Propesiya 76
Minamahal na Nobiya ni YAHUSHUA, Bumangon at Ihanda ang Inyong Sarili Sapagka’t ang Inyong Nobiyo ay Darating!
Isinulat/ Sinalita sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH ha KODESH sa pamamagitan ni Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Setyembre 12, 2004
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
****
Sinabi sa akin ni YAHUSHUA na Sabihin sa Buong Nobiya/ [Mga] Babaeng Ikakasal (Entire Bride), na
“Maligayang Rosh Hashanah!”
Ito ay isang regalo mula sa KANYA para sa KANYANG [mga] Nobiya, ibinigay sa ika-3 araw bago ang Rosh Hashanah.
Mangyaring Pakibahagi sa mga taong alam ninyo na nagmamahal kay YAHUVEH at YAHUSHUA. Mangyaring ibigay ito sa eksaktong paraan na ito’y ibinigay sa akin. Aking nabatid na ito ay isang mahaba na Salita, nguni’t ito ay lubusang karapat-dapat sa inyong oras. Mayroong Malakas na Espirituwal na karne (spiritual meat) na hindi para sa mahihina sa espirituwal na matututunan sa bawat halos ng talata. Ako ay natuto kasama ninyo habang sinabi ni YAHUSHUA ang mga salitang ito sa akin. Ang oras sa pagitan ng ika-10:30 ng umaga at ika-12:00 ng hapon.
****
Minamahal na [mga] Nobiya ni YAHUSHUA, Bumangon at Ihanda ang Inyong Sarili Sapagka’t ang Inyong Nobiyo ay Darating!
Oh AKING minamahal na Ringmaiden, ikaw ay dumadaing sa AKIN at sinasabi na, “Sino ako para magbitaw ng ganitong mensahe, sapagka’t ramdam ko na hindi ako karapat-dapat na magkaroon ng karangalan na ito. Sino ang maniniwala sa mensaheng ito, na ito ay ipinadala mula sa Langit?” Nguni’t sinasabi KO sa iyo AKING liyag, ito ay hindi kung kinikilala mo ang iyong sarili na karapat-dapat na sabihin ang mensaheng ito sa buong Nobiya (Bride). Ang kaisa-isang bagay lang na mahalaga ay itinuturing KITANG karapat-dapat at ang iyong opinyon sa iyong sarili o kung ano ang sasabihin/sinasabi ng iba ay hindi mahalaga, tanging ikaw lamang ay sumunod at sumulat at sabihin kung ano ang sasabihin KO sa iyo na sabihin. Huwag mo AKONG i-edit (baguhin) sa anumang paraan. Sa napakaraming mga taon na ikaw ay naglingkod sa AKIN, naramdaman mo ang kirot ng Relihiyosong mga demoniyong sumisira sa iyo sa pamamagitan ng mga salita at mga gawa. Nguni’t ang bagong salitang ito ay ilalantad/maibubunyag ang demoniyo ni Dyesebel sa mga taong tumuturing sa kanilang mga sarili na Banal at gayunman ay walang kabanalan sa kanila. Sila ay aatake/sasalakay sa iyo at gayunman AKO, si YAHUSHUA ay poprotektahan ka, sapagka’t ikaw ay AKIN.
Gaya ng si Elias nang unang panahon ay naprotektahan mula kay Dyesabel at Ahab, ganoon rin kayo, ganoon rin ang proteksyon ng lahat ng Nobiya ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Ngayon na ang oras para lumabas ang Kalasag na mga Babae (Shield Maidens) at takpan/balutin ka sa kanilang mga panalangin, pagmamahal, at suporta, sapagka’t sila rin ay aatakihin/lulusubin nang sabay-sabay habang hahakbang/magpatuloy sila sa pananampalataya at makipag-ugnayan sa iyo. Ibinibigay KO sa kanila ngayon ang utos: Ang mga taong/yaong nababatid na sila ang Nobiya ni YAHUSHUA lumabas/pumarito at magtipon-tipon kasama ng Ringmaiden na ito kung saan AKING pinapakawalan ang salitang ito. Protektahan siya as pamamagitan ng inyong mga kumakalingang pananalangin, ng [mga] nakapanghihikayat na mga salita, at suporta at magsama-sama upang siya ay maaring magkapanghikayat at mag-alaga at suportahan rin kayo laban sa mga atake ng kaaway ng inyong isipan, katawan, espiritu, at kaluluwa. Narito ang isang sekreto: Kagaya ng mayroon AKONG [mga] Nobiya, ganoon rin si satanas at kapag ang Banal na Gintong mga Agila ay nagtipon-tipon, ganoon rin ang mga buwitre ay nagtipon-tipon.
Nobiya ni YAHUSHUA, kailangan ninyo ang isat-isa, sapagka’t ang inyong mga kaaway ay malaki ang bilang. Maraming taon na ang nakalipas, binigyan KO ang Babaeng Lingkod na ito ng isang mensahe sa loob ng dalawang mga panaginip, pabalik-balik. “Tipunin ang mga hukbo sa pader/kuta.” Ito na ngayon ang yaong hinirang na oras; huwag makaligtaan ang araw ng iyong pagdalaw/pagbisita sa isa’t-isa. Ngayon Elisabeth [Elisheva], maging matapang kagaya ni Elijah noong unang panahon [as Hebreo, Eliyahu] at sabihin ang mga salita na AKING inutos sa iyo na isulat at sabihin, at huwag mabahala/mangamba sa mga taong gaya ng mga espiritu, kagaya ng isang Dyesabel at Ahab. Nguni’t alamin na ang yaong umaatake sa iyo dahil sa pagsunod sa AKIN ay magdurusa sa parehong kapalaran kagaya ng isang Dyesabel at Ahab at ang mga propeta ng Baal, sapagka’t ang mga yaong umaatake sa iyo ay inaatake/sinasalakay ang isa na nagpapahid sa iyo upang magsalita. Mag-ingat kayong may espiritu ng mga Pariseo bago ninyo lusubin ang AKING minamahal, kayo ay mas mabuting suriin ang inyong sariling mga puso. Sinuman ang hindi sumasang-ayon sa Propetik na Salitang ito, dalhin ito sa Hukom ng lahat ng nilalang (Judge of all Creation), sapagka’t sumusunod lamang ang AKING minamahal. Ang mga ito ay hindi niya salita kundi sa AKIN at ang mga taong may espirituwal na mga tainga upang makarinig at makinig, hinihiling KO sa inyo na hikayatin siya/palakasin ang loob niya at ipaalam sa kanya.
Bangon Nobiya ni YAHUSHUA, bilang ang 5 marunong na mga Birhen sa parabula na AKING ibinigay sa Mateo 25:1-13 at ihanda ang inyong sarili, sapagka’t ang inyong malapit ng dumating na Nobiyo at MESIYAS ay paparating ng napakabilis. Manalangin na kayo ay mapabilang na karapat-dapat na maging tawaging Nobiya ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Huwag itong ipagwalang bahala/huwag belawalain. Huwag maging mayabang/mapagmalaki, sapagka’t matutuklasan ng ilan na sila ay ang mga Bisita at hindi ang Nobiya para sa kadahilanang ito. Napakarami ang naibigay, higit pa ang inaasahan.
