Propesiya 74, AKO, si YAHUVEH, ay nagdeklara ng Digmaan sa Planetang Daigdig mula sa Langit!

Propesiya 74

“AKO, si YAHUVEH, ay nagdeklara ng Digmaan sa Planetang Daigdig mula sa Langit!”

Hunyo 25, 2004
Ibinigay kay Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:

2 Mga Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng DIOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANIGNOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

*************

Minamahal na Pamilya kay YAHUSHUA…

Ang Propesiyang ito ay lumabas pagkatapos naming makatanggap ng isang panaginip at dinala namin ang panaginip sa panalangin at ang KANYANG pinakabagong Propesiya ay lumabas. Una naming isusulat ang panaginip sapagka’t ito ay nagpagalaw sa pagpapahid (anointing) sa akin.

Sa ibaba ay ang panaginip noong 6/25/04. Ang mga taong may regalo ng interpretasyon ng mga panaginip mangyaring i-email kami at ibahagi ang interpretasyon sa revholyfire@hotmail.com.

PANAGINIP

Ang tagamaneho ng bus ng ministri ay nagmamaneho sa kalye ng mag-isa. Ang panahon ay nagmistulang tag-init, tagsibol o taglagas, ito ay hindi taglamig. Bigla siyang nakarinig sa radio ng isang babala na ang isang bulalakaw ay tatama sa daigdig sa anumang minuto. Sa isang iglap ang kalye ay punung-puno ng maraming mga sasakyan na patungo sa parehong direksyon kung saan siya patungo – biglang umikot ang tagamaneho at pumunta sa ibang direksyon, upang dumating at kunin/isakay ako. Natandaan niya ang pagiging galit sa panaginip sapagka’t alam niya na ang [pagbagsak ng] bulalakaw ay mangyayari at gayunman kami ay hindi handa para rito.

Ang tagamaneho ng bus ay talagang napagod at huminto sa isang tigilan/paradahan ng trak upang magpahinga ng isang minuto at sinabi sa kanya ni Ama YAHUVEH, “Walang oras para magpahinga, bumalik sa daan.” Kaya habang nagsisimula siyang umalis sa paradahan ng trak, mayroong dalawang labasan: isa sa kanan at isa sa kaliwa. Ang isa na nasa kaliwa ay malawak at aspaltado at lapad. Ang isa na nasa kanan ay makitid, paakyat/paitaas at mayroong isang napaka matatarik na bangin sa kanan. Naalala niya, nag-isip na ang bus ay tataob kung pupunta ako sa kanang labasan nguni’t sinabi sa kanya ni YAHUVEH na iyon ang isa [na dapat] niyang daanan.

KATAPUSAN NG PANAGINIP (pagbabatid [discernment] sa ibaba)

Naniniwala kami na ang tagamaneho ay kamakatawan para sa mga tao na hindi handa at kailangang mabatid na ito ay hindi ang madaling daan na [dapat] kunin/daanan natin sa mundong ito na magpapanatili sa atin ng kaligtasan.

*******************

Propesiya 74

“AKO, si YAHUVEH, ay nagdeklara ng Digmaan sa Planetang Daigdig mula sa Langit!”

Oh mga lalaking hangal, oh mga babaeng hangal, kayong mga lalaki, kayong mga babae ng daigdig, kayo na nagbabalak/naghihimagsik laban sa AKIN, kayo na sinusubukang pamunuan ang AKING mga tunay na mga Anak upang patayin, tulad ng [isang] tupa sa mga katayan. Kayo na sumulat ng mga batas at tinatapon/inaalis ang mga batas nang unang panahon, sinasabi ninyo na sila ay hindi na uso. Nakalimutan ninyo na AKO ang Sinauna ng mga panahon. Ano ang inyong gagawin, oh mga hanggal na tao ng daigdig na ito? Kayo na mayroong mataas na teknolihiya, mga sandata ng lansakang pagkalipol (mass destruction), mga salot at mga karamdaman na inyong inimbento ng may kamay ni satanas. Kayo na napakamayaman at magarbo, kayo na nagtayo ng mga lungsod sa ilalim ng lupa. Kayo na pumupunta at sumasakop ng mga planeta na hindi KO sinabi na inyong sakupin. Hindi pa ba sapat na nawasak na ninyo ang isa? [na] kailangan pa ninyong sakupin ang iba? Wala pa bang sapat na digmaan [sa inyo] sa daigdig na ito? Na kailangan pa ninyong maghanap ng masmarami pang gulo?

