Propesiya 82, Huling Tawag Para sa Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH!

Propesiya 82

(Ika-walongpu’t dalawang Propesiya)

Huling Tawag Para sa Nobiya ni YAHUSHUA HA MASHIACH!

Isinalita sa pamamagitan ni Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)

Febrero 15, 2006
9:00 ng umaga hanggang sa 9:50 ng umaga.

Ito ay mula sa Propesiya 105, sinabi ni YAHUVEH na ilagay ito sa lahat ng mga Propesiya mula ngayon:

Noon pa man binalaan na kita Elizabeth [Elisheva] na huwag mong papangalanan ang Ministeryo na ito sa isang tao, lalaki man o babae kahit bago pa nagkaroon ng isang Ministeryo. Inilagay KO ito sa iyong espiritu dahil walang anuman nito ay gawa ng iyong mga kamay, walang anuman nito ay nagmula sa iyong mga bibig. Ito ay mula sa bibig ng inyong YAHUVEH na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong MESIYAS (MESSIAH) na nagbigay ng kapanganakan, ito ay mula sa bibig ng inyong RUACH ha KODESH (ESPIRITU SANTO) ang inyong IMMAYAH (INA YAH) na nagbigay ng kapanganakan. At kung ito lamang ay gawa ng iyong mga kamay ito ay matagal na sana nabigo. Ito ay sa pamamagitan ng Hangin ng SHKHINYAH GLORY [KALUWALHATIAN] na umiihip sa ibayo ng mundong ito, ang Banal na Hangin ng Muling Pagbabangon (Revival), ito ay hindi sa pamamagitan ng iyong hininga, o nabigo na sana ito. (Isaias 42:8).

Noong Hulyo 2010 sinabi rin ni YAHUVEH [ang] Diyos na idagdag ang sumusunod [na salita] mula sa Ika-2 Cronica sa harap ng bawat Propesiya:

2 Mga Cronica 36:16, “Nguni’t kanilang tinuya ang mga sugo ng DIYOS, at niwalang kabuluhan ang KANYANG mga SALITA, at dinusta ang KANIYANG mga propeta hanggang sa ang pagiinit ng PANGINOON ay bumugso laban sa KANYANG bayan hanggang sa mawalan ng kagamutan.”

*******************

Basahin ang Sulat ng Paghihikayat Mula kay Apostol Elisabeth (Elisheva)

PAANO LUMABAS ANG PROPETIK NA MENSAHENG ITO…

Ako, si Elisabeth (Elisheva), ay ipinakilala kay Luigi na naninirahan sa Timog Amerika sa pamamagitan ng isa pang minamahal na miyembro ng Nobiya, si Adam sa Canada at nakipag-usap kay Luigi sa telepono nagsimula mula noong Setiyembre 2005 at nagsimula noong Enero 2006.

Sinabi ni Luigi sa amin na si Luigi, Adam at ako ay makakatanggap ng niluwalhating mga katawan (glorified bodies) at [magkakaroon] ng lubos na kagalakan (raptured) – dadalhin sa Langit – noong Febrero 20, 2006. Na ako ay magkakaroon ng isang linggo upang ipagbigay alam sa Nobiya ni YAHUSHUA at kahit na kung hindi ko sila babalitaan, malalaman nila ito sa espirituwal.

Sinabi rin ni Luigi na isang linggo bago ang Febrero 20, 2006, na una darating si Gabriel at pagkatapos si Archangel Micheal ay darating upang patunayan/kumpirmahin muna ito sa akin. Nagsalita rin si Luigi tungkol sa kasalang kapistahan na magaganap ng pitong taon sa Langit habang nangyayari ang Malaking Kapighatian/Pagtatapos (Great Tribulation) sa daigdig at sabi niya na kami ay aakyat sa Langit na naninigarilyo at umiinom ng wiski sa kasalang kapistahan ng Tupa.

Ito ay isang kaagad na babala (red flag) at alam ko na ito ay hindi totoo nguni’t hindi ko pinagwikaan (rebuke) si Luigi sa oras na ito. Sa halip ay kaagad kong tinawagan si Adam pagkatapos ko kausapin si Luigi at tinanong si Adam kung si Luigi ay naninigarilyo at umiinom [ng alak] sapagka’t personal niyang kakilala siya [Luigi] at si Luigi ay nakatira kasama siya sa loob ng maikling panahon sa Canada.

Sinabi ni Adam na oo, sinabi ni Luigi na sinabi sa kanya ni YAHUSHUA na dapat na siyang magsimulang manigarilyo. Sinabi ko kay Adam na ang Nobiya ay hindi gagawa ng ganitong bagay sa Langit. Hindi ako nagkaroon ng isang patotoo na dapat gawin ito ni Luigi sa lupa/daigdig. Sinabi sa akin ni Adam na haharapin niya si Luigi at ibabahagi ang aking mga pagkabahala. Pagkalipas ng isang linggo nakipag-usap ulit ako kay Adam sa telepono. Sinabi niya na hinarap niya si Luigi at si Luigi ay pinagpipilitan na sinabi sa kanya ni YAHUSHUA na gawin ito at malalaman ko ang rason kung bakit siya sinabihan na gawin ito.