AKO si YAHUSHUA ang Mabuting Pastol at ang AKING Nobiya ay hindi pupunta sa alinmang Guro/Amo. Kagaya ng nasusulat, sinasabi KO ang AKING mga sekreto sa mga Propeta at kaya ibinabahagi KO ang mga lihim ngayon kasama ang AKING minamahal na Nobiya at ang mga Pinarangalang Bisita na mga inanyayahan sa Kasalang Hapunan ng Kordero. At tanging yaong mga dumalo, ang kanilang mga pangalan ay matatagpuan sa Aklat ng Buhay ng Kordero, na nakasulat bago ang pundasyon ng mundong ito.
Pagsikapan ninyong humarap ng subok habang kayo ay magnilay-nilay (meditate) kung bakit si Enoch, Elias, Elisha ay may malaking kahalagahan. AKO, si YAHUSHUA, ay ituturo sa inyo ngayon na ito ay nauugnay/mahalaga sa Nobiya ni YAHUSHUA. AKING sinasabi ang rebelasyong ito. Masdan, ito ay isang bagong bagay. Ang Aklat ni Enoch ay hindi napabilang kasama ng mga Aklat na nasa Bibliya at gayunman ibinibigay KO sa inyo ang utos na hanapin ang librong ito at pag-aralan ito at pahintulutan si YAHUVEH na turuan kayo ng mga katotohanang bihirang itinuturo, sapagka’t mayroong mga aklat na dapat na isinama sa Banal na Bibliya at sanadyang/nilayong hindi isinama sapagka’t ang mga ito ay magiging masyadong nakasasakit/mapagtatalunan (confrontational). Hindi ang lahat ng tinatawag na nawawalang mga aklat ng Bibliya, nguni’t [mayroong] iilan. Kailangan ninyong gamitin ang pag-aninaw/kaunawaan (discernment) kung aling mga aklat ay mula sa Banal na Espiritu at Katotohanan at kung alin ang gawa ng tao. Tanungin ninyo ang iyong sarili, bakit maglalagay ang Tagapaglikha ng 66 na mga aklat sa Bibliya, sapagka’t ito ay hindi isang banal na numero. Anim ay ang numero ng tao, ang 666 ay ang numerong nauugnay sa antikristo.
Sinasabi KO ito sa mga taong may Espirituwal na mga tainga upang makarinig at makinig, ang lahat ng iba ay mananatiling bingi at kukutyain ang kung ano ang hindi nila naintindihan. Katotohanang sinasabi KO sa inyo, binibigyan KO kayo ng malakas ng espirituwal na karne upang kainin. Ito ay hindi para sa Mahihina sa Espirituwal! Si Elias ng unang panahon ay isa lamang anino ng paghuli/pagtangay (catching away) ng Nobiya ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Si Elias ng unang panahon ay alam kung ano ang misyon na kailangan niyang matapos at alam na hindi siya mamamatay sa panahon na iyon. Si Elias ng unang panahon ay alam kung ano ang araw, oras at minuto na si YAHUVEH ay magpapadala ng Nag-aapoy na Karo (Chariot of Fire) upang kunin siya patungo sa Langit. At si Elias ng unang panahon ay alam na nung una pa lamang kung sino ang mapaparangalan na makita ito ng kaniyang sariling mga mata at ang pangalan ng lalaki ay Elisha. Si Elias ng unang panahon ay kinuha patungo sa Langit sa pamamagitan ng transportasyon ng Langit at ganoon rin ang Nobiya ni YAHUSHUA ay kukunin kapag AKO, si YAHUSHUA, ay personal na dumating para sa inyo AKING minamahal na Nobiya. (2 Mga Hari 2:1-14)
Basahin muli ang lahat na mga Propesiya at makikita ninyo na sa maraming mga taon tinawag KO si Elisabeth [Elisheva] na AKING Elias ng kasalukuyan [sa Hebreo, Eliyahu]. Oo, ang kanyang legal na apelyido sa pagkadalaga na pangalan ay Elias [sa Hebreo, Eliyahu], nguni’t hindi iyon ang dahilan kung bakit KO ito ginawa. Kamakailan lamang niya nalaman ang dahilan at ito ay higit pa sa pagpapadala sa kanya sa mga babaing balo ng Zarephat upang subukan sila. At hindi nila ito alam sapagka’t hindi pa dumating ang kanilang taggutom, hindi lamang ito ang dahilan kagaya ng nakasaad sa maraming mga propesiya na AKING sinabi sa pamamagitan niya. AKO ay nagsalita sa kanya na na kaniyang naririnig noong [araw ng] Passover, ika-5 ng Abril (isang araw pagkatapos ng kanyang kaarawan) at sinabi sa kanya, ginigising siya ng mga salita na hindi niya naiintindihan at tanging sa pamamagitan ng mensaheng ito ay higit na mauunawaan na “Ikaw ang AKING Ringmaiden.”
Katotohanang sinasabi KO sa kanya at sa inyo na may espirituwal na mga tainga upang makarinig at makinig. AKO si YAHUSHUA ay tinatawag siyang AKING Elias ng kasalukuyan [sa Hebreo, Eliyahu] at ihahayag/ipapahayag ang mga sekretong rebelasyong ito na ibinigay sa kanya mismo mula sa Langit upang maging isang biyaya sa kanya, pati na rin sa tunay na Nobiya ni YAHUSHUA ha MASHIACH. Kagaya ng si Elias ng unang panahon ay alam na kung kailan aasahan ang kabayo ni YAHUVEH na inaakay [ang] nag-aapoy na Karo (Chariot of Fire) upang kunin siya patungo sa Langit at alam niya ang eksaktong oras at araw at handa at maagang binigyan ng babala si Elisha na siya ay pagmasdan. Si Elias ng unang panahon ay ang anino ng kung ano ang mangyayari sa Nobiya, kaya bakit AKO gagawa ng anumang kulang para sa Nobiya ni YAHUSHUA?
Una KONG ipapadala si Archangel Michael na pumunta/dumating at linisin ang daan/landas para kay Angel Gabriel na dumating at sabihin sa kanya. Sinabi KO sa kanya na maghintay para sa kapanganakan ng pagpapahayag ng petsa na darating si YAHUSHUA para sa KANYANG Nobiya, pagkatapos isa sa kanyang mga utos ay maging bilang AKING Ringmaiden upang ipahayag/patunugin ang balitang ito sa buong mundo sa lahat ng Piling tao (Elite) na tinatawag na Minamahal na Nobiya ni YAHUSHUA. Liyag tanungin ninyo ang inyong sarili ng tanong na ito, at muli basahin ang Mateo 25:6-7 at pakinggan ito ngayon sa pamamagitan ng mga Banal na tainga sapagka’t sanasabi nito, “At sa Hatinggabi ang isang pag-iyak/pagsigaw ay narinig, pagmasdan, ang Nobiyo (Bridegroom) ay paparating, lumabas upang salubungin SIYA. Pagkatapos, ang lahat ng mga dalaga ay bumangon upang ayusin/ihanda ang kanilang mga ilawan.” Katotohanang sasabihin KO sa inyo, isang tao ang napili upang maging mensahero upang ipahayag/patunugin ang yaong sigaw/pag-iyak na maririnig ng buong Nobiya ni YAHUSHUA. At AKING pinili ang Ringmaiden na ito upang magkaroon ng karangalang ito.