Ano ang inyong gagawin upang puksain ang isa’t-isa, inyong tinatakot ang isa’t-isa, digmaan sa mga digmaan para sa kasakiman, para sa kapangyarihan, nguni’t habang ginagawa ninyo ito, hindi ninyo alam kung kailan, nguni’t AKO, si YAHUVEH, ay nagpasiya ng digmaan mula sa Langit at hindi ninyo ito mapipigilan! Kayo na humahamak sa AKIN, kayo na nangungutya sa tunay na mga anak ni YAHUVEH at YAHUSHUA, kayo na nagbabalak na nakawin ang kanilang mga kalayaan. AKO, si YAHUVEH ay nagpasya ng digmaan mula sa Langit sa planetang ito at ang masama ay papatayin. Sa palagay ninyo kayo ay makakalakad at kayo ay makakapagtago, kayo na masama at nakapaghanda, iniisip lamang ninyo ang inyong sariling mga pamilya. Ilang milyon ang inyong ginastos? Oh sinasabi ninyo na mga Bilyon. Kayo na kinukuha ang pera mula sa mga bulsa ng mga tao, sinasabi ninyo, “Maraming buwis pa ang kailangan namin!” Sa halip ito ay napupunta sa pagpapatayo ng inyong mga lungsod sa ilalim ng lupa. Karangyaan ng iba’t-ibang uri, mga kayamanan kung saan inyong itinago at inyong ginagamit ang pera ng mga tao upang kayo ay magkaroon ng isang lugar na matatakasan habang inyong iniisip na sila ay mamamatay lamang.

Nguni’t ito ay AKO, si YAHUVEH, ito ay AKO, si YAHUVEH, ang Tagapaglikha hindi lamang ng daigdig na ito nguni’t ng lahat ng nasa gitna/pagitan, at AKING itatapon ang mga bato mula sa Kalangitan. At tulad ng sa Sodoma at Gomora at sa pitong mga lungsod sa tabi AKO ay SIYA ring YAHUVEH na nagwasak sa Ninevah. Bagama’t binigyan KO siya ng oras upang magsisi, sa huli hindi ba siya nawasak? AKO ay SIYA ring YAHUVEH, ang SIYA ring Sinauna ng mga panahon at kung ano ang minsan KONG ginawa noon, ay gagawin KO ito muli. Kayo ay masyadong abala sa inyong digmaan, hindi man lamang kayo natatakot o [di kaya] pansinin AKO, tulad ng paulit-ulit binigyan KO kayo ng mga palatandaan sa kalangitan at ang kapahamakan ay dumarating papalapit sa inyo. Nguni’t hindi para sa AKING mga Anak, oh sa palagay ninyo na sila ay napakaignorante at walang muwang, nguni’t inyong nakakalimutan oh mga masasama ni Lusiper, na sila’y tunay na AKIN. Wala silang pera upang maghanda, nguni’t alam nila na mayroon silang isang Ama sa Langit na si YAHUVEH na nagmamahal/nagmamalasakit, Ito ay magiging mga kamay ng AKING mga Angel na kakanlung/kukupkop sa kanila mula sa galit na darating mula sa kalangitan. Sapagka’t kinukuha ng Gobyerno ang inyong salapi at umaalis/nagpapatuloy at sinasabi nila na kanilang sasakupin ang kalawakan. Kailan KO ibinigay sa kanila ang mga planeta, sapagka’t kahit na alagaan ang AKING ibinigay ay hindi nila [ginawa].

