Propesiya 86
Lumayo sa AKIN, Kayo na mga Masuwayin na kung tawagin ay Nobiya! (Disobedient Bride)
Ibinigay kay Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Mayo 12, 2006
Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).
Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:
2 Mga Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng DIYOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANGINOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”
****************
Ang isang paliwanag ay kinakailangan sa kung paano lumabas ang propesiyang ito. Kabilang dito ay pribadong mga bagay sa aming mga buhay na mas nais naming hindi ibahagi, nguni’t wala talaga kaming mapagpipilian. Paumanhin, ito ay napakahaba. Ito ay mabibilang sa darating na libro na malapit ng mailabas.
Ang salitang ito ay lumabas habang marami sa Nobiya (Bride) ay samasamang nanalangin kasami namin sa Annecy, France hotel, pagkatapos ng isang bigong araw na naghahanap ng isang bahay/matutuluyan upang gawin bilang isang santuwaryo sa France. Pagkatapos ng maraming mga araw ng paghahanap sa Internet at maraming mga tawag, sa wakas kami ay inakay ni YAHUVEH na tumingin sa dalawang mga bahay na 80 milya [ang layo] mula sa kung saan kami.
Ang tahanan ay lubhang napakaganda kapag tiningnan ito sa internet at mukhang nababagay sa lahat ng aming kinakailangan, kaya gumawa kami ng isang appointment upang tingnan ang dalawang bahay. Pagkatapos ng isang magandang pagmamaneho ng may maraming papuri at pag-awit kina YAHUVEH at YAHUSHUA, at maraming pananalig/tiwala na kami ay makakakuha ng isang bahay sa araw na ito, dumating kami sa personal na bahay ng may-ari at kami ay kaniyang inimbitahan ng tanghalian sa kanyang bahay sa Pransya/France. Nagkaroon kami ng isang napakagandang tanghalian na inihanda niya at ng kanyang mga anak na babae.
Pagkatapos pumunta kami sa unang bahay at kami ay nabigo sa edad at kalagayan/kondisyon nito. Ito rin ay totoo sa pangalawang bahay. Pakatapos ay mayroon siyang pangatlong tahanan na maaari naming tignan na pinamamahalaan niya para sa isang pribadong kompaniya. Pumunta kami sa pangatlong tahanan at ito ay napakaganda. Lahat kami ay nakaramdam ng mabuti sa posibilidad na ito, hanggang sa sinabi niya sa amin kung ano ang renta/upa sa bawat buwan! Kayo bang lahat ay nakaupo? Ito ay 11,000 Euro bawat buwan na katumbas ng tinatayang $ 15,000 USD bawat buwan.
Buweno, iyan ay napakalayo sa aming presyo, kaya wala kaming pagpipilian kundi bumalik sa kung saan kami nanggaling. Ang lahat ay medyo nabigo/nalulungkot at naisip na kami ay nagsayang ng isang buong araw na umiikot sa mga bilog at maraming tanong na kailangang dalhin sa panalangin.
Ito ang kung ano ang aming ipinagdarasal nang ang propetik na salitang ito ay lumabas. Habang lahat kami ay nananalangin sa mga [banal na] wika, lagi naming naririning na kami ay hinahadlangan. Mayroong dalawang babae, si Cathy O. at si Hirut sa Alaska, na tinawag na maging Nobiya ni YAHUSHUA nguni’t dahil sa kanilang hindi pagsunod, kami ay napigilan mula sa kung ano ang itinawag na aming gagawin sa Europa, upang maglagay/magtatag ng isang Ligtas na santuwaryo sa Europa
Ang dalawang babaeng ito ay dapat kasama namin sa Europa, silang dalawa ay nagsabi na sila ay sasama sa amin kung saan man kami pupunta. Ito ang kalooban/kagustuhan ni YAHUSHUA, sapagka’t sinabi NIYA ito. Nag-Pasober kami kasama ng dalawang babaeng ito sa Anchorage, Alaska, at alam nilang dalawa ang kung ano ang kailangan nilang gawin tungkol sa paghahandang tumakas kapag sinabi sa kanila na tumakas. Pareho silang waring pumapayag na gawin ang kung ano ang kinakailangang nilang gawin at maghanda na tumakas. Hindi namin alam sa mga oras na iyon na pupunta kami sa Europa. Akala namin pupunta kami sa Timog Amerika sa yaong oras.
Ang kasal o pag-aasawa ni Cathy O. ay di-pantay na magkatuwang/wala sa pagkakaugnay (unequally yoked marriage) at binigyan namin siya ng babala ng napakaraming beses tungkol sa kanyang saykayatrista (psychiatrist) na asawa na si Alex na may kamalayan/batid ang ministry na ito nguni’t hindi ito sinusuportahan. Siya ay isang pagano na kinukuwestiyon sa pagkakaroon ng Diyos. Sinabi namin sa kanya (Cathy O) na dapat niya lamang gawin ang kung ano lamang ang sasabihin ni YAHUSHUA sa kanya at huwag makinig sa kanyang asawa sapagka’t siya ay nasa hindi magkaugnay na pag-aasawa (unequally yoked marriage). Binalaan namin siya tungkol sa pagkontrol ng isipan (mind control) at pagmamanipula na gagamitin niya (Alex) laban sa kanya.
