Propesiya 68
“Kutyain ninyo AKO (si YAHUVEH) Kung Kaya ninyo/kung magkalakas-loob kayo!”
Binigay kay Apostol Elisheva Eliyahu.
Deciembre 26, 2002
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa itaas sa lahat ng mga Propesiya simula ngayon: noon pa binalaan kita Elizabeth na di mo papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit na noon pa meron ng Ministeryo na naitayo na. Inilagay KO sa iyong espiritu dahil wala nito ang gawa ng iyong mga kamay, wala nito ang gawa mula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong ESPIRITU SANTO (RUACH ha KODESH) ang inyong INAYAH (IMMAYAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay may pagkakaroon sa pamamagitan ng iyong mga kamay ito ay matagal ng nabigo, Ito ay sa pamamagitan ni SHKHINYAH GLORY na umiihip sa kabila ng hangin na dumadaloy dito sa mundo, ang Banal na hangin ng malay-tao, matagal na itong nasira o nabigo kung ito ay sa pamamagitan ng iyong hininga. (Isaiah 42:8).
Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Diyos, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
Pasimula ng Prophesiya
AKING Minamahal na mga Anak, hindi AKO galit sa inyo. AKO ay nagdadalamhati sa sakit na dinudulot ng mundong ito sa AKIN. Una AKO ay nananahimik at AKO ay nagdadalamhati [at] pagkatapos ay makikita ninyo ang AKING galit na pakakawalan.
Isang salita ng babala para sa AKING mga kaaway, ngayon naglakas loob kayong kutyain AKO (YAHUVEH), at naglakas loob kayong kutyain ang pangalawang pagdating ni YAHUSHUA? Humayo’t mangutya at makikita ninyo ang AKING galit na bababa sa isang paraan na ito ay magiging parang isang dagsa/baha, isang bagyo, isang malakas na hangin at tunay na aalisin/wawalisin nito ang dayami palayo. AKO ay magpapadala ng mga alon habang ang mga alon ng walang kabanalan ay umabot sa Langit, ang mga alon ng karagatan at dagat ay uungol/iiyak, ang mga bagyo mula sa Langit na hindi katulad ng anumang nakita ng sinuman. Ang mga ulang may yelo at asupre ay muling babagsak tulad ng ipinakita KO sa iyo sa iyong panaginip. Sapagka’t kapag ang mga bulalakaw (meteor) ay magsimulang mahulog/bumagsak, sila ay sasabog ng apoy. Tulad ng nasa panaginip na AKING ibinigay sa iyo sa gabing ito, ang mga ulang may yelo ay darating katulad ng hindi pa nakita noon na pinagsama ng mga hangin. Ito ay babasag ng mga bintana. Ang kalamigan/napakalamig na ipinakita ng mga tao laban sa AKIN, ang Tagapaglikha, laban sa AKING Anak na si YAHUSHUA, ay AKING ibubuhos ang yaong parehong yelo pabalik sa kanila.
Ang yelo ay babagsak mula sa Langit. Ang apoy ay babagsak mula sa Langit. Ang mundo ay lilindol at yayanig. Ang pagkabulag ay hahampas/hihipo sa mga tao yamang sila’y bulag sa espirituwal, yamang sila ay bulag sa katotohanan at tinanggihan ito, katulad ng sila ay bulag sa Kabanalan. Tulad ng mga araw ni Sodom at Gomora, muli asupre at ulan na may yelo (hail) at pagkabulag ay sasapit sa kanila. Kaya sige, hinahamon KO kayo na mangutya. AKO ay nagsasalita sa AKING mga kaaway ngayon; hinuhukay ninyo lamang ang inyong sariling palapag, sa hukay ng apoy patungo sa impyerno na naghihintay para sa inyo, sa baitang patungo kung saan kayo bababa. Kasama ng bawat salita na nanggagaling sa inyong bibig na nangungutya at nanghahamak, na tinatanggihan ang AKING awa at AKING pagmamahal, na tinatanggihan ang AKING Anak na si YAHUSHUA. Humayo’t mangutya, kayong mga kaaway KO na dinudungisan ang AKING Shabbat. Kayo na nangungutya sa Shabbat (araw ng pagpapahinga), kayo na nangungutya sa mga Hudyo (Jewish people), kayo na nasusuklam sa Israel, yaong mga nagkakanulo sa Israel, yaong mga nagtataksil sa AKING sariling mga Pinili, AKING mga Sanggol, AKING Nobiya at AKING Hinirang. Sige at [kayo ay] mangutya.