Oh bakit ang karamihan ay nananatiling tahimik? Sapagka’t kahit ang ilang pagano ay alam na ang mga batas ngayon na ipinapasa ay nagpapanginig at nagpapayanig sa kanila. AKO si YAHUVEH at ang mga masasama ng daigdig na ito ay AKING kinamumuhian. AKO ay SIYA ring kahapon at magpakailanman. AKO ay hindi magbabago para sa layaw/kapritso ng isang tao. Amerika, sinasabi ninyo na hindi kayo nangangailangan ng Diyos. Kapag kahit na ang paganong mga bansa ay lumuluhod sa isang dayuhang Diyos. Sapagka’t alam nila sa pamamagitan ng kanilang sarili na sila ay walang saysay/halaga, sapagka’t sila ay naghahangad ng isang masmataas na kapangyarihan at kahit na ito ay huwad, kahit papaano sila ay umaamin na sila ay hindi Diyos. Oh nguni’t kayong mga masasama, mga masasama, masasamang bansa ng Amerika. AKO ay hindi nagsasalita sa AKING mga Anak, sa AKING mga tupa at AKING mga batang tupa. AKO ay nagsasalita para sa inyo mga masasamang mga pulitiko at mga tagapagpasimula ng labanan na pumaroon upang subukan at sakupin ang kalawakan pati na rin ang bawat bansa sa lupaing ito. Sa buong mundong ito mula sa dako ng karagatan (sea to sea), Amerika kung kayo ay mayroong paraan, sasabihin ninyo ito’y pag-aari KO.

Oh kayo ay nag-uutos ng digmaan at kayo ay nananakop sa binhi ni Ishmael, nguni’t inyong nakalimutan iyon parin ay binhi ni Abraham. AKING mga Anak, tanging AKO lamang ang inyong kalasag. Kayo na naninirahan sa Amerika, umiiyak at nagdadalamhati, sapagka’t AKO ay nagpasya/naghatol ng digmaan sa Amerika. Sapagka’t siya ay ang mapang-api/maton sa lahat ng mga bansa, lubos ang pagmamalaki/pagmamataas, hindi na kumikilala na ito ay sa Diyos na inyong pinagkakatiwalaan. Kahit na ang kagustuhan alisin ang salitang Diyos at anumang bagay na Banal palayo sa paningin ng mga tao. Oh nguni’t kayong ibang mga bansa na nakikinig mula sa iba’t-ibang dako, kayo rin ay hindi mahusay/magaling, sapagka’t ang inyong mga pulitiko ay iniligaw kayo ng landas . Mga Sangkatauhan, kayo ay nakibahagi sa yaong hindi ninyo alam. Bakit hindi ninyo alam? Bakit hindi kayo naniniwala na AKO, si YAHUVEH, ay nagpasya ng digmaan sa planetang daigdig na ito? Sapagka’t inyong inalog (shake) ang inyong kamao sa AKIN. Sapagka’t inyong sinasabi mula sa inyong mga batas na ako ay magiging malaya. Kung gayon inyong matitikman ang AKING galit. Nguni’t hindi para sa AKING mga Anak hindi para sa mga yaong inilalagay si YAHUVEH at YAHUSHUA una sa kanilang pag-ibig at kanilang buhay. Hindi para sa mga tao na sumisigaw “Gusto KA naming makilala, ipakita MO sa amin ang IYONG kalooban/kagustuhan, ipakita MO sa amin ang IYONG paraaan, ipakita MO sa amin kung paano KA namin mapaglulugdan/pasasayahin (please) sa araw [na ito].” Hindi kayo ang AKING kaaway at kayo ay ipagtanggol/iingatan (shield) KO sa araw na ito.

Kayo na pinupuno ang mga Simbahan, na napakahambog at napakamapagmataas. Sinasabi ninyo kung aling mga kautusan ang dapat panatilihin, aling kautusan (commandments) ang lipas/luma na, na hindi na dapat sundin. Sinasabi ninyo na kilala ninyo AKO nguni’t walang sinuman ang nakakakilala sa AKIN kundi ang AKING Anak. Nguni’t ang AKING mga tunay na Anak ay sumisigaw/umiiyak “Oh Ama gusto KA naming makilala, oh tulad ng ginawa ni Moses, oh AMA (ABBA) nais ka naming makilala, Oh YAHUSHUA ang darating naming Nobiyo (Bridegroom) gusta KA naming makilala.” Ang unang mga bunga na natubos, sinasabi rin nila ngayon ang panalangin na ito, sapagka’t inilagay KO sa kanilang mga puso na umiiyak at magmahal/magmalasakit.