Gustong maniwala si Cathy O. na ang kanyang asawa ay maliligtas at pakiramdam niya na siya ay responsible na ito ay kanyang trabaho upang siya ay mailigtas. Nguni’t alam na naming sa ibang paraan. Ang lalaking ito ay isang isinumpa (reprobate) at alam namin ito, nguni’t ayaw niyang maniwala sa amin. Upang gawing maikli ang mahabang istorya, si Cathy O. sa kasamaang-palad ay pinili ang kanyang hindi ligtas (unsaved) na asawa kaysa sa pagiging Nobiya ni YAHUSHUA.
Bago ang Pasober, si Cathy O. ay nakipag-ugnayan (contact) sa ministri na ito at sinabi na siya ay inaakay ni YAHUSHUA na bigyan ang ministri na ito ng isang bukas-palad na pag-aalay (generous offering). Sinabi niya sa amin na ito ay ang salapi mula sa kanyang pagreretiro mula sa kanyang sa isang dating trabaho at hindi sa kanyang asawa. Sabi niya na hindi niya ramdam noon na sabihin sa kanyang asawa ang tungkol dito at sumang-ayon kami sapagka’t nakita namin si satanas na itinaas ang kanyang pangit na ulo ng maraming beses noon sa mga situwasyong ito. At sa katapusan ang mga tao ay hindi sumusunod kay YAHUSHUA dahil sa isang hindi ligtas (unsaved) na lalaking asawa o babaeng asawa at hindi ginagawa ang kung ano ang alam nila na kailangan nilang gawin. Si Cathy O. ay ibinigay sa ministri na ito ang pag-aalay tulad ng naakay sa kanya (dapat niyang gawin), nguni’t nahirapan siya na huwag ipaalam sa kanyang pagano, ang isinumpa (niyang [reprobate]) na asawa.
Para gawing maikli ang mahabang istorya, AKO si (Elisheva) ay pinagkatiwalaan si Cathy O. at ibinigay sa kanya ang numero ng telepono habang kami ay nasa isang hotel sa France. Tumawag siya at nakipag-usap sa akin at pagkatapos sinabi sa akin na sa wakas nasabi nya na rin sa kanyang asawa ang tungkol sa pag-aalay (offering) na ibinigay niya sa ministri at tinanong ako kung nais kong makipag-usap sa kanyang asawa. Sinabi ko na “HINDI” nguni’t pagkatapos ay nagsimulang makipag-usap ang asawa niya sa akin sa iba pang linya.
Wala akong kaalam-alam na nasa ibang linya siya (Alex) at lubos kong naramdaman ang pagtataksil ni Cathy O. at pakiramdam ko na ako’y na set-up/nagpag-kaisahan. Sabi niya (Alex) na nais niyang maibalik ang kanyang pera. Sabi niya na nais niyang malaman kung ano ang ginawa namin sa kaniyang sa pera. Ang punto ay, nais niyang maibalik ang kaniyang pera at gagawin niya ang lahat ng kaya niyang gawin upang makuha ito. Kahit na nga ang aking tinatawag na unang asawa ay kaniyang kinontak/kinausap. Ang kaisa-isang paraan lamang na maaari niyang magawa ito ay sa tulong ni Cathy O. Sana mali kami para sa kaniyang kapakanan, nguni’t wala akong alam kung ano pa/gaano pa ang nakuha niya sa kanya (unang asawa).
Kahit kailan hindi kami humingi mula kay Cathy O. Ipinadala niya ang handog (offering) dahil inilagay ni YAHUSHUA ito sa kanyang puso na gawin ito.
Sinabi ni Hirut sa amin noong Pasober na alam niya na kailangan na niyang umalis sa kanyang trabaho at ganoon rin si Cathy O. bago pa nila kami makilala at maghanda na tumakas. Mayroon siyang pera sa kaniyang pagreretiro na kailangan niyang iapply at matatanggap sa loob ng 30 na araw o humigit-kumulang. Binigyan namin siya ng isang pagpapatibay/pagpapatotoo para rito pagkatapos naming manalangin nguni’t sabi niya na hindi siya makakaalis/tumigil ng hindi nakakahanap ang kanyang amo ng kapalit para sa kanya. Sinabi namin sa kanya na huwag ng maghintay, na kailangan niyang umalis (quit) kaagad sapagka’t gagawin ni satanas ang lahat na maari niyang gawin upang siguraduhin na ang kapalit ay hindi mahahanap upang hadlangan siya mula sa pagsunod kay YAHUVEH.
Ang iba pa niyang dahilan ay ang kanyang dalawang aso. Ang isang aso ay namatay agad pagkatapos ng Pasober at ngayon mayroon na lamang siyang isang asong natitira. Ayaw niyang iwanan ang natitirang aso niya. [Tulad] ng inaaasahan, hindi iniwan/umalis si Hirut sa kanyang trabaho, at ayon sa nalalaman namin, siya ay nagtatrabaho parin doon. Alam niya na kailangan niyang umalis bago niya kami salubungin/makilala. Kahit na nga ang mga tao na katrabaho niya ay nagsimulang tratuhin siya na gaya ng isang kaaway at walang kapayapaan doon.
Binigyan siya ni YAHUVEH ng bawat palatandaan. Bakit pipiliin ng sinuman ang makamundong trabaho kaysa sa pagiging Nobiya ni YAHUSHUA at sundin SIYA para sa inyong sariling kaligtasan kung walang ibang kadahilanan. Hindi lang namin ito naintindihan. Bakit pipiliin ni Cathy O. na ipagkanulo/pagtaksilan si YAHUSHUA para sa isang pagano, kuhilang/isinumpang asawa? Kinailangan naming banggitin ang lahat na ito o hindi ninyo maiintindihan ang galit ni YAHUSHUA sa propesiya na nasa ibaba tungkol sa dalawang babaeng ito. Taga-Europa na Nobiya ni YAHUSHUA, hindi ninyo kilala ang dalawang mga babaeng ito at gayunpaman ito ay nakakaapekto sa inyo, sapagka’t hindi kami maaaring mas lalo pang maging isang pagpapala sa inyo.
