Propesiya 83, AKO si YAHUVEH at nagsasabi, “Maghanda Malapit na ang Pagwawakas!”

Propesiya 83

AKO si YAHUVEH at nagsasabi, “Maghanda Malapit na ang Pagwawakas!”

Naisulat/Isinalita sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH sa pamamagitan ni Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
Marso 15, 2006 sa Banal na Araw ng Purim
Sa ganap na tanghali
Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:

2 Mga Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng DIYOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANGINOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

*****************
Si Elisabeth (Elisheva) ay nagsasalita:

Ako ay nagsimulang magsalita ng Banal na mga Wika sa telepono nananalangin kasama ang ibang miyembro ng Nobiya ni YAHUSHUA, na ang pangalan ay Adam, mula sa Canada. Ang propesiyang ito ay lumabas ng lubusan na hindi inaasahan, [ito ay] naitala (recorded). Nang ang tunay na audio ay narinig, ako ay nakakakita ng maikling mga pangitain ng kahila-hilakbot na mga bagay na mangyayari gayundin ang makarinig ng mga salita na, “Moorana, moorana, moorana.” Alam ko na ang ibig sabihin ng mga salita ay, “Pagpatay, pagpatay, pagpatay.”

Hindi ko alam kung anong lengguwahe/wika ito o paano ito baybayin (spell). Gayundin ang salitang ‘Sindak {Horror}’ ay nasa lahat ng dako ng salitang ‘Horrenda.’ Hindi ko ito nababaybay (spell) ng tama nguni’t sa propetik na salitang ito inyong maririnig sa audio ito ng mashigit pa sa isang beses. Kung may sinumang nakababatid sa salitang ito sa ibang lengguwahe/wika, ako ay interesado na malaman kung anong lengguwahe ito sa daigdig, marahil ito lamang ay lengguwahe/wika sa Langit. Alam natin na ang pagsasalita ng Banal na mga wika ay pagsasalita sa mga wika ng tao at mga anghel sabi ng Bibliya.

Si Elisabeth [Elisheva] ay nananalangin:

Nagmamakaawa ako sa IYO, ABBA [AMA] YAHUVEH, huwag hayaang lumabas ang salitang ito kung ito ay hindi IKAW, kung ito ay hindi ang IYONG tiyempo, huwag hayaan ang tatak (seal) ay masira. Nagmamakaawa AKO sa IYO ABBA YAHUVEH, sa Pangalan ni YAHUSHUA HA MASHIACH.

AKO SI YAHUVEH AY NAGSASABI, “MAGHANDA, NALALAPIT NA ANG PAGWAWAKAS!”

Oh AKING minamahal na Ringmaiden! Gaano pa katagal?

[Basahin ang Propesiya 76 na kung saan si YAHUVEH ay ipinapaliwanag kung bakit si Elisabeth (Elisheva) ay tinatawag na KANYANG Ringmaiden.]

Pinahintulutan KO ang Nobiya ni YAHUSHUA na tumayo sa puwang tulad ng tumayo si Abraham sa puwang para kay Lot. Gaano pa ba katagal sa tingin mo na kailangan KONG maghintay? Kung papaano AKO kinukutya! Kung papaano ang AKING Pangalan ay kinasusuklaman! Kung papaano ang AKING mga Banal na kumakatawan sa AKIN ay sinisiraan ng puri! Kung papaano sila pinapatay para sa AKING kapakanan sa buong mundo! Dahil lamang pinipigilan KO ito mula sa pagdating sa Amerika sa ngayon, gaano karami/kalaki ang pagbabalewala (taking for granted)! Ngayon sinasabi KO sa inyo na magsalita ng isang bagong panalangin sapagka’t ang Pagwawakas ay nalalapit [na].

Iyan ang dahilan kung bakit ang Nobiya ay lumapit sa AKIN sa Purim na ito at naging Banal sa harapan KO –sa harapan ng AKING mga mata. Iyan ang dahilan kung bakit sinabi KO, “YAHUSHUA ihanda MO ang IYONG Nobiya na walang dungis o kulubot!” Sapagka’t ang masama ay lumagong masmasama! At ang Banal ay naging masBanal! Sa harapan ng AKING mga mata! Ang AKING mga mata ay nagpabalik-balik lalo na sa panahon ng Purim na ito. Sa mga tinatawag na Kristiyanong mga simbahan, sa Banal na oras na ito ay hindi man lamang binanggit – o ang ilan ay ginawa lamang sa isang pagdaan ng sulyap (passing glance).

Ito ay ang Ministri na ito na AKING isinilang sa pamamagitan mo na nagturo sa mga tao ng kahulugan ng kahalagahan ng dugong-linya (bloodline) ni Mordecai at ang pagkamasunurin ng isang Esther. Ngayon binibigyan kita ng isang bagong kautusan upang ibigay sa [mga] Nobiya. Huwag mag-alala sa mga tao na manghahamak at mangungutya. Huwag mabahala sa tingin ng kanilang mga mukha. Kailangan mo lang sumunod at ito ang mga salitang kailangan KONG sabihin.

AKO si YAHUVEH, ay inuutusan ang Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH sa araw na ito na manalangin para sa Dalawang Saksi. Manalangin para sa Dalawang mga Saksi. Sapagka’t ang oras ay darating na AKING ipapadala ang mga anghel, oh ng napakaikli/ilang saglit upang patunayan sa Dalawang Saksi kung sino sila sa AKIN.