AKO, si YAHUVEH, ay nagpasya ng digmaan sa daigdig na ito. Ang apoy ay darating mula sa kalangitan at walang sinuman ang makakapigil sa AKIN. Kailangan KO pa bang ipaalala sa inyo kung ano ang nangyari sa Tore ng Babilon? Gayon ito ay mangyayari muli at ang inyong mga tore ng Babylon ay babagsak. Binigyan KO kayo ng maraming pagkakataon (chance after chance) upang magsisi. Sinabi KO sa mga tao na ibalik ang kanilang mga kalayaan na inalis. Ikinibit lamang nila ang kanilang mga balikat at sinasabi, “Ano ang maaari naming gawin?” “Wala” Ang inyong mga pahayagan ay sinuri (censored). Ang inyong mga balita ay sinuri. Nguni’t maaari parin kayong magprotesta. Bakit hindi man lamang kayo, kahit na, mag-alay ng isang panalangin?

Inatasan KO ang Ringmaiden na ito na magsimulang magsabi/magsalita muli ng isang panalangin. Huwag lamang ipalagay/akalain na ang mga tao ay magiging martir para sa kapakanan KO. Nasaan ang mga panalangin? Kailangan KO bang ipaalala sa inyo si Saul, ang isa na tinatawag ninyong Paul? Hindi ba ninyo alam na ito noon ay sa mga panalangin para sa pamamagitan (prayer for intercession) na nagaganap at iyon ang dahilan kung bakit siya ay naligtas. Inatasan KO ang Ringmaiden na ito na magsimulang manalangin ng maaga (ahead of time) para sa isang hukbong puwersa (force field) na sasakop sa inyong mga katawan na magiging isang proteksyon mula sa mga sandata ng tao at kahit sinumang lalapit sa inyo. Ang mga taong AKING iilang pinili, ang mga tao na tinawag na unang mga bunga (first fruits), sapagka’t kayo ay AKING pinili. Ito ay tila kayo ay dumaan sa isang kaban (bin) ng gulay; hindi ba ninyo pinipili ang pinakamabuti/pinakamahuhusay? Gayon rin pinili KO ang AKING Nobiya, ang AKING mga Pinili at ang AKING Hinirang! Mayroong isang hukbong puwersa (force field) na sasakop/papalibot sa inyo na hindi makikita ng tao hanggang ang sandata ay nakalayon/nakapuntirya sa inyo ng literal. Hinahangad nila na kontrolin ang inyong isipan.

Ang masasama ay hinahangad na kunin ang inyong kalooban nguni’t kanilang nakakalimutan AKING minamahal, ito ay ang AKING kalooban, ito ay ang AKING Espiritu, ang AKING RUACH ha KODESH at hindi nila ito maaaring hawakan. Ito ay hindi ang inyong isipan sapagka’t ibinigay ninyo ito sa AKIN, upang ang inyong Tagapaglikha ay maaring makipagusap sa inyo, upang maaari ninyo AKO marinig at AKO ay nagbangon ng mga propeta mula sa AKING SARILING Espiritu. Ang mga huwad ay nagsasabi “Huwag makinig sa mga propeta” nguni’t AKO ay palaging mayroong isang propeta. Ipinadala/Isinugo KO sa daigdig na ito ang Propeta ng mga Propeta, SIYA ay ang AKING Anak na si YAHUSHUA. Hindi niya iniwanan ang daigdig na ito hanggang sa dumating ang Tagapayapa/tagapag ginhawa (comforter) na naghatid ng mga tunay na kaloob ng propesiya, upang ang AKING mga Anak ay makarinig muli.

Gusto ba ninyo malaman kung bakit hindi kayo makarinig? Sapagka’t napakarami ay nahihirapan at nagsasabi, “Makikinig lamang ako sa kung ano ang sinasabi ng propetang ito.” Nguni’t kailangan ninyong matuto, hanapin ninyo AKO para sa inyong sarili. Hangarin ninyo ng buong puso ang AKING tinig para sa inyo na makarinig at hindi KO kayo bibiguin. Kahit ang mga Kodigo sa Bibliya (Bible Codes), ang ilan ay tunay, ang ilan ay mga huwad nguni’t kahit na ang mga salita dito at doon, kung walang kayong pag-aninaw/pang-unawa kukunin ito ni satanas at ililigaw kayo. Kaya mag-ingat kung kanino kayo nakikinig, nakalinya ba ito sa AKING Salita?