Lumayo kami at hindi hinarap si Luigi. Tayong lahat ay makikita kung ang sinabi ni Luigi ay mangyayari simula sa Banal na mga Anghel na darating sa Febrero 13 kahit na hindi kami nagkaroon ng isang patotoo [para] rito sapagkat hindi ito ang sinabi ni YAHUVEH sa amin sa pamamagitan ng mga propesiya at naririnig na mga salita (audible words) na ibinigay sa akin. Ang Febrero 20 ay wala sa Banal na Piyestang Araw o kahit na sa Shabbat. Sa lahat ng mga bagay, ang Febrero 20 ay tinatawag na Araw ng mga Presidente.

Alam namin sa pamamagitan ng mga Propesiya na ibinigay sa akin, na si YAHUSHUA ay babalik para sa KANYANG Nobiya sa [araw ng] Shabbat at [ito ay] sa isang Rosh HaShanah. Noong ipinaskil namin ang petsa ng Febrero 20 at paki-usapan ang mga propeta na manalangin at tingnan kung sila ay makakapulot/makakakuha ng anumanng espesiyal para sa yaong araw, mga e-mail (sulat na ginagamit ang internet website) at mga tawag sa telepono ay dumating, nagbibigay babala sa isang huwad na rapture (kagalakang lubos). Ngayon ito’y hindi yaong may naganap na isang huwad na rapture (kagalakang lubos), nguni’t nagsinungaling si satanas kay Luigi at sinabing may magaganap na isang rapture (kagalakang lubos).

Si Luigi ay ibinigay ang 11 taon ng kanyang buhay, isinasakripisyo ang lahat, pumupunta sa [iba’t-ibang panig] ng mundo na nangangaral sa ebanghelyo at nagbibigay babala na magsisi, na ang kaharian ng Langit ay nalalapit na. Gayunman ang lalaking ito ay nasa Argentina sa unahan ng labanan ng nag-iisa, animnapu’t isang taong gulang na tinamaan/pinsalain ng isang demoniyo na nagsinungaling sa kanya at sinabihan siya sa yaong demoniyo na ipasa ang yaong kasinungalingan sa akin at kay Adam.

Gayunman, muli nakaramdam ako ng isang pagdadalamhati sa Espiritu at alam na ito ay hindi mangyayari. Lagi kong sinasabi kay Adam at Luigi na kailangan nating suriin ang Espiritu na nagsasalita (test the Spirit that speak). Kung ito ay hindi mangyayari, Luigi, ikaw ay kailangan aminin na ikaw ay nalinlang ni satanas. Kung ano ang nagawa ng karanasang ito ay upang siya ay [matutong] magpakumbaba at siya ngayon ay may isang espiritu ng kagustuhang matuto (teachable spirit) noong sinabi namin sa kanya na ang bawat bagay ay kailangang nakalinya sa Banal na Kasulatan, at ang isang propeta ay [na]sa-ilalim ng isa pang propeta (a prophet is subject to another prophet). Ako’y nagdalamhati ng lubusan ukol dito sapagka’t hindi ko nais pasakitan si Luigi, sapagka’t gusto niya talagang dumating ang aming MESIYAS ng lubusan at siya at si Adam ay nabibilang sa mga araw hanggang sa Febrero 20, 2006.

Sinabi sa akin ni Luigi noong tinanong ko siya kung anong mangyayari sa Ministri na ito, hindi ko nararamdaman na ang aming trabaho ay tapos na, at sabi ni Luigi na ang aking trabaho ay tapos na. Alam ko na ang trabaho ay hindi pa tapos, mayroong ibang mga bagay na kailangan pang maganap sa Israel bago kunin ang Nobiya ni YAHUSHUA, bilang unang mga bunga na tinubos mula sa daigdig tulad ng sinasaad sa Pahayag 14. Si Luigi ay lubhang malungkot sa banyagang bansang ito na kahit na siya ay hindi kailanman nanigarilyo, naniwala siya na si YAHUSHUA ay nakipag-usap sa kanya at sinabi na ito ay okay lang/tama, sapagka’t si YAHUSHUA ay ibinigay sa kanya ang isang hangarin ng kanyang puso. Mga tao/mamamayan, hindi ito ang uri ng hangarin ng puso ng ipinapangako ni YAHUSHUA sa atin.

Noong Febrero 15, 2006, noong nanalangin at nagtanong ako, paanong si Lugi, na nag-aangkin/nagsasabi na [sya ay] isang banal na lalaki at propeta ay lubos na nalinlang, ang salita ay lumabas na nasa ibaba. Noong Shabbat, 2/18/2006, aking pinarinig ang propetik na mensaheng ito kay Luigi sa Argentina sa telepono na nasa isang tagapagtala (recorder). Si Luigi ay umiyak ng mga luha ng kalungkutan at pagsisisi at tinanong ako kung ano ang dapat na susunod niyang gawin? Ibinigay ko sa kanya ang mga instruksyon, seyempre, upang pagwikaan ang diyablo at tumigil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak at upang pahiran ang kanyang mga labi ng pagpapahid na langis.