Ito ang dahilan kung bakit si YAHUSHUA ay galit. Kung sumunod sana si Cathy O. at Hirut, nasa France sana sila kasama namin at mayroon sana kaming maraming pananalapi upang matiyak ang isang santuwaryo at isang lugar ng pagtitipon para sa Nobiya ni YAHUSHUA. Kami ay hinadlangan/napigilan na gawin kung ano ang itinawag sa amin na gawin sa France at Switzerland dahil sa hindi pagsunod/pagsuway ng yaong tinatawag ang kanilang mga sarili na Nobiya.
Alam namin na maraming mga bagay ang naapektuhan dahil dito. Ito ang mensahe na gustong iparinig ni YAHUSHUA sa ating lahat. Ang pagsuway ay hindi lamang nakakaapekto sa mga tao na nasa pagsuway/hindi pagsunod nguni’t ito ay nakakaapekto rin sa iba. Hindi namin magawa kung ano ang itinawag sa amin na gawin sa Europa. Kami ay nagdadalamhati sapagka’t ramdam/ sa palagay naming na nabigo kami sa gagawin naming doon. Kailangan namin ng isang malaking bahay sa Europa upang maging isang santuwaryo, isang lugar ng kanlungan para sa Banal kapag dumating [na] ang persekusyon/pag-uusig.
Hindi naintindihan ni Cathy O. na kami ay ginamit bilang isang biyaya sa iba sa Europa. Si Cathy O. ay kasal sa isang milyonaryo, kung naiintindihan naming ng tama at ang diyos ni Alex ay pera. Sinubukan namin ng lubos ng araw na iyon sa telepono upang abutin ang kanyang kaluluwa (Alex) para kay YAHUSHUA, nguni’t ang lahat ng nais nya lamang gawin ay makipagtalo. Ang kanyang ama ay isang milyonaryong misyonaryo sa Afrika. Si Cathy ay may tulad na isang mapagbigay na puso at kung maari/makakaya niya, inalok niya rin na ibigay sa amin ang kanyang bahay. Ito’y lubhang masakit kapag ang isang kaibigan ay ipinagkanulo/pinagtaksilan ang inyong tiwala. Gaano pa kaya ang sakit kay YAHUSHUA kapag ito’y nangyari?
Si Cathy O. ay palaging sinasabi na alam niya na iiwanan niya si Alex sapagka’t sinabi niya (Alex) mismo na kapag dumating na ang Marka ng Halimaw (Mark of the Beast), pipilitin ni Alex si Cathy O at ang mga bata na kunin/tanggapin ito. Si Cathy O. ay handa nang iwan si Alex, nguni’t bilang isang saykayatrista (psychiatrist), alam ni Alex kung papaano manipulahin ang isang isipan. Hinihingi namin sa inyo na manalangin para kay Cathy O. na mapalaya mula sa makademoniyong inpluwensya ng lalaking ito at mula kay satanas.
Hinihingi namin sa inyo na manalangin para kay Hirut. Siya ay naninirahan kasama ang kanyang ina at ang kanyang ina ay hindi naniniwala sa Shabbat o sa Pagka-Hudyo ng Mesiyas. Silang dalawa ay naimpluwensiyahan ng mga taong kasama nilang naninirahan. Kami ay nananalangin na ang lahat ng ito ay matutubos sa pangalan ni YAHUSHUA, sapagka’t kami ay sinabihan at sila ay naniwala kung saan kami pupunta sila ay kasama namin. Tandaan sinabi sa Nahum 1 si YAHUVEH ay isang selosong Diyos at aalisin NIYA ang sinumang minamahal ng mashigit sa KANYA.
Pakiusap kapag inyong ibinabahagi ang propesiyang ito isama rin ang paliwanag o ang ilang mga bahagi nito ay hindi maiintindihan. Salamat.
***********
Propesiya 86
LUMAYO SA AKIN, KAYONG MASUWAYIN/HINDI MARUNONG SUMUNOD NA KUNG TAWAGIN AY NOBIYA!
Ibinigay kay Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu) 5/12/06
Sapagka’t tunay AKO ay nagsalita. Hindi ba ang inyong buong katawan ay kailangan kumilos ng may pagkakaisa (unison)? Maaari bang sabihin ng isang paa na ito ay lalakad sa kaliwa at ang isa pang paa ay sasabihin na ito ay maglalakad sa kanan? Maari bang sabihin ng isang bahagi ng inyong bibig na ako ay magsasalita sa kabilang bahagi at ang isa pa ay sa ibang bahagi? Ito ay katulad na kapag sinubukan KONG makitungo sa isang masuwayin na kung tawagin ay Nobiya. Sinasabi KO, “Lumakad sa daan/paraan na ito” sinasabi nila, “Hindi, gusto kong lumakad sa daan/paraan na iyon” Natatandaan ba ninyo noong sinabi KO, “Ito ay ang huling pagtawag para sa Nobiya?” Alam ba ninyo kung gaano karaming tao ang pumalya/hindi nakakaabot nito sapagka’t sila ay tumatanggi na makinig sa tinig KO? Hindi AKO isang makamundong asawa, kapag AKO ay nagbigay ng isang utos inaasahan KO ito na masusunod. Kapag sinabi KO na, “Ilagay ito sa altar ng sakripisyo,” inaasahan KO ito na maisusuko/mailalagay.