Mag-ingat sa mga nanghuhula ng kalamidad, sa pulitika o ekonomiya/nanghuhula ng tadhana (doom sayers) na nagbibigay ng mga propesiya ng walang pag-asang ginhawa/katahimikan. Ang Ringmaiden na ito ay laging nagsasalita ng mga salita ng babala para sa mga kaaway nguni’t hindi kailanman AKO nagbigay ng propesiya kung ano ang magaganap, nang hindi nag-iiwan sa inyo ng pag-asa na AKO ay mayroong kontrol, na AKO ay nagbabantay/nangangalaga at AKO, si YAHUVEH, ay poprotektahan ang mga tao na tunay na AKIN. Papaano kayo magiging AKIN? Sa pamamagitan ng pagtanggap kay YAHUSHUA HA MASHIACH na tinatawag ng mga Griyego na Hesu Kristo. Sapagka’t hindi AKO kailanman gumagawa ng anumang bagay ng hindi muna nagbibigay ng babala sa AKING mga Propeta kaya ipinadala KO ang Babaeng Lingkod na ito ngayon, upang balaan kayo sa ano ang darating. Ang pinakadakilang paraan para sa inyo upang maghanda ay hanapin ang AKING Mukha, hanapin ang AKING kalooban, sapagka’t mayroon pa rin AKONG ligtas na mga bulsa. Ilarawan ang kamay ng Makapangyarihang Tagapaglikha na si YAHUVEH sa isang bato na nakikipaglaban mula sa Langit. Nguni’t iniisip ninyo na may mga bato kayo upang ibato pabalik at gayon man sinasabi KO, “Wala,” Amerika tumatawa AKO sa inyong mga red alerts, sapagka’t ang pagkalipol ay darating sa bansang ito. Ang mga tao na itinuturing KO na karapat-dapat lamang sa pagkalipol/pagkasira at ito ay magmumula sa kamay na lumikha ng mga Langit at gayundin ng lupa/daigdig.

Oh hangal, hangal na tao, ano ang inyong gagawin kapag inyong nabatid na huli na, ang digmaan ay pinasya/idineklara na mula sa Langit. Nguni’t sa mga tao na tunay na AKIN, ang mga tao na tumatanggap/naniniwala ng literal sa Torah, ang mga yaong naniniwala na AKO ay kayang protektahan [sila], ang mga yaong inilalagay AKO una sa kanilang buhay at kanilang pagmamahal, ang mga yaong inilatag ang lahat sa altar ng pinaghahainan (altar of sacrifice), inyong matatagpuan na AKO si YAHUVEH ay hindi nagsisinungaling. Oh hangal na daigdig, ang mga masasamang naninirahan sa daigdig na ito, ito ay totoo tulad ng sinabi KO sa Ringmaiden na ito matagal na ang nakalipas noong nakita niya ang mga lindol, noong nakita niya ang hangin kasama nito at ang mga baha at mga bulkan, mga yaong natirang buhay na masama at kahit na ang mga tao na matuwid sa pamamagitan ng AKING Anak narinig niya ang mga salitang ito, “Ngayon, katapusan ng unang pag-ikot (round one), ngayon para sa pangalawang pag-ikot (round two).” Ito ay parang isang boksing na labanan, ilan pang mga pag-ikot? At ito’y mangyayari sa panahong mas hindi ninyo inaasahan, iyan ang dahilan kung bakit sinabi KO sa inyo AKING mga Anak, “Itago ninyo ang inyong mga sarili ng kaunting panahon pa.” Itago ninyo ang inyong mga sarili sa presensya ng AKING dibdib; itago ninyo ang inyong mga sarili sa ilalim ng AKING mga Pakpak sapagka’t ito ay AKO, si YAHUVEH, lamang ang makakapagprotekta sa inyo sa panahong iyon. Ang SIYA ring magpoprotekta sa inyo ngayon, Samakatuwid AKO ay poprotektahan kayo.

Kaya manalangin ng maaga para sa force field (hukbong puwersa) na ito AKING mga Anak, manalangin ng maaga (ahead of time) para sa mga taong magiging martir sa buong mundong ito sa AKING Pangalan, sa Pangalan ng AKING Anak. Huwag lang mag-akala sapagka’t kapag kayo ay magpalagay kailangan KO ba ipaalala sa inyo kung ano ang unang 3 titik ay? Makinig sa tinig ng Ringmaiden na ito sapagka’t tunay na binabalaan KO kayo tulad ng ginagawa KO ng paulit-ulit, ang pagkalipol ay paparating mula sa Langit, ang isang tanawin na napaka kakilakilabot na ang mundo ay tatakpan ang kanilang mga mata.