Paulit-ulit, si satanas ay sinusubukan na kunin ang kanilang mga buhay. Katulad ng may [mga] Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH, mayroong [ring] nobiya ni satanas. Ang Ministri na ito ay nakatagpo/nakaharap ang mga ito ng paulit-ulit at hindi nila alam. Mayroong mga tao na napopoot sa inyo ng may paghihiganti. Kahit na ang 200 na mga mangkukulam ay ibinangon/binigyang buhay sa pamamagitan ng kamay ni satanas upang manalangin laban sa iyo, ang isa na AKING tinatawag na AKING Ringmaiden. [Tandaan: Noong araw ng Purim, sa oras na ito ang Salitang ito ay ibinigay sa Africa, ito noon ay nasa balita at internet: 200 na mga mangkukulam ay nagtipon upang ipukol ang kanilang mga gayuma at mga sumpa.]

Nguni’t AKO, si YAHUVEH, ay nagsasabi! Ang kanilang mga atake ay hindi magtatagumpay sapagka’t AKO ay mayroong [mga] Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH na tumatakip sa iyo (nananalangin). Bago nila iiwan ang daigdig na ito, bago ang Dalawang Saksi ay tutubusin bilang unang mga bunga, malalaman nila kung sino sila sa AKIN. Inuutusan KO ang lahat ng mga miyembro ng NOBIYA ni YAHUSHUA HA MASHIACH! Magsimula nang manalangin ngayon para sa mga ito na AKING tinatawag na Dalawang mga Saksi! Masdan, AKO si YAHUVEH ay nagsasabi ng isang lihim sa mundo! Masdan AKO ay gumagawa ng bagong bagay! Ito ay isang babae at isang lalaki!

Dahil kayong mga lalaki ay nanghahamak at nangungutya! Tulad ng AKING ibinangon na si Deborah bilang isang Hukom ng lahat ng Israel [Mga Hukom 4:4], kaya gayundin AKING ibinangon sila, gayon rin ito ay naitalaga: ang isa na darating ay magkakaroon ng isang espiritu katulad ng isang Moses- ang isa na darating ay magkakaroon ng isang espiritu katulad ng isang Elias [sa Hebreo, Eliyahu]. Nguni’t habang ang dalawang ito ay nasa mortal na laman parin, ang mga atake ay sumasapit sa kanila – AKO si YAHUVEH ay inuutusan ang lahat ng Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH hayaan ang bawat panalangin na inyong sinasabi mula ngayon ay tatakip/poprotekta sa kanila: Na sila ay magkakaroon ng banal na kalusugan habang sila ay nasa mortal na mga katawan ng laman! Na sila ay magsasalita ng masmatapang! Na ang kanilang mga kaaway ay mapupuksa/malilipol sa harapan ng mismong mga mata nila! Tulad ng si Elijah ng unang panahon na ipinalangin [sa Hebreo, Eliyahu], gayun rin ang parehong Pagpapahid ang mapupunta sa kanila. Ang mga kaaway ay manginginig/maduduwag sa takot sapagka’t kanilang mababatid na ang Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH ay naririto. Kaya ito ay sa Banal na oras ng Purim na ito. Pinapakita KO sa inyo kung gaano kalapit ang katapusan na nalalapit. Sapagka’t sinasabi KO na sa inyo na takpan ang ang Dalawang Saksi na nasa mundong ito. Oo, sila ay nandito na nguni’t sila ay napaka mapagpakumbaba, at sinasabi nila, “Tiyak na hindi ako? Kung ito nga, hindi ko nais malaman.”

Sasabihin KO ito sa inyo. At AKO ay nagsasalita sa mga ito na AKING kilala bilang ang Dalawang Saksi:

Malalaman ninyo na malalaman ninyo, kahit bago pa kayo kunin mula sa mundong ito. Kayo ay babalik sa isang niluwalhating katawan. Kayo ay tatayo sa harap ng yaong tinawag na Tangisang Pader (wailing wall). At ang mga apoy ay lalabas mula sa inyong mga labi! At ang apoy ay lalabas mula sa inyong mga sakong (heel)! At inyong ihahayag ang kung ano ang sasabihin KONG inyong ihayag! At walang lalaki at walang babae at walang diyablo at demoniyo ang makakatayo/tindig/makakabangon!

Sapagka’t ang HARI NG LAHAT NG LUMIKHA NA SI – [AY] AKO, si ABBA YAHUVEH, ay inuutusan ang Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH sa araw na ito na manalangin.

Nguni’t tandaan ito, kapag inyong nakilala kung sino sila, kayo ay makakakita ng mga bagay sa daigdig na ito na mangyayari sa gayong paraan na habang sinasabi KO sa kanila na magsimulang magbitaw/magbigay sa espirituwal na lupain na mga Salita na AKING ibinigay sa kanila na sabihin. Kaya ngayon, Nobiya ni YAHUSHUA, manalangin na tatanggapin nila at paniniwalaan ang Pagpapahid na AKING inilagay sa kanila. Tandaan ito, ito ay isang lalaki at isang babae. Gawin ang trabaho na mayroon kayo at gawin ito kaagad. Sinasabi KO, muli, gawin ang trabaho na AKING ibinigay sa inyo na gawin at gawin ito kaagad.

Ang ilan sa inyo na nagtago/nag-imbak ng ginto at pilak, ang ilan sa inyo na AKING pinagpala ng mga hiyas –anong kabutihan ang magagawa nito [sa inyo] kapag ito ay maiiwanan? AKING masaganang binasbasan, ng pinansiyal at sa lahat ng mga paraan! At gayunman ilan sa inyo na [mga] Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH ay hindi kailanman sinulatan ang Ringmaiden (babaeng tagapaglingkod) na ito. Gayunman kayo ay lumago ng palihim ng may kaalaman at [naging] mayaman/mataba sa espirituwal gaya ng lahat ng kaalaman at Pagpapahid na inyong tinipon, at kayo ay hindi nagbahagi. At gayunman binigyan KO kayo ng walang kakulangan. AKO ay pananagutin kayo sa kung ano ang inyong ginagawa para sa Kaharian ng Langit.