Alam ba ninyo kung gaano karami parin ang naninigarilyo? Alam ba ninyo kung gaano karami parin ang nalalasing sa likod ng saradong mga pintuan? Alam ba ninyo kung ilan pa rin ang nagbabasa ng malalaswang babasahin (porn)? Alam ba ninyo kung gaano karami ang mayroong kalibugan (lust) sa kanilang mga puso? At gayunman sinasabi nila, “Nais kong maging parte/bahagi ng [pagiging] Nobiya.” Lumayo sa AKIN kayong masuwayin na kung tawagin ay Nobiya! Kapag sinabi KO sa inyo na isuko/ilagay ang lahat, kapag sinabi KO sa inyo na isuko ang inyong mga pananalapi/pinansiyal, kapag sinabi KO sa inyo na sumama sa iba, na lumayo mula sa mga hindi naniniwala, kapag sinabi KO sa inyo na ang liwanag at kadiliman ay hindi maaaring magsama. Sa halip, kayo ay nagpapatuloy sinusubukan na maghanap ng isang propeta para sa inyong nangangating mga tainga. Buweno, hindi ninyo ito mahahanap dito.
Ang Ringmaiden na ito ay sasabihin ang AKING mga katotohanan, siya ay hindi makikipagkompromiso. Iniisip ninyo na kinamumuhian ninyo siya ngayon, ang mga yaon na hindi para sa AKIN? Wala pa kayong nakikita sa ngayon. Nguni’t ang mga yaon na tunay na pag-aari KO, kayo ay magkakaroon ng isang pagmamahal/pag-ibig na hindi ninyo kailanman pinangarap na [magiging] posible sapagka’t inyong yayakapin ang mga katotohanan na AKING sasabihin. Para sa inyo na masunurin, na tunay na naghihintay at humihingal para sa AKING bawat salita…
MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI, MALAKI! Ang magiging kanilang mga pagpapala!
Oh gaano KO KAYO KAMAHAL! Gaano KO kayo niyayakap. Kapag sinasabi ninyo na, “Sabihin MO sa akin ang [IYONG] paraan/daan, ilawan ang daan, gagawin KO ang anumang sasabihin MO kahit na ito ay labag sa aking laman, kahit na kung ito ay nangangahulugan na kailangan kong magsakripisyo sa pananalapi, gagawin ko ito sa IYONG paraan.” Ang mga ito ay ang AKING Nobiya. At inyong nakikilala ang isa’t-isa sapagka’t kayo ay isang pamilya na hindi katulad ng ibang pamilya. Kayo ay nag-iisip ng [may] iisang kaisipan at kayo ay nagmamahal ng [may] iisang puso at ang AKING Pangalan ay hindi kailanman malayo.
Ang bawat isa sa inyo ay niyayakap/yayakapin AKO ng [may] isang pagmamahal muli. Ang mga ito ay ang AKING Nobiya. Ang inyong paghahangad na mamuhay na Banal sa harapan KO ay lumalagong masmalakas sa bawat araw. Inyong sinasabi, “Makipag-usap/magsalita sa akin aking minamahal, nais ko ng isang sulyap sa iyo” at AKING sinasabi, “AKO ay naririto at AKO ay niyayakap kayo at hinahalikan KO kayo at mahal KO kayo at niyayakap KO kayo at hinahawakan KO kayo.” Ang mga ito ay AKING Nobiya. Sila ay hindi isang masuwayin na kung tawagin ay Nobiya.
Ang mga tao na nasa hindi pantay na magkatuwang sa kasal (unequally yoked marriages) na hindi KO kailanman pinagtuwang/pinagsama, ito ay katulad ng isang lubid na nakapalupot sa kanilang leeg at kayo ay nakabitin, nguni’t nang AKO ay dumating upang putulin ang lubid inyong sinasabi, “Huwag, huwag, hayaan mo akong nakabitin.” Lumayo mula sa AKIN kayong masuwayin na kung tawagin ay Nobiya. Kayo ay hindi na isang Nobiya. Sa inyong mga mata inyong tinatawag ang inyong [mga] sarili na isang Nobiya, sa inyong mga panalangin inyong inaangkin ang pagiging isang Nobiya, nguni’t sinusubukan KO ang inyong pagsunod sapagka’t kilala/alam KO ang inyong puso. Alam KO ang kung sino ang masminamahal ninyo.
Maaari ninyong subukan at pahangain ang iba, maaari kayong manalangin sa AKING Pangalan, oh nguni’t kilala KO ang inyong mga puso. Kayo ay iiyak at kayo ay mananaghoy balang araw, kapag nalaman ninyo na ang ilan sa inyo na kailangan KONG paalisin/palayuin. At sasabihin KONG, “Lumayo mula sa AKIN, kayong mga masuwayin na minsa’y tinawag ang iyong [mga] sarili na AKING Nobiya.”
