Propesiya 71
KUNG ANO ANG NAKATAGO, NGAYON AY MABUBUNYAG!
Ibinigay kay Propeta Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Nobyembre 1, 2003
Sa Hulyo 2010 si YAHUVEH ang Diyos ay sinabi rin na idagdag ang sumusunod mula sa 2nd Chronicles bago ang bawat Propesiya:
2 Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng Diyos, at niwalang kabuluhan ang kaniyang mga salita, at dinusta ang kaniyang mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng Panginoon ay bumugso laban sa kaniyang bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
*******
Pagsisimula ng Propesiya
Ipinadala KO ang AKING Banal na Anghel sa babaeng tagapaglingkod na ito, ilang buwan na ang nakalipas kasama ng propetik na mensaheng ito. Tulad ng idinikta ito ng AKING Banal na Angel sa kanya habang nakatayo sa tabi ng kanyang kama, isinulat niya ang Propetik na Mensaheng ito kung saan AKO ay nagbabahagi ng isang lihim na hindi pa nabanggit hanggang ngayon. Sinabi sa kanya ng AKING Anghel na hindi pa ngayon ang oras upang sabihin/ihayag ang mensaheng ito, ito ay para sa isang takdang oras, ngayon na ang oras na iyon, upang ilantad kung ano ang nakatago noon! Sinasabi KO ang AKING mga lihim sa AKING mga Apostol at mga Propeta at sa lahat ng makikinig.
(Isinama ko ang maraming banal na kasulatan [na salita] upang ituro kasama ng mga salita ni YAHUSHUA na KANYANG sinabi sa pamamagitan ko. Alam ko na ng persekusyon ay darating kasama ng bagong rebelasyong ito ngunit pakiusap tandaan, ako lamang ang mensahero ng mensahe, ako rin ay naghahanap ng masmaraming rebelasyon ayon sa kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng ito. Pakiusap huwag ninyong batuhin ang mensahero nang inyong mga insult/pang-aalipusta ngunit kung gagawin ninyo ito alam ko na hindi ako ang inyong inuusig kundi ang Diyos na si YAHUVEH at YAHUSHUA na nagpapahid sa akin at nagpadala sa akin sa kapwa mga Hudyo at Hentil [Gentile].)
AKO si YAHUVEH ang Sinauna ng mga Araw (Ancient of Days); ang AKING pangangailan ng Kabanalan ay hindi nagbago. AKO si YAHUVEH ay labis na naging matiisin nguni’t hindi na AKO maaaring maging matiisin ng masmatagal o kakailanganin KONG himingi ng tawad sa Sodoma at Gomora. (Gen 18:20-19:30) Oh masasama at tiwaling [mga nasa] pagtatapos ng henerasyon, (endtime generation), hindi ninyo maaaring italaga at hingin ang AKING mga Pagpapala sa binhi ni satanas o sa isang obispo na inordenahan/inihalal mula sa impyerno kung saan ay AKING isusuka palabas ng AKING bibig. (Pahayag 3:16) Simbahan ng mga Episcopalian binabalaan KO kayo ngayon, sa mga tao na kinunsinti ang kasamaang ito, ang mga tao na hindi nagprotesta una laban sa pagpapalaglag (abortion) at ngayon sa homoseksuwalidad (bakla at tomboy), inyong inayos ang inyong higaan kasama ni Jezebel (Pahayag 2:20-23) at kung hindi kayo tatakas sa simbahang ito ng Babilonia inyong gagawin ang inyong higaan sa impyerno at sa Dagat-dagatang Apoy.
Hindi maaaring magsinungaling ang AKING Salita, ang Banal ay naging mas Banal at ang masasama at naging mas masasama. Nasaan ang AKING mga Banal upang magprotesta laban sa makasalanang kasuklam-suklam na kung saan ay nangyayari hindi lamang sa labas ng yaong katulad ng Sodoma at Gomora, nguni’t ngayon ang yaong parehong makasalananag pagkasuklam ay nasa loob ng mga gusali sa mga taong nagsasabi na sila ay Banal. Sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa makasalanang kasuklam-suklam na estilo ng buhay/pamumuhay at iba pang makasalanang kasuklam-suklam, hindi pinagwiwikaan ni nagbibigay ng babala sa mga tao na nakibahagi sa mga kasuklam-suklam na ito, inyong tinanggap at inanyayahan ang mga espiritu tulad ng isang Sodoma at Gomora sa inyong mga simbahan at mga templo. Ang lahat ng mga taong gumawa nito, AKING isinusumpa na hindi ninyo AKO kilala.