Natatandaan ba ninyo si Elias ng unang panahon [sa Hebreo, Eliyahu]? Pinadala KO siya sa isang byuda ng Zarephath. Bagaman sila ay napakarami, maraming mga Byuda sa yaong lupain, AKO mismo ay pumili ng isa. Sa kung saan ang Ministri na ito ay ipinadala, kung saan KO ipinadala ang AKING Elias ng kasalukuyan [Elijah of New] [Sa Hebreo, Eliyahu], [kung] ano ang ginawa ninyo sa kanila, gayun rin ang inyong ginawa sa AKIN.

At sinasabi KO ito sa inyo. AKO, si YAHUVEH ay sinasabi sa inyo ito! Sinuman ang hahawak o pipinsala/sisira sa Amightywind Ministri na ito sa anumang paraan, o sa AKING Ringmaiden sa anumang paraan, ito ay tila kayo ay hinahawakan at naglalagay ng isang matalim na matulis na patpat sa balintataw (pupil) sa mga mata KO, [AKO], na si YAHUVEH. At AKO ay maghihiganti! At sa AKING Pigaan ng ubas ng poot kayo ay mapupunta. At dudurugin KO kayo sa pitong iba’t-ibang direksyon at iyan ang lahat ng kanilang maririnig habang dinudurug KO kayo sa bawat paraan. Isipan, katawan, espiritu at kaluluwa! [Tulad ng pinatunayan sa Propesiya 80].

Sapagka’t hindi ba AKO nagbabala, “Huwag hawakan ang AKING Pinahiran at ni gawan ang AKING mga Propeta ng anumang kapinsalaan” (! Ch 16:22; Aw 105:15)? Iniisip ninyo na ang inyong dila ay makakatakas/makakalusot sa pagsasalita ng mga lapastangang mga salitang ito? At tinatawag ninyong masama kung ano ang AKING tinawag na mabuti sa AKING mga Mata! AKO ay bibigyan kayo ng kahilingan na putulin KO ang inyong dila bago pa kayo pahintulutang sabihin ang ganitong karumihan.

Nguni’t sa mga tao na yayakap sa Ministri na ito, sa mga yaong yayakap sa mga katotohanang ito, sa mga taong yayakap/tatanggap sa Ringmaiden na ito- AKO ay yayakapin kayo. Sapagka’t ito ay hindi isang babae lamang- ito ay hindi isang babae lamang- ito ay isang sisidlan na AKO, si YAHUVEH, ay isinalita ang AKING katotohanan [sa kanya] Para sa inyo na tumanggap sa mga katotohanang ito, AKO ay tinatanggap kayo.

Para sa mga tao na nanghamak at nangutya, AKO si YAHUVEH ay itinatanggi kayo. Basahin ang [kwento ni] Esther muli. AKO ay kumakatawan sa yaong Hari! Ilan sa inyo ay mga Vashti? Sa tingin ninyo kayo ay puno ng kagandahan; [iniisip] na hindi ninyo kailangan dumalo/pumunta kapag sinabi KO, na si YAHUVEH na dumalo! Kaya itinapon KO kayo. Sa AKING Kaharian hindi kayo pupunta/makakarating! Mayroong isang MASDAKILANG TAGAPAMAGITAN kaysa kay Reyna Esther. Ito ay ang AKING ANAK na si YAHUSHUA! AKO ay nagsasabi sa inyo, oh Makapangyarihang Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH. Walang mabuting bagay ang AKING ipagkakait sa inyo (Aw 84:11). Mayroong isang Libro ng Pag-alaala/Paggunita na naisulat na at ang lahat ng inyong mga pangalan ay nakasulat ng may pagmamahal (Mal 3:16; Aw 56:8). Kayo ay nagdusa, upang maging Banal lamang. Kaya gusto KO na malaman ninyo, kung gaano KO kayo kamahal.

Ito ay AKO ang pumili sa inyo na maging Nobiya ng AKING ANAK. Ito ay AKO si YAHUVEH ang pumili sa inyo na maging Nobiya ng AKING ANAK.

[Tandaan [ninyo] ito, ang Nobiya ni YAHUSHUA ay hindi lamang isang babae, nguni’t mga lalaki at mga babae na walang dungis o kulubot –lumalakad sa pagsunod, at handa ng makuha/mahuli upang makasama si YAHUSHUA. Manalangin na maging karapat-dapat na maging isang Nobiya (Lukas 21:36)!]

Para sa mga tao na kilala ang AKING tinig, makikilala ninyo ang ESPIRITU na nagsasalita, kayo ay tunay [ngang] AKING mga Batang Tupa, kayo [nga] ang tunay KONG mga Tupa. Nguni’t ang iba sa inyo, na nagsasabing, “Ito ay si Elisabeth [Elisheva] na nagmamataas/nagmamalaki lamang,” sinasabi KO sa inyo ito: ITO AY KAYO NA AKING KINASUSUKLAMAN! AKO ay pipilitin kayo balang araw (sa takdang panahon) na aminin na ang Ministry na ito ay ang isa na AKING minamahal at ang lahat na mga Ministri na kukunin/tatanggapin sa mga Salitang ito at ikakalat ang mga ito sa buong apat ng sulok ng mundong ito –ito ay kayo na AKING mamahalin, ito ay kayo na AKING niyayakap habang inyong niyayakap ang mga katotohanan mula sa – mga katotohanang ito ay sinusuportahan ng AKING mga Banal na Kasulatan. At ang lakas ng loob ng sinumang tumatawag sa propesiyang ito na huwad! Para sa inyo na sabihin ito, tinatawag ninyo ang AKING ANAK na si YAHUSHUA na “huwad”! Sapagka’t hindi ba SIYA ang BUHAY NA SALITA?