AKO ito, si YAHUVEH, nasa AKIN ang huling halakhak. Inyong pinukaw ang AKING galit, kayo ay pinukaw ang AKING pagkapoot. Sinasabi ninyo paglalaruan ko ang Diyos sa pamamagitan ng kaalaman na AKING ibinigay sa inyo. Lumilikha kayo ng tao sa sariling imahe ng tao, kahit sinasabi ng AKING Salita na kayo ay nilikha sa AKING imahe. Kayo ay naglalaro ng inyong mga laro (games) sa panahon/klima (weather). Ngayon ipapakita KO sa inyo ang lumikha ng panahon na iyon. Ang inyong sariling mga panggagaya (clone) ay babaling laban sa inyo. Ang inyong sariling mga imbensyon ay babalik laban sa inyo. Anumang sandata na inyong sinusubukan at gamitin laban sa AKING mga Anak ay bumerang na babalik sa inyo. Sapagka’t AKING hahatulan ang Sodom at Gomora muli, pinagmamasdan KO ang ibabaw ng mundong ito. Alam KO kung sinong mga tao ang tinatakan ng AKING mga anghel at ang mga bagay na ito ay hindi sasapit sa kanila.
Kapighatian/Kaawa-awa sa sa iba pa sa inyo. Mas mabuting lumuhod kayo ngayon at mangagsisi habang may panahon pa. Tumawag sa Pangalan ni YAHUSHUA ang AKING Minamahal na Anak, sumigaw/humingi ng awa para sa kasamaan na inyong nagawa. Oh nguni’t kayong matitigas na henerasyon, kayong mga isinumpa/masasama (reprobates), kayo na nag-iisip na kayo ay napakamayaman at kayo ay puno ng karangyaan, kasikatan at kaluwalhatian. Inyong niluluwalhati ang inyong sarili sa inyong sariling imahe. Tanging sa salamin lamang ang inyong sariling kagandahan ay mapagmamasdan. Kukunin KO ang inyong kagandahan. Kukunin KO ang inyong kasikatan at yaman. AKO lamang ang nag-iisang nagtataas/nagpapalaganap (promote) at AKO lamang ang nag-iisang nagtatapon/nagtatakda. AKO si YAHUVEH at AKO ang simula at ang katapusan. Wala AKONG simula at wala AKONG katapusan.
Nguni’t sa AKING mga kaaway AKO ay nagsasalita, alam KO ang inyong mga simula at alam KO ang inyong katapusan. Kaya humayo at maglakas loob na mangutya. Iiling ang inyong mga kamao sa AKIN at magreklamo. Ako ay hahalakhak sa inyong mukha. Ito ay dahil lamang sa awa at ang pagmamahal na AKING ipinakita sa pamamagitan ng AKING Anak na si YAHUSHUA na hindi KO binura ang buong sangkatauhan. Nguni’t mayroon AKONG yaong mga tao na AKING tinatawag na AKING mga Anak, ang mga yaong umiiyak sa harap KO, ang mga yaong namamagitan (intercede) sa harap KO, ang mga yaong ginagawa ang kanilang makakaya upang sundin AKO, at parangalan/igalang AKO. Dahil sa mga ito [kung bakit] hindi KO winawasak ang buong sangkatauhan. Ang AKING Anak ay darating muli! Hindi ninyo dapat kailangan lamang umasa/dumipende sa patotoo/testimonya ng mga tao, basahin ang AKING Salita, pag-aralan ang AKING mga Salita. Mga tao na tunay na nagmamahal sa AKIN, ang minamahal ng AKING Anak na si YAHUSHUA. Ang mga tao na tunay na nagnanais/umiibig sa AKIN, ang mga yaong tunay na ninanais/iniibig ng AKING YAHUSHUA. Ang mga ito, AKING minamahal na mga anak, ay ang inyong mga babaeng kapatid at ang inyong lalaking mga kapatid.