Mayroon siyang isang napakamapagpakumbaba at mapagmahal na Espiritu, at noong sinabi ko kay Luigi na may mabuting bagay ang lumabas mula sa masamang panlilinlang kung saan si Luigi ay nasa ilalim [nito], na ang iba ay sumusulat sa akin na may kagayang mga problema at mga tanong tungkol sa paninigarilyo, pag-inom ng alak, malalaswang babasahin/programa, mga droga at kahit na mahal nila si YAHUSHUA, gusto parin nilang malaman, maaari pa rin ba silang maging Nobiya? Naghintay ako kay YAHUSHUA upang bigyan ako ng kasagutan at ang nasa ibaba ay ang kasagutan. Muli, kung hindi ito nangyari, kung ganoon, ang salitang nasa ibaba ay hindi sana lumabas.

Kami ay nananalangin na habang inyong binabasa ito, ang mga yaong tunay na nagnanais na maging Nobiya ni YAHUSHUA, kung kayo ay gumagawa ng anumang bagay na nakakapanakit/lungkot (offending) kay YAHUSHUA, kung ganoon inyong titigilan na ito ngayon bago pa ito maging huli at kayo’y maiiwan sa Malaking Kapighatian (Great Tribulation). Ang ilan sa inyo na magbabasa nito ay tinawag upang maging Nobiya ni YAHUSHUA nguni’t tumanggi na isuko ang yaong nakakapanakit/nakakalungkot kay YAHUSHUA. Ang Banal na Kasulatan ay sinasabing, “Sapagka’t marami ang tinawag, nguni’t kakaunti ang pinili/napili.” (Mateo 22:14)

Naramdaman ko na inaakay ako ng RUACH HA KODESH na hilingin sa inyo na mangyaring huwag husgahan si Luigi sapagka’t ang ilan sa inyo na nagbabasa nito ay ginawa kung ano ang nakapaglinlang kay Luigi na gawin sa pamamagitan ni satanas, at kayo mismo ay gumagawa ng parehong bagay o masmalala pa. Ang pangunahing bagay ay magsisi at pagwikaan si satanas at talikuran ang anumang bagay na nakakapanakit kay YAHUSHUA at kung anong maaaring pumigil sa inyo mula sa pagiging KANYANG Nobiya. Ito na ito mga mamamayan (this is it folks), ito talaga ang huling tawag para sa Nobiya ni YAHUSHUA. Huwag magsayang ng marami pang oras. Walang anuman ang importante, kundi kung ano ang ginawa natin para sa ating minamahal na si YAHUSHUA [ating] MESIYAS, ang malapit ng dumating na ating Nobiyo (Bridegroom). Siya ay naghihintay sa pintuan para sa KANYANG Nobiya, maging Banal tulad na SIYA ay Banal!

Tayo ay nakikita ang mga bagay na nangyayari ng napakabilis, at ang mga piraso ng palaisipan (puzzle) ay dumarating ng magkakasama. Ang taon na ito ay hindi magiging katulad ng ibang taon. Panatilihin ang inyong mga mata sa Israel!

*******************

Propesiya 82

Ang Huling Pagtawag/Panawagan Para sa Nobiya ni YAHUSHUA MESIYAS!

Isinalita sa pamamagitan ni Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)

Febrero 15, 2006
9:00 ng umaga hanggang sa 9:50 ng umaga

************

[Si Elisabeth (Elisheva) ay nagsisimulang manalangin, “Oh Banal, Banal, Banal na YAHUSHUA ano itong nais MONG sabihin?”]

Si YAHUSHUA ay sinabi na,

Elisabeth [Elisheva], AKO ay nagpapakita sa iyo ng isang pangitain. Masdan ang AKING Nobiya.

Siya ay nakatayo roon na nagniningning sa kaputian, Banal at walang dungis. Ito ang Nobiya na AKING binabalikan; siya ay nasa mundong ito nguni’t hindi sa mundong ito. Mayroong pagkakaiba sa pagitan niya at ng iba na iniiwasan ang kanyang kabanalan. Ang iba na hindi [mula] sa AKING Espiritu, ang iba ay kinukutya/hinahamak ang kanyang kabanalan, sapagka’t kanyang tinatanggihan na makibahagi sa mga kasalanan ng mundong ito. Siya ay matapat, banal sa AKIN, siya ay hindi nakikipagkompromiso sa kasalanan, hindi niya nakikita/hindi niya tinitingnan kung gaano kalayo siya na sasandal sa impyerno bago siya mahulog rito. Hindi niya nais na [magkaroon] ng bahagi ng impyerno. Hindi niya nais na makibahagi kay satanas, hindi niya nais na makibahagi sa mga bisyo ni satanas. Ang kapayapaan na inaasam niya, siya ay bumabaling lamang sa AKIN, ang Prinsipe ng Kapayapaan.