Kayo na nagimbento ng mga karamdaman at mga salot na ito, ang mga ito ay sasapit sa inyo at sa inyong mga pamamahay/pamilya. Hindi ninyo mabatid kung bakit. Nguni’t ang RUACH HA KODESH at ang dumaloy na Dugo ni YAHUSHUA ay ang inyong panlaban ng katawan (anti bodies) na gagamitin ng AKING mga Anak at ang mga salot ay hindi lalapit sa kanilang kinaroroonan/tahanan, ang lahat ng mga taong natagpuan na nakalulugod sa AKIN. Ito ay ang AKING pangako sa AKING mga Minamahal na Sanggol, Mga Nobiya, Mga Pinili at mga Hinirang. Kaya itago ninyo ang inyong sarili AKING mga Anak para sa isang sandaling panahon, sapagka’t muli AKING sinasabi, AKO si YAHUVEH, ay nagpasya/nagdeklara ng digmaan mulsa Langit sa AKING mga kaaway, sa mga tao na nangungutya sa AKIN, sa mga tao na nagbabago ng AKING mga Batas, para sa mga tao na sumusubok at akayin/pamunuan ang AKING tupa upang patayin. AKO, si YAHUVEH, ay nagpasiya ng digmaan mula sa Langit nguni’t hindi ninyo alam kung anong oras ang pagkalipol/pagkawasak ay babagsak. Napakaraming patay at walang oras upang ilibing, ang inyong mga pulitiko ay mananaghoy. Kanilang inaalog ang kanilang kamao sa AKIN, ngayon inaalog KO ang AKING kamao sa kanila. Ito ay isang nakakatakot na bagay na mahulog sa kamay ng Makapangyarihang Buhay na YAHUVEH sapagka’t AKO ay ang simula at walang AKONG alam na katapusan. Nguni’t kayo sa kabilang banda oh mga kaaway KO, kayo ay mga mahihinang babae at lalaki lamang.

Hangal, hangal, hangal na mga tao sa daigdig na ito, ano ang kakailanganin para makinig kayo? Sapagka’t AKO ay nagsasalita sa inyo sa panahon, inaalog lang ninyo ang ulo ninyo at sinasabi hindi ba kakaiba iyan? Sinabi KO sa inyo na nagsasalita AKO sa inyo sa mga baha; hindi kayo nagbibigay ng atensyon/pansin kahit na sa mga unos. Gaano karaming tao ang kailangang mamatay bago ang inyong mga mata ay bumalik sa AKIN? Ito ay tila parang tulad lamang ng mga gusali at mga nasawi/namatay na hindi man lamang ninyo AKO kinilala. Kaya makikita ninyo ang inyong panahon ay magiging kakaiba. Iniisip ng tao na maaari niyang kontrolin ang panahon. Oh kayo ay nagyayabang/hambog Amerika mayroon kayong makina ngunit inyong nakalimutan; kung sino ang nagiimbak ng ulan na yelo (hail), kung sino ang nag-iimbak ng nyebe, kung sino ang nag-iimbak sa ulan, kung sino ang nagiging sanhi sa mga bulkan na pumutok. Nakalimutan ninyo ang ISA na nagpapayanig ng lupa at hindi KO kailangan ng makina.

Bakit iniisip ninyo na tanging kapag bumagsak ang inyong mga sundalo na ang mga luha lamang ng inyong mga minamahal ang AKING nakikita. Nguni’t sa ibang mga bansa, ang mga tao na inyong itinuturing na mga kaaway, bakit iniisip ninyo oh Amerika at ang mga yaong ibang bansa rin AKO ay nagsasalita, bakit iniisip ninyo na ang mga luha na ibinuhos para sa patay, [ay] hindi KO nakikita? Ang sakit ay hindi KO nararamdaman! Kapighatian sa mga Bansa na nagmamalaki/mapagmataas. Oh Amerika, kahit na ang inyong ‘i’ ay nilalagyan ninyo ng tuldok kasama ng salitang pride/mapagmataas.