Kayo na tinanggihan, inalis ang AKING Sampung Utos na tinatawag rin na Torah, kayo ay tumayo at nanood na walang pagprotesta habang ang isang tableta ng bato ay inalis sa Alabama na walang pag-aalay ng isang panalangin ng protesta o pag-iyak at pagtangis o pagtulong kay Hukom na si Roy Moore sa anumang paraan. Sinasabi KO ito sa inyo; HINDI NINYO AKO KILALA! Pinayagan KO ang pagsubok na ito gaya ng sinabi KO sa babaeng tagapaglingkod na ito upang maisakatuparan ang propesiyang ito sa Ezekiel 9. Iilan lamang ang nagprotesta at nagpoprotesta kahit na hanggang ngayon. Nasaan ang mga milyun-milyon sa buong mundo na dapat nagpoprotekta sa AKING mga kautusan? Isang bahagi/nalabi (remnant) lamang ang nakagawa nito.
Kayo ay tinanggihan ang AKING Sagradong Pangalan, ang AKING Torah at nagpatuloy na namuhay sa loob ng kasalanan kahit na minsan ay inyong tinanggap ang dumaloy na Dugo ng kapatawaran ng AKING Anak na si YAHUSHUA. Sapagka’t pinagpipilitan ninyo na mamuhay sa kulungan ng baboy at paglingkuran si satanas, inyong niyurakan ang dumaloy na dugo at awa ng AKING Anak na si YAHUSHUA sa ilalim ng inyong mga paa. (Heb 10:26-29) Wala ng kapatawaran, alam na ito ay mali at nanood, nakinig at nakibahagi sa makasalanang mga kasuklam-suklam na ito na AKING kinamumuhian. Sinasabi KO ang babalang ito sa mga taong nagsasabing sila ay AKIN hindi sa pagano na walang mabuting alam. ANG PAGHUHUKOM AY NAGSISIMULA SA BAHAY KO, NI YAHUVEH! (1 Peter 4:17)
AKING pinagwiwikaan ang mga taong hindi nananalangin sa parehong Diyos na si YAHUVEH na nagpabagsak ng apoy at asupre sa parehong mga kasalanan tulad ng sa Sodoma at Gomora. Hindi kayo nanalangin na AKO, si YAHUVEH, ay maghihiganti mula sa Langit sa punla ni satanas gaya ng ito ay nagawa muli. (Mga Awit 94:1) (Mga Taga-Roma 12:19) AKO, si YAHUVEH, hindi AKO bulag o bingi! AKO, si YAHUVEH, AKO ang parehong Tagapaglikha at ang AKING Minamahal na Anak ay ang parehong MESIYAS, KAMI ang parehong DIYOS ng Kahapon, Ngayon, at Magpakailanman. Hindi KAMI tumatalima sa imahe ng tao o gawa ng tao na mga doktrina ni ang ideya ng tao kung ano ang kasalanan. AKO, si YAHUVEH, ay Banal at AKO ay nangangailangan ng Kabanalan mula sa mga taong nagsasabi na sila ay pag-aari KO at nang AKING Anak na si YAHUSHUA. AKO ay nangangailangan ng Kabanalan mula sa mga taong nagsasabi na “Sila ay nahugasan ng dumaloy na Dugo ng AKING Anak na si YAHUSHUA.”