Ngayon tingnan ang pangitaing ito. Ngayon ay nagbabago na ito. Ngayon ang kaaway ng inyong kaluluwa ay pinagmamasdan ang AKING Banal na Nobiya at sinasabing, ‘Kailangan ko siyang dungisan, hindi siya maaaring tumayo roon ng walang dungis o kulubot.’ Kaya inilagay niya ang isang sigarilyo sa kanyang bibig, kaya mayroon siyang masamang amoy ng usok. Inilagay niya ang nakalalasing na mga inumin sa kanyang mga kamay, kaya siya ay sumusuray-suray tulad ng isang lasing. Ngayon pagmasdan ang AKING Nobiya, kung saan ang pornograpiya (malalaswang babasahin) ay inilagay sa kanyang mga kamay, sinasabi ng kaaway, “Huwag mag-alala, walang sinuman ang makakakita sa mga sekretong ito, magtago ka lamang.” Ngayon AKING Nobiya, na minsan na napakabanal, ay nadungisan. Kaya tumalikod AKO, sapagka’t hindi ako darating para sa isang Nobiya katulad nito.

Ang AKING Nobiya ay walang mabahong amoy ng isang sigarilyo. Ang AKING Nobiya ay hindi susuray-suray tulad ng isang lasing. Ang AKING Nobiya ay hindi nagbabasa ng malalaswang babasahin sa likod ng mga pintuan. Ito ay isang huwad na nobiya at tinatanggap KO lamang ang tunay. Kaya binibigyan KO kayo ng isang pagpipilian, sapagka’t ang kaisa-isang bango/halimuyak na dapat maaamoy ng sinuman sa paligid ninyo ay ang bango/halimuyak ng AKING pagpapahid, ang pabango ng AKING ibinigay sa inyo. Ang inyong mga damit ay hindi maaaring walang kabanalan, ang mga damit ng AKING pagkamatuwid at makatuwiran/kabanalan ang magdadamit sa inyo, hindi sila maaaring magkaroon ng isang dungis o isang kulubot. Hindi sila maaaring magkaroon ng isang dahilan para sa mundong ito upang akusahan kayo ng kasalanan.

Hindi ba ninyo nababatid, kung ano ang nakikita/pinagmamasdan ng inyong mga mata, ay pinagmamasdan ng AKING mga mata? Hindi ba ninyo napagtatanto, ang inyong mga katawan ay ang templo ng RUACH HA KODESH? Huwag kayong magpalinlang, sapagka’t ang kasalanan ay hindi maaaring makibahagi sa inyo. Nagtataka kayo kung kayo ay AKING Nobiya. Nananalangin kayo sa buong mundo, “Ako ba’y iyong Nobiya? Gusto mo malaman Elisabeth [Elisheva], kung papaano ang ilan na nagsasabi sa iyo ng isang tiyak na petsa kung kailan AKO darating para sa AKING Nobiya at gayunman ang Salitang ibinigay ay hindi nakahanay sa AKING Banal na mga Kasulatan. Ito ang simula ng paglinlang na pumasok.

Ilang beses KONG sinabi, kung hindi ito nakalinya sa AKING Banal na Salita, sapagka’t AKO ang Banal na Salita, AKO ang buhay na Torah, kahit na kung sila ay dumating mula sa isang Anghel ng liwanag, huwag tanggapin ang yaong hindi [galing] sa AKIN. Ilang beses KO sinasabi, “Suriin ang espiritu na nagsasalita?” Gusto mong malaman kung paano nalinlang ang iyong lalaking kapatid? Hindi ibig sabihin nito na hindi niya AKO mahal. Hindi ibig sabihin nito na hindi niya nais na maglingkod sa AKIN, nguni’t ang ibig sabihin nito, na ito ang unang hakbang noong lumayo siya, at ang panlilinlang ay pumasok. Noong nakakuha si satanas ng isang panghahawakan at sinabi sa kanya, “Huwag makinig sa Banal na Salita.” Sa halip siya ay nagsimulang makinig sa isang tinig na hindi sa AKIN.

Hindi AKO isang lalaki na AKO ay maaaring makapagsinungaling. Ang AKING Salita ay Totoo. Kung ano ang sinasabi KO, ay mangyayari/magkakatotoo. Ang Banal na Anghel ay hindi dumating, sapagka’t Elisabeth [Elisheva], kailanman, saan KO sinabi sa iyo na sasabihin KO sa iba upang sabihin sa Ringmaiden, na asahan na darating si YAHUSHUA sa araw na ito para sa KANYANG Nobiya. Bakit hindi KO sasabihin sa iyo muna? Iyan ang dahilan kung bakit sinabi KO ng paulit-ulit. Suriin ang Espiritu na nagsasalita. Sino ang makikinig sa isa na may isang patotoo na may anyo at may amoy tulad ng mundo? Huwag ng gumawa ng mga dahilan para sa kanya. Ang AKING mga tao ay sumamba na sa ibang mga diyos, nguni’t nangangahulugan ba ito na tinawag KO kayo na maging isang magpuputa (whore monger)? Ang AKING mga tao ay nakainom ng nakalalasing na mga inumin. Ang ibig sabihin ba nito na tinawag KO kayo na maging isang lasinggero. Ang mga tao ay bumaling sa ibang pinagkukunan ng kapayapaan, nguni’t nangangahulugan ba ito na nais KO kayo na maamoy na katulad ng isang tsimenea o umusbong ng katulad ng isang adik sa droga?