Kahit AKO ay nahihiya, sapagka’t AKING pinagpala ang ilan sa AKING mga sariling anak ng kayaman at sinasabi nila na sinusunod nila AKO, kahit na dito ay pumupunta sila upang makinig sa mga salita na AKING ibinigay sa AKING Ringmaiden na ito at gayuman kanilang iniipon at kanilang inimbak ang yaman na AKING ibinigay sa kanila. Sinasabi nila na ito ay para sa isang maulan na araw. Ibinigay KO sa kanila ang mga barko, Ibinigay KO sa kanila ang mga lupa, Ibinigay KO sa kanila ang mga eroplano, Ibinigay KO sa kanila ang ginto, Ibinigay KO sa kanila ang pilak at AKO ay inuusig (convicted) sila ng paulit-ulit. Sapagka’t kanilang inimbak ang kanilang mga kayamanan dito sa daigdig, ang kanilang mga antigong kagamitan, ang kanilang salapi sa bangko (bank accounts) at gayunman sa kamalig ng Langit sila ay kapos/hikahos (bankrupt). Kailangan KO bang ipaalala sa inyo ang isa na sana’y naging isang disipulo ni YAHUSHUA sapagka’t sinunod niya ang Torah, sinunod niya ng tapat ang lahat na sinabi ng AKING Anak na si YAHUSHUA, nguni’t noong dumating/lumapit siya kay YAHUSHUA at sinabi “Ano pa ang kailangan kong gawin?” Hindi ba sinabi ni YAHUSHUA sa kanya “Ipagbili mo ang lahat na mayroon ka at ibigay ito sa mahihirap” at lumayo ang lalaki na malungkot iniinog/kinakalog ang kanyang ulo ng hindi.

Sapagka’t kita ninyo, AKING mga Anak, ginawa niyang mas importante ang yaman ng mundong ito kaysa sa Diyos na kaniyang inaanking pinaglilingkuran. Gayon rin walang anuman ang nagbago at dahil dito AKO ay nagdadalamhati. Oh nasaan ang mga Bata na may mga Alabastrong Kahon (Alabaster Boxes)? Oh nasaan ang mga luha? Sino ang maghuhugas ng paa ng AKING Anak? Nasaan ang mga tao na magdadalamhati, iiyak at mananaghoy sa mga kasalanan ng mundong ito, na nagdadala sa AKIN ng napakaraming dalamhati? Bakit kayo umiiyak lamang para sa inyong mga sariling Sundalo? Bakit hindi kayo umiiyak para sa iba? Ang inyong kaaway ay hindi yaong sinasabi ng inyong Gobyerno ay inyong kaaway, ang inyong kaaway ay si Lusiper. Ang inyong kaaway ay ang sinumang tinatawag ang kanilang mga sarili na AKING kaaway. Ang inyong kaaway ay kontra/laban sa lahat ng Banal. Ang inyong kaaway ay sinasabi sa inyo na kung ano ang mali ay tama. AKO ay nanonood, ang AKING mga mata ay pumaroo’t parito sa buong daigdig na ito, upang tingnan kung sino ang tunay na may pakialam at alam KO ito AKING mga Anak, sapagka’t inyo itong itataas/ilalagay sa panalangin. Ang inyong kaaway ay ang mga taong pumupunit/pumapatay sa mga inosenteng mga sanggol mula sa mga sinapupunan ng kanilang Ina at itapon ang mga ito sa isang basurahan o gilingin ang mga ito at ilagay ang mga ito sa mga kosmetiko. Ito ay ang inyong mga kaaway.