Kung ano ang ginawa ni YAHUVEH para sa AKING Ina na si Miryam (Mary) kapag AKO, si YAHUSHUA ay dumating sa daigdig/lupa, ay AKING gagawin para sa AKING Nobiya at magpapadala ng mga Anghel kay Elisabeth [Elisheva] upang ipahayag na ang Nobiyo (Bridegroom) ay darating. Ihanda ninyo ang inyong sarili at maghintay sa AKIN sa petsa/araw na ito, sapagka’t AKO ay darating upang itanan/itakas ang AKING [mga] Nobiya. Muli, sinasabi KO sa inyo, si Elias ng unang panahon ay isa noong anino ng AKING nobiya na kinuha, at ang AKING [mga] Nobiya ay mabibigyan ng isang bagong pagbubuhos ng pagpapahid habang nasa daigdig na ito bilang isang sukatan laban sa kasamaan na darating laban sa inyo nang hindi kagaya ng ibinigay noon. Ang Lahat ng AKING Nobiya ay malalaman na ang mensaheng ito ay tunay/totoo, sapagka’t [para sa] ilan ay alam na ito ay mangyayari at labis na naghihintay para sa anunsyong ito na dumating sa apat na sulok ng daigdig kung saan KO itinago ang AKING Nobiya.
Ang petsang ito ay sasabihin nang lihim at tanging sa AKING mga tunay na Nobiya [lamang] niya ito sasabihin. Hindi ninyo kailanman makikita itong nakapaskil sa kahit saan maliban na lamang kung ito ay ginawa na walang pahihintulot KO, at kapighatian sa Hudas na gagawa ng gayong bagay, sinusubukang ilagay sa panganib ang AKING Nobiya. Kayo na magtatangkang gawin ito ay magdudurusa sa parehong kapalaran ni Hudas. Huwag ninyong isipin na hiningi ito ni Elisabeth [Elisheva], sapagka’t tunay na sasabihin KO sa inyo, nagpadala AKO sa kanya ng napakaraming Propeta pagkatapos ng mga Propesiyang 74 at 75 upang sabihin sa kanya na ito ay mangyayari, at sinabi niya na hindi siya karapat-dapat para sa karangalan na ito.
[Ang mga manggagawa sa Ministri] at siya ay sumagot, ang Ministri na ito ay hindi kailanman ginustong maging isang tagatakda ng petsa/araw at katotohanang sasabihin KO sa inyong dalawa, hindi kayo ang tagatakda ng petsa. Walang sinuman ang kailangang tumanggap sa salita ng mga kalkulasyon na ibinigay sa isang lalaki o babae lamang. Ang mga anghel ay ipapadala mula sa AKING Trono upang ipahayag ang Petsa, kaya ang AKING Nobiya ay magiging katulad ng 5 matalinong mga birhen at magiging handa para sa kanyang MESIYAS na Nobiyo na darating. Sa mga taong nagsasabi, “Nguni’t ito ay nakasulat na walang tao ang makakaalam sa araw o oras,” ito ay totoo, kapag ang kasulatan ay naisulat ng mahigit sa 2000 taon na ang nakalipas, ano ang magiging halaga nito? Bakit ilalabas ni AMA YAHUVEH ang libu-libong taon nang maaga sa petsa kung kailan AKO, si YAHUSHUA, ay darating para sa AKING Nobiya kagaya ng nakasulat sa Mateo 25:1-13. Anong layunin ang maidudulot/maihahatid [nito] upang biguin ang mga yaong maaaring/kailangang maghintay?Tandaan Liyag, kahit na ang 5 hangal na mga birhen ay alam na ang Nobiyo ay darating nguni’t [sila] ay nahuling hindi handa. Ang Parabula na isinalita ay nagpapakita sa 5 hangal na mga birhen na walang pagpapahid at nagmasid at naghintay kasama ng mga taong may pagpapahid (anointing) upang malaman kung kailan darating ang Nobiyo. Ang Parabulang ito ay nagpapakita rin kung paano KO binalaan ang 5 hangal na mga birhen na inakalang ang pagpapahid (anointing) ng Nobiya ay maaring bilhin ng pera, iyon ay hindi ipinagbibili at alam ito ng [mga] Nobiya, at kinukutya ang mga yaong nagiisip na ang mga regalo ni YAHUVEH ay ipinagbibili.
Nang ang 5 hangal na mga Birhen ay dumating, ang Nobiyo at Nobiya ay tumakas/nagtanan [na]. Nang kinatok nila ng malakas ang mga pinto ng Langit upang papasukin kasama ng Nobiyo at Nobiya, sila ay pinalayo/pinalayas na umiiyak habang sinabi ng Nobiyo (Groom), “Lumayo mula sa AKIN, hindi KO kayo kailanman nakilala.” Hindi lahat ay angkop na maging Nobiya; mayroong napakataas/mahigpit na mga kwalipikasyon/katangian. At ang 5 hangal ay hindi KO kinilala bilang AKING Nobiya. Gayon pa man, nag-iiwan AKO sa kanila ng isang babala at iyon ay hindi alam ng 5 hangal na mga Birhen kung kailan AKO babalik para sa mga Bisita, at mas mahusay na dapat sila ay maging handa maliban na lamang kung AKO, si YAHUSHUA, ang MESYAS/NOBIYO ay darating muli at matatangpuan na ang mga Bisita ay natutulog o walang langis sa kinalang mga ilawan. (Mat 25:1-13) Ang lahat ng mga 5 hangal na mga Birhen ay susubukin sa apoy ng pagdurusa/pagdadalamhati at ilan ay lalabas bilang ginto, ang ilan ay magiging martir, ang ilan ay mananatili, at ang ilan ay magiging kasama KO na kukunin. Ang ilan sa mga 5 hangal na mga birhen ay mga bisita/panauhin at hindi natagpuang angkop na maging Nobiya ni YAHUSHUA.
Hindi KO dadakpin/huhulihin ang AKING [mga] tunay na Nobiya na hindi nila nalalaman/namamalayan, sapagka’t maririnig niya ang Shofar na tambuli na hinihipan at siya/sila ay magigising sa Daing/Iyak na ito na AKING patutunugin mula sa AKING RingMaiden na ito. Tandaan, hinahangad ni satanas na unahan AKO, kaya huwag malinlang/magpalinlang sa huwad na petsa at kapighatian sa kahit sinumang tinatawag ang kanilang mga sarili na AKING RingMaiden {Babaeng Tagapaglingkod} bukod sa sa isang AKING pinahiran, na AKING ginagamit ngayon upang magsalita bilang AKING bibig. Magkakaroon ng isang pagpapahid na hindi maaring mapeke/maging huwad kapag ang mga Anghel ay dinala ang mga mensaheng ito upang ang Tunay na Nobiya ni YAHUSHUA ay magsilang ng isang pagbubuhos ng isang pagpapahid mula sa Langit na hindi katulad ng iba hanggang ngayon. Ito ay magiging ang una at ang huling ulan na pagpapahid na pinagsama-sama, kombinasyon ng dobleng bahagi ng pagpapahid ni Elias. Kahit na ang inyong mga Anino ay magpapagaling sa MAKA-DIOS, sapagka’t ang AKING nakapagpapagaling na balsamo ng Gilead (healing balm of Gilead) ay magiging nasa AKING buong Nobiya (entire Bride). Nagsalita AKO ng naririnig [na literal] ni Elisabeth [Ellisheva] ang mga salita, taon na ang nakakaraan: “Regalo ng Pagpapagaling, Tunog ng Trumpeta.” Hindi niya kailanman nalaman ang ibig sabihin ng mga salitang ito hanggang ngayon.