Ang AKING Nobiya ay nagsama-sama at kanilang sinasabi, “Ano ito na maaari kong ibahagi? Ano ito na kailangan kong gawin para sa IYO?” Minamahal nila ang isa’t isa ng [may] isang pagmamahal na oh napakatunay. Ang mga ito ay ang AKING Nobiya. AKO ay nagbigay ng babala at AKO ay nagbibigay ng babala muli, sabi KO, “Isuko ninyo ang inyong kasalanan.” Hindi KO sinasabi na kayo ay hindi ligtas. Nguni’t AKING sinasabi na kayo ay hindi karapat-dapat upang tawagin na AKING Nobiya. Oh nguni’t ang mga ito ang nagtipon-tipon dito, oh anong isang pagmamahal na mayroon kayo para sa isa’t-isa. Ipinadala KO kayo upang tawagin ang Taga-Europa na Nobiya at ang ibang mga bansa na nasa tabi.
Ilan ang may pakialam/nagmamalasakit kapag ikaw ay mayroong isang pangangailangan at iyong hinayag/sabihin ang pangangailangan? Ang Nobiya ay hindi ka bibiguin/papabayaan. Ang Nobiya ay magiging mapagbigay, malalaman nila na ang iyong pangangailangan ay kanilang pangangailangan [rin]. Tulad ng sinugurado KONG ipinadala si Elias ng unang panahon [sa Hebreo, Eliyahu], at sinabi sa byuda ng Zarapeth na magbahagi kay Elias [sa Hebreo Eliyahu] at sabi ni Elias, “Ibahagi mo sa akin ang iyong huling hapunan, upang ito ay hindi ninyo magiging huling hapunan.” Ganoon/Gaya rin nito, ipinadala KO ang Elias ng Bago/Kasalukuyan [sa Hebreo, Eliyahu] upang gawin ang parehong bagay. Ipinadala KO siya sa mga byuda ng Zarepath na nagsasabi, “Wala akong pangangailangan.” Oh nguni’t sa sandali lamang inyong makikita, kayo ay magkakaroon ng desperadong mga pangangailangan. Ito ay dahil sa inyong tinakpan ang inyong mga tainga noong ang AKING Ringmaiden ay tumawag, tiyak na tatakpan KO ang AKING mga tainga kapag kayo ay tumawag.
Sapagka’t mayroong darating na mga bulalakaw at sila ay babagsak mula sa langit, sa buong mundo sila ay tatakbo at magtatago! Ang daigdig ay mayayanig hindi lamang sa isang lugar at ang mga bulkan ay sasabog tulad ng sunud-sunod na reaksiyon ito ay sasabog. At ang mga tao/yaon lamang na tunay na nanatili sa AKIN, sa Buhay na Bato ay mananatiling protektado. Mga bagyo na hindi ninyo kailanman nakita, ito ay ang simula lamang na darating. Nguni’t ang mga tao/yaon na nanatili sa AKIN at sa AKING Ama (ABBA) YAHUVEH kayo ay mananatiling protektado kapag kayo ay protektado sa AKING Pangalan. Gusto ninyo isarado ang inyong mga tainga kapag sinasabi KO, “Ikarangal/Igalang ang Sabbath na Araw at hindi KO tinutukoy ang yaong gawa ng tao (man-made).” Nais ninyong takpan ang inyong mga tainga kapag sinasabi KO na, “Ikarangal/ipagdiwang ang Banal na mga kapistahan at hindi KO tinutukoy ang mga yaong gawa ng tao (man-made), [nguni’t] sa halip ang mga paganong kapistahan ang inyong ikinararangal/ipinagdiriwang, sa halip na ang Banal na mga Araw ng inyong Ama ABBA YAHUVEH.” KAMI ay pareho ng kahapon, ngayon at magpakailanman, ang AKING AMA at AKO. Dahil lamang inyong binago ang ideya ng kasalanan, ay hindi ibig sabihin nito KAMI [rin] ay binago ito.
Alam KO AKING mga minamahal kahit ito ay hindi ang kung ano ang inyong pinapanalangin, nguni’t mga salita na nasa AKING puso [“Hindi ba ang inyong buong katawan ay kinakailangan na tumakbo/gumawa ng sabay-sabay? Halimbawa (i.e.) hindi ba ang buong katawan ni YAHUSHUA ay kailangang tumakbo/gumawa/magtrabaho ng sabay-sabay?]- inyong makikita kung ano ang mangyayari kapag mayroong pagsuway/hindi pagsunod mula sa mga tao na tinawag na maging AKING Nobiya. Wala AKONG pakialam kung kayo ay nabigay ng isang bilyong dolyar. Kung kayo ay hindi sumusunod sasabihin KO, “Lumayo mula sa AKIN, hindi ito nakakahanga (impress) sa AKIN.” Wala AKONG pakialam kung anong sakripisyo ang inyong binababa/isinuko, kung hindi kayo masunurin kay YAHUVEH, kung hindi kayo masunurin sa AKIN, sasabihin KO, “Lumayo sa AKIN hindi ikaw/kayo ang Nobiya KO.” Ang panahon ay maikli na, ang oras ay segundo ang layo mula sa AKING pagdating para sa AKING minamahal na Nobiya. Walang oras upang maglaro, walang oras para sa mga taga-init ng bangko (tinutukoy nito ang mga taong tagainit ng mga upuan sa simbahan), walang oras para sa malahininga (lukewarm). Tunay na AKO ay ibubuga sila mula sa AKING bibig.