Ito ay ang pagkakatulad ninyo at ito ang dahilan na dapat mayroon kayong pagmamahal para sa isa’t-isa. Ito ay hindi importante kung ano ang pangalan ninyo na tinatawag sa mundong ito. Inyong makikilala ang bawat isa sa pamamagitan ng pagpapahid ng Espiritu, inyong makikita ang pagmamahal ni YAHUSHUA sa mga mata ng bawat isa at inyong makikilala ang pagpapahid ng RUACH HA KODESH sa loob. AKING hinihiwalay ang tupa mula sa mga kambing at AKING pinupunit ang mga maskara ng mga kambing, dahil sila ay nagbabalatkayo bilang isang tupa o isang batang tupa, ito ay bahagi ng paghihiwalay sa ipa/dayami mula sa trigo, sapagka’t ang ipa/dayami ay bagay lamang para sunugin!
Dulo ng propesiya
Kaya ito ay sinalita, kaya ito ay nasusulat
Dec. 26, 2002 sa pamamagitan ni Apostol Elisheva Eliyahu
***************
(Sa ibaba ay isang personal na propesiya na sinabi rin ni YAHUVEH sa parehong oras at ang panaginip na tinutukoy ni YAHUVEH sa propesiyang ito ay nakapaskil sa ibaba. Kapwa dumating sa parehong araw, sa parehong oras at ang mga pangyayari na ang propetik na mensaheng ito ay nagmula. Ang propesiyang ito ay hinarangan gaya ng itinagubilin at maipapaskil sa Disyembre 31, 2002. Si YAHUVEH ay nagbunyag rin ng isang surpresa sa amin nang ibinigay NIYA sa amin ang bagong utos/tungkulin upang dalhin ang Ministeryong ito sa pamamagitan ng RV (libangang [recreational] sasakyan o bus) sa mga tao at tanungin sila kung magiging bahagi sila ng pinansyal na milagrong ito, upang makalakbay kami ng masmalaya at hipuin ang marami pang tao ng isa-isa. Ang mga taong tutulong sa amin ay pagpapalain.)
PERSONAL NA PROPESIYA
Ang Mensaheng ito ay hindi pa handang mabitawan/ihayag (12/26/02) sapagka’t marami pa akong sasabihin. AKING Sintang Babaeng Anak malalaman mo kung kailan bibitawan ang Mensaheng ito, kukumpirmahin KO ito kapag ikaw ay manalangin. Ngayon, sapagka’t nagmakaawa ka at hinangad na marinig ang AKING tinig, binasag KO ang AKING katahimikan at AKO ay nagsalita.
AKO ay lubos na natutuwa/nalulugod sa inyo [Nobiya ni YAHUSHUA], huwag kailanman isipin na hindi kayo ang pinakamabuti sa AKING mga mata. Kapag kayo ay magsalita at pinoprotektahan ang AKING Babaeng Anak sa isang paraan na AKING pinahiran kayo, walang ibang pagpipilian ang diyablo kundi tumakbo. AKO ay magsasalita ng isang Mensahe at ito ay magmumula sa AKING Babaeng Tagapaglingkod muli nguni’t [ito] ay may panahon at may kapanahunan.
AKO ay nagsasalita mula kay Elisheva, panatilihin siyang nakatuon (focused) sa tanong na kanyang tinanong sa araw na ito.