Si YAHUSHUA ay ibinigay bilang isang dalisay/wagas na sakripisyo na tupa upang alisin ang mga kasalanan ng tao; at gayunman, ngayon itong mga taong umaangkin sa yaong dugo, ngayon ay gumagawa ng makasalanang mga kasuklam-suklam, kahit kasamaan sa likuran ng mga pulpito. (Heb 6:4-7) nagpapatunay na sila ay hindi AKIN ni kay YAHUSHUA kundi binhi ni satanas. Mayroong mga tao na pasimuno ng labanan (war-mongers), sila ay nagagalak at nagmamalaki sa pagpapadanak ng inosenteng dugo para sa kapakanan ng kasakiman, yaman, mga lupa at mga kasaganaan. Ang mga ito ay ang binhi ni satanas. Itatanong KO ito sa inyo, “Ano ang presyo ng langis?” ano ang kabayaran at kahalagahan ng isang buhay?” (Mat 6:26)
Kayo na gumagawa ng ganitong mga bagay o nagkukunsinti nito o nananatiling tahimik sa pamamagitan ng hindi pagprotesta o manalangin laban sa mga makasalanang mga kasuklam-suklam na ito ay isang duwag at inyong gagawin ang inyong tahanan sa impyerno at lumangoy na walang hanggan sa Dagat-dagatang Apoy kasama ng inyong totoong ama na si satanas. Sapagka’t inyong pinili na sundin si satanas, paniwalaan si satanas, sumunod kay satanas at linlangin ang iba, kaya inyong aanihin ang gantimpala ni satanas.
Kapighatian sa Amerika. AKO ay nagbigay ng babala sa pamamagitan ng babaeng lingkod na ito sa mga babala ng propeta (prophetic warnings) sa nakaraan na masusunog ang Amerika kung hindi ito magsisisi. AKO, si YAHUVEH, ay isang Diyos ng Lumalamong/nag-aalab na Apoy, (Duet 4, 24) ang AKING hininga ay puno ng nag-aapoy na pangangalit na nagpapanatili sa impyerno ng paglalagablab ng apoy, ang yaong poot ay naipon ng masyadong matagal (Pah 18:2-24). Ay, kapag lalo AKONG nagpakita ng awa at kapag lalo AKONG nagbigay ng oras upang magsisi, [ay] mas lalong ang mundong ito ay magiging puno ng kawalang-banalan, mga kabuktutan, mga kasuklam-suklam (abomination) at walang-pagsisisi ang mundong ito. Nasaan ang mga taong tinatawag ang kanilang mga sarili na Banal? Nasaan ang tagapamagitan at mga mandirigma ng panalangin? Bakit hindi nagpoprotesta, nagsasaway (rebuking) at [hindi] nagbibigay babala ang mga taong nagsasalita ng AKING mga Salita ng nakaraan at ng kasalukuyan? Mayroon AKONG isang bahagi/nalalabi (remnant) nguni’t oh kakaunti lamang. (Zeph 3:13) (Amos 5:15)
Kayo na nagtitipon-tipon upang pagmasdan ang isang may sakit na matandang lalaki na puno ng mga demoniyo at siya ay nasa ilalim ng AKING galit sapagka’t kanyang ninanakaw ang AKING kaluwalhatian at hinihikayat ang mga tao na sambahin siya, lumuhod sa kanya, halikan ang kanyang kamay, ang isang kamay na gawa ng ilikabok lamang at lumuluhod sa hamak na idolo lamang. Milyun-milyon ay nakikinig at nagsisikap na sumunod sa isa na tinatawag ang kanyang sarili na isang papa (pope). Kayo na tinatawag ang inyong mga sarili na mga Katoliko inuutusan KO kayo ngayon, tumakas sa mga simbahan ng Babilonia. Ang AKING Torah na mga Kautusan ay malinaw na sinasaad na ‘hindi ka dapat magkaroon ng ibang mga diyos sa harap KO.’ (Ex 20:3) ang inyong tagapaglikha at gayunman ilan [na] ang nakagawa nito. Tinatawag ninyo ang inyong sarili na [para] sa AKIN at gayunman hindi man lamang ninyo AKO kilala kung hindi kayo tatakas, ang impyerno at ang Dagat-dagatang apoy ang inyong makikita.
Huwag magpalinlang kilala KO kung sino ang AKING mga tupa at kung sino ang binhi ni satanas, na tinatawag din na mga kambing. Ang AKING mga tupa ay kumakain lamang kung saan pinangangasiwaan sila ng Mabuting Pastol na si YAHUSHUA sa berde/sariwang mga pastulan. Ang mga kambing ni satanas, ang kaniyang binhi ay kakainin ang anumang bagay, lulunukin ang anumang huwad/maling mga doktrina o mga kasinungalingan.