Kagaya ng isang Shofar na Tambuli ay hinihipan sa isang Hudyong Kasalan upang ipahayag ang Nobiyo, gayon rin AKO, si YAHUSHUA ay hihipan ang Shofar na Tambuli upang ipahayag ang AKING pagdating para sa AKING minamahal na Nobiya makinig para sa Shofar na Tambuli na iyon, ito’y hindi malayo. AKING naipropesiya sa pamamagitan ng Ringmaiden na ito na AKO ay babalik muli sa isang Sabbath (araw ng pagpapahinga [Sa paglubog ng araw ng Biyernes hanggang sa paglubog ng araw ng Sabado]) at AKO ay nagsalita sa kaniya, “Paano KUNG sa Rosh ha Shanah ay ang araw na AKO ay darating,”hindi pa ninyo alam kung aling [araw]. AKIN ring naipropesiya sa pamamagitan niya at nagsabi sa kanya ng may tinig (audibly), “Unang isang masidhing kagalakan pagkatapos ay isa pa para sa mga taong AKING minamahal.” (First one rapture then another for those that I love) Ang mga panauhin nasa yaong pangalawang paghuhuli/pagtakas sa parabola/talinghaga ng sampung mga birhen; ang pangalawang pagkakataon ay ibinibigay sa [mga] hangal na kung tawagin ay Nobiya iyan ay noong sinabi KO sa kanila na magmasid ngayon, sapagka’t hindi ninyo alam kung anong oras AKO darating muli.
Kinakailangan ni Elias ng unang panahon na baguhin ang kanyang katawan sa isang sandali, sa isang kislap ng isang mata, sapagka’t ang mga mortal na mga katawan ay kailangang magbihis ng immortalidad na mga katawan upang makapasok sa Kaharian ng Langit kaya gayundin ang AKING Nobiya. Binaba ni Elias ng unang panahon ang kanyang Kapa (panalanging alampay), ang kanyang kasuotang damit na kanyang sinuot. (II Mga Hari 2:12-13) Katulad ninyo na [mga] Nobiya ni YAHUSHUA ay hindi na mangangailangan ng inyong makamundong mga damit kapag AKING binago ang inyong mga damit sa pinakamagandang kumikislap, maningning na Puting Mahabang damit (White Robe) na walang makamundong damit o kasuotan ang maaring magsimulang maihambing. Sapagka’t kayo ay magniningning na kagaya ng pinakamakinang na brilyante na ang mundong ito ay makikita. AKO ay maglalagay ng isang tiyara sa ibabaw ng ulo ng mga babae bilang ang AKING minamahal na Nobiya ay pinapaganda at ang mga lalaki ay magkakaroon ng isang korona na puno ng mga mamahaling bato na walang makakahambing sa mundong ito.
Ito ay ang mga sekreto na AKING ibinabahagi sa inyo tulad ng aklat ni Daniel na AKING sinelyado/ikinubli hanggang sa panahon ng kawakasan ng salinlahi/henerasyon. Tanungin AKO at sasabihin KO sa inyo ang higit pa sapagka’t ibinabahagi KO ang mga sekretong ito sa AKING Nobiya at hindi KO ibinibigay ang lahat ng AKING mga rebelasyon sa isang tao o propeta, kaya ibahagi sa Mensaherong ito na sinasabi ang AKING mensahe bilang isang biyaya sa inyo. Pagpalain rin ninyo siya at ipaalam sa kanya kung gaano ninyo nababatid ang AKING pagpapahid at mga rebelasyon na AKING ibinigay sa inyo. Ang ilan ay binigyan KO ng mga panaginip at ang iba ay mga pangitain at ang iba ay mga propetik na mga salita. Ngayon na ang oras para ang Nobiya ay magsama-sama. AKO ay naglalabas ng isang Malinaw na panawagan (Clarion Call). Kung hindi kayo maaaring magkasama sa laman (flesh), maaari/pwede kayo sa ibang mga paraan. I-email o sulatan siya. Mayroong mga taong nagbabasa nito na nababatid ang isang taong kakilala nila ay ang Nobiya ni YAHUSHUA at gayunman ang taong ito ay hindi maaari makita ito, kaya ibahagi ito sa tao na iyon at [sabihin sa] kanila na sulatan ang AKING babaeng tagapaglingkod, sapagka’t siya [Elisheva] ay magkakaroon ng isang regalong pag-unawa/pagbabatid (discernment) kung sino ang Nobiya at sino ang Pinarangalan na mga Bisita/Panauhin pagkatapos magpakita ni Anghel Gabriel sa kanya, AKO ay minsan ng ipinakita sa kanya noong una pa ang mga ito.
Si Elias ng unang panahon ay mayroong isang pagpapahid noon na pumatay ng mga propeta ni Baal pati na rin sa mga kaaway na naghahanap/naghahabol sa kanya at [kaya] gayon rin kayo. Ang Tunay na [mga] Nobiya ni YAHUSHUA ay magkakaroon rin ng parehong pagpapahid upang tumawag ng Apoy mula sa Langit na lalamun sa inyong mga kaaway. Kayo, ang Tunay na [mga] Nobiya ni YAHUSHUA ay makikipaglaban rin at magtatagumpay sa digmaan laban sa mga Dyesebel na mga demoniyo. Ang kapalaran ng mga tao na sumusubok at winawasak ang AKING tunay na mga Propeta at Nobiya sa pamamagitan ng pagtatangkang pagurin sila ng mga makademoniyong mga Espiritu ni Dyesebel at Ahab ay magdurusa sa parehong kapalaran gaya ng mga propeta ni Baal, pati na rin ng mga kaaway ni Elias ng unang panahon. Kayo, ang Nobiya ni YAHUSHUA ay gagawin kung ano ang ginawa ni Elias ng unang panahon noon at mas higit pa bago ninyo iwan ang daigdig na ito. At pagkatapos ninyong bumalik mula sa Langit, kayo ay pagkakalooban ng bagong mga kapangyarihan kasama ng inyong mga [Banal] na mga kautusan sa Langit upang maisagawa kagaya ng bahagyang nakasaad sa Rebelasyon 14. Ang iba ay sekreto [muna] sa ngayon, hindi natin kailangan ipaalam sa mga kaaway ng maaga. Kayo AKING minamahal na Nobiya, ay aawit ng isang kanta na hindi katulad ng iba at ituturo KO ito mismo sa inyo.
Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay magiging pangunahing mga prutas/bunga na tinubos mula sa daigdig na ito bago ang dakilang araw ng kapootan ni YAHUVEH na tinatawag na Malaking Kapighatian. Kayo na Nobiya ni YAHUSHUA ay magpakailanman ang katapatan at tunay sa inyong MESIYAS at Nobiyo. Kayo na Nobiya ni YAHUSHUA ay magkakaroon rin ng gantimpala upang makapunta sa kahit saan sa mundong ito at hindi mangangailangan ng makamundong transporsyon. Kailangan KO bang ipaalala sa inyo kung paano ang ilan sa AKING mga disipulo ng unang panahon ay walang niluwalhating katawan (glorified body) at gayunma’y maaari nilang gawin ang gayon? (Mga Gawa 8:27-40) Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay maaaring magkaroon ng iba’t-ibang anyo kagaya ng AKO, si YAHUSHUA ay ginawa pagkatapos ng AKING muling pagkabuhay. Ang AKING sariling mga Apostol ay hindi nakilala ang kanilang Amo (Master).