Binigyan KO kayo ng isang babala sa Ezekiel 9; AKING ibinubuklod/tinatatakan ang mga tao na mapoprotektahan mula sa AKING galit habang nakatuon ang inyong mga mata sa digmaan pagkatapos ng digmaan. Nakalimutan ninyo, oh AKING mga kaaway, nasa AKIN ang huling salita. AKO’y nagsasalita mula sa kalangitan at nang napakabilis makikita ninyo na AKO ay hindi isang Tagapaglikhang YAHUVEH na madaling makutya/hamakin. AKING inilalaan ang AKING galit para sa AKING mga kaaway, para sa lahat ng kumukuha sa salitang kasal/pag-aasawa at dungisan kahit na ang pangalan. Ang parehong kasariang mga kasalan sa mundong ito kanilang pinoklama/inihahayag. Sila ay nagmamartsa sa kanilang mga parada ng bakla/tomboy; kanilang iwinawagayway/ipinagmamalaki ang kanilang mga kasalanan sa harap ng mundo. Oh nguni’t mga hangal na lalaki at mga hangal na babae, AKO, si YAHUVEH nasa [AKIN] ang huling salita. Inyo lamang ginagawa ang inyong daan pababa sa antas ng Impyerno kung saan kayo ay bababa.

Ang mabahong amoy ng mga kasalanan ng daigdig na ito ay umabot sa Langit at ngayon wala AKONG pagpipilian kundi magproklama ng digmaan sa daigdig na ito mula sa Langit. Ang inyong mga mata ay makikita sa himpapawid kung ano ang hindi ninyo nais makita. Nguni’t hindi ito sa pamamagitan ng anumang sandata ng tao, kaya huwag malinlang sapagka’t AKO, si YAHUVEH, ay ibinigay ang proklamasyong ito ng digmaan tulad ng ginawa KO noong unang panahon, kaya AKO ay gagawin [ito] muli. Kaya AKING mga Anak, binibigyan KO kayo ng babala kung ano ang darating, tiyakin na ang inyong mga kamay ay hindi masisisi, tiyakin na ang inyong bibig ay nagbibigay ng babala, upang ang dugo ng masasama ay wala sa inyong mga kamay. Ito ay sa pamamagitan lamang ng AKING awa na kahit na mga Propeta ay mayroon AKO upang magbigay ng babala sapagka’t kahit na ang AKING sariling mga Anak ay inaalog (shake) ang kanilang ulo at ang mga Propesiyang ito ay kinasusuklaman ng ilan. Nguni’t wala AKONG ginagawa ng hindi muna sinasabi sa mga Propeta, kaya muli AKO’y nagsasalita mula sa RingMaiden na ito, ito ay isang proklamasyon ng digmaan!

Ang mga taong nagsisisi sa harap KO, ang mga taong nagbubuhos ng luha ng pagsisisi, ang mga taong bumaling kay YAHUSHUA HA MASHIACH, ang mga tao na susunod at tumalikod mula sa kanilang mga masasamang kasalanan sa araw na ito, AKO ay matapat at AKO ay magpapatawad bago ito ay huli na. Nguni’t sasabihin KO ito sa inyo AKING mga Anak; ito lamang ay isang maliit na bahagi ng Sangkatauhang (human race) ito. Oh Amerika at England at ang lahat ng mga tao na mapagmataas/mapagmalaki. Kailangan KO bang ipaalala sa inyo, ang pagmamataas ay dumarating bago ang isang malaking pagbagsak at ang isang dakilang pagbagsak ay paparating at walang sinuman ang makapagliligtas sa inyo? Kaya mga Anak kayo ay binigyan na ng babala. Malalaman ninyo ang ibig sabihin nito kapag nakita ninyo ang apoy sa kalangitan. Kaya itago ninyo ang inyong sarili AKING mga Anak para sa kaunting panahon na lamang.

****************

Kaya ito ay sinalita, kaya ito ay nasusulat ang Ringmaiden na ito ni YAHUSHUA, Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu) 6/25/04

Mangyaring ibahagi ito sa lahat ng mga tao na kailangang mabigyan ng babala. Ayaw kong maging responsible para sa kahit sinumang dugo sa aking mga kamay dahil hindi sila nabigyan ng babala. Ezekiel 3:17-21

Google search Meaning: Natagpuan na kahulugan sa Google.

Red Alert:

Red Alert is the highest level of emergency in several warning systems. The level is used, e.g., by the U.S. Homeland Security Advisory System (Civil defense siren), the British BIKINI state and Ontario’s Red Alert emergency bulletin.

Ang Red Alert ay ang pinakamataas na antas ng emerhensiya sa maraming mga sistema ng babala. Ginagamit ang antas, hal., Ng U.S. Homeland Security Advisory System (Sibil pagtatanggol sirena), ang British BIKINI estado at Red Alert emergency bulletin ng Ontario.