Kahangalan, kahangalan, kahangalan, kahangalan! AKO ay galit, AKO ay galit, AKO ay galit, AKO ay galit AKO ay galit! Ilan sa inyo ang nagnanais na maging AKING Nobiya, na AKING tinawag na maging AKING Nobiya, na tumalikod/tinalikuran ang Kabanalan? Ilan sa inyo ang gumagawa ng mga dahilan para sa kasalanan? Ilan sa inyo ang nakaalam ng AKING Salita na nagsasabi igalang ang Araw ng Sabbath at panatilihin itong Banal at inyo pa ring pinupuno ang mga simbahan ng Linggo.

Kahangalan, kahangalan, kahangalan, ang AKING Nobiya ay hindi makikibahagi sa kahangalan na ito. Sinasabi KO, maging Banal tulad ng AKO ay Banal. Ang AKING Nobiya ay dapat na maging Banal o AKO ay walang bahagi sa kanya. Nais ninyong malaman kung sino ang hangal na mga birhen? Nais ninyong malaman kung bakit wala silang sapat na langis sa kanilang mga ilawan/lampara? Wala silang sapat na Kabanalan.

Alam nila na AKO ay darating, nguni’t sila ay hindi naghanda.

Ito ay hindi sapat upang mahalin lamang AKO, ito ay hindi sapat upang paglingkuran lamang AKO, ito ay hindi sapat na ipangaral/ituro lamang ang AKING mga Salita.

AKO ay nangagailangan ng Kabanalan.

Tulad ng [isang Banal] na lalaking asawa sa [isang Banal] na babaeng asawa, hindi AKO magkakaroon ng bahagi sa inyo kung hindi kayo Banal. Gaano pa karami ang isang sukatan ng Kabanalan ang mayroon AKO. Tumigil sa paggawa ng mga dahilan para sa kasalanan. Elisabeth [Elisheva], alam mo na paulit-ulit na AKO ay sinabing, “Suriin ang espiritu na nagsasalita.” Tigilan mo ang paggawa ng mga dahilan para sa iyong lalaking kapatid. Hindi ito nangangahulugan na hindi KO siya mahal, nguni’t ang ibig sabihin nito ay pinayagan niya ang espiritu ng mapanlinlang na pumasok [sa loob niya]. Noong naniwala siya na sinabi KO, pulutin [mo] ang mga sigarilyo at inumin ang alak, paano malalaman ng mga tao ang pagkakaiba ng AKING espiritu at ng kaaway sapagka’t siya ay nangangaral ng AKING Salita nguni’t siya ay may amoy tulad ng mundo.

Hinayaan KO ito na mangyari, ang kayabangan/kahambugan ay nangunguna bago ang isang pagbagsak (pride goeth before a fall). Si Luigi ay kailangang magkaroon ng isang marunong makinig/nais matuto na espiritu (teachable spirit), kailangan niyang magsisi at aminin na hindi AKO isang lalaki na maaaring magsinungaling. Kung saan minsan siya ay nakikinig lamang sa AKING tinig, nguni’t unti-unti ang kaaway ay pumasok kaya pinahintulutan KO ito para sa iyo upang mamagitan at para sa iyo upang manalangin, sapagka’t habang nananalangin ka para sa kanya, ikaw ay nananalangin para sa iba na nagnanais na maging AKING Nobiya. Habang nakikita mo ang panlilinlang na nanloko/nagpalito sa kanya, gayon rin iyong nakita ang panlilinlang sa iba na nais na maging AKING Nobiya.

Maaari ba ninyong ilarawan ang isang Nobiya na tumatayo sa nagniningning sa kaputian? Ngayon mailalarawan ba ninyo ang yaong trahe-de-boda (damit) na may nikotina na mantsa? Hindi KO inilalagay ang AKING mga Anak; hindi KO inilalagay ang AKING Nobiya sa pagkaalipin. Maaari ba ninyong ilarawan ang AKING Nobiya kung saan ang bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig ay Banal? Ngayon mailalarawan ba ninyo ang amoy ng alcohol (alak) sa kanyang hininga? Ang kanyang mga daliri na [may] mantsa ng nikotina? Maaari ba ninyong ilarawan ang AKING Nobiya na nakatayo doon na Banal, nais lamang na masdan ang AKING ganda? Ngayon mailalarawan ba ninyo ang parehong Nobiya, na sa likod ng mga pintuan siya ay nagtatago, na may libog sa kanyang mga mata, habang tinitingnan niya ang malalaswang bagay, ang kanyang isipan ay puno ng dumi/basura?