Lumayo [kayo] sa AKIN! Lumayo [kayo] sa AKIN! Ni hindi kayo nabibilang dito. Ang lahat na mga tao na nais umupo/makisalo sa Piging na Lamesa at makisaya sa mga katotohanan at kukunin/tatanggapin ang espirituwal na pagkain at pakainin ang iba, ay nabibilang dito. Ito ang AKING Kautusan. Ito ay ang Utos/Batas –na AKING inilalabas/ibinibigay mula sa AKING trono sa Langit, at AKING isinalita ito sa araw na ito. [Basahin ang Piging na Lamesa na panaginip]

Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH! Takpan ang Ministri na ito ng lubos pa sa panalangin. Takpan ang Ringmaiden na ito ng higit pa sa inyong mga panalangin! Maging isang biyaya sa kanila sapagka’t sila ay isang biyaya sa inyo! O AKO ay tatanungin kayo balang araw kung bakit kayo ay hindi [naging biyaya].

Takpan ang mga ito na AKING tinatawag na Dalawang Saksi. Sa Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH, kung AKO ay tatanungin ninyo at kung maniniwala kayo, sasabihin KO sa inyo ang kasagutan – AKING ipapahayag/isisiwalat sa inyo ng maslubos pa sa kung sino ang AKING tinatawag na Dalawang Saksi. Kailangan nila ang inyong pangtakip [dasal]. Kailangan nila ang inyong mga panalangin. Habang ang Dalawang Saksi ay nasa mortal na laman, hinahangad ni satanas na kunin ang kanilang mga buhay upang patahimikin ang mga katotohanan na AKING sinabi. Kaya takpan kung sinuman ang Dalawang Saksi sa panalangin!

AKO si YAHUVEH ay naging maligaya (so pleased) habang ang mga panalangin ng Nobiya ni YAHUSHUA ay duma[ra]ting sa AKIN sa Araw ng Purim na ito– bilang isang matamis na halimuyak, sila ay duma[ra]ting sa AKIN, bilang matamis na insenso – ang mga anghel ay binuksan ang mga ito at AKO ay lubos na nalulugod. At iyan ang dahilan kung bakit nagkaroon [pa] AKO ng masmarami pang awa at sinabi KO, “Gaano pa katagal nais ninyo AKO na mag-antala/pigilan?” Oh nguni’t ang katapusan/pagwawakas ay nalalapit [na]. Kapag ang nakaselyadong propesiya ay naipahayag [78], isa sa mga nakaselyo (sealed) ay mababasag (Pah 6:7-8). Kapighatian sa mundong ito kapag si Elisabeth [Elisheva] ay magsalita sa kung ano ang AKING itinago (Zeph 1:14-16; Am 5:18-20). Oh nguni’t para sa AKING Minamahal na Nobiya ni YAHUSHUA, ang mga tao na miyembro ng Pahayag 14 at Pahayag 7 – hindi ninyo kailangang matakot. Ang lahat ng mga Panauhin (guest) na naimbitahan sa Kasalang Hapunan ng TUPA – ito ay totoo na kailangan ninyo magdusa para sa KANYA, kay YAHUSHUA. Oh nguni’t ang mga gantimpala na darating sa inyo!

Ngayon ang mga sandata na mayroon ang Nobiya ni YAHUSHUA ay nasa Espirituwal na lupain. Nguni’t sasabihin KO ito sa inyo! Sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation), katulad ng nagbigay ang Hari ng Kautusan, ang utos at nagsabing, “Kunin ang inyong mga sandata at ipagtanggol ang inyong mga sarili!” gayon rin ito ay mangyayari muli. Nguni’t hindi para sa Pahayag 14 na Nobiya. Iyan ang dahilan kung bakit KO sila tutubusin mula sa daigdig na ito at ang Dalawang Saksi ay magiging kabilang sa numerong iyon at pagkatapos sila ay babalik.

Oh nguni’t kayong mga pinakamahahalagang Nobiya ng Pahayag 7, kayo ay selyado na, mga minamahal. Walang sinuman ang makakapinsala/makakapanakit sa inyo. Magkakaroon ng maikiling panahon na kayo ay kukuha ng sandata at ipagtatanggol at tutulungan ang mga Panauhin na labanan si satanas at ang mga tao na may marka ni satanas. At pagkatapos kayo ay lalakad sa yaong niluwalhating katawan (glorified body) kapag inyong maririnig ang mga Salitang, “At ang patay kay Kristo ay unang babangon.” (1 Thes 4:16). Tulad ng inyong natutunan [ang taludtod (verse), kasama], ang salitang “Kristo” ay ang kaisa-isang dahilan na AKING isinalita ito [sa ganitong paraan]. Ito ay ang “patay kay YAHUSHUA HA MASHIACH” na siyang magiging Dalawang Saksi at ang mga taong martir/pinatay sa panahon na iyon. Ang mga ito ay nasa Ikalawang Pagsagip (second rapture) at kasama ng Pahayag 7 na Nobiya ay dadalhin din sa harap ng mga mata ng mga pagano.

Ito ang mga Sikreto na nakalaan para sa Nobiya ni YAHUSHUA.

Hayaan ang iba na manghamak at mangutya. Ito ay ang piging na lamesa na AKING inilatag sa harapan ninyo sa araw na ito ngayon. Ang mga yaong may espirituwal na mga tainga ay makakarinig at ang lahat ng iba ay mananatiling bingi. Ang mga taong may espirituwal na mga mata ay makakakita at ang lahat ng iba ay mananantiling bulag. Ito ang mga Salita na AKO si YAHUVEH, ay sinabi sa araw na ito, ANG HARI NG LUMIKHA, sa Banal na Araw ng Purim na ito.