Hinahasik ni satanas ang kanyang sariling binhi ng rebelyon/paghihimagsik at pagsuway sa mga kambing na sinusuway ang lahat na yaong Banal, sinusuway ang yaong katotohanan, binabaluktot/iniiba ang AKING Banal na mga Kasulatan upang tumalima sa baluktot na mga pagkakasala/kasamaan ng tao, pagtanggi, pagtatakwil at binabago ang AKING Torah at mga utos. Ang binhi ni satanas ay gumagawa ng parehong kasalanan na sa simula kahit na noong bago pa ang pundasyon ng mundo noong ang inyong mga kaluluwa ay nabuo sa Langit.
AKO si YAHUVEH, na naglikha ng inyong mga kaluluwa ay alam na kung sino ang magsusubaybay, magmamahal, susunod at sa AKIN ay magiging matapat. (Jer 1:4-5) AKO, si YAHUVEH, ay alam na kung sino ang susunod sa rebelyon at magnanakaw/[magiging sakim] sa AKING kapangyarihan at pamamahala. (Juan 17:12) Tulad ng lumaban si satanas upang maging diyos bago pa ang pundasyon na daigdig, (Isaah 14:12-15) nakumbinsi niya ang kanyang binhi ngayon, na sila ang naihayag/tanyag na mga anak ng Diyos, pantay kay YAHUSHUA sa lahat ng mga paraan. Maliban na lamang ang sinumang makalimot na sa pamamagitan lamang ng Pangalan ni YAHUSHUA at dumaloy na Dugo ay maaaring magkaroon ng daan/makalapit sa AKIN, na si YAHUVEH. Ilan na ang nalinlang sapagka’t kanilang nakalimutan na AKING dinugtong (grafted in) ang lahat ng mga taong tinatawag KONG Banal ngayon. (Rom 11:13-36) Sapagka’t lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian KO, ni YAHUVEH, maliban sa isa, ang KANYANG Pangalan ay YAHUSHUA. Ito ay dahil lamang sa Juan 3:15-21.
Ang lahat na mga kaluluwa na nagtaksil sa AKIN, na si YAHUVEH, sa labanan bago ang pundasyon ng daigdig, ay nagtaksil at pagtataksilan AKO, na si YAHUVEH muli. Ito ay kung paano, AKO, si YAHUVEH naitalaga at nalaman sa una pa lamang kung sinong mga pangalan ang matatagpuan or hindi matatagpuan sa Aklat ng Buhay ng mga Tupa (Pahayag 17:8). Kapag ang 3 mga aklat ay nabuksan saan matatagpuan ang inyong pangalan? Ito ba’y nasa aklat ng tinubos, sa aklat ng binura (blotted out), (Ex 32:32-33) (Pah 3:5) o sa aklat ng sinumpa? Ngayon maaari na ninyo maintindihan ang AKING Banal na Kasulatan na nagsasabi “Kayo ay gagawa ng inyong sariling kaligtasan ng may takot at panginginig’ (Phil 2:12)
Ang reinkarnasyon (reincarnation) ay isang kasinungalingan ng ama ng lahat na mga kasinungalingan. Hindi kayo namamatay at magpatuloy na bumalik sa lupa sa ibang mga buhay hanggang kayo ay bagay/angkop para sa Langit. Gaya ng sinasabi ng Banal na mga Kasulatan ‘ang isang tao ay hinirang na isang beses na mamatay at pagkatapos ang paghuhukom. (Heb 9:27) Ang bawat kaluluwa ay napili na iyon bago [pa man] ang pundasyon ng daigdig ay nabuo. Ito man ay ang inyong katapatan para sa AKIN, na si YAHUVEH o para kay satanas ang ama ng lahat na mga kasinungalingan. Ang unang kasinungalingan na sinabi ni satanas ay si satanas ay magiging katulad KO, na si YAHUVEH, at magkaroon ng AKING autoridad/kapangyarihan. 1/3 ng lahat ng mga anghel ay naniwala sa kasinungalingang ito kasama ng maraming mga kaluluwa na pumili ng mga panig. Sapagka’t sa bawat kaluluwa binigyan KO sila ng kaloob na kalayaan (free-will). (Pah 12:4-9)