Inyong sinasabi, “Oh YAHUSHUA hindi KA kailanman magsasalita sa amin ng ganito.” Inyong nakalimutan na AKO noon ay minsa’y isang tupa, ngayon AKO ay isang Leon. AKO ay isang balanse sa lahat ng mga bagay, tulad ng AKING ABBA YAHUVEH. KAMI ay makapangyrihan sa pagmamahal at KAMI ay makapangyarihan sa digmaan. Hindi KO ba isinumpa ang puno ng igos (fig tree) na hindi nagbunga ng prutas? Ano sa palagay ninyo, na AKO ay nagbago? Pumunta AKO sa krus para sa inyo; ibinigay KO sa inyo ang AKING Buhay at AKING Dugo para sa inyo at inyong sinasabi, “IKAW ay maraming hinihingi sa akin, hindi ko maaaring isuko ang kasalanan ko.”
Kung gaanon, huwag kayong umasa na magiging Nobiya KO. Hindi ba sinasabi ng Salita na, sa panahon/oras ng katapusan ang Banal ay magiging mas [magiging] Banal at ang hindi banal ay mas magiging hindi banal. Masdan ang oras/panahon ng katapusan (end times), sapagka’t ito ay naririto na. Wala ng oras upang ihagis ang inyong mga perlas sa harapan ng baboy. Pumunta sa mga tao/yaong sinabi KO sa inyo na puntahan at kung hindi nila tatanggapin ang katotohanan, ipagpag ang alikabok mula sa inyong mga paa at magpatuloy.
Mayroong mga tao na para dapat rito (sa France kasama namin). Hindi lamang nila kayo binigo. Sila ay binigo rin AKO. Inilagay nila ang kanilang mga trabaho bago AKO, inilagay nila ang kanilang hindi ligtas na minamahal bago AKO [nangangahulugan na mas pinili nila ang yaong mga bagay kaysa sa Diyos na si YAHUVEH], inilagay nila ang kanilang mga anak bago AKO noong sinabi KO sa kanila na ang kanilang mga anak ay magiging mabuti. Inilagay/pinili nila ang salapi at ang mga karangyaan (luxuries) na ginusto nila. Wala silang pakialam na iniwan mo (Elisheva) ang lahat. Wala silang pakialam na wala kayong tahanan. Wala silang pakialam na wala kang sasakyan, wala silang pakialam na inyong iniwan ang lahat para sa iba.
Oh, nguni’t mayroon AKONG [mga] Nobiya na may pakialam/ may malasakit at oh AKO ay dadalhin sila para sa iyo. Sila ay pagpapalain at sila ay ikakarangal/masisiyahan na maglingkod para sa inyo. Sa mga mata ng mundo AKO ay nagpadala ng kabunyian sa iyo upang magbukas ng daan sa harapan ninyo, [at narinig ninyo ang mga salita,] “Kayo ay kailanman hindi na ulit nanaisin at kailanman mangangailangan muli.”
(Elisheva [Elisheva]) ay sumisigaw, “Oh ang aking kamay!” paliwanag: sa oras ng mensaheng ito at panalangin at upang patunayan na si YAHUSHUA ang nagsasalita, inilagay ni YAHUSHUA ang KANYANG kamay sa [akin] at ito ay parang apoy at yelo ng sabay-sabay, sapagka’t ang laman ay hindi makayanan ang pinahirang hawak (anointed touch) ni YAHUSHUA ito ay napakamakapangyarihan at ito ay napakasakit.)
Ipinadala KO kayo sa kanya sapagka’t kayo ay dapat na maging isang biyaya sa isa’t-isa. Habang inyong ibinababa/isinusuko ang inyong buhay para sa isa’t-isa ganoon rin, ang mga ito na AKING tinatawag na AKING Nobiya ay gagawin ang katulad nito para sa inyo. At walang mabubuting bagay ang kanilang ipagkakait mula sa inyo sapagka’t alam nila ang halaga na iyong binayaran upang sumunod sa AKIN sa ganitong paraan. At Elisheva kung iniisip mo na ikaw ay labis na kinamumuhian sa ngayon, kung iyong iniisip na ang iyong pangalan ay sinumpa sa ngayon, sapagka’t ito ay isang sumpa sa bibig ng mga pagano, ito ay isang sumpa sa mga maligamgam/malahininga (lukewarm) na mga labi, ito ay isang sumpa sa mga bibig ng tagapagsilbi ni satanas!
Oh, nguni’t sinasabi KO ito sa inyo, ang mga pagpapala ay mas lalong magiging masmalakas lamang at para sa mga tao na ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng Tupa (written in the Lamb’s Books of Life) mamahalin ka nila ng isang pagmamahal na hindi mo kailanman naintindihan. Ang mga tao/yaon na mga Nobiya kapag narinig nila ang mensaheng ito ay makikilala nila, tatakpan nila ang kanilang mga mukha at sila ay iiyak at sasabihin nila, “Ano ang maaari kong gawin para sa iyo?”
Sapagka’t nakikita ninyo ito ang yaong tinatawag na maharlika (royal) ng mundo, at ikaw AKING Ringmaiden, kahit na walang sinuman sa mundo ang maglalagay/makakapaglagay ng isang koronasyon sa iyo, sa Langit kayo ay magkakaroon ng isang koronasyon, AKO ay pinagsama-sama KO. AKO ay pagsasamahin kayong lahat bilang isa.
Elisabeth [Elisheva], ikaw natakot na pumunta sa Africa, sinabi mo, “Ang aking balat ay napakaputi ano na lamang ang iisipin nila, kamumuhian ba nila ako?” Sinasabi KO sa iyo ito, ang mga tao na may AKING Espiritu ay yayakapin ka at mamahalin ka. Hindi sila tumitingin sa kulay ng iyong balat, tulad ng hindi mo tinitingnan ang kanila[ng (balat)] at ipinadala kita doon upang ipakita ito sa iyo, na sa Africa kayo ay isa.