AKO, si YAHUVEH ay nagsasabi maghanda, mga minamahal, ang Katapusan/Pagwawakas ay nalalapit na! Tulad ng AKING naipropesiya sa pamamagitan ni Elisabeth [Elisheva] sa mga taon na nakalipas na ang Kumukulong Itim na Dugo na Salot/Sakit, na darating bilang isang palatandaan ng AKING poot/galit –AKIN na ngayong sinasabi ito mula sa AKING Ringmaiden: ito ay, pinakawalan na. Ito ay nagsimula na. Ang karamdaman ay nasa inkubasyong yugto [na] at walang magiging lunas.

Nguni’t mga minamahal, maging panatag – ang lahat ng Banal sa harapan KO, namumuhay ng Banal at inilalagay AKO, si YAHUVEH at YAHUSHUA, una sa kanilang buhay at pagmamahal, ginagawa ang kanilang makakaya upang maging masunurin sa Banal na mga Kasulatan – ang Kumukulong Itim na Dugo na Salot ay hindi sasapit/darating sa inyo! Ito ay magiging katulad noong unang panahon nang ang mga salot ay pinakawalan ni Moses, isinalita sa ilalim ng pagpapahid ng RUACH HA KODESH. At ang mga salot ay hindi hinawakan ang mga Anak ng Israel, ang mga Ehipto lamang na naglilingkod at sumasamba sa ibang mga diyos! At gayon ito ay magaganap muli.

Tulad ng mga araw ni Moses, kaya ito ay magaganap muli. Tulad ng mga araw ni Lot, kaya ito ay magaganap muli. Sa mga makasalanan na hindi nais na mangagsisi sa ngayon, ngayon [na] ang araw ng Kaligtasan! Binabasa ninyo ito mula sa “Huling Pagkakataong Ministri”. Maaaring Bukas ay maging huli na. Ano pa ang inyong hinihintay? Ang isang relihiyon ay hindi makakapagligtas sa inyo. Ang kabanalan, pagmamahal, pagkamasunurin na relasyon kay YAHUSHUA at sa AKIN, na si YAHUVEH lamang ang makakapagligtas sa inyo. Maaari lamang kayong makabalik sa Langit sa pamamagitan ng Pangalan at Dugo ni YAHUSHUA HA MASHIACH. Ang lahat na naimbitahan sa Kasalang Hapunan ng TUPA, AKO ay mayroong babala para sa inyo, sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation) ang isa na darating na karaniwang tinawag na anti-Kristo -na tunay [nga] na anak ni satanas, ang anak ng kapahamakan – siya ay darating na gagamitin at gagawing huwad (counterfeiting) ang pangalan ng kilala ng buong mundo sa bawat kaanak at wika ang pangalan na kilala ng mga Kristiyano at minamahal pangalan na “Hesu Kristo!”

[NAPAKA IMPORTANTE! BASAHIN ANG SUSUNOD NA TALATA NA ITO NG MAIGI]

Mag-ingat! Mga patandaan, kababalaghan at mga milagro ay nagagawa parin at ang mga kaluluwa ay naililigtas parin [bago ang Malaking Kapighatian] sa pangalan ni Hesu Kristo. Huwag matakot. Nguni’t, ito ay hindi pa ang Katapusan na oras at kayo ay mananagot lamang sa kung ano ang itinuro/naituro sa inyo. AKO, si YAHUVEH ay kinararangal at pinahiran ang pangalan na “Hesus”, bagaman ang AKING ANAK na si YAHUSHUA ay binigyan ng isang Hebreong Pangalan ng KANYANG Hebreong ina. At AKO ang KANYANG AMA; ang KANYANG Pangalan ay nagtataglay ng AKING Pangalan na YAH. Ang pangalan na “Hesus” ay tinanggal/binura ang AKING SAGRADONG PANGALAN, ANG PANGALAN NA HIGIT KAYSA SA LAHAT NG MGA PANGALAN. Ang AKING Pangalan na YAHUVEH at ang Pangalan na YAHUSHUA ay nagsasalin sa – isang patuloy na pagpapaalala sa bawat wika/dila – na [ang] YAH ay Nagliligtas! Hindi ba ito ang inyong gawi na ipangalan ang Anak kasunod sa kanyang ama? Bakit iniisip ninyo na ito ay [may] pagkakaiba para sa inyong AMA sa LANGIT upang gawin ang pareho [nito]? Ito ay isang patuloy na pagpapaalala sa inyo na AKO, si YAHUVEH at ang AKING ANAK na si YAHUSHUA ay IISA.

Ito ay si satanas at ang kanyang mga alipin na kinatatakutan ang Pangalan na YAH, nguni’t kilala KO ang mapagmahal na mga puso ng AKING mga Anak. AKING pinatawad kayo sa pagtalikod sa AKING sa Sabbath na Araw ng Pagpapahinga, sinusuway ang ikaapat na Kautusan ng paulit-ulit, nguni’t hindi KO na ito mapapatawad. Ngayon kayo ay may pananagutan sa kung ano ang inyong nalalaman. Kayo ay may pananagutan na bigyan ng babala ang iba. Mayroon isang Masmataas na Sagradong Pagpapahid sa Hebreong Pangalan ni YAHUSHUA at sa AKING Pangalan na YAHUVEH. Ngayon ang Pagtatapos/Pagwawakas na Oras ay nalalapit at binabalaan KO kayo na turuan ang iba kung ano ang nalalaman ninyo bilang katotohanan. Mayroong pang masmaraming Pagpapahid sa AMING Banal na mga Sagradong mga Pangalan. Gamitin ang mga ito! Huwag nang gumawa ng anumang dahilan! Sa oras ng Malaking Kapighatian (Great Tribulation) kailangan ninyong tumawag sa Hebreong Pangalan ng AKING Anak na si YAHUSHUA HA MASHIACH. Ang AKING Pangalan ay YAH – at ito ay nasa KANYANG Pangalan – ANG PANGALAN NA HIGIT KAYSA SA LAHAT NG MGA PANGALAN (Is 45:23; Rom 14:11; Phil 2:9-10).