Katotohanang sinasabi KO sa inyo, kagaya ng si Elisha ay pinatotohanan sa pamamagitan ng kanyang sariling mga mata at nakita si Elias ng unang panahon na kinuhang paitaas ng bagon na hila ng kabayo na nag-aapoy na karo, sapagka’t tumanggi si Elisha na iwan/talikuran siya at siya [Elisha] noon ay nasa kanyang tabi nang kinuha siya [Elias], nakatanggap siya [Elisha] ng dobleng porsyon/bahagi ng pagpapahid kagaya ng naipropesiya ni Elias ng Unang Panahon. Naririto ang isang misteryo: Nagtaka/naisip ba ninyo kung bakit si Elisha ay naihiwalay/naiwan at hindi kinuha sa Karitela ng Apoy kasama ni Elias ng Unang Panahon?(2 Mga Hari 11). Ito ay dahil si Elisha noon ay isang anino ng 12 na mga Tribo ng Israel sa Rebelasyon/Apocalipsis 7 at si Elias ay isang anino ng AKING Nobiya sa Rebelasyon/Apocalipsis 14. Gayon rin ang naselyado/naibuklod na 144,000 mula sa 12 na mga tribo ng Israel ay mapoprotektahan at naibuklod/naselyuhan sa daigdig na ito gaya ng nasusulat sa Rebelasyon 7 sa pamamagitan ng isang Anghel mula sa Langit. Ang mga sandata ng tao ay hindi makakapinsala sa kanila ni makakalapit ang mga salot sa kanila, sapagka’t sila ay hindi nakatakda sa galit ni YAHUVEH. Sila ay mananatili sa ilalim ng Grasya/biyaya ni YAHUSHUA, ang Dugong lahi (bloodline) na ginuhit ni YAHUSHUA sa Kalbaryo at hindi makakatawid si satanas sa dugong lahi na iyon. Ang mga 144,000 na ito ay makikita/matatanaw ang mantel/kapa ng Nobiya habang ang pagpapahid ay nahuhulog sa kanila sa isang paraan na hindi nila kailanman nalaman.
Katotohanang sinasabi KO sa inyo na si Enoch ay isang Anino ng Nobiya ni YAHUSHUA. Sapagka’t si Enoch ay dinala sa Langit, sapagka’t siya ay nagkaroon ng patotoong ito. Hindi siya namatay nguni’t dinala sa Langit, sapagka’t siya ay natangpuang nakalulugod kay YAHUVEH. Kaya ganoon rin kayo ang Nobiya ni YAHUSHUA ay dadalhin, sapagka’t kayo rin ay magkakaroon ng patotoo na pinahahalagahan mo si YAHUVEH ang Ama ng lahat ng Paglikha pati narin AKO, si YAHUSHUA, ang KANYANG Anak, sapagka’t kayo ay sumusunod at pinananatili ang inyong mga sarili na Banal na walang dungis o kulubot. Ito ang dahilan kung bakit KO sinabi kay Elisabeth [Elisheva] sa isang panaginip na sauluhin ang mga Hebreo 11:5. Kayo na [mga] Nobiya ni YAHUSHUA, ang magdadala kay YAHUVEH at sa AKIN, na si YAHUSHUA at ang RUACH HA KODESH, na tinatawag rin ng ilan na ang BANAL NA ESPIRITU, ng walang kahihiyan. AKING Nobiya, hindi lamang ninyo sinusunod ang 10 kautusan, sapagka’t anong hamon ang nasa loob nito? AKING bibitawan sa inyo ang mga pangunahing katangian kung paano ninyo malalaman kung kayo ay AKING Nobiya o kung kayo ay magiging Pinarangalan na mga Bisita/Panauhin sa Kasalang Hapunan ng Kordero sa mensahe ng panahon ng pagwawakas para sa AKING Nobiya at Pinarangalan na mga Bisita/Panauhin. Ang mensaheng ito ay hindi para sa pagano maliban na lamang upang bigyan sila ng babala.
Mag-ingat sa sinumang umaangkin/nagsasabi na sila ay AKIN, at gayunpaman ay inaatake/sinasalakay ang propetik na salitang ito, sapagka’t kanilang pinapatunayan kung anong masamang espritu sila at pinapatunayan na ang makademoniyong espiritu ng Dyesabel ay inaatake ang AKING Ringmaiden na AKING pinahiran upang marinig ang AKING Tinig gayundin ang [mga] Nobiya pati na rin ang mga panauhin sa Kasalang Hapunan ng Kordero ay pagpapalain at mahihikayat/lalakas ang loob. Si satanas lamang ang magpapadala ng kanyang mga lobo na nakabihis bilang isang tupa upang atakihin ang AKING Apostolik Propetik na RingMaiden, na nagngangalang Elisabeth Sherrie Elijah [Elisheva Eliyahu]. Ginagamit KO ang kanyang buong pangalan para sa AKING sariling mga dahilan na hindi ikinababahala ng sinuman kundi ng mga kaaway na naghahangad ng kanyang pagkawasak, na ginagamit ang kanyang mga pangalan habang sila ay naghahagis/nagtatapon ng [kanilang] mga sumpa/pangkukulam.
Katotohanang sinasabi KO sa inyo, ang sinumang nagsasabi na kanilang Sinasamba at inilalagay si YAHUVEH at YAHUSHUA una sa kanilang mga buhay at pagmamahal, at gayunman ay nahihirapan na sundin ang Torah/Batas kung saan kabilang ang 10 Kautusan, ay may seryosong espirituwal na problema at kailangang mabatid na ito ay ang inyong kaluluwa ay nakataya. Bago ninyo tinanggap AKO bilang inyong MESIYAS at tinanong/hiniling na AKO ay pumasok sa inyong puso at sakupin ang inyong buhay, mayroon ka noong dahilan. Nguni’t ngayon wala na. Magsisi na ngayon bago ito’y huli na. Ang tukso ay hindi kasalanan nguni’t mag-ingat, sapagka’t ang kasalanan ay pumapasok una sa isipan at pagkatapos ay sa pamamagitan ng mga pagkilos ng inyong katawan. AKING Nobiya, kayo ay Banal at namumuhay ng Banal bilang isang halimbawa ng inyong MESIYAS. Kayo ay nagsasalita ng Banal at ang inyong isipan ay palaging nasa Pag-ibig ng inyong buhay at iyon ay si ABBA YAHUVEH at AKO si YAHUSHUA. AKING Nobiya, hindi ninyo sinasadya/intension na magkasala, sapagka’t hindi ninyo nais na AKO ay magdalamhati ni bigyan si satanas ng isang dahilan upang akusahan kayo o bigyan AKO ng kahihiyan.