Hindi kayo magkukulang sa anumang mabubuting bagay. Wala AKONG pakialam kung gaano kaliit ito. Pinadalhan kita ng maharlika (royalty) upang magbigay ng daan. Kilala ninyo ang isa’t-isa; nakikita ninyo ang isa’t-isa sa mga mata ng isa’t-isa. Ikaw Elisheva ay hindi kailanman naranasan ito sa isa pang [kapatid na babae].
Nguni’t muli sasabihin KO, sa Langit bago kayo bumaba sa daigdig na ito lahat kayo ay nasa harapan ng AKING Trono at humihiling/sumisigaw (cried out) sa AKIN at sinabing, “Ipadala MO ako, ipadala MO ako, ipadala MO ako!” at sinabi mo, “Gawin MO akong isang lider/pinuno, gawin MO akong isang lider/pinuno!” tulad ng sasabihin ng isang bata, “Gawin MO akong isang lider/pinuno” at AKO ay kinoronahan ka (I crowned you).
Oh [minamahal na mga anak], bakit sa palagay ninyo ang inyong buhay ay labis na napakahirap? Oh, ito ang buhay ng nobiya ni YAHUSHUA sapagka’t ang tagapaglingkod ay hindi masmataas kaysa sa Amo. Kung ito ay naging madali para sa AKIN, ito sana ay naging madali para sa inyo nguni’t sa mundong ito, ito noon ay hindi madali. Kung lahat sila ay tinanggap AKO, silang lahat sana ay tinanggap kayo nguni’t AKO ay tinanggihan/hindi tinanggap nang higit pa kaysa sa tinanggap AKO tulad na lamang ngayon.
Tumatakbo sila sa mga propeta na nagpopropesiya lamang ng mga mabubuting bagay. Tumatakbo/pumupunta sila sa mga propeta na nagsimula na [mag-aral] sa propetang mga eskuwelahan at nagtuturo lamang sila upang magpatatag/magpatunay at maiangat lamang at hindi kailanman nagsalita ng anumang negatibong bagay. AKO ay tinatawag ang mga ito na mga huwad na mga propeta. Ang AKING mga propeta ay ipinadala upang magbigay ng babala ng mga paghuhukom na darating. Ang AKING mga propeta ay ipinadala upang magbigay ng propesiya sa kung ano ang darating. Ang espiritu ng propesiya ay mula sa [AKIN], AKO si YAHUSHUA HA MASHIACH.
Nguni’t sinasabi ninyo na, “YAHUSHUA, hindi ito ang alinman sa aming mga katanungan na sinasagot/nasasagot.” Paano kung hindi pa AKO nais na sabihin sa inyo? Hindi ibig sabihin nito na hindi KO ito sasagutin. Sa halip pinili KONG gamitin ka upang ipadala/magawa ang Propesiyang 86. (Kami ay Nanalangin para sa direksyon.)
Ilan ang naghahanap sa AKIN sa panalangin? Hindi KO tinutukoy ang panalangin sa oras ng pagtulog. Ilan ang naghahanap sa AKING ABBA [AMA] YAHUVEH at tunay na namamagitan at tunay na nagdarasal. AKO ay nagbigay ng mga utos/tagubilin sa AKING Nobiya na takpan/ilagay ang Dalawang Saksi sa panalangin. Ilan sa inyo ang sumusunod? Ilan ang nagaangat/nagtataas ng Ministri na ito? Gaano karami ang tumutulong dito sa anumang paraan? At gayunman inyong inaangkin (claim) parin na kayo ay AKING Nobiya? Muli AKING sinasabi, “Lumayo mula sa AKIN kayo na tinatawag ang iyong sarili na AKING Nobiya, na nasa pagsuway/hindi sumusunod. Hindi mahalaga kung ano ang tinatawag ninyo sa iyong sarili. Kilala KO ang AKING Nobiya. Kung hindi kayo tumutulong, kayo ay humahadlang at kung kayo ay humahadlang, hindi kayo [sa] AKIN. Para sa inyo na AKING pinaunlad/ibinangon upang magbigay ng sakripisyo ng paulit- ulit, Oh, gaano ninyo itinatayo (built up) ang inyong mga kayamanan sa Langit.
Sapagka’t tunay na AKING sinasabi sa inyo, Ang AKING Nobiya ay gagawin ito at ng mga yaong/tao na ang mga pangalan ay matatagpuan sa Aklat ng Buhay ng Tupa.
Ito ang kung ano ang nasa puso KO sa araw na ito. Sasagutin KO ang inyong mga tanong AKING mga Minamahal, sasagutin KO ang inyong mga tanong AKING minamahal na [mga] Nobiya, nguni’t sa ngayon ito nasa puso KO. Ganito ang [naging] epekto sa inyo ng [hindi sumusunod], kapag kayo ay umiyak/sumigaw (cry out) sa AKIN at sinasabing, “Aling direksyon kami pupunta? Saan kami titira? Ano ang gagawin natin para sa isang sasakyan?” at gayunman AKING sasabihin, “Kung ang mga tao na sumuway/hindi sumusunod ay nakinig sana at sumunod hindi sana kayo sumisigaw/umiiyak ngayon. Kaya AKO ay nagbangon na lamang ng mga bago upang kunin ang lugar ng mga tumangging sumunod.
(Si Elisheva: Sa panahon ng propesiyang ito ako ay nakakita ng isang pangitain ng pinahiran na singsing (anointed ring) na tinawag kong Pulang Dagat na singsing na isinuot ko sa loob ng 10 taon at puno ako sa panalangin.]