Kung hindi ninyo matutunan ito ngayon, sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation) kapag kayo ay manalangin para sa pagpapalaya/kaligtasan, o kagalingan/pagpapagaling, at gagamitin ninyo ang pangalan na “Hesus”, tandaan na ang anak ni satanas ay gagamitin ang pangalan na ito bilang Diyos. Paano kayo makakaasang magkakaroon ng pagpapagaling/kalunasan, pagpapalaya o pagpapala sa pamamagitan ng paggamit sa parehong pangalan na gagamitin ng anak ni satanas? Kayo ay tatawag sa anak ni satanas at hindi ninyo alam ito. Sa Malaking Kapighatian, ang anak ni satanas ay magkakaroon ng kanyang sariling araw na ilalaan upang sambahin at ito ay magiging [araw] ng Linggo. Kapag ang araw ng Linggong pagsamba (Sunday worship) ay sapilitan at kayo ay inuutusan sa buong mundo na pumunta sa pinakamalapit na lokal na simbahan ng Linggo, mag-ingat! HUWAG PUMUNTA/DUMALO.

Ito ay isang bitag ng anak ni satanas. Para sa sinuman na dadalo sa isang simbahan ng Linggo sa panahon ng Malaking Kapighatian – sila ay papasok sa pintuan na nahipnotismo, bihag ng mga espiritu ng ilusyon at pagmamanipula ng isipan, idolatriya (pag-iidolo) at paghihimagsik sa maraming iba pang makapangyarihang mga espiritu ng demonyo. Bigyan sila ng babala ngayon! Sila ay tatanggapin ang “marka ng halimaw” at pumasok sa isang simbahan ng karumihan at pinili na sambahin ang “halimaw” at tanggapin ang kanyang pisikal pati na rin ang espirituwal na marka. Bigyang babala ang mga tao ngayon, bago ito ay maging huli na.

Hindi ito nangangahulugan na ang lahat ng Linggong mga simbahan ay masasama ngayon, nguni’t kayo ay napakalapit [na] ngayon. Ang Pagtatapos/Pagwawakas ay nalalapit [na]. Kailangan ninyong bigyan ng babala ang mga tao kung saan ang mga pastor ay nabibigo sa paggawa nito. Kailangan ninyong ituro ang katotohanan ng Hebreong Sagradong mga Pangalan KO, na si YAHUVEH, at ng AKING ANAK na si YAHUSHUA, ANG KAISA- ISANG MESYAS, ang KAISA-ISANG DUGO na IBINUHOS PARA SA SANGKATAUHAN para sa kapatawaran ng mga kasalanan. Hindi AKO tatanggap ng ibang dugong sakripisyo. At walang ibang tagapamagitan ang maaaring mamagitan para sa inyo! At kabilang dito ang hindi na kung tawagin ay patay na mga santo. Kahit na maging ang SARILING ina ni YAHUSHUA na si Miryam, na tinatawag ring Mary. Sapagka’t siya rin ay nangangailangan kay YAHUSHUA bilang kanyang MESIYAS.

Ito lamang ang nag-iisang dahilan ng sinuman na Nobiya ni YAHUSHUA na dapat dumalo sa isang Simbahan na Linggo, upang turuan ang mga Tupa at mga batang Tupa, ang katotohanan kung saan ang mga pastor ay tumanggi [na magturo]. Kahit na ito ay isang tao sa isang pagkakataon (one person at a time)! Heto ang mabuting mga balita: Katulad na ang AKING mga Minamahal na mga Anak, na ang mga pangalan ay nakasulat sa Aklat ng Buhay ng TUPA at [patiunang] itinalaga/itinakda – gayon rin ang Aklat ni satanas ng sinumpa.

SI YAHUSHUA AY HINDI HAHAYAANG MAWALA ANG ISANG KALULUWA NA ANG MGA PANGALAN AY NAKASULAT SA AKLAT NG BUHAY NG TUPA BAGO ANG PUNDASYON NG MUNDONG ITO! Hindi ninyo maaaring aksidenteng piliin na tanggapin ang “marka ng Halimaw”. Malalaman ninyo na ito ay hindi [dapat] gawin at sa halip ay mamatay bago gawin ito.

Ang kaisa-isang tunay na kalunasan (healing), mga palatandaan, mga kababalaghan/kataka-taka at mga milagro at mga muling pakabuhay ay nagmula sa Langit. Anumang ibang kalunasan o pagliligtas ay isang ilusyon! At sa panahon ng Malaking Kapighatian ay magkakaroon ng mga ilusyon na magpapakita ng [tila isang] katotohanan, nguni’t mga kasinungalingan mula mismo sa trono ni satanas. Matuto ngayon! At bigyan ng babala ang iba ngayon! Sa Malaking Kapighatian sa Pangalan lamang ni YAHUSHUA – hindi ang pangalan na Hesus –ay darating ang tunay na kaligtasan, pagpapagaling, muling pagkabuhay na kapangyarihan. Ang mga tao na nagmamahal at naglilingkod kay ‘Hesus’ ngayon ay magtataka kung bakit ang kanilang mga panalangin ay hindi natutugunan. At ang kanilang pananampalataya ay magdurusa at sila nga ay mamamatay para sa kanilang pananampalataya, hindi naiintindihan kung bakit ang kaligatasan ay hindi dumating sa yaong pangalan.

Bigyan sila ng babala. Upang sila ay masanay sa Hebreong Pangalan na YAHUSHUA, at YAHUVEH at ang RUACH HA KODESH. Si satanas ay hindi nais na huwarin/pekein ang Pangalan na YAHUSHUA na may Pangalan KO na YAH dito.