Lumayo kayo sa AKIN, huwag kayong maglakas-loob na tawagin ang inyong sarili na AKING Nobiya, hindi ito nangangahulugan na kayo ay hindi tinawag, ang ibig sabihin lamang nito ay hindi KO kayo tatanggapin kung hindi kayo makakatayo sa harapan ng AKING Ama tulad ng isang Esther, Banal at dalisay at masunurin sa harapan KO at ng AKING Ama na YAHUVEH. Maaari ba ninyo ilarawan ang AKING Nobiya na tumatayo doon sa harapan KO na maningning sa kaputian, bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig, muli ay Banal na may mga Pagpupuri sa kanyang mga bibig para sa AKIN, ang bawat salita ay puno ng pagsamba at pagmamahal. Ngayon ilarawan ang parehong tao na tumatayo sa harapan KO na may mga sumpa/mga pagmumura sa kanyang mga labi, napakaruming wika na lumalabas na tila bagang mula sa isang imburnal. Hindi ba sinasabi ng AKING Salita mula sa inyong puso ang inyong bibig ay nagsalita? Huwag gumawa ng mga dahilan kung bakit kayo sumusumpa. Bawat salita na lumalabas sa inyong bibig, ang bawat salita na lumalabas sa bibig ng AKING Nobiya ay kailangang maging Banal.

AKO’Y GALIT NA GALIT!!!!

Gusto mong malaman kung bakit hindi pa dumarating ang Banal na mga Anghel, Elisabeth [Elisheva]? Alam mo na, sinabi KO na sasabihin KO sa iyo. Sinabi KO sa iyo na ikaw ang Ringmaiden, hind KO kailanman sinabi na makinig sa iba. Sinabi KO sa iyo na ito’y lilinya sa AKING Banal na mga Kapistahan. Sinabi KO sa inyo na ito’y lilinya sa AKING Banal na Salita. Noong nalaman mo kung ano ang sinabi sa iyo ng iba na hindi nakahanay sa AKING Banal na Salita, bakit hindi mo pinagwikaan kung ano ang narinig mo? Pinahintulutan KO ito upang maging sanhi/dahilan [ito para] sa iyo na maging mas matapang, sapagka’t alam mo na hindi ka maaaring maniwala kung ano ang sinabi sa iyo.

AKO ay magkakaroon ng isang Nobiya, siya ay tinatakan (sealed) na, at ang hangal ay naghahanap na gumawa ng mga dahilan sa kasalanan, nguni’t mayroon AKONG [mga] Nobiya. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi KO sa iyo ng paulit-ulit, na AKO ay nangangailangan ng Kabanalan. Ang Ministri na ito ay tumatayo/naninindigan para sa Kabanalan. Ang Ringmaiden na ito ay [dapat] na umaasa ng Kabanalan. Hindi ibig sabihin nito ay hindi KO mahal ang iba. Nguni’t AKO ay mayroong natatanging [mga] Nobiya. Kagaya ng sinabi KO sa iyo Elisabeth [Elisheva] at ikaw ay hindi naging sapat na matapang upang sabihin ito, nguni’t ngayon gagawin KO ito.

Sa Rosh Hashanah sa 2005, nang ikaw ay nanalangin, “Oh gawin MO akong karapat-dapat na maging iyong Nobiya tulad ng nasa Pahayag 14 sapagka’t alam namin na ito lamang YAHUSHUA ay ang IYONG Nobiya.” At sabi KO, “Makinig Elisabeth [Elisheva], kung pipiliin KONG magprotekta at pipiliin KONG magbuklod (sealed) at AKING kukunin/ilalabas ang ilan sa AKING Nobiya tulad ng isinasaad sa Pahayag 14, na tinubos mula sa mundong ito, ibinuklod/tinatakan at protektado sa paraang ito, at pinipili KONG iwanan ang ilan sa AKING Nobiya tulad sa sinabi sa Pahayag 7 na ibinuklod/tinatakan at protektado nguni’t iiwan KO sila sa mundong ito upang ipagpatuloy ang pangangaral ng AKING mga Salita, upang maging sukatan laban sa kasamaan, hindi KO ba pinapanatiling protektahan at ibinubuklod (sealing) ang AKING Nobiya?”

Ano ba itong pinag-aalala ninyo kung papaano KO protektahan at tatakan ang lahat ng AKING Nobiya? Ang ilan sa mga ito ay katulad sa Pahayag 14, at sila ang AKING unang bunga (fruit), Elisabeth [Elisheva]. Sinabi KO na sa iyo na ito ang grupo na ikaw ay pupunta/sasama. Ang ilan ay AKING mga Kalasag na Mandirigma at mga Babaeng Madirigma/Kalasag sa Pahayag 7 at sila ay tinatakan na, hinihintay lamang nila ang yaong AKING sinabi na kailangang mangyari, nguni’t sila ay tinatakan na at walang pinsala ang darating sa sinuman sa kanila. Silang dalawa ay AKING Nobiya. Mayroon AKO nguni’t iisang [mga] Nobiya. Pinipili KO iuwi/kunin ang ilan muna, at pinipili KONG iwanan ang ilan dito sa mundong ito.

Ngayon magsasalita ka ba kung ano ang sinabi KO sa iyo na sabihin ng may katapangan?