May nakikita akong isang pangitain –nakita ko ang Pulang Dagat na singsing. Sa tuwing hindi magbubukas ang isang daan/landas, pagbalik mo sa inyong tinubuang-bayan o kahit saan pa utusan itong bumukas sa Pangalan ni YAHUSHUA. Utusan ang sagabal/hadlang na maialis. Sapagka’t pinapaalalahanan ako ni YAHUSHUA na maraming pagdurusa ang kailangan lumabas/mangyayari para sa uri ng pagpapahid na iyon upang maging sa yaong singsing sapagka’t ito ay makapangyarihan.
[Nagpapatuloy ang Propesiya:]Lahat kayo ay kinalulugdan/pinapasaya AKO ng lubos. Lahat kayo ay kinalulugdan/pinapasaya AKO ng lubusan. Oh AKING tinatanging/pinakamamahal na Nobiya alam ninyo kung sino kayo, LUBOS ANG PAGMAMAHAL KO SA INYO. Hindi ba ninyo naririnig ang AKING magiliw na mga salita? Alam ba ninyo kung gaano kayo kahalaga sa AKIN? Walang anumang sakripisyo na inyong ginawa na hindi naging nakalulugod sa AKIN. MAHAL KA KAYO, AKING TINATANGING/PINAKAMAMAHAL NA NOBIYA!
Para sa inyo na mga panauhin ng Hapunan ng Kasal ng Kordero (Marriage supper of the Lamb), AKO ay sasayaw kasama ninyo, AKO ay tatawa kasama ninyo, hahalikan KO kayo, yayakapin KO kayo, AKO ay magpapasalamat sa inyo. Sapagka’t hindi lahat ay naordenahan/naitalaga na AKING maging Nobiya. Oh nguni’t mga tinatanging/pinakamamahal na mga panauhin, anong halaga ang inyong kailangang binayaran, anong halaga ang inyong babayaran upang makapunta sa Hapunan ng Kasal ng Kordero. Ang Nobiya ay yayakapin kayo at ang Nobiya ay magpapasalamat sa inyo para sa halaga na inyong kailangan [gawin] at babayaran.
(Kapurihan at pagsamba ay lumabas) Banal, Banal, Banal, aming sinasamba at pinupuri KA YAHUSHUA, halina YAHUSHUA, pumarito na para sa iyong Nobiya. Dalhin kami sa isang masmataas na pagpapahid. Kami ay nananabik na makita ang IYONG mukha, pumarito na YAHUSHUA, pumarito na para sa IYONG Nobiya. Pakiusap maaari bang ito ay sa itong [darating na] Rosh Hashanah ng [taong] 2006? Gusto namin na iangat kasama ng aming Nobiyo (Bridegroom). Gusto naming maiangat (caught up) upang salubungin KA sa himpapawid. IKAW ay aming sinasamba. IKAW ay aming pinupuri. IKAW ay aming minamahal. Kami ay lumuluhod sa harapan MO. Halina YAHUSHUA halina. Ang IYONG Ring Maiden ay umiiyak/sumisigaw sa IYO at sinasabing, “Halina YAHUSHUA halina.” IKAW ay aming Sinasamba. IKAW ay aming Sinasamba. IKAW ang lahat sa amin. Inilalagay KA namin una sa aming buhay, pagmamahal at pag-aasawa (marriages). Walang sinuman ang maihahambing sa IYO. Nais namin na maikasal sa IYO, sumama sa iyo sa walang hanggan (eternity). Aming sinasabi, “Halina YAHUSHUA halina, pumarito para sa IYONG Nobiya, pumarito para sa IYONG asawa.”
(SI YAHUSHUA AY NAGSASALITA MULI)
AKING sinasabi, masdan AKING Nobiya. KAYO ay Kabunyian/maharlika sa AKING mga mata, sa buong mundo ang AKING Nobiya ay Kabunyian/Maharlika sa AKING mga mata. Paano ang AKING Nobiya ay hindi magiging maharlika kapag siya ay ipinakasal sa Hari. Hindi KO ba sinabi na kayo ay bilang isang Reynang Esther (Queen Esther); kayo ay Kabunyian/Maharlika sa harapan ng lahat ng Langit. Kapighatian sa sinumang hahawak/kakanti sa AKING Nobiya. Kapighatian sa sinuman na sinusumpa ang AKING Nobiya. Kapighatian sa sinumang naninirang-puri sa AKING Nobiya. Kapighatian sa sinumang nagtatangka/sumusubok na saktan ang AKING Nobiya o gumawa ng pinsala sa AKING Nobiya. Ito ay mas mabuti kung hindi kayo kailanman isinilang.
Ibinibigay KO ang salitang ito sa inyo habang ang papalapit ang Araw ng Pentekost/Pentekostes; asahan na ang pagpapahid ay lalago/maslalakas lamang. Makipagkita sa AKIN sa Araw ng Pentekost. Asahan ang isang mas malaking pagpapahid; asahan na makarinig mula sa AKIN, at mas higit pang mga rebelasyon ang inyong makikita.
Kaya ito ay sinalita, kaya ito ay naisulat sa ilalim ng pagpapahid para sa Kaluwalhatian ni YAHUVEH at YAHUSHUA.
Noong 5/12/06 nagtatapos sa 8:30 ng gabi sa Annecy, France
Apostol Elisheva Elijah (Elisheva Eliyahu)