May mga milyung-milyon na nagbabasa nito na magiging mga Panauhin sa Kasalang Hapunan ng TUPA. At kayo ay pagpapalain! Gayunman, makikita ninyo ang lahat o bahagi ng Malaking Kapighatian at ang inyong mga mata ay sapilitang pagmamasdan ang katatakutan (horror). Tandaan ito, ang AKING poot/galit ay hindi nakalaan sa inyo. Ito ay nakalaan para sa AKING mga kaaway.

Manatiling banal at huwag magkipagkompromiso at tumawag sa Pangalan ni YAHUSHUA at umasa sa KANYANG Lakas at Pagpapahid at kumapit ng mahigpit sa inyong pananampalataya. Sapagka’t ito ay hindi magiging madali. Sapagka’t magkakaroon ng mga mind wave sa himpapawid na susubok na i-brainwash (paniwalain) kayo. Alamin/Pag-aralan ang Banal na mga Kasulatan ngayon upang gamitin ito bilang isang sandata sa oras na kapag ang mga Bibliya ay ipagbabawal. Nguni’t kahit na si satanas ay hindi kayang sunugin ang lahat ng mga bibliya!

Gagamitin ni YAHUSHUA ang Banal na mga Anghel, Pahayag 7 na Nobiya at Pahayag 14 na Nobiya, pati narin ang Dalawang Saksi upang alamin kung nasaan ang mga Panauhin at upang tulungan sila kung kinakailangan. Ang Dalawang Saksi ay ipagtatanggol ang mga Panauhin at maghihiganti para sa kanila. Alamin/Pag-aralan ang tunay [na araw] ng AKING Shabbat sapagka’t AKO, si YAHUVEH, ay lalong higit na pagpapalain at poprotektahan ang mga tao na ikinararangal AKO sa araw ng AKO, ANG HARI NG LAHAT NG NILIKHA, ay ibinukod bilang ang Araw ng Shabbat ng Pagpapahinga. Tulad ng noong si YAHUSHUA ay lumakad sa daigdig at gumawa ng mga palatandaan, kababalaghan/kataka-taka at mga milagro sa [araw ng] Sabbath – kahit na sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation), lalo na sa AKING Sabbath, ang AKING Banal na mga Araw – ang katulad rin nito ang gagawin sa Pangalan ni YAHUSHUA sa ilalim ng Pagpapahid ng RUACH HA KODESH.

Mayroon mga lihim na hindi pa sinasabi. Alamin lamang na AKO, si YAHUVEH ay hindi kailanman iiwanan o pababayaan ang sinumang tunay na nagmamahal, sumasamba at naglilingkod kay YAHUSHUA at sa AKIN, ANG HARI NG NILIKHA. Alamin/Pag-aralan ang AKING Pangalan. Ito ay YAHUVEH! Ang nag-iisang walang hanggan (Eternal One)! Si YAHUSHUA ay ang AKING ANAK. Si YAHUSHUA HA MASHIACH ay ang inyong KAISA-ISANG TAGAPAGLIGTAS – ANG KAISA-ISANG PANGALAN AT DAAN PABALIK SA LANGIT! Sa lahat ng tao na nanghahamak at nangungutya sa Propetik na Salitang ito, kayo ay matututunan ang mahirap na paraan na ito ay nagmula sa bibig KO, na si YAHUVEH, at ibinigay sa Ringmaiden na ito . Para sa AKING Tupa at mga batang Tupa sa buong mundong ito, Kunin/dalhin ang Salitang ito tulad ng isang sunod-sunod na pagkilos at hayaan itong tumunog sa buong mundo. Tandaan, kahit na ang mismong Hinirang ay malilinlang kung possible/maaari (Mt 24:24) sapagka’t ang inyong mga pastor ay ginutom ang mga Batang Tupa at mga Tupa. Kapag inyong binasa ang mga Propesiyang ito, kayo ay nagkikipagpistahan/nagdiriwang at kumakain ng Banal na espirituwal na karne.

Ang lahat ng iba pa na hindi naniniwala sa Salitang ito, kahit na sinasabi nila na mahal nila si “Hesus” at gayunman ay tumatanggi na pag-aralan ang Hebreong mga Sagradong mga Pangalan, ang Sabbath at Banal na mga Araw at mga Kapistahan- sila ay magpapatuloy na uminom ng gatas sapagka’t hindi nila nais ng espirituwal na ngipin upang kainin ang Espirituwal na karneng ito. Sa Malaking Kapighatian, matatandaan nila kung ano ang kanilang nabasa. At ang ilan ay magsisisi at malalaman ang Ministri na ito ay tunay na ipinadala ng Langit. Para sa AKING mga Sanggol, Nobiya, mga Pinili at Hinirang, tumingin sa itaas! Ang inyong Pagtubos ay malapit na. Paanu’t paano man kayo ay uuwi/babalik sa Langit muli!

Kaya ito ay naisalita, kaya ito ay naisulat sa Banal na Araw na Araw na ito ng Purim sa ganap na Marso 15, 2006.

Ibinigay sa Ringmaiden na ito ni YAHUVEH at YAHUSHUA. Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)

Personal na paalala….

Ako ay interesado na makarinig mula sa mga tao na nagtatanong sa tanong ni YAHUVEH na ito sa Pangalan ni YAHUSHUA at nabigyan ng isang kasagutan, maaari bang sulatan at ibahagi ito sa akin? Alam ko ito, na ang Dalawang Saksi, sinuman sila, ay nangangailangan ng mga panalangin at pagmamahal ng Nobiya ni YAHUSHUA at ang mga Panauhin sa Kasalang Hapunan ng TUPA. Gumising ako ng kasama ang malungkot na rebelasyong ito at sumigaw/umiyak (cried out) para sa proteksyon para sa Dalawang Saksi pagkatapos ng ibigay ang salitang ito. Pahayag 11:3-13.