(Ako ay naghahanap noon ng isang sagot kung bakit namatay si Dr. Richard bago ang nag-uumapaw na kaligayahan (raptured) sapagka’t naniwala ako at naniwala siya na siya ay mabubuhay upang makita ang nag-uumapaw na kaligayahan (raptured) sapagka’t sinabi sa kanya ni YAHUSHUA ito bago siya binalik sa lupa sa unang beses na namatay siya at nabuhay muli. Nagmakaawa ako para sa isang sagot, sapagka’t ako, tulad ng iba ay naniwala na si Dr. Eby ay magagamit bilang isang palatandaan ng malapit nang pag-aangkin na tinatawag na nag-uumapaw na kaligayahan [rapture].)
Huwag isipin na kayo ay maraming naiwang linggong gawain na [dapat] matapos/magawa ang mga bagay. Sapagka’t kapag inilagay KO ito sa inyong puso, kung gayon, malalaman ninyo na dapat ninyong gawin kung ano ang sinabi KO sa inyo na gawin. Kapag inilagay KO ito sa puso ng AKING Babaeng Anak na mamagitan at manalangin at huwag pag-aralan ang Torah ngayong araw, kung gayon, alamin ito ay AKO na nagsasalita sa pamamagitan niya, na nagsasalita sa kanya, sapagka’t mayroon pa AKONG maraming sasabihin. Tinatanong mo ang tanong na ito tungkol sa AKING Lalaking Anak, na si Dr. Eby na sa mundong ito ang kanyang pangalan ay kilala. AKO ay maglalahad/magsisiwalat pa ng higit pa at gagawin KO itong napaka simple. Ikaw ay dapat makipagbuklod sa iba na pinahiran, magsalita sa kanila sa araw na ito sa pamamagitan ng telepono at ipairal ang pamamagitan (intercession) upang ang pagpapahid ay mapukaw (stirred up) at ito ay kukumpirmahin/patotohanan ng [masnakararami] di lamang ng iisa. Sa bibig ng dalawa o tatlong mga patotoo ito ay mapatutunayan.
Bibigyan KO kayo ng isang Templo AKING mga Anak, at ito ay magiging isang Templo sa ibabaw ng mga gulong. Kayo ay maglalakbay ng masmalaya at pupunta sa mga lugar na AKING tinawag/sinabi na inyong pupuntahan. Nguni’t talagang pinili KO ang inyong RV na tahanan at hindi lamang ito magiging kapakipakinabang ito ay magiging maganda upang maari ninyong sabihin sa iba, masdan, ang mga milagro na ginawa ni YAHUVEH. Huwag ninyo AKO ilagay sa isang kahon; huwag sabihin kung ano ang maaari KONG gawin at hindi KO magagawa. Iyan ay parang si Elisheva na binibilang ang mga dolyar na ginastos para sa upa na sasakyang ito. Sa isang araw inilagay KO sa puso ng isa pang lalaking anak (Matt C.) na ipadala ang yaong $60.00. Kaya kita ninyo AKING mga Anak, dahil kayo ay napaka matapat sa AKIN, sapagka’t sinusunod ninyo AKO, sapagka’t Elisheva iyong naririnig ang AKING tinig, sama-sama AKING mga Anak, hindi ninyo ito malalagpasan/mapagpapaliban. Kayo ay [magkakaroon] ng kasunduan. Kaya makinig sa AKING tinig, kapag sinabi KO sa inyo na tumawag sa [telepono], tumawag kayo. Huwag mag-alala kung aling araw ito. (Shabbat [Araw ng Pagpapahinga]). Siguraduhin lamang ninyo na kayo ay susunod.