Gaya ng AKING hinatulan si satanas na ang pangalan noon ay Lusiper, hinatulan KO rin at sinumpa at binigay ang mga parusa hindi lamang kay satanas kundi ang lahat ng kanyang bumagsak/itinapong mga anghel at ang lahat ng kaluluwa na nagtaksil sa AKIN, na si YAHUVEH, at kay YAHUSHUA. Ang mga kaluluwa na naging matapat sa AKIN, na si YAHUVEH, bago [pa man] ang pundasyon ng daigdig pati na rin ang mga kaluluwa na nagtaksil sa AKIN, na si YAHUVEH , ay AKING ipinadala sa lupa sa pamamagitan ng binhi ni Adan at Eba. Si satanas ay hinagis/itinapon rin pababa. Hinahangad muli ni satanas na baliktarin/tumalikod ang AKING mga nilikha laban sa AKIN, kapwa mga tao at hayop. Muli ang AKING mga anak ay sumuway at nagrebelde laban sa kanilang mapagmahal na Ama. Ang layunin (motivations) ni satanas noon ay galitin AKO, si YAHUVEH, sa gayong poot na AKING wawasakin kung ano, AKO, si YAHUVEH, at ang AKING anak na si YAHUSHUA ay maibiging nilikha/nilalang, nguni’t sa halip, pagkatapos ng pagbagsak ni Adan at Eba, ang AKING sariling pinakamamahal na Anak na si YAHUSHUA ay inalay ang KANIYANG SARILI bilang isang manunubos (redeemer), na ipinanganak bilang isang tao na nilikha lamang sa pamamagitan KO, na si YAHUVEH ng supernatural.
Si YAHUSHUA ay naging katulad ng isang Pangalawang Adan na may laman at dugo, nguni’t nang si Adan ay nagdala ng kasalanan sa daigdig, ang AKING BANAL NA DUGO KAY YAHUSHUA ay nag-alis ng mga kasalanan at ang kagustuhan na magkasala, mula sa lahat na tumanggap sa AKING Kaloob na AKO, si YAHUVEH ay ibinigay sa Kalbaryo. Tanging ang mga kaluluwa lamang bago [pa man] ang pundasyon ng daigdig, na naging matapat sa AKIN, na si YAHUVEH at YAHUSHUA noon ay tatanggapin, mamahalin, susundin, lalabanan ang kawalang-kabanalan at makikipaglaban kay satanas at ang lahat ng mga kasuklam-suklam na ito ngayon.
Ang mga kaluluwang nilikha bago ang pundasyon ng mundo na sumunod kay Lusiper sa rebelyon laban sa AKIN, na si YAHUVEH at YAHUSHUA at ang AKING Hukbo ng Banal na mga Anghel, (Pahayag 12:9) ay binigyan ng isang pagpilian noong panahong iyon bago ang pundasyon ng daigdig, nguni’t noong naisilang sa mundo ang pagpili ng mga kaluluwa na iyon ay nagawa/nangyari na. Ang mga kaluluwang sumunod kay Lusiper noon ay walang ibang pagpipilian kundi sundin si satanas muli sa lupa at aanihin kung ano ang hinasik ni satanas. Ito ang paghatol ng tao.
Ang kaligtasan ay nakalaan na. Ang isinumpa (reprobate) ay mananatiling isinumpa para sa walang hanggan. Ang (Jer 6:27-30) ay malinaw na isinasaad na AKO, si YAHUVEH, ay tinatawag silang tinanggihang pilak, sila ay parang dumi ng bakal at tingga, patay na timbang. Ang mga kaluluwang hindi sumamba at naglingkod sa AKIN, na si YAHUVEH, bago [pa man] ang pundasyon ng daigdig ay hindi magkakaroon ng pagnanais na paglingkuran AKO, si YAHUVEH sa daigdig.
Tulad ng masamangotevil ph chance***