AKING minamahal na Nobiya, kayo ay binubuo ng kapwa lalaki at babae. Kayo ay tinatawag na isang birhen, sapagka’t kayo ay lumabas sa ginawa ng tao na mga doktina at tinakasan ang mga simbahan ng Babilonia. AKING Nobiya, hindi kayo natatakot na ilantad ang kasamaan, kahit na ito ay nasa mga simbahan at ilantad/isiwalat ang nagkomprimisong mga Pastor ng mga simbahan at ang mga taong tinatawag ang kanilang mga sarili na mga Rabbi na nagkipagkasundo/nakipagkompromiso rin. Ito ay kasamaan sa AKING paningin. Kayo, AKING Nobiya, ay hindi mananatiling tahimik at kapag higit na ang mga pagano at mga Pariseo pati na rin ang Mala-hiningang mga Kristiyano (Lukewarm Christian) at ang 6 na mga simbahan na nabanggit sa Pahayag (Revelation) ay subukang busalan kayo, mas lolo kayong sumisigaw. AKING minamahal na Nobiya, kayo na nagpupuri, naglilingkod, nagmamahal at sumasamba, nagnanais ng higit sa lahat na maglagay ng isang ngiti sa mukha ni ABBA YAHUVEH, palugdan SIYA (pleasing HIM) gayundin ang inyong MESIYAS at malapit ng dumating na Nobiyo. AKING Nobiya, alam ninyo ang pagsunod kay YAHUVEH at YAHUSHUA ay Pagmamahal at pinapatunayan ninyo ang inyong pagmamahal at katapatan sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos ni YAH.
Ano ang presyo/halaga ng inyong kaluluwa? Mayroong mga huwad na mga guro sa mundong ito na nagsasabi sa inyo na ito ay imposible na sundin ang Sampung mga Batas at sinasabi KO sa inyo na ang huwad na mga guro na ito ay ipinadala mula kay satanas upang iligaw kayo patungo mismo sa impyerno. Bakit ninyo AKO tinatawag na Amo at hindi AKO sinusunod? Hindi ba nasusulat, “Maging Banal Ka kagaya ng AKO ay Banal”? Hindi KO ba inilaan ang [isang] halimbawa para sa inyo? Ito ay ang pagpapahid na bumabali sa lahat ng mga pamatok (yoke) at mga pagkalipin at AKING ipinadala ang [tagapagbigay ng] ginhawa na nagngangalang RUACH ha KODESH, na tinatawag rin na BANAL NA ESPIRITU, upang akayin kayo patungo sa lahat ng katotohanan at upang turuan kayo pati na rin ang magpataw/konsensiyahin (convict) kayo kapag kayo ay nagkamali. Ito ay ang RUACH HA KODESH na mag-iiwas/maglalayo sa inyo mula sa pagkakasala laban sa AKIN.
Ang Nobiya ni YAHUSHUA ay hindi nahihirapan/nakikipagpunyagi na panatilihin ang Sampung Kautusan, sa halip ay inyong binabantayan ang mga ito at ipinagtatanggol ang mga ito nababatid na si YAHUVEH ang nagsulat ng Sampung mga Batas na ito sa isang tableta ng bato ng KANYANG sariling daliri at hindi NIYA binago ang mga Batas ni tinapon ang kahit anuman sa kanila. Ang mga tao ang nagbabago ng mga Batas, hindi si ABBA [AMA] YAHUVEH na Tagapaglikha ng mga Batas na ibinigay kay Moses sa Bundok na Sinai. Si YAHUVEH ay ang Tagapaglikha ng Sabbath at inutusan ang lahat ng [mga] nilalang/nilikha na parangalan/igalang ito noong SIYA ay nagpahinga sa ika-7 araw pagkatapos likhain ang lahat ng nilalang/nilikha. Ang Sabbath ay panghabang-buhay, walang katapusan, at kahit na sa Paghahari ng Milenyo (Reign of the Millenium) ay mapaparangalan.
Katotohanang sinasabi KO sa inyo, ang tunay na Nobiya ni YAHUSHUA, alam ninyo ang lahat nang ito at ang tanging hangarin ninyo ay sundin ang bawat salita ni YAHUVEH at AKO ang Salita iyon na nagkatawang-Tao (made flesh). AKO ay ang Buhay na Torah. Katotohanan na sinasabi KO sa inyo na kayo, ang Nobiya ni YAHUSHUA ay naghahangad na sundin at gagawa ng higit pa, gagawin ang lahat anuman ang mangyari upang sundin si ABBA YAHUVEH, upang gawin kung ano ang itinuturing ng iba na hangal tulad ng pagobserba ng mga Araw ng Banal na Pista at pagpapanatili ng tunay na Sabbath at tumakas sa mga relihiyong ginawa ng tao na binago ang Sabbath upang maging Linggo. AKING Nobiya alam ninyo ang anumang masama o tiwali/baluktot ay hindi Banal at [ito ay] isang kasuklam-suklam kay YAHUVEH tulad ng pagpapalaglag, homoseksuwalidad at mga kasalan ng parehong kasarian (same sex marriage). AKING Nobiya, hindi kayo nananatiling tahimik kundi malakas na nagpoprotesta/lumalaban sa mga bagay na ito at sinusumpa ang sinumang hindi gumagawa nito, tinatawag silang isang duwag at isang hipokrito.
Ito ba’y kataka-taka na ang mga Hudyo at mga Taga-Israel ay hindi makikinig sa mga Kristiyano, sapagka’t alam nila na walang Anak ni YAHUVEH na nagsasabi na SIYA ang Hari ng mga Hudyo at ang Mesiyas ay itatapon ang Sabbath at magtuturo na anumang araw ay pwede/maaari, noong ito ay ika-7 araw na si YAHUVEH at AKO ay nagpahinga pagkatapos gumawa ng [mga] paglalang/paglikha? Bakit ninyo tinatawag ang inyong sarili na mga Kristiyano, na AKO ay nilalapastangan sa pamamagitan ng pagbali/hindi pagsunod sa mga Batas ng Torah na ibinigay kay Moses at hindi parangalan/igalang ang Banal na mga Araw na pinasya ni YAHUVEH na maging Banal sa KANYA? Hindi KO ba sinabi na AKO ay hindi dumating upang ipawalang-bisa ang mga batas ng mga propeta ng unang panahon nguni’t upang tuparin sila?
Katotohanan na sinasabi KO sa inyo na tinatawag ang inyong mga sarili na Kristiyano, inyong pinapasakitan AKO si YAHUSHUA mas-higit pa kaysa tulungan AKO kapag kayo ay kumikilos sa ganitong paraan. Ano ang magiging dahilan ninyo sa oras ng tumayo kayo sa harap KO, isang maling pagsasalin at maling pagkakaunawa sa Banal na kasulatan? Ang Tunay na Nobiya ni YAHUSHUA ay hindi makokompromiso/makikipagkasundo sa kung ano ang alam niya na totoo. Siya ay matapat sa kanyang YAH na pinaglilingkuran. Katotohanang sinasabi KO sa inyo, ang AKING Nobiya ay kailangan na maygulang sa espirituwal (spiritually mature), na nasa hustong gulang na para mag-asawa. Hindi KO tinutukoy ang inyong biyolohikong edad nguni’t epirituwal na edad. Depende sa inyong espirituwal na pagunlad/paglago at ito ay hindi kahit na ang pagbilang sa mga araw mula noong tinanggap ninyo AKO bilang MESIYAS, sapagka’t ang mga Bata ay lumalaki at tumatanda sa iba’t-ibang antas, ang ilan ay espirituwal na tumatanda sa isang maikling panahon, ang iba ay nangangailangan ng maraming mga taon upang tumanda, kahit na ang mga Pastor at kahit na ang iba ay hindi kailanman tumanda, sila ay nasisiyahan lamang sa gatas ng salita hindi kailanman natututo ng anumang bagay na bago.