Paki-usap na inyong kopyahin ng malaya at ibahagi ang propesiyang ito. Ang Pag-aani ay malaki/marami at ang mga manggagawa ay napakaliit/kakaunti. Ang lahat lamang ng AKING hinihiling ay paki-ugnay {link back} kung inyo itong ipapaskil/ihahayag sa inyong website at mangyaring panatilihing buo ang mensaheng ito kabilang ang personal na paalala na ito na kung saan ako ay inakay sa pamamagitan ng RUACH na ibahagi. Mga tagasalin, pakiusap na isama ang lahat ng nakasulat.

Ang trabaho ng Dalawang Saksi ay magiging hindi katulad ng ibang trabaho na ibinigay. Ako ay umiiyak/tumatangis para sa kanila sa ilalim ng Pagpapahid, sapagka’t sa trabaho na kailangan nilang gawin ay hindi dapat kainggitan. Sila ay maraming makikitang katatakutan (horror) kaysa kailanaman na nakita sa mundong ito. Pakiusap na gawin ang [mga] sinabi ni YAHUVEH at manalangin para sa Dalawang mga Saksi. Pakiusap na manalangin ng mga biyaya sa kanila sa lahat ng mga paraan. Habang sila ay nasa mortal na katawang ito, manalangin na ang mga Banal ay bibigyan sila ng pagmamahal na suporta at panghihikayat. Pakiusap na manalangin na sila ay maniniwala at tatanggapin ang pagpapahid na ibinigay sa kanila at sumunod at gawin ang lahat ng kailangan nilang gawin. Manalangin para sa proteksyon ng Banal na Pader/Pananggalang (Holy Wall) ng apoy na papalibot sa kanila sa lahat ng panig (in all sides) upang walang lalaki, babae, demoniyo, diyablo, na maaaring makapinsala/makapanakit sa kanila sa yaong mortal na katawan na iyon.

Mag-ingat mga Nagyayabang na mga Mapagpanggap!

Sinuman ang nagyayabang na sila ay isa sa Dalawang Saksi katulad ng isa na tinatawag ang kanyang sarili na Elijah ang Tishbite, o ang lalaking Hawkins na sumulat ng paglapastangan na Aklat ni YAHWEH ay hindi isa sa kanila kahit na noong ang Dalawang Saksi ay nakahiga sa kalye, sinabi niya na sila ay nakahiga/nakalatag doon ng 3 ½ na taon sa halip na 3 ½ na mga araw, binasa ko ito ng sarili kong mga mata, ang mga lalaking ito at ang iba na gumawa nito ng [may] pagmamataas.

Ang tunay na Dalawang Saksi ay kahit na kilalanin ay hindi nila nais ang yaong tawag sa kanilang mga buhay. Sila ay mapagpakumbaba at hindi naniniwala na sila ay karapat-dapat sa ganitong mataas na tawag at laging sinasabi na, “Tiyak na mayroon KANG iba na masmabuti/mas magaling [sa posisyon].” Ito ang ipinakita ni YAHUVEH sa akin, iyan ang dahilan na ang kasulatan ay sinabi na sila ay nakadamit ng telang sako at mga abo (dress in sackcloth and ashes). Ito ay nagsasagisag ng pagiging mapagpakumbaba at sa pagluluksa para sa katatakutan (horror) at kasalanan na kanilang makikita at sa kung ano ang nakikita nila ngayon.

Noon ko pa alam mula pa noon noong binigyan ako ng isang Espirituwal na Tungkod (Rod), at ang aking noong 6 na taong gulang na anak na lalaki, isa sa aking magkamukhang kambal na mga lalaking anak ay nakita ito sa Espirituwal na lupain at inilarawan ito at naramdaman ko ang timbang nito, 19 na taon na ang nakakaraan, at sa bawat oras ito ay ginamit sa espirituwal na lupain ito ay mas nagiging mabigat lamang na kung saan ngayon ito ay nangangailangan ng iba upang hawakan paitaas ang aking mga braso kapag ito ay ginamit sa ilalim ng direksyon ni YAHUVEH.

Ang Ministri na ito ay may kinalaman sa paghahanap sa Kaban ng Tipan/Kasunduan (Ark of Covenant), ang 144,000 tulad ng Pahayag 14 at ang Dalawang Saksi. Tanging ang mga taon ay sumulong, ako ay naintindihan at binigyan ako ng higit pang mga rebelasyon sa pamamagitan ng propetik na mga salita na ibinigay sa AKIN. Mayroong isang aklat na isinusulat ngayon ng isa pang miyembro ng Nobiya ni YAHUSHUA [Pahayag 14] na nagbabayad at ibinibigay ang lahat ng kanyang oras upang mailathala ang lahat na mga propesiya, mga pangitain, mga panaginip, at naririnig (audible) na mga salita ni YAHUVEH. Pakiusap na manalangin para sa kanya, sapagka’t ito ay isang malaking trabaho. Manalangin para sa tamang tagapaglathala rin. Sinusubukan naming na maisalin ang mga Propesiya sa iba’t-ibang mga lengguwahe upang sila ay maaring nasa anyo ng aklat rin. Kapag tayo ay wala na sa internet, kahit papaano ang mga aklat ay naririto parin sa panahon ng Malaking Kapighatian.

Kami ay nangangailangan pa rin ng isang Hebreong Tagasalin kasama ng maraming ibang mga lengguwahe. Halina pakiusap, kung nais ninyong magboluntaryo ng inyong oras upang gawin ang trabahong ito. Kailangan namin ng masikap/masigasig, nakatuon na mga tagasalin na seseryoso sa trabahong ito tulad ng ginagawa ko, hindi mga barkong dumadaan sa gabi. Pakiusap na manalangin at tingnan kung ito ay ikaw/kayo.

Si YAHUVEH (ay binabaybay [spelled] rin na YAHUVAH, YAHVEH, YAHWEH) ay pagpalain kayong lahat.

Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)