/ipipilit na ang babaeng asawa ay sumuway sa Torah na kung saan kabilang ang lahat na sampong mga kautusan, at hinahadlangan ang AKING Pinahirang mga kababaihan mula sa pagpapatupad ng kalooban ni YAHUVEH at YAHUSHUA, na unahin sa kanilang mga buhay, AKO, si YAHUVEH, ay hindi tinatawag ang mga ito na mga kasal/pag-aasawa na pantay na magkatuwang/pantay na magkaugnay (equally yoke) at AKO, si YAHUVEH ay paghihiwalayin ang isang kasal/pag-aasawa kung saan ang isang lalaki ay tumatangging pahintulutan ang babaeng asawa o ang lalaking asawa na maging sila sa lahat ng AKING itinawag at pinili na maging sila. Gagawin KO kung ano ang ipinagdasal ng lalaking asawa o babaeng asawa ng walang humpay at sa loob ng pananampalataya. Kung sila ay masunurin at Banal hindi KO papahintulutan ang anumang bagay ni sinuman na humarang sa pagitan KO, si YAHUVEH, ang Ama at Tagapaglikha at YAHUSHUA ang MESIYAS.

Kung ang isang lalaking asawa o babaeng asawa ay hindi humahadlang/nakakasagabal sa paraan ng pagsamba ng isang lalaking asawa o babaeng asawa sa kanilang Tagapaglikha at Mesiyas sa loob ng katotohanan at pagkamasunurin, at mayroong isang bukas na isipan sa kaligtasan, AKO ay magkakaroon ng higit na pagpapahintulot at pasensya/pagtitiis sa kanya (him o her). Ang babaeng asawa ay dapat maging katulad parin ng isang Deborah ng unang panahon at gagamitin KO siya nang buong lakas habang namamagitan siya para sa kanyang lalaking asawa hangga’t hindi niya (he) sasaktan/pinsalain siya (her) sa anumang paraan ni pagbawalan siya mula sa pagsunod sa AKING mga utos at ang itinawag/tungkulin na AKO, si YAHUVEH, ay inilagay sa kanyang buhay. AKO ay nagsasalita, ng sama-sama, kayo ay gagawa ng espirituwal na digmaan upang manalangin, at mamagitan para sa mga bansa at mga tao sa lahat ng mga lipi, mga lahi at mga wika upang tuparin ang yaong AKING ipinadala/isinugo sa inyo kasama ang paalala na marami ang tinatawag at kaunti ang napipili depende kung gaano ninyo naisin/gustuhing lumago/sumulong sa espirituwal. Narito ang inyong mga pagpipilian. Inyo bang mamahalin at susundin ang mga paraan ng mundong ito? O susundin ba ninyo AKO, si YAHUVEH at ang AKING Anak na si YAHUSHUA? Nasa inyo kung ano ang gusto ninyong piliin. Bago ang pundasyon ng mundong ito, AKO, si YAHUVEH ay alam na kung sinong mga pangalan ang matatagpuan sa Aklat ng Buhay ng Kordero (Lamb’s book of Life).

*******

 

Pakisuyong makipag-ugnayan sa akin/tawagan ako at ipaalam sa akin na ang trabaho na aming ginagawa sa pagbibigay ng babala ay hindi mawalan ng kabuluhan.

 

Nakakasakit ng damdamin ng ilan at nagbibigay ng kaliwanagan sa iba sa Pangalan ni YAHUSHUA
Apostol Elisheva Eliyahu

2 Cronica 7:13-14
13 Kung aking sarhan ang langit na anopa’t huwag magkaroon ng ulan, o kung aking utusan ang balang (locust) na lamunin ang lupain, o kung ako’y magsugo ng salot sa gitna ng aking bayan;
14 Kung ang AKING bayan (People) na tinatawag sa pamamagitan ng AKING Pangalan ay magpakumbaba at dumalangin, at hanapin ang aking mukha, at talikuran ang kanilang masamang mga lakad/gawain; akin ngang didinggin sa langit, at patatawarin ko ang kanilang kasalanan, at pagagalingin ko ang kanilang lupain.

Ezra 8:21-23
21 Nang magkagayo’y nagtanyag ako ng ayuno doon, sa ilog ng Ahava, upang tayo’y magpakababa sa harap ng ating Diyos, upang humanap sa kaniya ng matuwid na daan, sa ganang atin, at sa ating mga bata, at sa lahat ng ating pag-aari.

22 Sapagka’t ako’y nahiyang humingi sa hari ng pulutong ng mga sundalo, at ng mga mangangabayo upang tulungan tayo laban sa mga kaaway sa daan: sapagka’t aming sinalita sa hari, na sinasabi, Ang kamay ng ating Diyos ay sumasa kanilang lahat na humahanap sa kaniya, sa ikabubuti; nguni’t ang kaniyang kapangyarihan at ang pagiinit ay laban sa kanilang lahat na nagpapabaya sa kaniya.
23 Sa gayo’y nangagayuno tayo at nagsidalangin sa ating Diyos dahil dito: at dininig niya tayo.

Joel 2:25-29 (Pakiusap basahin ang LAHAT ng Joel 2!)
25 At AKING isasauli sa inyo ang mga taon na kinain ng balang, ng uod, at ng kuliglig, at ng tipaklong na siyang AKING malaking hukbo, na aking sinugo sa gitna ninyo.
26 At kayo’y magsisikaing sagana, at mangabubusog, at inyong pupurihin ang pangalan ng Panginoon ninyong Diyos, na gumawa ng kamangha-mangha sa inyo; at ang aking bayan ay hindi mapapahiya kailan man.
27 At inyong malalaman na AKO’y nasa gitna ng Israel, at ako ang Panginoon ninyong Diyos, at wala nang iba; at ang AKING bayan ay hindi mapapahiya magpakailan man.
28 At mangyayari pagkatapos, na ibubuhos ko ang AKING Espiritu sa lahat ng laman; at ang inyong mga anak na lalake at babae ay manganghuhula, ang inyong mga matanda ay magsisipanaginip ng mga panaginip, ang inyong mga binata ay mangakakakita ng mga pangitain:
29 At sa mga lingkod na lalake at babae naman ay ibubuhos ko sa mga araw na yaon ang AKING Espiritu.