Ang Kahustuhan (maturity) para sa inyo AKING Nobiya ay nagkasalalay/nakadepende sa kung gaano kadali ninyong mababatid na kayo ay nananabik ng mashigit pa sa espirituwal na gatas ng AKING Salita, nguni’t nangangailangan ng Espirituwal na Karne upang kainin. Nararamdaman ninyo ang kirot ng matiding pagkagutom kung hindi ninyo ito nakukuha ng palagi. Kayo na Nobiya ni YAHUSHUA ay mayroong espirituwal na ngipin ng isang leon at madaling nilalamon ang pinahirang espirituwal na karne tulad ng propetik na salitang ito na inyo ng napapansin bilang AKING Tinig at hindi kailanman nasisiyahan ng makamundong kaalaman lamang, nguni’t naghahanap at humingi ng masmarami pang Makalangit na kaalaman, upang kilalanin si ABBA YAHUVEH kagaya ng paraang ginawa ni Abraham. AKING Nobiya, inyong hinahanap na malaman ang mga sekreto ni YAHUVEH na yaong nakalaan para sa mga yaong maaari NIYA at AKING pagkatiwalaan.
AKING Nobiya, kayo ay nakakalat sa buong mundo ngayon. AKING Nobiya, kayo ay binubuo ng unang bunga kagaya ng nakasaad sa Pahayag 14. Kayo ang pinakamabuting prutas na AKING tutubusin mula sa mundo bago ang Malaking Kapighatian. AKING Nobiya, kayo ay nagmamalaki lamang sa kung sino ang inyong pinaglilingkuran at kayo ay nanatiling mapagpakumbaba, hindi kailanman lubusang naintindihan kung bakit AKO, si YAHUSHUA ay pinili kayo, nguni’t nararamdaman ang karangalan na kayo ay pinili at gayunman ay hindi ito ipinagsasawalang bahala at nanalangin parin na kayo ay maging karapat-dapat na tawaging AKING Nobiya. Naintindihan ng AKING Nobiya ang kahalagahan ng pagdiriwang/pagsunod ng Banal na mga Araw na pinanatili ng kanyang Hudyong Mesiyas na Nobiyo. AKING Nobiya, inyong inilapag/ibinigay ang lahat sa altar ng sakripisyo at walang ipinagkakait at sinusunod ang kanyang MESIYAS at sinusunod ang lahat ng sasabihin KO. Ang daing/pag-iyak sa inyong mga labi ay Banal.
AKING Nobiya, hindi lamang ninyo minamahal si ABBA YAHUVEH at YAHUSHUA nguni’t madamdamin/maalab na umiibig kay ABBA YAHUVEH at sa AKIN, na si YAHUSHUA, kagaya ng mga awit ni Solomon. AKING Nobiya, kayo ay kapwa inilagay ang Tagapaglikha at ang Mesiyas pantay una sa inyong mga buhay at pagmamahal. Ang lahat ng iba maging sila ay asawa, mga anak, pamilya, mga kaibigan, negosyo o kasiyahan ay pangalawa sa inyong pagmamahal at buhay. AKING Nobiya, kayo ay papayag/handa na ibigay ang inyong buhay kung kinakailangan, kung ito ang kagustuhan ni YAH. AKING Nobiya, inyong iniiwan/tinatalikuran ang inyong makamundong mga kaginhawahan (comforts) kapag sinabi KO sa inyo, “Halika at sumunod kayo sa AKIN!”
AKING Nobiya, hindi lamang kayo magkakaroon ng AKING Pangalan na nakaukit sa inyong mga noo kundi ang pangalan [rin] ni ABBA YAHUVEH upang makikita ng lahat kung ano ang malinaw na pinahayag sa Pahayag 14. AKING Nobiya, mayroon kayong isang pasanin na magsalita ng mga katotohanan kapag ang isang bahagi (remnant) lamang ay talagang nagnanais na marinig at sumunod. AKING minamahal na Nobiya, masgugustuhin ninyo na ang Pangalan ng inyong minamahal na ABBA YAHUVEH at AKO, na si YAHUSHUA, sa inyong mga labi nagsasalita tungkol sa AMIN sa loob ng pagmamahal/pag-ibig at nagninilay-nilay sa kung sino KAMI at paano KAMI kalugdan/pasayahin at pag-aralan ang mga bagay na Langit at ang propetik na mga bagay na darating at hindi ninyo kinamumuhian ang regalo na propesiya ni kutyain ang mga regalo ng RUACH ha KODESH.
Alam ninyo ang lahat na mga regalo ng RUACH ha KODESH (BANAL NA ESPIRITU) ay mahalaga at hinahangad ang lahat ng mga ito. Inyong pinag-aaralan ang lahat ng makakaya ninyo tungkol sa inyong Tahanan sa Langit at tinatago ang Banal na mga Kasulatan sa inyong puso. AKING Nobiya, alam ninyo na ang daigdig na ito ay hindi ninyo tahanan; kayo ay dumadaan lamang hanggang ang trabaho na AKING ipinadala sa inyo upang gawin ay tapos na. AKING Nobiya, kayo ay sabik/nasasabik na marinig ang yaong Shofar na Tambuli habang alam/inaasahan na ang inyong MESIYAS ay magpapakita kaagad pagkatapos ng mga tunog ng hofar upang personal na dalhin kayo patungo sa inyong Tahanan sa Langit. Ang isang Mansyon na AKING tinayo para sa inyo ay naghihintay, kasama ng inyong mga gantimpala na naimbak sa inyong mga kamalig.
AKING Nobiya, kayo ay nananabik sa AKIN sa paraan na AKO ay nananabik upang pisikal na makasama kayo at ito ay hindi malayo sa ngayon. Mapanatag, AKING minamahal, at sa susunod na Rosh ha Shana 2004 na ito, makipag-usap sa AKIN sa paraan na kayo ay makikipag-usap sa isang mapagmahal na asawa kapag gusto ninyo siyang bumalik sa inyo sapagka’t siya ay pumunta sa isang mahabang paglalakbay. Umiiyak para sa AKING pagbabalik dahil sa pagmamahal at pananabik, hindi dahil sa takot. Nananabik AKO na marinig ang inyong mga salita ng masidhing pag-ibig at pagmamahal para sa AKIN at gayun rin ang ating ABBA YAHUVEH.
Iniwanan KO kayo ng AKING salita ng pag-ibig sa mga awit ni Solomon. Hindi ito tungkol sa isang seksuwal na pagmamahal nguni’t isang pagmamahal na iilan [lamang] ang maaaring makaunawa maliban sa ginagawa/pang-unawa ng AKING Nobiya. Basahin ito sa pamamagitan ng Espirituwal na pang-unawa at tanungin AKO at AKING ipapaliwanag ang talinghaga na mga soneto/tula, sapagka’t ito ay mashigit pa kaysa pagmamahal ni Solomon na nailarawan, ang AKING Nobiya ay nakatago sa mga talata na ito. Kaya mo bang hanapin ito? AKO ay magbabahagi ng isa pang sekreto sa Nobiya ni YAHUSHUA. Ang AKING Ringmaiden na si Elisabeth [Elisheva] ay nagtataglay na ng espirituwal na singsing para sa kasal. Malalaman niya kung kanino KO ibinigay/ibibigay ang mga singsing na ito. Ang bawat isa sa AKING Nobiya ay magsusuot ng isang natatanging singsing para sa kasal kung saan ay isang larawan/repleksiyon ng halaga na kanilang binayaran upang maging AKING Nobiya. Walang dalawang singsing ang magkatulad.