Ilan sa AKING Nobiya ang nagsabi, “Hindi KO lang nararamdaman na ako ay aalis/iiwanan ang mundong ito ngayon.” Ito ay dahil sa sila ay ang Pahayag 7 sapagka’t AKO ay inilagay ang isang nakikidigmang Espiritu sa kanila, isang Espiritu ng Kaligtasan [ng buhay]. Ang iba sa Pahayag 14 ay nananabik sa AKIN na dumating. Hindi nila nakikita ang kanilang mga sarili na nagkikipagdigma sa mundong ito, nguni’t AKO ay darating para sa Pahayag 7 na Nobiya tulad ng siguradong AKO ay darating para sa Dalawang Saksi. Ang Dalawang Saksi, muli AKO ay inuulit ito sa inyo, ay bahagi ng Nobiya ng Pahayag 14 at sila ay unang kukunin/iaakyat bilang ang unang bunga (first fruit) at pagkatapos sila ay babalik. Ang mga panauhin sa Kasalang Hapunan ng Tupa ay lalabas sa Malaking Kapighatian. Sila ang mga tao naghugas sa kanilang mga damit sa AKING dumaloy/ibinuhos na Dugo.

Mayroong darating na isang huwad na lubusang Kaligayahan (false rapture). Ang diyablo ay sinasadyang kutyain AKO sa lahat ng mga paraan. Ito ang dahilan kung bakit napaka mahalaga na ilabas ang salita upang ang mga tao ay hindi malilinlang.

Mag-ingat sa mga ebanghelista sa Telebisyon. Sa palagay ninyo bakit sila napakayaman at napakasikat? Sapagka’t sila ay pamumunuan ang mga kaluluwa ng anti-mesiyas, kanilang ng binayaran ang halaga, sila ay binili na. Mag-ingat sa mga ebanghelista sa Telebisyon kapag hindi nila tinuturo sa inyo ang AKING PagkaHudyo.

Oh gaano kadaling nalinlang ang mundong ito. Kung hindi nila itinuturo na ang mga tao ay dapat tumalikod mula sa kasalanan, na kailangan nilang magsisi, yumuko at lumuhod sa harapan KO, kung ganoon hindi sila mula/para sa AKIN. Ito ay hindi lamang na masabi, “Oh Hesus, pumasok sa AKING puso.” Ito ay tinatawag na pagtalikod mula sa kasalanan, itinatakwil si satanas, nagsisisi, at AKO ay pinapahintulutan na mamuhay sa loob nila. Mag-ingat sa mga mangangaral na nais lamang aliwin/paginhawain ang inyong nangangating mga tainga. Ito ang dahilan kung bakit pinatayo/pinaunlad KO ang mga ministeryo tulad nito, na nangangaral ng katotohanan sa Kabanalan. Mag-ingat sa sinumang nagsasabi na ang Sampung mga Kautusan ay binago, maaari tayong pumunta at maaari tayong sumamba at maaaring tawagin ang anumang araw na Sabbath na Araw.

Ito ang mensahe na AKING iiwanan sa inyo sa araw na ito, at walang anuman sa mensaheng ito ay lalabas kung hindi AKO nagpadala ng isang Luigi sa inyong daan sapagka’t siya ay nalinlang. Hindi ito nangangahulugan na siya ay hindi KO pag-aari. Ang ibig sabihin nito ay kailangan niyang lumuhod sa harapan KO. Dapat siyang magpakumbaba at talikuran ang yaong hindi KO sinabi na gawin niya. Hindi KO lamang ibinibigay ang mensaheng ito sa kanya, ibinibigay KO ito sa inyong lahat. Mula sa buong mundong ito, 288,000 lamang ang AKING tinatawag na AKING Nobiya, mula sa buong mundong ito. Nguni’t hindi ito nangangahulugan na AKO ay hindi nagmamahal at AKO ay hindi nagliligtas, ang ibig sabihin lamang nito ay isang napakaliit lamang na bahagi (remnant) ay karapat-dapat lamang na tawaging AKING Nobiya.

Gaano ninyo AKO mahal, maaari ninyong sukatin kung gaano karami ang isang paghahangad para sa Kabanalan na mayroon kayo, sapagka’t iyon ang AKING tinitingnan. Ang AKING Nobiya ay hindi ipagbibili/ibebenta ang kaniyang sarili (prostitute) sa harapan ng ibang mga diyos, nguni’t AKO at ang AKING Ama na si YAHUVEH ay magiging una. AKO at ang AKING Ama ay IISA. Tandaan ito kapag gusto ninyo malaman, “YAHUSHUA, AKO ba ang iyong Nobiya? Sagutin ito para sa inyong sarili. Mayroong AKONG isang mataas na sukatan para sa Kabanalan para sa AKING Nobiya.

Elisabeth [Elisheva], Hindi AKO kailanman magsasabi sa iba upang sabihin sa iyo kung kailan mo aasahan ang mga yaong Banal na Anghel na darating. Hindi AKO kailanman magsasabi sa iba kung anong araw AKO ay darating, sapagka’t sinabi KO sa iyo na sasabihin KO muna sa iyo, AKING Ringmaiden, kaya maaari mong sabihin, “Ihanda ninyo ang daan, ang Nobiyo ay paparating.”