Elisheva ikaw ay mamamagitan (intercede) at magpatuloy na manalangin. Ikaw ay dapat magpatuloy na hanapin ang AKING mukha. Ikaw ay [dapat] makinig at sumunod sapagka’t hindi mo alam ang mga sandata na pinutok at nilayon sa iyong katawang may laman, kaya iyan ang dahilan AKING Anak na inutusan kitang magpahinga. Ipunin ang iyong kalas AKING Babaeng Anak upang mamagitan para sa araw na ito, muli ikaw ay tumayo sa puwang at nagpaalala sa AKIN kung bakit, habang ang AKING ibang mga anak rin ay dumaing/sumigaw ng para sa awa sa sangkatauhang ito. Iyan ang dahilan kung bakit hindi KO binura ang bawat sangkatuhan mula sa ibabaw ng mundong ito, sapagka’t mayroon pa AKONG bahagi/nalalabi (remnant) at mayroon AKONG palaging bahagi/nalalabi (remnant), ang mga yaong tunay na nagmamahal at naglilingkod sa AKIN at inilalagay AKO una [sa lahat], ang mga yaong dumadaing/sumisigaw sa Pangalan ni YAHUSHUA, ito ang mga yaong naririnig KO muli. Kaya ang Pinakabagong Mensahe AKING Babaeng Anak ang magiging pamagat ay “KUTYAIN AKO KUNG KAYA NINYO/KUNG MAGKALAKAS-LOOB KAYO!” Nguni’t hindi pa ito ang oras upang ihayag ito sapagka’t mayroon pa AKONG maraming sasabihin habang ikaw ay namamagitan at hanapin AKO kapag ikaw ay nananalangin.
(Galak mula sa akin sapagka’t namanhid ang aking mga kamay mula sa mabigat na pagpapahid habang aking niyapos ang mga kamay habang lumabas ang propetik na mensaheng ito) ako ay sinabihan na ibahagi ang lahat at huwag kontrolin/putulin sapagka’t maari itong makatulong sa iba upang maintindihan at mabatid na hindi ako iba sa kahit sinuman.)
Ito ay noong Disyembre 26, 2002, sinabi ko na ako ay kakatok ng malakas sa pintuan ng Langit hanggang makatanggap ako ng isang sagot kung bakit namatay si Dr. Eby dahil mula noon ako ay pinapanood na siya at ako ay nailigtas sa loob ng 27 na mga taon. Noong una kong narinig ang pangalan ni Dr. Eby naniniwala talaga ako na siya ay hindi mamamatay at siya ay iaangat sa nag-uumapaw na [araw] ng kaligayahan (rapture). Ako ay naroroon din. Kaya noong namatay siya sa araw na ito, ako ay katulad ng iba na tinanong ang ating Ama sa Langit sa dahilan kung bakit? Sinabi KO na ako ay kakatok ng malakas sa pintuan ng Langit sa yaong araw at mamamagitan at mananalangin hanggang makatanggap ako ng isang sagot. Ang AKING email ay napupuno na at alam ko na ang RUACH ay sinasabi sa akin na marami pang email ang darating. Inaasahan nila na ibibigay ko sa kanila ang sagot subali’t wala rin sa akin ang sagot. Nguni’t hindi ibinigay ni YAHUVEH sa akin ang sagot noong Dec. 26, 2002. Sa halip sinabi sa akin ni YAHUVEH na maghintay at manalangin at mamagitan at ibibigay NIYA sa akin ang sagot.
Nasa ibaba ang panaganip ko, sa Ulang Yelo at Pagkabulag. Ang panaginip na ito ay dumating noong 26 ng Disyembre rin at ito ay binanggit ni YAHUVEH sa propesiyang 68. Limang propesiya ang lumabas sa buwan ng Disyembre at dalawang propetik na mga panaginip na nagbibigay ng babala. Ito ay nagsimula sa unang araw ng Disyembre. [araw ng Banal na] Hanukkah, at ngayon ang huli ay nasa huling araw ng taon sa 31 ng Disyembre. Ako ay nakatanggap ng isang bago ngayong araw na ito. Ako ay nagdaragdag sa Disyembre 26 na mga tala ngayon at maaari ninyo itong basahin nang hiwalay. Maraming nagtataka kung ano ang magiging katulad ng Propesiya 70. Ang oras lamang ang makakapagsabi kung ako ay bibigyan ng karangalang ito upang makarinig ng isang mensahe muli.