Liyag, kapag ang Nobiya at ang panauhin ay dumating na, ay saka magsisimula ang Kasalang Hapunan ng Kordero, AKO, si YAHUSHUA ay hindi lamang sasayaw at magsasaya kasama ng AKING minamahal na Nobiya nguni’t pati na rin ng AKING minamahal na Pinarangalan na mga Panauhin. Pinagpala ang lahat ng naimbinta sa Kasalang Hapunan ng Kordero katulad ng nakasulat sa Pahayag 19:9. Ang mga imbitasyon ay ipinadala sa lahat ng tao sa mundong ito at gayunman iilan lamang ang may alam kung ano [ang isang] karangalan na mapabilang na tawaging AKING Nobiya o makatanggap ng imbitasyon bilang isang Pinarangalan na Panauhin. Kakaunti ang nakakaunawa sa halaga ng AKING binayaran upang imbitahan kayo. Ang ilang imbitasyon ay nawala, ang ilan ay itinapon at tinatakan na basura, ang ilang imbitasyon ay itinago/nangangalap ng alikabok, ang ilang mga imbitasyon ay napeke/ginawang huwad at ilang mga Panauhin ay hindi nauunawaan na ito ay RSVP na imbitayon lamang. Tanging ang mga tumugon at tinatanggap AKO, si YAHUSHUA bilang inyong MESIYAS ang dadalo sa Kasalang Hapunan ng Kordero at tanging ang yaong ang mga pangalan lamang na natangpuan na nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Kordero bago ang pundasyon ng daigdig na ito.
Kapighatian sa mga kaaway na naghahangad na kutyain, hamakin, magdulot ng pinsala, paninirang-puri o patayin ang AKING Ringmaiden na Nobiya na ito o wasakin ang Ministeryong ito. Bakit kayo nagngi-ngitngit sa galit? Kayo na may isang espiritu ng isang Pariseo, kayo na mga Hudas na nagbabalatkayo, hindi ba ninyo alam na ang sulat ay nakamamatay at ang AKING RUACH HA KODESH (BANAL NA ESPIRITU) ay nagbibigay ng Buhay sa AKING mga Salita? Bakit ang lahat na mga yaong nasabi sa itaas ay [may] pag-iingat, sapagka’t walang sinuman sa inyo ay magiging AKING Nobiya o AKING mga Panauhin at kung saan kayo nakalaan [destined] ay magkakaroon ng panaghoy/paghagulgol at pangangalit na mga ngipin. Kayo na may isang anyo ng Pagka-makaDiyos at walang Pagka-makaDiyos sa loob/kalooban at walang Kabanalan sa loob, ay pinili na ninyo noong matagal ng nakalipas ang kapahamakan (damnation) sa halip na ang kaligtasan. Walang [sinuman] maliban sa Totoong Nobiya ni YAHUSHUA ang makakaalam ng Taon, Araw o Oras na AKO si YAHUSHUA ay darating upang hulihin/kunin ang AKING Nobiya.
Para sa mga tao na kukutyain sa mensaheng ito, ito ay hindi para sa inyong mga mata upang makita o mga tainga upang makarinig. (1 Cor 2:9-16) Tanging ang Nobiya lamang ni YAHUSHUA at tanging ang mga tao nakalaan lamang na dumalo sa Kasalang Hapunan ng Kordero ang makakabatid nito ang tinig ng kaisa-isang MESIYAS at sa malapit nang pagdating ng Nobiyo sa Langit ng mga Nobiya. Malalaman nila [ito], ang lahat ng iba ay mananatiling bulag at bingi. Katulad ng isang mapagmahal na lalaking asawa na kumakalinga/nagmamalasakit, nagpoprotekta at nagmamahal sa KANYANG Nobiya, paano KO magagawa ang anumang kulang/hindi KO gagawin ang kulang kundi mashigit pa para sa AKING Nobiya.
AKO, si YAHUSHUA ay darating, ihanda ninyo ang inyong sarili, ito ay hindi sapat na mahugasan lamang ng AKING Dugo na ibinuhos para sa inyo sa Kalbaryo, sapagka’t ang mga panauhin ay hinugasan ng nagbabayad-salang Dugo sa Kalbaryo. Nguni’t ang AKING Nobiya ay walang bahid-dungis, walang batik o kulubot sa kanyang mahabang kasuotan (robe), nagniningning sa kaputian, hindi AKO binibigyan ng anumang kahihiyan. Bumangon/Tumindig AKING Nobiya, makinig sa Shofar na Tambuli, hayaang lumiwanag ang inyong ilaw sa harap ng lahat. Ang inyong Nobiyo ay darating ng mabilis..
At ang Espiritu at ang Nobiya ay sasabihin na, “Halina, YAHUSHA HA MASHIACH, hali na.” Hayaan ang sinumang nakakarinig na magsabing halina. Hayaan ang sinumang nauuhaw na lumapit at hayaan ang sinumang naghahangad na kunin ang tubig ng buhay na walang bayad/libre. At ang isa na nagpatotoo sa mga bagay na ito ay magsasabi, “Oo, AKO malapit ng dumating! Amen, Selah.
************
Ibinigay sa Ringmaiden na ito, pakiusap huwag batuhin ang Mensaherong ito, nguni’t kapag gagawin ninyo, ito ay magiging para sa Kaluwalhatian ni YAHUVEH at YAHUSHUA.
Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu) 9/12/04
(Ibig sabihin ng Apostol ay ‘isang pinadala’)
www.amightywind.com
pati na rin
www.allmightywind.com
Wikipedia:
Kahulugan ng RSVP
RSVP is a process for a response from the invited person or people. It is an initialism derived from the French phrase Répondez s’il vous plaît,[1] meaning “Please respond” to require confirmation of an invitation. The initialism “RSVP” is no longer used much in France, where it is considered formal and old-fashioned (if not totally unknown by most French people). In French, the complete sentence “Répondez s’il vous plaît” gives the impression the speaker is begging for an answer. In France, it is now more common to use “Réponse attendue avant le…”, meaning “[Your] answer is expected before…”. In addition, the French initialism “SVP” is frequently used to represent “s’il vous plaît” (“please”)
Ang RSVP ay isang proseso para sa isang tugon mula sa inanyayahang tao o mga tao. Ito ay isang inisyal na nagmula sa Pranses na parirala na Répondez s’il vous plaît, [1] na nangangahulugang “Mangyaring tumugon” upang mangailangan ng kumpirmasyon ng isang imbitasyon. Ang inisyalismo na “RSVP” ay hindi na ginagamit sa Pransiya, kung saan ito ay itinuturing na pormal at luma (kung hindi lubos na hindi kilala ng karamihan sa mga taong Pranses). Sa Pranses, ang kumpletong pangungusap na “Répondez s’il vous plaît” ay nagbibigay ng impresyon na nagsasalita ay humihingi ng sagot. Sa Pransya, mas karaniwan na ngayon ang paggamit ng “Réponse attendue avant le …”, ibig sabihin ay “inaasahan ang [iyong] sagot bago …”. Bilang karagdagan, ang French initialism “SVP” ay madalas na ginagamit upang kumatawan sa “s’il vous plaît” (“please”)