Upang ang mga balita ay maaaring sumigaw at tutunog sa AKING Nobiya sa lahat ng dako. Kapag ang Banal na mga Anghel ay dumating /pumunta sa iyo, ang AKING [mga] Nobiya ay malalaman habang sila ay namamagitan na tumutulong at nananalangin para sa iyo, malalaman ng AKING Nobiya, sapagka’t ang AKING Nobiya ay may isang hangarin na maging isa sa iyo, sapagka’t ikaw ay isa sa AKIN. Ang sinuman ang napopoot/nagagalit sa Ministri na ito ay hindi KO bahagi, sapagka’t paano sila magiging bahagi KO at kinamumuhian ang Kabanalan at pagkamasunurin/Pagsunod?

Mag-ingat sa anumang propeta na tinatawag ang kanilang mga sarili na isang propeta, kahit na kung ito ay nagaanyo/nagpapakita na ang AKING Salita ay lumalabas sa kanilang mga labi, kahit na kung ito ay nagaanyo/waring lumilinya sa AKING Salita, kung sila ay hayagang nagkakasala, hayagang nagdudulot ng mabahong amoy na magtungo sa kanilang mga patotoo (testimonies). Itatanong KO ito sa inyo, “Saan KO kailanman, sa Banal na mga Kasulatan, na inutusan ang AKING mga Propeta, o saan inutusan ni ABBA YAHUVEH ang KANYANG mga Propeta na kumilos sa anumang paraan nguni’t KABANALAN lamang?” Hindi ba NAMIN laging hinihiwalay ang mga Propeta upang maging Banal sa AMIN?

Kaya dapat ninyong pagwikaan (rebuke) ang sinumang lalapit sa inyo na gumagawa ng mga dahilan para sa kasalanan at nagsasabi na AKO si YAHUSHUA o YAHUVEH ay nagsabi sa kanila na magkasala. Pinapaalala KO ito sa inyo. Sinuman ang nag-iisip na sila ay nagtatakda ng petsa at pinadala upang sabihin sa inyo kung kailan darating ang kagalakang lubos (rapture) ng Nobiya, hindi KO sila pinadala. Iyan ang dahilan kung bakit tinawag KITANG Ringmaiden at sinabi KO na sa iyo na AKO ay babalik sa isang Shabbat, at sinumang nagsasabi na ito ay mangyayari ng araw ng Linggo, malalaman [ninyo] na sila ay hindi mula sa AKIN. Sinuman na nagsasabi na ito ay mangyayari sa anumang iba pang araw nguni’t ang Shabbat, mapagtatanto na ito ay hindi mula sa AKIN sapagka’t hindi AKO isang lalaki na maaaring magsinungaling. Mga sinungaling ay darating, at sila ay darating sa inyo, tulad ng isang anghel ng liwanag. Bakit sa tingin ninyo, napakaraming beses, ang Salita ay lumabas, sa araw na ito, sa araw na iyon, ang kagalakang lubos (rapture) ay darating, nguni’t hindi ito nagkahanay sa kung ano ang sinabi KO sa iyo/inyo?

Mag-aral at basahin ang mga propetikong mga mensahe na AKING ibinigay na sa iyo, at kung ito ay hindi nakalinya, itapon ito. Sapagka’t ikaw ang AKING Ringmaiden, at tulad ng ang tagasigaw ay isinigaw/isisigaw, “Ihanda ninyo ang daan, ang Nobiyo ay paparating,” Gayon rin sasabihin KO sa inyo, at ang totoong Banal na mga Anghel ay darating. Nguni’t hindi mo kailangan ng sinuman upang sabihin sa iyo ang petsa. Ang Banal na mga Anghel ay magpapakita lamang at huhulihin ang kaaway ng walang kamalayan. Ngayon Elisabeth [Elisheva], hindi mo na kailangan bitbitin/dalhin ang pasanin kapag ang mga tao ay sumusulat sa iyo at sinasabi, “AKO ba ang Nobiya?” Ngayon maaari na nilang marinig ang propetik na mensaheng ito na nagmula mismo sa AKING bibig at sila mismo ay malalaman sa pamamagitan ng mga salita na sinabi, “AKO ba’y Nobiya ni YAHUSHUA?” Mag-ingat ang huwad na Nobiya. Pagmasdan ang AKING Tunay na Nobiya. Ito ang Huling Tawag para sa AKING Nobiya.

************

Nakakayamot/nakakagalit sa ilan, nagbibigay ng kaliwanagan sa iba sa Pangalan ni YAHUSHUA HA MASHIACH,

Apostol Elisabeth Elijah (Elisheva Eliyahu)
2/15/06

P.S. Pakiusap malayang kopyahin at ibahagi ito sa iba, ang lahat ay hinihiling lang namin na iiwan/kopyahin ang buong mensahe na/ng buo kabilang ang paliwanag ng kung papaano lumabas ang propetik na mensahe. Salamat sa lahat na tumutulong sa Ministri na ito at sa akin.