*********************
Nagkaroon ako ng isang panaginip kung saan ako ay nasa isang napakataas na gusali. Ang mga lalaki ay nasa buong paligid, hindi ko maalala kung [may] mga babae na nasa loob ng kwarto. Ang lahat ng buong paligid ay mga sigaw, ang bawat isa sa kanila na mga lalaki ay nabulag. Mga sigaw ng “Tulungan ninyo ako, ako ay bulag!” na nasa buong paligid. Walang anuman ang magagawa. Hindi ako natakot dahil hindi ako bulag. Pagkatapos, tumalon ang panaginip sa isang eksena kung saan nakakita ako ng umuulang yelo ng [may] iba’t-ibang mga laki lumalagpak sa mga bintana at higanteng mga yelong bola bumabagsak mula sa kalangitan kasama ng mga hangin ng may 100 na milya ang bawat oras kasama ng ulan na may yelo. Hindi kailanman ang ulan na may yelo ay nakita nang ganito sapagka’t ito ay hindi maliliit na sukat ng bola ng golf na yelo at mayroong napakarami na kawangis ng mga yelong bato na bumabagsak mula sa langit ng isang malakas na pag-agos. Sinusubukan kong magmaneho sa bagyong ito sa isang daan na halos walang anumang mga sasakyan dito. Ang hangin ay napakalakas, ito ay makapagpapaikot ng mga sasakyan ng hindi mapigilan at sa mga paparating na mga sasakyan kung mayroong anuman. Ang mga ulang may yelo ay makakapinsala ng mga salamin (windshield) ng sasakyan at babagsak hanggang sa mga bubong ng mga sasakyan. Nagmamaneho ako sa kanang bahagi ng daan at inikot ng hanggin ang aking sasakyan sa isang bilog, mayroong isang dumarating na sasakyan na umiikot ng hindi mapigilan sa kaliwang daan, umikot ang aking sasakyan ng hindi mapigilan nguni’t hindi namin natamaan/nabangga ang isa’t-isa, o ang sasakyan na nasa harap ko ay hindi namin natamaan, sapagka’t sumigaw ako ng Hesus tulong! (Inaamin ko noong ako ay nasa mga aksidente ng sasakyan noon hindi ko tinatawag si YAHUSHUA sapagka’t ito lamang ay masyadong maraming pantig at bumalik ako sa panahong una akong naligtas at tumawag kay Hesus ng tulong. Ang sasakyan ay tumigil sa pag-ikot at naligtas ako.)
Pagkatapos kong gumising ako ay hinanap si YAHUSHUA para sa ibig sabihin ng panaginip na ito. Sinabi NIYA sa akin na hahatulan ni YAHUVEH ang mga bansa at mga estado muli sa pamamagitan ng apoy at asupre at umuulang yelo at pagkabulag. Tulad ng ginawa NIYA sa Sodom at Gomora si YAHUVEH ay gagawin ito muli. Ang mga tao lamang na tumatawag kay YAHUSHUA ang matitira/maliligtas. Ang pagkabulag ay dumating sa mga homoseksuwal [bakla/tomboy] na nagpumilit na makipagtalik sa 2 mga anghel sa Sodom at Gomora ayon sa Bibliya. Hindi ko alam kung sino pang iba ang sinisimbolo ng bulag na mga lalaki, ang ibig sabihin nito ay maaari ring espirituwal pati na rin sa pisikal. Ang organisadong simbahan sa maraming parte ay bulag. Ang Babalang panaginip noong Disyembre 19 ay ukol sa mga bulalakaw na dumating bilang isang pagbuhos at sumambulat na naging mga apoy. Ang apoy ay bumagsak mula sa langit, at ngayon ang panaginip ay nagyeyelong ulan (hail) na kung saan ay yelo, at ang misayl na panaginip, inyong pagsamahin ang lahat ng ito at magkakaroon kayo ng galit ni YAHUVEH sa [mga] hindi makadiyos at masuwayin/di-sumusunod.
Naitala ko ang panaginip na ito sa abot ng aking pag-alaala.
Apostol Elisheva Eliyahu